You are on page 1of 2

“Sinturon (Marrz Balaoro’s Life Story)”

Buod:

Ang kwentong "Sinturon" na ibinahagi sa Maalaala Mo Kaya ay tumutukoy sa buhay ni Marrz Balaoro,
isang tomboy. Ito ay isang kwento ng pag-ibig, pagbabago, at pag-akma sa lipunan. Simula ng kuwento,
ipinakikilala si Marrz Balaoro bilang isang batang babae na pilit na nagtatangkang na maging isang babae.
Mula sa kanilang paglaki, sinusuportahan at naiintindihan siya ng kanyang ina sa kanyang
pagkakakilanlan bilang isang tomboy. Gayunpaman, hindi ganap na natanggap si Marrz ng kanyang tatay
dahil siya ay hindi sumasabay sa mga tradisyunal na papel na inaasahan sa isang babae. Bata pa lamang
si Marrz ay binubully na siya ng ibang bata dahil siya ay isang tomboy. Hindi matanggap-tanggap ng ama
na siya ay isang tomboy kaya hindi naranasan ni Marrz na ipagtanggol siya sa mga nambully sakaniya.
Hindi siya binibigyan ng pera dahil ang gusto ng kaniyang ama na hindi siya bibigyan ng pera hangga’t
hindi siya nagpapakababae. Kaya hanggang sa paglaki nito hindi na umasang bibigyan ng pera si Marrz.
Lahat ng kailangan niya sa eskwela ay galing sa sariling sikap. Kalaunan ay tumutulong nalang si Marrz sa
kaniyang nanay sa pagbebenta. Dito niya nakilala ang una niyang kasintahan na si Nida. Ngunit nung
nalaman ito ng kaniyang ama ay labis na nagalit ito sakaniya dahil sa halip na tulungan niya ang ina ni
Marrz ay mas inaatupag niya ang pagsama kay Nida. Kung ganon ay umalis nalang si Marrz sa kanilang
bahay at nanirahan nalang siya kina Nida. Nakita ni Marrz si Inna na kumakaing magisa, nilapitan niya ito
at ipinakilala ang kaniyang sarili na siya ay ang kasintahan ni Nida. Una ay masaya sina Nida at Marrz
ngunit nung siya ay magpaplanong mag a-Airforce si Marrz ay nagalit ang kaniyang kasintahan at biglang
nagkalabuan ang dalawa hanggang sa naghiwalay sila. At dahil iyon ang kaniyang pangarap, itinuloy ni
Marrz ang plano niyang pagpasok sa Airforce. Bumalik si Marrz sa bahay nila at ipinakita sa kaniyang ama
ang resulta ng exam niya sa Airforce, siya ay pasado ngunit imbis na matuwa ang kaniyang ama ay nagalit
ito. Ayaw ng kaniyang ama na pumasok si Marrz sa Airforce dahil nga sa kagustuhan ng kaniyang ama na
siya ay magpakababae. Inaamin ni Marrz na siya ay tomboy, katawan lang ang babae sakaniya ngunit sa
isip at sa puso niya ay siya ay lesbian. Hindi matanggap tanggap ng kaniyang ama na siya ay isang tomboy
kaya ipinunit nalang nito ang papel na ipinakitang resulta ng exam ni Marrz. Hindi na naglaban pa si
Marrz sa pagtutol ng kaniyang ama na pumasok sa Airforce. Naghanap nalang ito ng ibang paraan para
makamit niya ang hinahangad na kalayaan, baon ng lakas ng loob at basbas ng kaniyang ina ay tumulak
siya ng Hongkong. At dun niya nakilala ang kaniyang employer na sobrang bait at tanggap nito kung ano
siya. Nakita niya si Inna na nakaupo at may binabasa, nilapitan niya ito at ipinakilala ulit ang kaniyang
sarili. Tinanong siya ni Inna kung bago palang raw siya don sa Hongkong at kung may mga kaibigan na ba
si Marrz, sumagot kagad si Marrz na wala pa. Kaya nilapitan siya ni Inna at niyayang sumama sakaniya
dahil ipapakilala siya sa mga kaibigan ni Inna, ang mga kaibigan nito ay gaya rin sakaniya na lesbian. Mga
ilang araw nang nakalipas ay naging mag kasintahan sina Inna at Marrz…. Isa sa mga kaibigan nila ay
sinuntok ng amo nito dahil na siya’y isa ring lesbian, pinapabalik daw ng Pilipinas ang kanilang kaibigan
kasi hindi raw lalaki ang hinahire ng amo babae raw. Ngunit hindi sila makareklamo sa agency dahil
mahirap iyon magbabalik raw ulit sa panibagong placement fee, sayang ng pera. Nahihirapan na sila
dahil ang iba ay hindi matanggap tanggap na sila ay lesbian… Isang araw ay nagkaroon ng hindi
pagkakaintindi ni Inna kay Marrz dahil nung hindi sumipot si Inna sa kanilang pagkikita ay may lumapit na
isang babae kay Marrz dahil magisa lang siya at nakita ni Inna na magkasama. Nagalit si Inna dahil ang
akala nito ay niloloko siya ni Marrz. At dun ay naghiwalay sina Inna at Marrz… Ilang araw ay nagpagupit
si Marrz at nakita iyon ng kaniyang amo pero hindi ito galit at ang anak ng kaniyang amo ay lumapit at
sinabi na kasi siya ay lalaki. Natuwa rin ito at nagcelebrate sila ng birthday ni Marrz. Napakasaya ng
pagsasama nina Marrz at ang pamilya ng kaniyang amo dahil para bang pamilya na niya rin ito… isang
araw ay pupunta si Marrz sa cr at pinatigil ng isang babae na huwag sa pang babaeng cr dahil
napagkamalan si Marrz na lalaki. Sinabi ni Marrz na hindi siya pwedeng pumunta sa panlalakeng cr dahil
nga na siya ay babae talaga ngunit pusong lalaki at ayaw pa rin ipapasok sa pambabaeng cr, pinatunayan
ni Marrz na sa pambabae siyang cr… May narinig si Marrz sa isang tomboy na kung paano nagawang
maging isang parang lalaki, sinabi ng isang tomboy kung ano ang ginawa niya at sinubukan rin ni Marrz
ngunit nagamit niya lang ito mga dalawa o tatlong beses lamang dahil sumasakit ang kaniyang dibdib at
pinapunta siya sa hospital at sinabi ng doktor na hindi raw compatible ang iniinom niya dahil hindi kaya
ng puso ni Marrz. Kaya tinigil ni Marrz ang pag inom nito, dahil gusto niya pang mabuhay ng mahaba…
ilang araw ay aalis ang kaniyang amo at sinasabi nila na sumama si Marrz ngunit ayaw nito dahil mas
gusto niyang doon siya sa Hongkong dahil nandoon ang mga tinuring na niyang pamilya at kaibigan,
naiintindihan naman ng kaniyang amo. Ang pag alis ng pamilya ng kaniyang amo ay parang nabawasan
rin siya ng isang pamilya sa Hongkong. Binigyan si Marrz ng kaniyang amo ng magandang
recommendation para makahanap ng ibang employer. Lalo namang lumalim ang samahan ng isa pa
niyang pamilya. Ngunit nagkaroon ng problema ang magkakaibigan dahil sa nangyare nanamang
deskriminasyon sa kanila pero hindi sila makapag reklamo dahil dayuhan lamang sila at ang gastos nito.
Hindi pwedeng nangyayare ito sabi ni Marrz sa kaniyang mga kaibigan, mauulit at mauulit lang ito at
mangyayare raw ito dahil lesbian sila. Deskriminasyon lamang ito sa kanila na mga LGBTQ. Kaya gumawa
sila ng paraan para sa mga gaya nilang LGBTQ. Meron na silang sariling lugar na matatawag nilang
tahanan na isang shelter house para sa mga taong walang mauwian don sa Hongkong. Naging masaya
ang nangyare dito nagkaroon siya ng lakas ng loob na humarap sa kahit anong situsyon at makipagusap
sa kahit sinong tao. Nadala niya ito maging sa muli niyang pagharap sa kaniyang pamilya. Nang makauwi
na si Marrz sa pinas ay tuwang tuwang makasalubong ng kaniyang ama si Marrz na proud na proud sa
kaniyang anak at napagtanto niya na kahit ganiyan ang kaniyang anak na si Marrz ay maraming naitulong
niya.

Panitikan: Formalismo

Patunay:

Ang kwento ng "Sinturon" ay isang episode ng kilalang palabas na "Maalaala Mo Kaya" ng ABS-CBN. Ito
ay isang palabas na nagbibigay-diin sa mga totoong kuwento ng buhay ng mga tao na nagdudulot ng
inspirasyon at pag-asa sa mga manonood. Sa pagitan ng mga pangyayari sa kwento, ipinapakita ang mga
pagsubok na kinakaharap ng mga miyembro ng LGBTQ, pati na rin ang kanilang determinasyon at lakas
ng loob na harapin ang diskriminasyon at hanapin ang tunay na pagkakakilanlan. Ang kwento ay
nagpapakita ng paglalakbay ni Marrz Balaoro bilang isang transgender na lalaki, mula sa pagkakabigo at
pagtanggihan ng kanyang ama hanggang sa pagtanggap at pagmamahal na natagpuan niya sa Hong
Kong. Ang episode na ito ay nagtatampok ng mga mahusay na pagganap mula sa mga aktor tulad ni Anne
Curtis bilang Marrz, Carlos Siguion-Reyna bilang Martin, at Rita Avila bilang Lenida. Ang kanilang mga
emosyonal na pagganap ay nagbigay-buhay sa kwento at nagdulot ng malalim na epekto sa mga
manonood. Ang kwento ng "Sinturon" ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagtanggap, pagmamahal, at
pagkilala sa mga indibidwal na may iba't ibang kasarian at orientasyon. Ito ay isang patunay na ang
pagkakaiba ay dapat ipagdiwang at respetuhin sa lipunan.

Reference:

https://youtu.be/EZ5FngjWBtw?si=Hz3TqHv-9VK-ib2f

You might also like