You are on page 1of 4

Banghay -Aralin sa Filipino V

Unang Marakahan
Petsa: Nobyembre 22, 2022 Araw: Miyerkules
Oras: 1:00 -2:00 PM Baitang/ Seksyon: V- Gabriel
I. Layunin:
Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtatala ng mahalagang impormasyon tungkol
sa isang paksa. F5EP-IIe-i-6

II. Paksang- Aralin:


A. Paksa: Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa Pagtatala ng Mahalagang
Impormasyon
B. Sanggunian: Ugnayan 5, ph.124-125,134-135,205-206
C. Kagamitan: Ensyklopedya, globo,diksyunaryo,mapa at plaskard
D. Balyu: Pangangalaga sa aklat

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
a. Pamukaw-Sigla:
(Magpapakita ng Iba’t ibang larawan ng pangkalahatang sanggunian at
ipatukoy ito.Tanungin ang mag aaral kong ano ang nasa larawan).

Globo Diksyunaryo
Mapa Ensyklopedya
b. Balik-Aral:
•Pagsagot sa mga tanong sa binasa o napakinggang kuwento at tekstong
pang impormasyon.

c. Pagganyak:
Ipatukoy sa mga mag-aaral kong ano ang nasa larawan.

Panuto: Anu anong mga sanggunian ang mga nasa larawan?Hanapin ang
tamang sagot sa kahon.

Mapa Ensyklopedya
Globo Diksyunaryo

1. 2.
3, 4.

B. Panlinang na Gawain:
a. Paglalahad:
(Ilahad sa mga bata ang gamit ng Ensyklopedya,mapa, globo, diksyunaryo).

d. Pagtatalakay:
 Gusto mong malaman ang kahulugan ng mga salitang mahihirap.Alin
sa mga sanggunian ang gagamitin mo?
 Sa susunod na buwan pupunta kayo ng nanay mo sa Hong Kong.
Alin sa mga sumusunod na Sanggunian ang makapahbibigay sa iyo
ng buong kaalaman tungkol sa Hong kong?
 Ano- anong bansa ang malapit sa ekwador? Alin ang gagamitin mo?
 Hindi mo alam ang mga lugar sa Maynila, Alin sa mga sanggunian
ang makakatulong sa iyo?

C. Pangkatang Gawain:
(Pangkat I)
Panuto: Hanapin sa diksyunaryo ang mga patnubay na salita ng mga sumusunod:
Katwiran Halaman
Gantimpala Sumibol
(Pangkat II)
Panuto: Gamitin ang globo at mapa.
 Hanapin sa globo ang kinalalagyan ng bansang Tshina at ang karatig
bansa.
 Hanapin sa mapa ang Negros Island ang Negros Occidental at
Negros Oriental at mag bigay ng limang lugar na sakop nito.

D. Pangwakas na Gawain:
a. Paglalahat:
Paano nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtatala ng mahalagang
impormasyon tungkol sa isang paksa?

Ensyklopedya - set ng isang bolyum na mga aklat na nagbibigay ng panlahat


na impormasyon tungkol sa Iba’t ibang kaalaman at paksa,na nakaayos nang
paalpabeto.

Diksyunaryo - aklat ng mga kahulugan ng isang salita ayon sa gamit sa


pangugusap.Ipinakita dito ang wastong bigkas ng salita,pagpapantig, salitang
ugat bahagi ng pananalita at mga kasingkahulugan.
Globo - bilog na kumakatawan sa mundo at isang kagamitan nagpapakita ng
kinalalagyan ng pook gaya ng bansa,lalawigan. Inilalarawan din sa globo
ang Iba’t ibang hangganan at kapaligiran gaya ng lupa, dagat , ilog at karatig
lugar.

Mapa - isang planadong kagamitang nagpapakita ng kinalalagyan ng pook


gaya ng bansa,lalawigan, pamayanan at iba pa.

b. Paglalapat:
Binigyan ng sanggunian si Veronica.Ginamit niya ito para kumuha ng
mahalagang impormasyon.
Paano gagamitin ni Veronica ang aklat gaya ng Ensyklopedya, Diksyunaryo,
Globo at Mapa? Dapat ba niya itong pangalagaan ng mabuti? Bakit?

IV. Pagtataya:

Panuto: Gamitin ang pangakalahatang sanggunian sa pagtatala ng mahalagang impormasyon


tungkol sa isang paksa.Basahin at sagutin ang mga sumusunod.

1. Binigyan ng takdang aralin si Juvy na kunin ang impormasyon sa Bansang


Pilipinas.Alin sa pangkalahatang sanggunian ang gagamitin niya?
A. Globo. B. Mapa. C. Ensyklopedya. D. Diksyunaryo

2. Gusto mong malaman kung saang bahagi ng pilipinas ang Negros Island Region, Alin
ang gagamitin mo?
A. Mapa. B. Ensyklopedya C. Aklat sanayan. D. Diksyunaryo

3. Nais mong malaman ang kahulugan ng mga salita. Alin sa mga pangkalahatang
sanggunian ang gagamitin mo?
A. Globo. B. Diksyunaryo. C. Mapa. D. Ensyklopedya

4. May takdang aralin si Julie na kunin ang impormasyon tungkol sa kabuuang


populasyon at kultura ng isang lugar sa bansa.Alin ang gagamitin niya?
A. Ensyklopedya B. Mapa. C. Globo D. Diksyunaryo

5. Kailangan ni Arvee na hanapin ang mga pamatnubay na salita. Alin ang gagamitin
niya?
A. Ensyklopedya B. Mapa. C. Globo. D. Diksyunaryo

Ml:
ID:
V. Takdang -Aralin:

Pumunta sa silid aklatan o mag surf sa internet at hanapin ang mga mahalagang
impormasyon tungkol sa ating bansa.

Inihanda ni:
EVELYN MAE FRANCISO

You might also like