You are on page 1of 2

Balangkas ng Panayam

Juan Miguel C. Santos First Year Gustilo Ma. Lorena S. Laurino 23 taong gulang Guro sa Filipino Holy Rosary Academy of Las Pias City / 5:07 ng hapon Mga katanungan: 1. Nakapagbasa ka na ba ng pabula? 2. Ano ang paborito mo sa iyong mga pabulang nabasa? 3. Paano mo maiu-ugnay ang mga aral na iyong natutunan sa iyong sariling karanasan? 4. Nabago ba ng nabasa mong mga pabula ang iyong pananaw sa buhay? 5. Ano ang iyong mensahe sa mga mag-aaral na hindi nawiwili sa pagbabasa ng pabula? Madalas akong magbasa ng mga ito dahil hindi lang ito maganda, itinuturo/ginagamit ko rin itong pangturo sa aking mga estudyante. Paborito ko ang storya nila Pagong at Matsing na isinulat ni Dr. Jose Rizal. Ito ay tungkol sa isang mabait na pagong at tuso na matsing. Halimbawa, sa kwentong Ang Pagong at Matsing, nagtuturo sa atin ito na ang pagiging tuso at sakim ay walang maidudulot na kabutihan. Oo, kasi sa tulong ng kwento, nalaman kong yung mga aral na dapat kong matutunan at itatak sa isipan. Para sa mga estudyante ko, dapat kayong magbasa ng pabula dahil sa mga nababasa natin meron tayong nakukuhang aral at mas napapalawak ang ating bokabularyo

Natutunan ko na maganda pala ang naidudulot ng pagbabasa ng mga pabula. Hindi lang na may napupulot tayo ng aral at napapalawak ang ating bokabularyo, kapag naiinip tayo, magbasa lang tayo ng pabula, natatanggal ang ating pagkainip at mas mawiwili tayo at magbabasa tayo ng magbabasa. Naisip ko din na pag nagbasa tayo ng nagbasa ng pabula, maiimpluwenshahan natin ang mga dayuhan tulad ng mga amerikano na magbasa ng mga pabulang tagalog tapos magsisidating pa ang ibang dayuhan para magbasa ng mga ating pabula at baka sakali mapalahok tayo sa Guiness Book of World Records.

You might also like