You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

PAARALAN Bonifacio Javier National High BAITANG 11 – CSS A, B, C, ABM at


School TD
GURO Bb. Erica O. Hugna-an LEARNING AREA Filipino
Bb. Annabella B. Requilme
ARAW NG Marso 20-21, 2023 QUARTER Ikalawang Semestre /
PAGTUTURO Ikatlong Markahan
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Nasusuri ang PAMANTAYANG PANGKASANAYAN: Nasusuri ang
iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa nilalaman ng halimbawang tekstong Prosidyural.
kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad,
bansa at daigdig.
I. LAYUNIN A. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang salitang ginamit ng tekstong
prosidyural. (FIIPT-IIIa-88)
B. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong prosidyural. (FIIPS-IIIb-91)
C. Nasusuri ang nilalaman ng halimbawang tekstong Prosidyural.
II. NILALAMAN A. Modyul 6: Tekstong Prosidyural
B. Kagamitan: Internet, laptop, TV, modyul, printed text
Sanggunian: 1. DepEd Claid Learning
2. DepEd Modyul
II.PAMAMARAAN Face to Face
A. Panimula 1. Panalangin
2. Pagbati
3. Balik-aral
(Bigyang kahulugan ang salitang nasa loob ng bilog)

Prosidyural

1. Pagganyak ADMISSION PROCESS SA RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY S.Y. 2023-2024

Para sa mga mag-aaral na nagnanais makapasok sa Rizal Technological University,


narito ang mga hakbang na dapat gawin:

Una, gamit ang iyong elektronikong kagamitan, magtungo muna sa link na ito
https://employees-rtu.campus-erp.com/Admission/Login.php para sa online
application kung saan dito kinakailangan mong mag-secure ng iyong appointment
schedule para sa RTU Entrance Exam.
Ikalawa, ang mga indibidwal na nakapasa sa ginanap na Entrance Exam ay
makatatanggap ng email kung saan nakasaad dito ang iskedyul kung kailan siya
kakausapin o iinterbyuhin ng Department Head ng napili niyang kurso.

Sumunod, ihanda ang mga requirements bago pa man magtungo sa face-to-


face interview kasama ang Department Head. Ito ay ang: Certified True Copy ng
kasalukuyang Grade 12 Report Card o SF10, Good moral Certificate, Birth Certificate
at dalawang piraso ng 2x2, blue background na may kasamang pirma sa itaas ng
pangalan.

At huli, iwasan ang ma-late sa itinakdang iskedyul kasama ang Department


Head. Sagutin lamang ang mga katanungan nang may galang. Pagbati na agad sa mga
bagong iskolar ng bayan!

PAGPOPROSESONG TANONG:
1. Tungkol saan ang tekstong binasa?
2. Isa-isahin ang mga susing salitang ginamit bilang patunay na ito ay tekstong
prosidyural.
3. Paano makatutulong ang tekstong sinuri sa mga tao o makababasa nito?
A. Pangkat Lodikeyks: Pagbabalita
Pangkatang Pangkat Sakalam: Talk Show
Gawain Pangkat Petmalu: Round Table Discussion
Pangkat Walastik: Role Play

Panuto: Suriin ang nilalaman ng halimbawang tekstong Prosidyural batay sa


mapupuntang teksto ng bawat pangkat.

GABAY NA TANONG:
1. Tungkol saan ang teksto?
2. Isa-isahin ang susing salitang ginamit sa teksto.
3. Paano nakatulong ang mga susing salitang ginamit sa pagsusunod-sunod sa
isinagawang pananaliksik? Ipaliwanag.

PAMANTAYAN:
Nilalaman: Nasusuri ang nilalaman at 20 puntos
ang tamang pagkakasunod-sunod ng
teksto.
Presentasyon: Natutukoy ang mga 20 puntos
susing salitang ginamit sa tekstong
prosidyural na sinuri.
Kaisahan: Malinaw na nasagot ang 20 puntos
gabay na tanong kaugnay sa tekstong
sinuri.
KABUOAN: 60 puntos
B. Paglalahat DUGTUNGAN TAYO!

1. Sa aking karanasan sa buhay natulungan ako ng tekstong prosidyural sa


pamamagitan ng…
2. Tinuruan ko ang aking ….kung paano ang tamang pagkakasunod-sunod sa paggawa
ng …naging matagumpay ito sapagkat…
3. Sa pananaliksik nagagamit ang tekstong prosidyural sa pamamagitan ng…
IV. EBALWASYON Panuto: Basahin at unawain ang pahayag sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang
sagot.

1. Ito ay uri ng teksto na naglalayong makapaghatid ng wastong pagkakasunod-sunod


ng mga hakbang sa paggawa ng isang bagay.
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Prosidyural D. Argumentatibo

2. Ang tekstong prosidyural ay binibigyang pokus ang tanong na ______.


A. Ano? B. Bakit? C. Sino? D. Paano?

3. Gumagamit ng ______ ang tekstong prosidyural sapagkat ito ang nag-uugnay ng


mga salita, parirala, sugnay, pangungusap, o pahayag.
A. Pang-abay B. Pang-uri C. Pangatnig D. Pangdikit

Para sa blg 4-5:


Sa pagsasagawa nito, mahalaga na ang unang gawin ay paghiwalayin ang puti sa de-
color. Ikalawa, unahing ilagay ang mga puting damit sa washing machine at lagyan ng
sabon. Pagkatapos malabhan ng mga puting damit, sunod na isalang ang mga de-color.
Matapos nito, banlawan ang mga damit. At huli, i-dryer o i-sampay ang mga ito upang
matuyo.

4. Mula sa binasang teksto, tungkol saan ito?


A. Paghihiwalay B. Puti at De-color C. Paglalaba D. Pagbababad

5. Mula pa rin sa tekstong binasa, anong uri ito ng Tekstong Prosidyural?


A. Recipe B. Panuto C. Eksperimento D. Direksyon

Susing kasagutan:
1. C 2. D 3. C 4. C 5. B
V.KASUNDUAN / Panuto: Sa isang yellow pad paper, isulat ang iyong sagot sa sumusunod na tanong:
TAKDANG-ARALIN 1. Gumupit ng isang tekstong prosidyural at idikit ito sa inyong notebook. Pagkatapos,
isa-isahin ang mga susing salitang ginamit sa pagsusunod-sunod ng hakbang o
proseso.
2. Anong pangyayari ang hindi mo makalilimutan sa buhay kung saan naranasan mong
makipag-argumento?
3. Naipanalo mo ba ang karanasan mong ito? Paano?
4. Bakit mahalaga ang pakikipag-argumento? Pangatwiranan.
VI. REMARKS

Inihanda nina:
BB. ERICA O. HUGNA-AN at BB. ANNABELLA B. REQUILME
PST’s, Grade 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Pinagtibay ni:
GNG. MARY GRACE G. GENERALAO
Resource Teacher – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

You might also like