You are on page 1of 5

Iba't ibang

Uri ng
Abstrak
Zxiencen C. Prodigalidad
Abm 12 St. Catherine of Siena
Ma'am Corral
Impormatibong Abstrak
Ang pag aaral na ito ay tungkol sa mga karanasan ng mga
kabataan na may sirang pamilya. Ang pagkakaroon ng ama at ina sa
pamilya na nagbibigay ng pagmamahal at atensiyon ay napakahalaga
sa bawat anak upang mas maging maayos ang kanilang buhay.
Subalit kung ang bawat bata ay na nakakaranas ng may sira o kaya’y
hindi buo ang pamilya aymaaari na maapektuhan ang kanilang
kinabukasan dahil na nga sa kanilang problema nakinahaharap. Ang
sinabing pananaliksik ay sumasailalim sa qualitative method at
sapamamagitan ng interview ang mga mananaliksik ay nag talaga ng
mga katanungan nasinagutan naman ng mga respondante. Ito ay
ginamitan ng purposive o judgmental samplingkung saan ay pumili
ang mga mananaliksik ng mga respondante na kabilang o
maaringmapagkunan ng mga sapat at maayos na impormasyon sa
nasabing pananaliksik. Ang bilangng mga respondante na kinuha ng
mga mananaliksik ay sampu (10) na binubuo ng mgakabataan sa
Nabua at lahat ng mga ito ay may karanasan na dito. Ayon sa resulta
na nakalapng mga mananaliksik ay marami ang nagsabi na nagiging
sandigan nalang nila ang mgakaibigan nila pagdating sa problema na
may kaugnay sa kanilang pamilya. At isa rin sa mgarespondante ang
nagsabi na ang pagtutuon sa kaniyang pamilya ay nakatulong upang
magingbuo ang pagkatao nya.

Prestado, H. R (February 05, 2023). Impormatibong Abstrak. Kinuha mula sa


https://www.scribd.com/document/468764057/Impormatibong-
abstrak-docx
Deskriptibong Abstrak
Ang pananaliksik na ito ay may layuning alamin kung ano ba
angInsomnia na nagbubuhat ng kahirapan sa pagtulog sa gabi at ang
mgapangunahing sanhi at sintomas ng pagkakaroon nito.

Nilalayon din ng pag-aaral na ito na malaman ang mga bagay na


maaaringmaging lunas sa sakit na ito.

Gumamit ang mga mananaliksik ng paraang deskriptibo at


nginstrumentong talatanungan na pinasagutan sa mga respondente ng
pag aaralhinggil sa sakit sa insomnia. Sinuri at binigyang deskripsyon
ang mga katugunanng mga respondente na siyang naging batayan ng
natuklasan sa pananaliksik ngtao

Vallejos, Jennine, J. (October 16, 2019). Pananaliksik Tungkol Sa Kahirapan sa


Pagtulog Sanhi ng Insomnia. Kinuha mula sa
https://www.scribd.com/document/430592557/289041418-Pananaliksik-
Sa-Filipino-pdf
Kritikal na Abstrak
Ang Odyssey ay isang epiko na isinulat ni Homer noong ika-walong siglo
BCE. Si Homer ay isang bulag na manunulat. Sinulat niya rin ang epikong Iliad
bago ang Odyssey. Ang Iliad at Odyssey ay naglalararawan ng buhay ng mga
Griyego. Ipinapakita sa Iliad ang pasyon na makikita sa kalupitan ng digmaan. Ito
ay istorya ng pagmamahal at kabayanihan. Ang Odyssey naman ay tungkol sa
mga dakilang paglalakbay. Ang dalawa ay mga dakilang epiko, ang pag-aaral ng
mga tao ng panahon at ang paraan ng kanilang pamumuhay na naglaho na ngunit
kamangha-manghang buhay pa rin sa puso ng mga tao. Ang balangkas ng
dalawang epiko ay bumubuo ng mga sunod-sunod na kaganapan, lahat ay
konektado sa isa’t –isa, ngunit kada kaganapan ay kawili-wiling istorya sa sarili
nito. Ang paksa ng Odyssey ay ang pag-uwi ni Odysseus (o Ulysses), na Hari ng
Ithaca, mula sa Trojan War. Dahil sa galit ng diyos ng karagatan na si Poseidon,
siya ay sinumpang maglakbay ng sampung taon sa mga lugar na hindi batid sa
mga tao. Sa paguwi niya, nakita niya ang Ithaca, ang kanyang lupang tinubuan, na
sinalakay ng mga manliligaw na nais patayin ang kanyang anak, si Telemachus, at
pakasalan ang kanyang asawang si Penelope. Ang tula ay nagsimula sa punti na
kung saan si Odyssues ay maituturing na pinamalyo sa kanyang sariling bayan –
sa isla ng Ogygia kung saan ang nimpang si Calypso, na umibig sa kanya, ay
pinanatili siyang nakabihag sa pitong taon. Sa pagtanggap niya ng utos kay Zeus,
pinalaya ni Calypso si Odysseus at siya ay naglayag ng maligaya pauwi. Ngunit si
Poseidon ay pinahirapan siya at dahil sa hindi kanais-nais na malakas na hangin
ay maraming siyang sinuong na panganib at paglalakbay bago siya makarating ng
Ithaca. Ang mga pinakakilala sa mga paglalakbay na ito ay ang kanyang
pagtatagpo kay Nausicaa, anak ng hari ng Phaeacia; ang Cyclops, ang iisang
matang higante na si Polyphemus; si Circe, ang mangkukulam; ang mga Lotus-
Eaters; at ang kanyang paglalakbay sa Lupain ng mga Patay. Si Haring Alcinous
ng Phaeacia ang siyang tumulong kay Odysseus na makabalik sa Ithaca kung saan
ang panganib mula sa mga mabalasik na manliligaw ng kaniyang asawa ay
nagbabanta sa kanya. Matapos mapagtagumpayan at mapatay ang mga
manliligaw, muling nagsama sina Odysseus at sina Penelope, ang tapat niyang
asawa na naghintay ng dalawampung taon nang may dakilang katapatan, tiyaga,
at madiskarteng pag-iwas sa mga pagsugod ng kanyang mga lilo at masamang
manliligaw.
Kritikal na Abstrak
Ang tema ng Odyssey, pati ng Iliad, ay ang pagsang-ayon sa katotohanan
na ang kapalaran ng isang tao ay bunga ng kanyang mga kilos. Ang hindi
magandang kapalaran ay bunga ng kamangmangan at mga hindi dapat at labis na
hilig. Ang mga diyos ay binibigay lamang kung ano ang nais ng tao; ang
kapalaran ng isang tao ay higit sa lahat kapakanan ng desisyon at aksiyon na
ginagawa ng isang tao.

Darilag, A. F., et al. (Agosto 2, 2019). Kritikal na Abstrak. Kinuha mula sa


https://pdfcoffee.com/kritikal-na-abstrakdocx-pdf-free.html

You might also like