You are on page 1of 14

PAGBASA AT

PAGSUSURI NG IBA’T
IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK
KAGAMITANG PANGKURSO BLG. 2

Termino 2 AY 2023-2024 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Page | 1


Teksto tungo sa Pananaliksik
INAASAHANG PAGKATUTO

Sa pantulong na kagamitang ito,


inaasahan na ang mga mag-
aaral ay:

Nauunawaan ang
kahulugan, layunin, at konspeto
ng tekstong impormatibo

Naipaliliwanag ang
kahalagahan ng tekstong
impormatibo at naiuugnay ito
sa pang-araw-araw na gawain

Nakasusulat ng isang
tekstong impormatibo bunga
ng pananaliksik
https://www.eurokidsindia.com/blog/strategies-for-encouraging-active-reading-and-comprehension-in-kids.php

Termino 2 AY 2023-2024 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Page | 2


Teksto tungo sa Pananaliksik
MABUHAY NATIONALIANS!

Sa kabila ng mabilis na pagbabago sa lipunan at NILALAMAN NG MODYUL


pag-unlad ng teknolohiya sa buong mundo, marami pa rin
ang tumatangkilik sa mga nakalimbag na babasahin. Hindi
○ Inaasahang Pagkatuto 2
maipagkakaila na marami pa rin ang nahihilig sa pagkolekta
○ Introduksyon 3
at pagbabasa ng mga aklat, pahayagan, nobela, o magasin.
○ Nilalaman ng Modyul 3
Patunay ito na ang mga tao ay likas na mapaghanap ng
○ Uswag 4
kaalaman at anumang bagay na makapaghahasa sa
○ Ang Tekstong Impormatibo 5
kaniyang isipan. Sa araling ito, sisimulan natin ang
○ Mga Elemento ng Tekstong 6
pagtalakay sa iba’t ibang uri ng teksto. Ang unang tekstong
Impormatibo
ating tatalakayin at hihimayin ay ang Tekstong
Impormatibo. ○ Iba’t ibang Uri ng Tekstong 7
Impormatibo
○ Mga Halimbawa 8-10
Aalamin natin ang mga elemento, halimbawa at katangian
○ Buod 11
ng isang tekstong ang layunin ay magbigay ng
○ Gawaing Pampagkatuto 12
impormasyon at tiyak na datos sa mga mambabasa.
○ Mga Sanggunian 13
○ Mga Kontribyutor 14
Halina’t tuklasin at suriin ang isang Tekstong Impormatibo.
Sama-sama tayong matuto pa ng mga karagdagang
kaalaman tungkol sa tekstong ito. Padayon!

Termino 2 AY 2023-2024 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Page | 3


Teksto tungo sa Pananaliksik
USWAG!

TIMBANGIN MO! Tandaan: Magbigay ng mga ebidensya o patunay


na pahayag sa inyong bawat sagot.
Hatiin ang klase sa apat (4) hanggang
anim na (6) pangkat.
Tekstong babasahin:
Ipabasa ang dalawang (2) kopya ng https://docs.google.com/document/d/13ze9a
teksto at gamiting gabay ang mga OGvKLMcjyuS3uS-lk7ezodcavcHSSXX4ybl-
oY/edit
tanong sa ibaba na siyang nararapat
sagutin at ipaliwanag ng piling
kinatawan o buong pangkat.

1. Patungkol saan ang teksto?


2. Ano ang mga datos na
ibinahagi sa teksto?
3. Mula sa dalawang tekstong
binasa, alin ang masasabi
mong pinakamahusay na
teksto at bakit?

https://www.craiyon.com/image/hQUTOu4kTHa9ddK3sFabyw

Mula sa inihandang powerpoint presentation

Termino 2 AY 2023-2024 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Page | 4


Teksto tungo sa Pananaliksik
MGA TANONG NI
PINA

➢ Ano ang tekstong


impormatibo?
Ang tekstong Impormatibo ay isang uri ng babasahing di-
➢ Paano piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o
magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa
nakaaapekto ang
iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham o
mga tekstong siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya,
impormatibo sa kalawakan, panahon, at iba pa.
pang-araw-araw na
pamumuhay ng Sa tekstong ito, ang mga impormasyon o kabatirang inilahad
tao? ng manunulat ay hindi nakabase sa kaniyang sariling
opinyon, bagkus sa katotohanan at mga datos. Hindi mo
masasalamin ang pagsang-ayon o pagtaliwas ng may-akda sa
isang paksa. Karaniwang may malawak na kaalaman tungkol
sa paksa ang manunulat o kaya’y nagsasagawa siya ng
pananaliksik at pag-aaral ukol dito.

Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa


mga pahayagan, balita, magasin, textbook, sa mga
pangkalahatang sanggunian tulad ng encyclopedia, at iba’t
ibang website sa internet.

Dahil sa mga katangiang ito ng tekstong impormatibo, laging


may nadadagdag na bagong kaalaman o napapayaman ang
mga dati nang kaalaman ng taong nagbabasa nito

Layunin ng Tektong Impormatibo

1. Magbigay Impormasyon
Layunin ng tekstong impormatibo na makapagbigay
ng impormasyong nakakapagpalawak ng kaalaman.

2. Maghatid ng balidong datos


Hindi sapat na nagbibigay lamang na impormasyon
ang teksto. Mahalaga na tiyak at mapananaligan ang
mga datos na ito.

Termino 2 AY 2023-2024 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Page | 5


Teksto tungo sa Pananaliksik
➢ MGA ESTILO SA PAGSULAT,
KAGAMITAN, SANGGUNIAN

Makapagbibigay-diin sa mahahalagang bahagi


gaya ng:
➢ LAYUNIN NG MAY-AKDA
1. Paggamit ng mga nakalarawang
Maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may- representasyon (mga larawan, guhit, dayagram,
akda sa pagsulat ng isang tekstong tsart, timeline, talahanayan, atbp.).
impormatibo. Maaaring layunin ang mga
sumusunod: mapalawak ang kaalaman sa 2. Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa
paksa; maunawaan ang mga pangyayaring teksto (pagsulat nang nakadiin, nakahilis,
mahirap maipaliwanag; matuto nang nakasalungguhit, may panipi at iba pang tanda).
maraming bagay; masaliksik ang mga
kaalamang pang-agham. Samakatuwid, 3. Pagsulat ng mga talasanggunian (mga aklat,
pagbibigay o paglalahad ng impormasyon. kagamitan, at iba pang sangguniang ginamit
upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang
➢ PANGUNAHING IDEYA naging basehan ng mga impormasyon.
Dagliang inilalahad ang mga pangunahing
ideya. Nagagawa ito sa paglalagay ng
pamagat sa bawat bahagi na tinatawag na
organizational markers.

➢ PANTULONG NA KAISIPAN
Ang mga pantulong na kaisipan o mga
detalye ay nakatutulong upang mabuo sa
isipan ng mga mambabasa ang pangunahing
ideyang nais niyang matanim o maiwan sa
kaniya.

https://www.craiyon.com/image/qL-AI5z6R9CWkzF11bNX5Q

https://www.craiyon.com/image/Jzo259E0QROancKOY2EsEg

Termino 2 AY 2023-2024 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Page | 6


Teksto tungo sa Pananaliksik
Pag-uulat Pang-impormasyon

Nakalahad ang mahahalagang kaalaman o


impormasyon tungkol sa tao, hayop, iba pang
bagay nabubuhay man o hindi, gayundin ang mga
pangyayari sa paligid. Halimbawa nito ang ilang
Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan paksa patungkol sa teknolohiya, global warming,
cyberbullying, endangered species,
Inilalahad ang mga totoong pangyayaring impormasyon tungkol sa mga halaman at iba pa.
ang pagsula ng ganitong uri ng teksto ay
naganap sa isang panahon o pagkakataon.
nangangailangan ng masusing pananaliksik
Maaaring ang pangyayaring isasalaysay ay sapagkat ang mga impormasyon at detalyeng
personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng taglay nito ay naglalahad ng katotohanan ukol sa
mga balitang isinusulat ng mga reporter ng mga paksa at hindi dapat samahan ng personal na
pahayagan o maaari ring hindi direktang pananaw o opinyon ng manunulat.
nasaksihan ng manunulat kundi mula sa
katotohanang nasaksihan at pinatutunayan ng
iba tulad naman ng mga sulating pangkasaysayan
o historical account.

Ang uring ito ng tekstong impormatibo ay


karaniwang sinisimulan sa isang mabisang
panimula o introduksyon. Kung ito ay isang
balita, mababasa sa bahaging ito ang
pinakamahalagang impormasyon tulad ng kung
sino, ano, saan, kailan, at paano nangyari ang
inilahad. Sinusundan ito ng iba pang detalyeng https://www.craiyon.com/image/UxE7KtFFSUS2vHPR_SUeUg

nasa bahagi naman ng katawan, at karaniwang Pagpapaliwanag


nagtatapos sa isang kongklusyon.
Nagbibigay ng paliwanag kung paano o bakit
naganap ang isang bagay o pangyayari. Layunin
nitong makita ng mambabasa mula sa mga
impormasyong naisasaad kung paano
humantong ang paksa sa ganitong kalagayan.

Karaniwan itong ginagamitan ng mga larawan,


dayagram, o flowchart na may kasamang mga
paliwanag. Halimbawa nito ay siklo ng buhay ng
mga hayop o insekto tulad ng palaka, paru-paro
https://www.craiyon.com/image/TM7fuj0IS662-l3sx6Oyyw at iba pa.

Termino 2 AY 2023-2024 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Page | 7


Teksto tungo sa Pananaliksik
• Mga saloobin na pananakit o pagpatay sa sarili,
mga saloobin na hindi makabuluhan ang buhay

• Mababang pagpapahalaga sa sarili

Maaaring kabilang sa paggamot sa depresyon ang


parehong medisina at psychotherapy. Maaaring
makabawas sa paghihirap ang mga anti-depressant.
Maaari ring mapahusay ng mga ito ang kakayahang
Teksto Blg. 1 gumana sa panahon ng depresyon. Maaaring mag-
alok ang therapy ng emosyunal na suporta. Maaari
Depresyon rin itong tumulong na maintindihan ang mga
emosyunal na dahilan na maaaring nagiging sanhi
Ang depresyon ay isa sa mga pinakakaraniwang ng depresyon.
problema sa kalusugan ng isipan ngayon. Hindi
lang ito isang kalagayan ng pagiging hindi masaya
o kalungkutan. Isa itong tunay na sakit. Tila
nauugnay ang dahilan sa pagbaba ng mga
kemikal na nagdadala ng mga signal sa utak.
Pinatataas ang panganib ng pagkakaroon ng
kasaysayan sa pamilya ng depresyon,
pagkagumon sa alak, o pagpapakamatay.
Pinatataas din ang panganib ng mga hindi
gumaling-galing na sakit, kirot, mga pagsakit ng
ulo gaya ng migraine, at mataas na stress ng
damdamin.

Ang depresyon ay isang bagay na posibleng


makita natin sa ibang tao. Ngunit maaaring
nahihirapan tayong makita ito sa ating mga sarili.
Maaari itong magpakita sa maraming pisikal at
emosyunal na paraan:
• Pagkawala ng gana Pangangalaga sa Tahanan
• Labis na pagkain
• Hindi makatulog • Tumutulong ang patuloy na pangangalaga at
• Labis na pagtulog suporta sa mga tao na kontrolin ang sakit na ito.
• Labis na pagkapagod na hindi nauugnay sa Humanap ng tagapangalaga ng kalusugan at
pisikal na pagkilos therapist na tutugon sa iyong mga
• Hindi mapalagay o iritable pangangailangan. Humingi ng tulong kapag
• Pagiging mabagal sa pagkilos o pagsasalita nakakaramdam na maaaring nagkakasakit ka.
• Pakiramdam na nanlulumo o walang kibo
• Pagkawala ng interes sa mga bagay na dati kang • Maging mabait sa iyong sarili. Siguraduhin na
nasisiyahan ginagawa mo ang mga bagay na nasisiyahan ka.
• Hirap makatuon, makaalala, o gumawa ng mga Gantimpalaan ang sarili sa maliit na tagumpay.
desisyon

Termino 2 AY 2023-2024 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Page | 8


Teksto tungo sa Pananaliksik
Sa sandaling simulan mo ang iyong gamot, asahan • Makipag-usap sa tagapangalaga ng iyong
ang mabagal na pagbawas sa iyong mga sintomas. kalusugan kung hindi ka gumagaling. Maaari rin
Unti-unting mawawala ang depresyon, hindi niyang iadjust ang iyong gamot ayon sa iyong
kaagad. Tanungin ang tagapangalaga ng iyong sitwasyon.
kalusugan kung gaano katagal bago magsimulang • Magfollow-up sa tagapangalaga ng iyong
gumana ang gamot. kalusugan.

• Pangalagaan ang iyong pisikal na katawan. Tumawag sa 911 Kung ikaw ay:
Kumain ng balanseng dieta (mababa sa taba mula
sa hayop at maraming prutas at gulay). Mag- • May mga saloobin ng pagpapakamatay
ehersisyo nang hindi bababa sa 3 beses sa isang • May mga seryosong saloobin na manakit ng ibang
linggo nang 30 minuto. Maaari kang makaramdam tao
ng ginhawa sa kahit banayad hanggang • Nahihirapan sa paghinga
katamtamang ehersisyo (gaya ng mabilis na • Masyadong natutuliro • Nakararamdam ng labis
paglalakad). na antok o nahihirapang magising
• Hinihimatay o nawawalan ng ulirat
• Huwag gumawa ng malalaking desisyon, gaya ng • May bagong pananakit ng dibdib na nagiging mas
pagpapalit ng trabaho, diborsyo, o kasal hanggang matindi, mas nagtatagal o kumakalat sa iyong
sa bumuti na ang iyong pakiramdam. balikat, braso, leeg, panga, o likod.
• Huwag uminom ng alak. Maaari nitong palalain
ang depresyon. Kailan Dapat Humingi ng Medikal na Pagpapayo?
• Uminom ng gamot ayon sa inireseta. Huwag Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong
ihinto ang iyong gamot o iadjust ang doses maliban kalusugan kung mangyari ang alinman sa mga ito: •
kung makipag-usap ka sa iyong tagapangalaga ng Paglubha ng iyong mga sintomas
kalusugan. • Pakiramdam ng matinding depresyon gaya ng
• Huwag ibahagi ang iyong gamot o gumamit ng takot, pagkabalisa, o galit sa iyong sarili o sa iba
gamot ng ibang tao. • Pakiramdam na pagkawala ng kontrol
• Pakiramdam na maaari mong subukang saktan
• Sabihin sa lahat ng iyong tagapangalaga ng ang iyong sarili o ang iba
kalusugan ang tungkol sa lahat ng reseta at mga • Nakaririnig ng mga boses na hindi naririnig ng iba
gamot, bitamina, at supplement na iniinom mo. • Hindi natutulog o kumakain nang tatlong araw na
May reaksyon ang ilang supplement sa mga gamot. magkakasunod
Maaaring magdulot ang mga ito ng mapanganib at • Pagkakaroon ng mga kaibigan o pamilya na
masamang epekto. Itanong sa parmasyutiko ang nagpapahayag ng pagkabahala sa iyong pag-uugali
tungkol sa mga interaksyon ng gamot kung hindi ka at sinasabihan ka na humingi ng tulong.
sigurado.

• Makipag-usap sa iyong pamilya at mga Ang artikulo ay hango sa:


pinagkakatiwalaang kaibigan tungkol sa iyong mga https://www.fairview.org/patienteducation/11595
nararamdaman at saloobin. Hingin sa kanila na 5TA
tulungan kang pansinin ang mga pagbabago sa
paguugali nang maaga. Sa gayon ay makatutulong
ito at kung maaari ay maiadjust ang iyong gamot.

Termino 2 AY 2023-2024 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Page | 9


Teksto tungo sa Pananaliksik
Teksto Blg. 2 101.72% o higit sa bilang ng naitalang datos mula sa
enrollment ng SY 2021- 2022, na nasa 27,560,661
lamang.
Mula sa nabanggit na kabuuang bilang, 23,905,615
ang mula sa enrollment quick counts habang
4,129,427 ang bilang ng mga mag-aaral na mula sa
early registration.

Pinakamarami anila ang nakapagpatala sa Region IV-


A (Calabarzon) na umabot sa 3,826,697 na
sinusundan ng Region III (Central Luzon) na nasa
2,903,610, at National Capital Region (NCR) na nasa
2,717,755.

Hango mula sa:


https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.philstar.com
https://www.philstar.com/pang-
masa/policemetro/2022/08/23/2204432/balik-
Balik-eskwela, walang naging aberya- DepEd eskwela-walangnaging-aberya-deped
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon)
- August 23, 2022, 12:00am

MANILA, Philippines — Maayos at mapayapa ang


pagbabalik-eskwela ng mahigit sa 28 milyong
estudyante sa bansa kahapon.

Ito ang iniulat ni Department of Education (DepEd)


Secretary at Vice President Sara Duterte na
pinangunahan ang National School Opening Day
Program (NSODP) ala-1:00 ng hapon nitong Lunes sa
Dinalupihan Elementary School.

Ayon kay DepEd spokesman Atty. Michael Poa, base


sa mga updates na kanilang natanggap mula sa
kanilang mga regional directors, hanggang alas-9:20
ng umaga ay wala pa silang naitatalang anumang
untoward incidents o mga hindi kanais-nais na https://www.craiyon.com/image/0JmahNoPS9CR2s9Hhq17UA

kaganapan, na may kinalaman sa pagbubukas ng


klase.

Samantala, batay naman sa pinakahuling datos mula


sa Learner Information System (LIS) ng DepEd para
sa SY 2022-2023, nabatid na hanggang alas7:00 ng
umaga ng Agosto 22, 2022, ay nasa 28,035,042 na
ang enrollees ngayong pasukan na katumbas ng

Termino 2 AY 2023-2024 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Page | 10


Teksto tungo sa Pananaliksik
Ang tekstong Impormatibo ay isang uri ng babasahing di-

combining-geometric-shapes-design-for-print-using-in-the-fashion-industry
https://www.vecteezy.com/vector-art/16156386-pattern-simple-ethnic-design-in-the-philippines-geometric-ethnic-pattern-traditional-design-it-is-a-pattern-created-by-
piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o
magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol
sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports,
agham o siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay,
heograpiya, kalawakan, panahon, at iba pa.

Layunin ng ganitong mga teksto na


1. magbigay Impormasyon at makapagpalawak ng
kaalaman.
2. Maghatid ng balidong datos kung saan nararapat
tiyakin na tunay at tapat ang mga pagkukuhanan ng datos
na ilalagay sa teksto.

Ang iba’t ibang uri naman ng tekstong impormatibo ay


ang mga sumusunod: Paglalahad ng mga Totoong
Pangyayari/Kasaysayan, Pag-uulat Pang-impormasyon, at
Pagpapaliwanag.

Huli, mayroong iba’t ibang element rin ang tekstong


impormatibo upang higit na maging kumpleto at
makadagdag sa kaayusan ng sulatin. Ang mga ito ay
Layunin ng may akda, Pangunahing ideya, pantulong na
kaisipan, at Mga Estilo sa pagsulat, Kagamitan, at
Sanggunian.

HANGGANG SA MULI!

Termino 2 AY 2023-2024 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Page | 11


Teksto tungo sa Pananaliksik
GAWAING PAMPAGKATUTO 1

Pagsulat ng Isang Tekstong Impormatibo

Ang gawaing ito ay dyad or binubuo ng dalawang mag-aaral/magkapares.

Panuto: Sumulat ng isang tekstong impormatibo sa isang yellowpad batay mula sa


paksang ibinigay ng guro at gamiting gabay ang rubrik sa itaas sa pagsusulat.

Termino 2 AY 2023-2024 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Page | 12


Teksto tungo sa Pananaliksik
MGA SANGGUNIAN

Aklat:

Austero, C. S., et Al. (2013) Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Manila: Rajah Publishing
House.

Badayos, P.B., (2007) Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika. Manila: Philippine Normal University
Press

Dayag, A.M., Del Rosario, M.G., (2016) Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Gonzales, A.P., et. Al. (2016) Sikhay: Aklat sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino para sa Ika-11 Baitang. St. Bernadette Publishing House.

Villafuerte, P.V., et. Al. (2014) Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Quezon City: Lorimar
Publishing Company, Inc.

Termino 2 AY 2023-2024 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Page | 13


Teksto tungo sa Pananaliksik
INIHANDA NINA:

ANGEL EM M. ABLAZO
CANDY LEN C. AGUINALDO
ROSELLE LYN P. BAUTISTA
JOHN CHRISTOPHER V. DELA CRUZ
ANGELICA A. EBALLES
JADE P. JUNIO
MARISOL B. PEROL
MANILYN YBAÑEZ

Termino 2 AY 2023-2024 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Page | 14


Teksto tungo sa Pananaliksik

You might also like