You are on page 1of 6

BANGHAY-ARALIN SA

PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Baitang Grade 11 STEM B


Itinakdang Oras Ika- 14 ng Marso, 2024
2:00-3:00 ng hapon
Guro CARMELA MAY M. BAGTASOS
Mahalagang kaisipan:
I sang espesyal na uri ng tekstong expository ang tekstong prosidyural na nilalahad nito ang serye o
mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan. Nagpapaliwanag ito kung paano
ginagawa ang isang bagay. Layunin nitong maipabatid ang mga wastong hakbang na dapat isagawa.
I. Layuning Pagkatuto:
Ang mga mag-aaral ng batang 11 ay inaasahang maisakatuparan ang mga sumusunod na gawain sa loob
ng isang oras nang may 85 bahagdang kahusayan:
a. Nakakapagpahayag ng kalinawan sa kahulugan, katangian at uri ng tekstong prosidyural;
b. Nakapagsusuri ng kinabibilangang uri ng tekstong prosidyural batay sa sitwasyong binigay; at
c. Nailalapat ang aralin sa iba’t ibang gawain sa pamamagitan ng pagpapamalas ng husay sa
pagkukwento, pagguhit, pagtula, pagsulat at pagsayaw sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng
pamantayan.
II. Paksang-Aralin:
a. Paksa: Tekstong Prosidyural
b. Sanggunian: Marquez, S.T. (2016). PINTIG Senior High School Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: SIBS Publishing House, Inc.
Aurelio, Rossel, et al. (2017). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
at Sulating Akademiko. Quezon City: MaxCor Publishing, Inc
c. Kagamitan: Smart TV, laptop aklat
d Estratehiya: Cooperative Learning and Collaborative Learning
e. Teknik: Brain storming

III- Pamaraan:
Panimulang Gawain:
• Pambukas na panalangin
• Pangangasiwang pangklasrum
• Pagtatala ng liban
• Paalala sa mga dapat at hindi dapat sa loob ng klase at paaralan

A. Paganyak:
Guess the Giberrish Word
Hal.
Text + Toe = Teksto
1. Imp +form +match +yawn= Impormasyon
2. Cow +marshall= Komersyal
3. Mall + like + huh + in= Malikhain
4. Fog + ba + sah= Pagbasa
5. Hack + vaughng= Hakbang
B. Pagsusuri
Pag-aanalisa ng larawan. Pagsusunod-sunurin ang mga larawan.

Gabay na Tanong:
1. Ano ang inyong napapansin sa nabuong larawan? Tama ba ang pagkakaayos nito? Maaari nyo bang sabihin
kung ano ang mauna sa bawat larawan?
2. Sa inyong palagay, ano kaya ang ating tatalakayin o paksa sa hapong na ito?

C. Pagtuturo/ Pagmomodelo:

TEKSTONG PROSIDYURAL

Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang
mga inaasahan. May pagkakataon sa ating buhay na nais nating matutuhan kung paano gagawin ang isang
bagay. Halimbawa: Ang wastong pagluluto ng adobong manok. Datapuwa’t may mga iba’t ibang babasahin na
maaari nating mapagkukunan ng impormasyon. Ang mahalaga ay nauunawaan ang tekstong binasa lalong-lalo
na ang mga salitang ginamit sa teksto. Nagsasaad din ito ng impormasyon o mga direksiyon upang ligtas,
mabilis, matagumpay, at maayos na maisakatuparan ang mga gawain.

 Nagbibigay ng impormasyon kung paano isasagawa ang isang bagay o gawain.


 Ipinapakita ang impormasyon sa Chronological na pamamaraan.
 Layuning magbigay panuto sa mambabasa.

Katangian ng Tekstong Prosidyural


1. Binubuo ng panuto para masundan ang hakbang ng isang proseso sa paggawa ng isang bagay.
2. Gumagamit ng ilang larawang pang presentasyon upang maging kahika-hikayat ang teksto.
3. Gumagamit ng wastong pandiwa para malinaw na maihayag ang instruksiyon.
4. Gumagamit ng tiyak na deskripsyon tulad ng laki, hugis, kulay, dami at iba pa.
5. Ginagamitan ng heading, sub-heading, numero at dayagram.

Uri ng Tekstong Prosidyural


1. Sekswensyal- Pagsusunod-sunod ng isang pangyayari sa isang salaysay na ginagamitan ng “una”,
“pangalawa”, “pangatlo” susunod at iba pa.
Halimbawa:
*Pagsagot sa isang mathematical problem.
* Pagkukumpuni ng mga elektrikal appliances o nasisirang bagay
* Kronolohikal- Pinagsunod-sunod ang mga mahahalagang importansiya ayon sa pagkakalahad nito.
Karaniwang gumagamit ng araw o petsa upang ipabatid ang kaganapan ng pangyayari.
Hal.:
*Talaarawan
*Pananakop sa Pilipinas (Timeline)
2. Prosidyural- Pinagsusunod-sunod ang mga hakbang o prosesong pagsasagawa.
Halimbawa:
*Resipi ng pagluluto
*Paggawa ng eksperimento sa science.

Pagsasanay
Tukuyin kung anong uri ng prosidyural ang mga pahayag o larawang ito.

1. Sekwensyal 2. Prosidyural 3. Kronolohikal

4.Prosidyural 5. Sekwensyal 6. Kronolohikal

Mahalagang tanong:
Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang malaman mo ang tungkol sa tekstong prosidyural?

Paano mo maiuugnay ang tekstong prosidyural sa pang-araw-araw na pamumuhay?

D. Paglalapat
Panuto: Bumuo ng apat na pangkat. Gawin ang inatasang Gawain. Mayroon kayong limang (5) minuto upang
tapusin ang Gawain. Bibigyan ng dlawang minute ang bawat pangkat para sa presntasyon ng awtput.

Pangkat 1- Pagbuo ng sariling resipi


Pangkat 2- Picture Story
Pangkat 3- Pagguhit
Pangkat 4- Pagsayaw

Rubrik
E. Paglalahat
Isa, dalawa, tatlo! Ano ito? Magbigay ng:

1.Isang salita na tumatak sa iyong isipan sa araling ito.

2. Dalawang mahalagang bagay na iyong natutuhan sa aralin na maaari mong maibahagi sa iyong
kaibigan.

3. Tatlong butil na kaalaman na napulot mo sa aralin na maibabahagi mo sa iyong pamilya.

IV-Pagtataya
Panuto: Piliin ang tamang gamit ng mabisang pagpapahayag ng kalinawan sa kahulugan, katangian,
at uri ng prosidyural.
1. Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng teksto na nagbibigay ng impormasyon kung paano
isasagawa ang isang bagay o gawain.
a. Kahulugan c. Uri
b. Katangian d. Lahat ng Nabanggit
2. Gumamit ng ilang larawang pang presentasyon ang tekstong prosidyural upang mas maging
kahika-hikayat ang teksto, gayundin ay upang magbigay ideya hinggil sa kung ano ang
gagawin.
a. Kahulugan c. Uri
b. Katangian d. Lahat ng Nabanggit
3. Ang sekwensyal ay tumutukoy sa pagsusunod-sunod ng isang salaysay samantalang ang
kronolohikal naman ay tumutukoy sa serye ng mahalagang detalye at ang prosidyural ay
tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ay mabibilang na ______.
a. Kahulugan c. Uri
b. Katangian d. Lahat ng Nabanggit
4. Paraan ng pagluluto ng Pakbet: (1) igisa ang bawang at sibuyas, ilagay ang karne at
sangkutsahin hanggang sa medyo brown na, (2) ilagay ang bagoong at igisa ito sa loob ng 2
minuto. Lagyan ng tubig at pakuluin. (3) ilagay ang kalabasa at pakuluan hanggang sa malapit
na maging half cooked. (4) lakasan ang apoy at ilagay ang lahat ng mga gulay at haluing
madalas hanggang sa maluto, timplahan ng asin kung kailangan saka patayin ang apoy.
Panghuli, ihain kasama ang kanin.
a. Sekwensyal c. Prosidyural
b. Kronolohikal d. Lahat ng Nabanggit
5. Emilio Aguinaldo (1899-1901)
Manuel L. Quezon (1935-1944)
Jose P. Laurel (1943-1945)
Sergio Osmeña (1944-1948)
Manuel Roxas (1946-1948)
a. Sekwensyal c. Prosidyural
b. Kronolohikal d. Lahat ng Nabanggit

Susi sa pagwawasto:
a, b, c, c, b
V-Takdang-Aralin/Kasunduan
Ilapat ang inyong natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng paglikha ng isang bagay gamit ang
recyclable materials. Isulat sa isang malinis na bondpaper ang mga hakbangin na iyong
ginawa para mabuo ang nasabing likhang sining.

Prepared by:

CARMELA MAY M. BAGTASOS


Subject Teacher

Checked by

MEZFAR R. AMERIL, EdD.


Subject Group Head

Noted by:
SHELLAME R. MABALO, EdD.
Officer-in-Charge

You might also like