You are on page 1of 1

Sa isang Sitio ng Baranggay Old Poblacion, na kung tawagin ay Sitio Bangkiling, ay

naninirahan ang magkapatid na sina Anya, labing-apat na taong gulang, at Wena,


labing-anim na taon gulang. Madaling araw pa lamang ay gising na sila upang ihanda
ang mga ilalakong isda.
Tumutulong sila sa kanilang ina sa pagtitinda ng mga ito upang mas madaling matapos
ang gawain. Ang mga isdang inilalako nila ay mga pawang sariwa dahil ito ay mga
huli rin ng kanilang ama.Pumapalaot tuwing gabi ang kanilang ama upang mangisda,
pagka-uwi nito sa madaling araw ay sila namang mag-lina ang naghahanda sa mga isda
upang mailako. Inilalako nila ang isda sa kanilang Sitio. At kung may matira pa ay
umaabot sila sa pagtitinda nito sa kabilang Sitio.Hindi ikinakahiya nina Anya at
Wena ang paglalako ng isda dahil sa murang edad ay natutunan na nila na isang
marangal na trabaho ang ginagawa ng kanilang mga magulang.
Nasisiyahan sila sa kanilang ginagawa sapagkat nakakatulong sila sa kanilang mga
magulang sa gastusin sa loob ng bahay. Naniniwala silang sa murang edad
kinakailangang maging masipag upang makatulong sa pamilya.

1. Ano ang inilalako ng magkapatid?


a. Pan bisaya
b. Isda
c. Milk Tea
2. Kailan pumapalaot ang kanilang ama?
a. Tuwing gabi
b. Tuwing madaling-araw
c. Tuwing tanghali
3. Paano ipinakita ng magkapatid ang kanilang pagtulong sa pamilya?
a. sa pamamagitan ng pamamasada ng traysike!
b. sa pamamagitan ng paglalako ng mga isang huling ama
c. hindi sila tumutulong sa pamilya
4. Ikinakahiya ba ng magkapatid ang hanapbuhay ng kanilang ama?
a. Oo, nagtatago sila sa bahay upang hindi malaman ng tao na anak sila ng
mangingisda.
b. Hindi, dahil sa murang edad natutunan na nilang marangal ang hanapbuhay ng
kanilang ama.
c. Wala sa nabanggit
5. Paano malalaman na hindi labag sa loo bang ginagawang pagtulong ng magkapatid sa
pamilya?
a. Nasisiyahan sila sa kanilang ginagawa dahil nakatulong sa sila sa pamilya
b. Nagdadabog sila habang naglalako ng isda.
c. Umiiyak sila sa kwarto dahil ayaw nilang tawagin silang tindera.

You might also like