You are on page 1of 2

Rechiel Barcenas BSED Filipino 2-1

“PANITIKAN SA AKING BUHAY”

Taong 2017, ako ay nasa baitang siyam kung saan may asignatura kaming

Filipino at natalakay namin ang panitikan.

(Pagbabalik-Tanaw)

“Okay class, maghanda na sa panibagong leksiyon na ating tatalakayin ngayon”,

masiglang sambit ni Gng. Borja.

Si Gng. Borja ay ang aming adbayser at ang nagtuturo sa amin sa asignaturang

Filipino.

“Makinig ang lahat sapagkat maya-maya ay iisa-isahin ko kayong tatanungin

kung kayo ba ay talagang nakinig sa ating leksiyon ngayong araw”, dagdag pa niya.

“Opo ma’am”, sagot ko at ng mga kaklase ko.

“Handa na ba kayo”, tanong ni Gng. Borja

“Handang-handa na po”, sagot naming lahat.

“May ideya ba kayo kung ano ang ating tatalakayin ngayon?”, tanonng ni Gng.

Borja.

“Wala po ma’am”, ani ng mga mag-aaral.

Nagsimula na ngang magtalakay ang aming guro habang ang iba kong mga

kaklase ay hindi nakikinig. Ako naman ay abala sa pakikinig at baka sakaling ako ay

tatanungin mamaya at wala akong masagot.

Sa kalagitnaan ng pagtatalakay……..

“Charles, magbigay ng mga halimbawa ng panitikan”

“Ang mga halimbawa ng panitikan ay ang nobela, alamat, maikling kwento,

sanaysay, pabula, parabula at marami pang iba ma’am na panulat na nagpapahayag ng

mga karanasan, damdamin o kwento ng buhay ng isang tao”, sagot ni Charles.


“Mahusay Ginoo. Talagang nakinig ka sa aking pagtatalakay. Ngayon naman,

mahalaga ba ang panitikan sa buhay ng isang tao? Kung oo, ano ang kahalagahan nito,

Bb. Barcenas?

Sa puntong ito, alam kong may maisasagot ako sapagkat nakinig naman ako

habang nagtatalakay si ma’am at saka nag take down notes naman ako kaya kampante

lang ako.

“Opo, ma’am. Mahalaga ang panitikan sa ating mga buhay dahil ito ay

naglalarawan sa mga karanasan, kultura, at tradisyon ng mga sinaunang Pilipino. Dahil

dito, maaari nating pag-aralan ang mga pangyayari sa ating kasaysayan at magamit

ang mga aral sa kasalukuyang buhay natin”, kampanteng sagot ko.

“Magaling Bb. Maraming salamat at maari ka ng maupo”.

“Kung ating titignan ang kasaysayan, isa sa mga instrumento ng rebolusyon ang

panitikan. Makikita ito sa panahon ng ating mga bayani noong sinakop tayo ng mga

kastila. Higit sa lahat, ang panitkan ay mahalaga sa ating mga buhay dahil ito ay

sumasalamin sa ating mga emosyon na kadalasan hindi natin maaaring ipalabas. Kaya

naman bilang miyembro ng lipunan, tayo ay napag-iisa ng panitikan”

Ngayon, magkakaroon tayo ng pagsasadula bilang sukat ng inyung mga

nalalaman sa araw na ito. Diba may pangkat na kayo? Kaya naman, bawat pangkat ay

gagawa ng iskrip na nagpapakita ng kahalagahan ng panitikan. Diba sinabi na ni Bb.

Barcenas kung ano ang kahalagahan ng panitikan? Kung nakinig kayo ay may ideya na

kayo. Bibigyan ko kayo ng sampung minuto para makapaghanda at pagkatapos ay

sisimulan na natin ang pagsasadula, naintindihan?, ani ni Gng. Borja.

“Opo,ma’am”.

Yun ang naging karanasan ko sa kung ano pinahalagahan ang panitikan.

At dito nagtatapos ang aking kwento. Maraming salamat sa pagbabasa.

You might also like