You are on page 1of 3

A. Piliin ang tamang sagot sa kahon.

1. Ang _______________ ay isang aklat ng mga mapa ng daigdig. Naglalaman ito ng mga ilustrasyon o talaang
naglalarawan ng mga tiyak na pool sa daigdig. Ang mga paksa ay nakasulat din sa paraang paalpabeto.

2. Ang _______________ isang aklat na naglalaman ng mga pangunahing impormasyon tungkol sa halos lahat ng
paksa o bagay. Ang isang kumpletong serye nito ay nahahati sa maraming tomo na nakaayos nang paalpabeto.

3. Ang _______________ ay isang aklat na taunang inililimbag. Naglalaman ito ng kalendaryo ng mga araw sa isang
taon na kinatatalaan kung kailan nagana pang iba’t ibang pangyayari. Mayroon din ditong impormasyon ukol sa
astronomiya, pagsikat at paglubog ng araw, pagbabago ng buwan , oras ng pagbaba at paglaki ng tubig sa dagat
at iba pa.

4. Ang _______________ay isang uri ng babasahing nagtataglay ng mga artikulo sa iba’t ibang paksa. Karaniwang
lumalabas ito minsan sa isang lingo o isang buwan.

5. Ang _______________ ay isang aklat na naglalaman ng mga salita ng isang wika o ng isang tanging uri ng mga
salita na karaniwang iniayos nang paalpabeto. Nagbibigay ito ng kahulugan ng mga salita. Makikita rin ditto ang
tamang baybay, paraan ng pagbigkas, at pagpapantig ng mga salita. Kung minsan ay mayroon din itong mga
larawan.

6. Ang _______________ o _______________ ay isang publikasyon na inilalathala araw-araw. Ito ay naglalaman ng


tampok na balita, kuwento, komentaryo, anunsiyo o patalastas.

 Almanac
 Ensayklopidya
 Diksyonaryo
 Atlas
 Magasin
 Peryodiko / Pahayagan
B. Piliin ang tamang sagot sa kahon.
1. Aklat na naglalaman ng mga pangunahing impormasyon tungkol sa halos lahat ng paksa o bagay ______________
2. Koleksiyon ng mga mapa _______________
3. Nagbibigay ng kahulugan ng mga salita _______________
4. Inilalathala araw-araw _______________
5. Naglalaman ng kalendaryo ng mga araw sa isang taon _______________
6. Naglalaman ng iba’t-ibang uri ng artikulo _______________
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Patag na representasyon ng ibabaw ng mundo o bahagi nito. Ito rin ay maaaring nagpapakita ng katangiang pisikal ng
isang pook o lungsod.
a. Compass Rose
b. Sanggunian
c. Mapa

2. Ito ay nagsisilbing gabay para sa pagtukoy ng direksyon.


a. Compass Rose
b. Sanggunian
c. Mapa

3. Sa pamamagitan nito, nabibigyang representasyon at palatandaan ang mahahalagang bagay, pook o impraestrukturang
makikita sa isang lugar.
a. Compass Rose
b. Sanggunian
c. Mapa

4. Anu-ano ang apat na pangunahing direksyon ng mapa?


a. ___________________
b. ___________________
c. ___________________
d. ___________________

5. Isulat ang iba’t-ibang uri ng mapa (5)


a. ___________________
b. ___________________
c. ___________________
d. ___________________
e. ___________________
A. Piliin ang tamang sagot sa kahon.

a. Mapang ____________ ang dapat mong tignan kung gusto mong malaman ang topograpiya ng isang lugar.
Nagpapakita ito ng anyong lupa, anyong lubig at iba pang katangiang heograpikal ng lugar.

b. Sa mapang ____________ makikita ang impormasyon tungkol sa klima ng isang lugar. Upang basahin ang mapang
ito, mahalagang tignan ang iba’t ibang kulay sa mga lugar. Ang mga kulay na ito ay tumutukoy sa uri ng panahon
na nararanasan ng isang lugar sa buong taon.

c. Sa mapang ____________ ay malalaman mo ang sitwasyong pangkabuhayan ng isang lugar. Para mga
impormasyon tungkol sa kabuhayan, industriya, o produkto ng lugar, hanapin ang mga simbolong nakalagay sa
bawat lugar.

d. Sa mapang ____________ makikita ang mga kalye, paliparan, daungan, tulay at mga ruta sa isang lugar. Upang
mabisang magamit ang mapang ito, mahalagang tignan ang mga simbolo at pananda. Nakatutulong ang mga
simbolo at pananda sa pagtukoy ng kinaroroonan ng isang lugar.

e. Sa mapang ____________ makikita ang impormasyon ukol sa pagkakahati-hati ng isang bansa sa maliliit na yunit.
Karaniwang gumagamit ng matitingkad na kulay upang madaling Makita nag hangganan at nasasakupan ng bawat
rehiyon, lalawigan, lungsod at bayan.
 Pangkalsada
 Politikal
 Pang-ekonomiya
 Pang klima
 Pisikal

B. Tukuyin ang mga sumusunod na larawan

________________ ___________________ _________________________

____________________ ______________________

You might also like