You are on page 1of 1

Ang teknolohiya ay ang pinakaimportanteng mapag-kukuhaan ng impormasyon ng mga magaaral

sa panahon ngayon ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at


proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Ito ay ating makikita sa lahat ng
aspeto ng ating buhay. Mula sa selpon na ating gingamit, papunta paglalaba ng ating damit. Lahat
ng ito ay dulot ng teknolohiya. Ito ay makabuluhan sapagkat pinahuhusay nito ang ating
pangkalahatang kalidad ng buhay. Upang magamot ang mga sakit, gumagamit tayo ng
teknolohiya. Kailangan din ito para sa pagpapalawak ng kaalaman. At sa pamamagitan din ng
pagsearch ay makikita mo na ang hinahanap mong impormasyon hindi katulad noon na kailangan
pa ng mga libro upang mahanap ang mga kailangang impormasyon. 
Lahat ng bagay na labis ay masama, lalo na ang pag gamit ng internet para sa mga kabataan ng
walang maayos na gabay mula sa kanilang mga magulang, guro o mas nakakatandang kapatid,
kaibigan, kamag-anak o guardian.
Maraming mga bagay na hindi maganda para sa isang bata ang maaaring makita, mabasa,
mapanuod at mapakinggan sa internet. Nariyan ang mga pelikulang masyadong bayolente o
maaksyon na siyang maaaring maging tama sa mata ng mga bata. Nariyan rin ang mga larong
hindi nila maiwan iwan kahit oras ng pagkain o pag aaral. Dahil sa mga larong ito, nakakalimutan
na ng mga bata ang kanilang responsibilidad sa sarili na makapag aral ng maigi upang
makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho at gumanda ang kanilang buhay at
kinabukasan. Sa mga oras na ginugugol nila sa pag gamit ng mga makabagong teknolohiya na ito
at internet, marami pa sana silang magagawa na mas kapaki pakinabang sa kanilang pamilya,
komunidad at sarili.
 Hindi lang sa mga laro nahuhumaling ang kabataan dahil nariyan rin ang pag gamit ng mga social
media websites o app, na siya ring may masamang nadudulot sa kanila. Nagiging kuta ito ng
cyberbullying, isang uri ng bullying na ginagawa sa internet. Ang ibang bata ay lalaitin, kukutyain
at sisiraan ang kapwa nila bata sa social media gamit ang mga pribadong larawan at
impormasyon ng kapwa nila bata. Hindi ito mainam na kamulatan nila habang sila ay nasa murang
edad pa lamang. Ang internet ay isang bagay na kapaki-pakinabang kung ang mga bata at tao ay
gagamitin lamang ito sa kabutihan.
Palaging isaalang-alang kung paano namin magagamit ang teknolohiya nang responsable upang
mapabuti ang aming kasalukuyang buhay at ang buhay ng mga susunod na henerasyon.

Ang teknolohiya ay makabuluhang aspeto ng ating buhay sapagkat ang pagsulong at paggamit ng mga
makabagong kagamitan ay nakakatulong sa atin sa iba't ibang paraan tulad ng pagsasagawa ng ating mga
pang-araw-araw na gawain, pagpapalawak ng ating kaalaman, pagtuklas ng mga gamot bilang lunas,
pagpapaunlad sa ating lipunan, atbp.

Sa isang mag-aaaral, ang teknolohiya ay ang pinakaimportanteng mapag-kukuhaan ng impormasyon sa


panahon ngayon dahil ito’y mas madaling gamitin at puntahan. Ang internet ang laging pinupuntahan ng
mga kabataan ngayon upang magkaroon ng kaalaman na layuning pang-edukasyon o kaalaman patungkol
sa kalagayan ng ating lipunan. Ngunit ang labis na paggamit nito ay nakasasama, lalo na’t kung walang
maayos na gabay mula sa kanilang magulang o sa mas nakatatanda.

Maraming mga bagay na hindi maganda para sa isang bata ang maaaring makita, mabasa, mapanuod at
mapakinggan sa internet. Nariyan ang mga bayolente o rated spg na mga pelikulang hindi angkop panoorin
ng mga bata. Nariyan rin ang mga larong hindi nila maiwan iwan kahit oras ng pagkain o pag aaral. Dahil sa
mga larong ito, nakakalimutan na ng mga bata ang kanilang responsibilidad sa sarili na makapag aral ng
mabuti. Hindi lang sa mga laro nahuhumaling ang kabataan dahil nariyan rin ang pag gamit ng mga social
media websites o app, na siya ring may masamang nadudulot sa kanila. Nagiging kuta ito ng cyberbullying,
isang uri ng panlalait o pangungutya na ginagawa sa internet.

Ang lahat ng ito ay hindi mainam na kamulatan ng kabataan habang sila ay nasa murang edad pa lamang.
Ang internet ay isang bagay na kapaki-pakinabang kung ang mga bata at tao ay gagamitin lamang ito ng
responsable at para sa kabutihan.

You might also like