Professional Documents
Culture Documents
IMPLUWENSIYA SA PANITIKAN:
Ayon sa ika-20 siglong pilosopo na si Jean-Paul Sartre, nauuna ang eksistens bago
ang esens. Ang pagpili, kung gayon, ay kailangan sa eksistens ng bawat nilalang at
hindi ito matatakasan, maging ang hindi pagpili ay isa pa ring pagpili. Pinapakita rin
dito ang Istilong ginamit ng manunulat o may akda pati na rin ang pagpapakita ng
malayang kaisipan. Sa mga akdang pampanitikan, tulad ng nobela.
Ayon kay Merland Mabait isang Filipino Teacher sa Philippine Science High School-
Main Campus, ang layunin ng Teoryang Eksistensyalismo ay ipakita na may
kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang
pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence). Habang
nabubuhay ang tao patuloy na iiral ang layunin ng teaorya, makikita ang katatagan o
kung minsan ay kahinaan, upang hamunin o tanggapin ang resulta ng kalayaang
pinili. Ang bawat tao ay may kalayaang pumili sa kanyang sarili. Dahilt sa kalayaang
ito, ang tao ay responsable sa anumang maaaring kahinatnan o maging resulta ng
kanyang ginawang pagpili. Ang tao ay may sariling buhay at ang kanyang buhay ang
nagbibigay kahulugan sa kanya bilang tao. Walang maaaring umako sa buhay ng
may buhay. Ang tao ay napalilibutan ng maraming mapagpipilian kung paano niya
gustong mabuhay. Siya ang lumikha ng kanyang sariling buhay na ayon sa kanyang
desisyon, kung saan sa paraan na ito maipapakita at mapapanindigan ang
kahalagahan ng sariling kapasyahan.
SANGGUNIAN:
https://www.scribd.com/doc/60548919/MGA-TEORYANG-PAMPANITIKAN
http://donamaylimbo.wordpress.com/2015/10/07/teoryang-eksistensyalismo-2/
http://www.slideshare.net/mobile/allanortiz/teoryang-pampanitikan-handout-2
Nina:
ABAD,PRINCESS
FACUN,DANIEL D.
MAGNASE,PATRISHA DEMYR I.
MERCADO,JENNIFER T.
BSF 2-1
2019-2020
LOKAL NA PELIKULA: