You are on page 1of 3

Sa pagbagsak ng imperyong romano isang panibagong uri ng pamumuhay ang umusbong sa

kontinente ng Europa ito ay ang pagsisimula at pag-unlad g gitnang panahon o middle ages.

Ayon sa mga historyador ito ay naganap noong ika-limang siglo hanggang ikalabing lima at ito ay
tumutukoy sa panahon sa pagitan ng pagbagsak ng mga klasikong kabihasnan sa kontinente ng
Europa at ang muling pagbabalik nito sa panahon ng renaissance.

Tuluyan ngang nawalan ng lakas at kapangyarihan ang roma na ipagtanggol ang


kanilang imperyo

Nagsimula ring nagdatingan ang mga barbarong mananakop sa roma mula sa


hilaga ng europa \

Unti unti nilang sinalakay at sinira ang estado ng rome. Kanilang sinunog ang mga
templo, estraktura at gusali sa loob nito.

Lumubha ang kagutuman bunga g kawalan ng hanapbuhay sa dating imperyo.


Bumuo naman ng mga maliliit na kaharian ang mga etnikong aleman at namayani
sa pook mula sa ika anim na siglo hanggang sa simula ng ika pitong siglo.

Nagbunga ag pagbagsak ng imperyong rome sa paglakas ng isang institusyon na


malaki ang bahaging gagampanan sa kasaysayan ng Europa at ito ay ang
simbahan.

Bumuo ang santo papa ng isang alyansa kasama ang Frankish Empire kapalit nito
pinagkalooban sila ng mga lupain na tinatawag na people states sa rome na kilala
ngayon sa pangalan na Vatican City.

Sinuportahan din nila ang pagpapalaganap ng relihiyong kristiyanismo dahil dito


lalong lumakas ang impluwensya ng simbahan sa pagpasok ng gitnang panahon.
Nagsimula rin umikot sa simbahan ang buhay ng mga tao sa lipunan. Nagbigay ito
ng malaing impluwensya sa mga pamilya, paaralan at maging sa pamahalaan.
Naing sandigan ito ng mga paniniwala kung kayat itinuring na pangunahing
institusyon sa gitnang panahon

At dahil sa pagbagsak ng Imperyong romano ay nagkawatak watak ang mga


lipunan nito. Sa papamagitan ng simbahan ay nagawa nitong unti-unting
pagbuklurin ang mga estado sa europa. Tumugon din ito sa mga pangunahing
pangangailangan ng mga taong bayan. Ang paglakas ng simbaha ay nagbunsod rin
ng paglakas ng organisasyon nito . Anyong tatsulok ang kurti nito at ito ay
pinangungunahan ng santo papa.

Nagsasagawa ito ng misa at ibat ibang seremonya ayon sa organisasyon nito.


Pinamumunuan ito ng santo papa na sya ring pinakamataas sa organisasyon ng
buong simbahan
Kasunod niya ay ang mga kardinal na pinipili naman ng mga santo papa. Katuwang
ng papa na pinili sa hanay ng mga arsobispo na syang pangkat na naghahalal sa
santo papa sa kabuuan.

Sumunod ay ang mga arsobispo na syang pinakamataas na obispo at namamahala


sa loob ng mga dioses.

Ikaapat ay ang obispo na syang pinuno ng mga dioses sa loob ng mga lalawigan.
Tungkulin ng mga obispo na lutasin ang mga sigalot na may kaugnayan sa mga aral
ng mga simbahan at gabayan ang mga pari.

Huli ay ang mga pari na pinuno ng mga parokya sya ang nagsasagawa ng mga
misa at sakramento sa loob ng parokya

Dumating ang panahon ang simbahan ay pinagkalooban din ng mga lupain upang
makuha ang kanilang suporta gayundin nagsilbi nila itong pondo

Noong 500 CE naman nang lumaganap sa Europa ang Monastisismo o ang


pagtalikod sa makamundong pamumuhay upag ialay ang sarili sa diyos. Nagsimula
ito nang itatag ni saint benedict ang isang monasteryo sa monte casino italy. Ang
mga monghe ang nagpapalaganap ng pananampalataya sa europa at gumawa ng
kopya ng mga aklat sa latin. Kalaunan ay nagtanan din ang simbahan ng
impluwensyang politikal. Noong ikawalong siglo itinatag ang papal state sa italy.
Ang teritoryong ito ay nasa ilalim ng tuwirang pamamahala ng papa. Naipamalas rin
ang kapangyarihan ng sa pagkakaroon ng canon law o batas ng simbahan na
gumagabay sa kasalanan ng tao.

Sinunod ito hindi lamang ng mga karaniwang tao at ng mga maharlika pati na rin g
mga hari. Bilang parusa sa hindi pagtalima sa canon law. Ipinatupad ang ex-
communication at interdict.

Sa excommunication ay itinitiwalag ang isang tao mula sa simbahan at


tinatanggalan ng pagkakataon na mailigtas ang kaluluwa. Sa interdict naman ay
hindi pinahihintulutang makatanggap ng anumang sakramento o seremonyang
panreihiyon ang isang taong nagkasala laban sa simbahan. Mabigat itong parusa
sapagkat pinaniniwalaan ng mga kristiyano noon ang hindi pagtupad sa mga
sakramento ay magdudulot ng pagkasunog ng kanilang kaluluwa sa impyerno

Noong 1232 itinatag naman ng simbahan ang inquisition isang hukumang naglilitis
at nagpaparusa sa mga taong pinaghihinalaan o napatunayang nagkasala ng
hersey

Ang hersey ay anumang gawain laban sa simbahan at mga katuruan nito. Lubos
namang naipamalas ng papa ang kapangyarihan at impluwensya ng simbahang
katoliko sa paglulunsad ng mga krusada.
Sa kabuuan ay malaki ang naitulong ng simbaha sa apetong spiritual,
pangkabuhayan at lipunan sa buhay ng ga tao sa gitnang panahon at ito ay
naganap sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng relihiyong kristiyanismo

You might also like