Professional Documents
Culture Documents
SWEET
SWEET
Bago pa man gumagapang ang mga ahas ay dati na silang may mga paa. Tulad ng iba pang mga hayop,
ang mga ahas ay may apat na paa na kanilang ginagamit upang makalakad.
Sa gubat, tinuruan ng isang guro ang mga magkakaibigang kobra, sawa at dahong palay ng pagtatanggol
sa sarili. Ang mga ito ay tinuruan ng guro sapagkat napansin nito na ang mga ahas ay maliliit at palagi
silang kinakawawa ng mga mas malalaking hayop.
Matapos ang kanilang pagaaral, natuto nga ang mga ahas ng kakayahang ipagtanggol ang sarili. Mahigpit
na ipinagbilin ng guro sa mga ito na wag gamitin ang natutunang kakayahan sa paghahambog lamang. Ito
ay gagamitin lang nila kung kinakailangan at sa mabuting layunin lamang.
Ngunit dahil sa bagong natutunan, naging mataas ang tingin ng mga ito sa sarili. Saan man sila magpunta
ay pinagyayabang nila na itinuro sa kanila ng guro ang kakayahan na ipagtanggol ang sarili maski mas
malaki pa ang kalaban.
Isang araw, ang mga ahas ay nagkatuwaan at nagpustahan kung sino sa kanila ang pinakamagaling.
Nagpatagisang gilas silang tatlo. Dahil dito, ang lahat ng mga hayop sa gubat ay nagkagulo. Sumakit ang
katawan ni Leon ng pilipitin ni kobra. Iika-ika si elepante matapos sipa-sipain ni sawa ang kanyang mga
binti. Si matsing naman ay napagod at hinihingal sa katatakbo upang maiwasan ang mga suntok ni
dahong palay.
Narinig ng guro ang ginawa ng mga tinuruan niyang ahas. Napa-iling ito at nag-isip kung paano niya
tuturuan ng leksiyon ang mga hambog at malilikot na hayop. Matapos mag-isip ay hinanap niya ang mga
ahas.
Nang makita ng guro ang mga ahas, ito ay nagdasal. Napatulog niya ang mga ito. Itinali niya at inipit ang
mga paa ng malilikot na ahas at pinutol ang mga ito.
Nagising ang tatlo at nakita ang putol nilang mga paa. Nasa tabi nila ang kanilang guro. Pinaunawa ng
guro na kaya niya pinutol ang mga paa nito ay dahil sa naging hambog ang mga ito dahil sa panibagong
natutunan. Pinagsabihan niya ang mga ahas na simula noon ay wala na silang paa at gagapang na lamang
sila para makalakad. Hindi na rin nila magagamit ang kakayahan sa pagtatanggol dahil hindi sila karapat-
dapat para dito.
Simula noon ay gumagapang na lang ang mga ahas. Dahil hindi na rin nila magamit ang kakayanan ng
pagtatanggol at sa hiyang dinulot ng pagkakaputol ng paa, sila ngayon ay naging mailap sa ibang mga
hayop. Nagtatago sila at nag-aantay ng tamang pagkakataon upang umatake sa kanilang biktima.
TULA
(Nguyen Duy)
VIETNAM
Walang Matuwid Ang Digmaan
Kuwento ni Percival Campoamor Cruz
Naging mabangis at malupit ang digmaan. Hindi magapi ng Estados Unidos ang
mga Vietcong. Mainit, maalinsangan at magubat ang larangan; hindi sanay ang mga
kawal ng Estados Unidos sa ganoong kalagayan. Bihasa sa “jungle warfare” ang mga
Vietcong at armado sila ng mga sandatang malalakas galing sa Komunistang Rusya.
Maraming sundalo ng Estados Unidos ang nangamatay, nangapinsala at nangasira
ang ulo dahilan sa tindi ng hirap.
Kung naging mabangis at malupit ang mga Vietcong ay ganoon din ang mga
sundalo ng Estados Unidos. Maraming nayon ang sinilab nila at napatay nila ang
maraming mga walang kamuwang-muwang na mga bata, babae, at matanda na hindi
naman kasali sa labanan. Sa huli ay gumamit pa ang Estados Unidos ng “napalm
bomb” at “agent orange” na kasing-bagsik ng “atomic bomb” ang hagupit na noong
World War II ay ibinagsak sa Hiroshima at Nagasaki.
Mahigit pitong-pung taong gulang na si Thompson. Nang iwan niya ang buhay-
militar ay nagpundar siya ng isang negosyo na sa tagal ng panahon ay lumaki naman
at naging matagumpay.
“Ang kabayaran, Mr. Thompson? Ilang milyong buhay ang nasawi, kasama na
ang buhay ng aking mga magulang at kapatid? Ilang bayan, ilang nayon ang nalimas?
Ilang daang taon umatras ang kaunlaran sa Vietnam, dahilan sa gera? May nagwagi
ba? Umurong ang Estados Unidos sa Vietnam at ang mga Vietnamese ay
ipinagpatuloy ang buhay na kanilang nalalaman. Ang Estados Unidos ay Estados
Unidos pa rin. Ang Vietnam ay Vietnam pa rin. Nagpahirap lamang tayo sa isa’t isa sa
sampung mahahabang taon ng labanan, dala ng pakikialam sa buhay ng may buhay,”
walang kagatol-gatol na winika ni Dr. Linh.