You are on page 1of 8

Gumawa ng isang Disaster Plan (Plano para sa Kalamidad)

Isulat kung ano ang gagawin, kung paano hanapin ang isa't-isa, at kung paano
makikipagusap sa isa't-isa sa iba't-ibang uring mga emerhansiya. (Tingnan ang
likod)
❏ Magbanggit ng dalawang lugar kung saan magtitipon: isa sa labas lamang ng iyong tahanan at
isa sa labas ng iyong komunidad, tulad ng aklatan, sentro ng komunidad o simbahan.

❏ Siguraduhin na alam ng lahat ang address at telepono ng iyong pangalawang lugar ng


pagtitipon.

❏ Alamin at praktisin ang lahat ng mga posibleng daanan palabas ng iyong tahanan at
komunidad.

❏ Pumili ng isang kaibigan o kamag-anak sa labas ng estado na matatawagan ng mga miyembro


ng sambahayan kung magkahiwa-hiwalay kayo sa panahon ng kalamidad.

❏ Siguraduhin na matutupad ang mga pangangailangan ng lahat, lalo na ang mga matatanda,
mga taong may kapansanan, mga taong hindi nagsasalita ng Ingles, at mga alagang hayop.

❏ I-praktis ang iyong plano kasama ng lahat ng mga miyembro ng sambahayan at siguraduhin
na mayroon silang kopya.

❏ Tingnan ang emerhensiyang patakaran ng paaralan ng iyong mga anak na pumapasok sa


paaralan.

Maghanda ng mga Emerhensiyang Supply


Itago ang iyong mga supply sa mga lalagyan na matibay at madaling dalhin. Itago
ang mas malaki sa tahanan at maglagay ng isang mas maliit sa iyong kotse. Isama
ang:
❏ Isang tatlong-araw na supply ng tubig: isang galon bawat tao bawat araw na maiinom at
magagamit na panglinis.

❏ Tatlong-araw na supply ng pagkain, tulad ng mga pagkaing pinatuyo o de-lata at isang


pambukas ng lata.

❏ Salapi (P50-300 man lamang sa mga maliliit na kuwartang papel) at isang ATM card.

❏ Mga pampalit na kasuotan at mga sapatos.

❏ Isang kumot o sleeping bag para sa bawat tao.


❏ Isang first aid (pang-unang lunas na) kit.

❏ Mga de-resetang gamot ng pamilya at, kung maaari, mga kopya ng mga reseta.

❏ Isang de-bateryang radyo, flashlight, mga ekstrang baterya, at mga posporong magagamit
kahit basa.

❏ Sabon, toilet paper, at mga ekstrang plastic bag.

❏ Mga bagay para sa mga inaalagaang hayop, sanggol, matanda, o may kapansanang mga
kapamilya.

❏ Ekstrang salamin, ekstrang mga susi ng sasakyan at bahay.

❏ Isang kopya ng mga mahalagang papeles ng pamilya sa isang lalagyan na hindi nasusunog.

❏ Isang pito kung sakaling hindi ka makaalis.

❏ Kung dapat kang umalis mula sa iyong tahanan, mangyaring dalhin ang iyong mga alagang
hayop kung maaari. Magsama ng pagkain, gamot at isang ID tag sa kulyar ng alagang hayop.

Kung Sakali Mang Magkaroon ng Isang Bioterrorism (Biyoterorismo)


na Emerhensiya
Basahin ang sumusunod na impormasyon ukol sa bioterrorism na ahente. Ang
bioterrorism ay nangyayari kapag ang mga bagay na maaaring maging sanhi ng
sakit o kamatayan ay sadyang pinakawalan, kabilang ang:
Mga Ahenteng Biyolohikal: Mikrobyo, mga birus, o kaya ibang mga bagay na biyolohikal.
Mga halimbawa: anthrax, smallpox, plague, botulism.

Mga Ahenteng Kimikal: Mga nakakalasong gas, likido, o mga solido na makapipinsala
sa mga tao o sa kapaligiran. Mga halimbawa: sarin at ricin.

Mga Radyolohikal na Armas: Mga gamit na pumuputok nagkakalat ng mga


radyoaktibong materyales. Halimbawa: dirty bomb
Kausapin ang iyong pamilya tungkol sa mga panganib sa kalusugan ng iba't-ibang mga emerhensiya.
Isipin ang lahat ng mga medikal na pangangailangan ng mga kapamilya at ng mga mapupuntahan o
matatawagan ng pamilya tungkol sa kalusugan. Punan ang pormularyo sa ibaba upang magsimula.

SAN JOSE ADVENTIST ACADEMY


The School that Trains for Service

ISANG SURING-BASA SA FILIPINO 10

Akdang Pampanitikan ng Mediterranean

(Cupid at Psyche)
Mula sa bansang Roma,Italy

Inihanda ni:
Andrea V. Abdala
10-Moses

Ipinasa kay:

Mark Anthony E. Sumaoang


Guro sa Asignatura
\

Ipinasa ngayong:

Nobyembre 4 2022
I.PANIMULA
A.Uri ng panitikan - isang uri ng Mitolohiya na siyang nagbibigay paliwanag sa mga
pinagmulan ng isang pangyayari o bagay, o kwento ng mga pakikipagsapalaran ng mga Diyos at
Diyosa.
B.Bansang pinagmulan –  nagmula ito sa Roma, Italy.
C.Pagkilala sa may-akda - sa kwentong ito ay hindi matukoy ang may- akda dahil ang
kwentong ito ay isang mito na nagpasalin- salin na mula sa isang henerasyon patungo sa iba
D.Layunin ng akda - ipahayag sa lahat na tiwala ang pinaka-importanteng parte ng
pagmamahalan at nais rin nitong ipaalam sa mambabasa na ang anumang tagumpay o kasiyahan
ay nagmula sa paghihirap. At upang ipakita o ipahayag ang kultura ng mga sinaunang tao sa
Mediterranean.

PAGSUSURING PANGNILALAMAN
A.Tema o Paksa ng akda –  pag- iibigan nina Cupid at Psyche at nagpapakita ng tiwala sa isa’t
isa.
B.Mga Tauhan/Karakter sa akda - anak ni Venus (Diyosa ng Kagandahan), umibig kay
Psyche na isang mortal.  Psyche – mas sinasamba ng mga kalalakihan kaysa kay Venus na
diyosa ng kagandahan at isang napakagandang mortal na inibig ni Cupid.  Venus – Diyosa ng
Kagandahan at tutol sa pagmamahalan nina Cupid at Psyche.
C.Tagpuan/Panahon – Tuktok ng Bundok Kaharian ng ama ni Psyche Mansyon Kaharian ni
Venus
D.Balangkas ng mga Pangyayari - May isang napakagandang mortal na nagngangalang
Psyche. Mas sinasamba ng mga kalalakihan kaya’ t nakakalimutang mag- alay sa Diyos ng
Kagandan na si Venus. Nagalit si Venus kaya inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid na
paibigin niya si Psyche.
E.Kulturang Masasalamin sa akda – Ang akdang Cupid at Psyche ay isang mitolohiya na
nagpapakita ng kultura ng mga sinaunang Griyego at Romano. Ang labis na paniniwala nila sa
kanilang intinuturing na mga diyos at diyosa ay malaking impluwensya sa kanilang panitikan.
Ang moral na batas na inilahad ng mga pinaniniwalaang diyos nila ay naging batayan ng
pamumuhay ng mga sinaunang Griyego at Ehipto.
II.PAGSUSURING PANGKAISIPAN
A.Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda - Respetohin mo ang iyong mga magulang, sa
pagmamahal kailangang meyroon tiwala sa isa't-isa, at makuntento ka kung ano ang mayroon ka
B.Estilo ng Pagkasulat ng Akda – Nagbibigay ng ideya hingil sa paniniwala, kaugalian, at
tradisyon.Nagpapahayag ng mga katangian ng tao (kalakasan, kahinaan atbp.Kadalasang tungkol
sa mga kakaibang nilalang at pangyayari.May paniniwalang kayang malampasan ng bida ang
mga pagsubok.

III.BUOD

Ang akdang "Psyche at Cupid" ay umiikot sa pag-ibig ng dalawang nilalang na nagmula sa


magkaibang mundo. Tinangkang sirain ng ina ni Cupid na si Venus. Ngunit ang pag-iibigan nila
ay naging matagumpay sa kabila ng mga pagsubok. Sa huli, ay naging immortal na rin
si Psyche at wala ng hadlang sa pagsasama nilang dalawa

Noong unang panahon mayroong isang hari na may tatlong anak na babae. Isa si Psyche sa
tatlong magkakapatid at siya ang pinaka maganda sa mga magkakapatid. Sa sobrang ganda
ni Psyche ay talaga namang maraming umibig sa kanya. Sinasabi rin na kahit ang diyosa ng
kagandahan na si Venus ay hindi kayang tumapat sa gandang taglay ni Psyche. Ikinagalit ito
ni Venus at mas lalo pang nakapag pagalit sa kanya ay nakalimot na rin ang mga kalalakihan na
magbigay ng alay sa kanya, maging ang kanyang templo ay napabayaan na. Ang dapat sana na
atensyon at mga papuri na para sa kanya ay napunta sa isang mortal.

Dahil dito, nagalit si Venus at inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid upang paibigin si
Psyche sa isang nakatatakot na nilalang, ngunit ang nangyari ay ang kabaligtaran. Si Cupid ang
umibig kay Psyche na tila siya ang nabiktima ng sarili niyang pana. Inilihim ito ni Cupid sa
kanyang ina, at dahil sa kampante naman si Venus sa kanyang anak hindi na rin ito nag-usisa.  

Hindi umibig si Psyche sa sa isang nakakatakot na nilalang, ngunit wala ring umibig sa kanya.
Kahit na sobra ang pagmamahal ng mga ginoo kay Psyche ay sapat na sa kanila ang nakikita
lang nila ang dalaga. Samantalang ang kanyang dalawang kapatid ay nakapag-asawa na ng hari.
Nagging malungkot si Psyche sa mga nangyayari. Kaya naglakbay ang amang hari
ni Psyche upang humingi ng payo kay Apollo upang makahanap ng mabuting lalaking
makakabiyak ng kanyang anak. Hindi alam ng amang hari na naunahan na siya ni Cupid upang
hingin ang tulong ni Apollo kaya sinabi ni Apollo sa hari na makakapangasawa ng isang
nakakatakot na halimaw ang kanyang anak at kailangan nilang sundin ang kanyang ipapayo.
Nang nagawa na ng amang hari ang lahat ng ipinayo ni Apollo. Ipinag-utos niyang bihisan
si Psyche ng pinakamaganda niyang damit. Pagkatapos mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng hari
ang anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan papunta sa tuktok ng bundok. Nang makarating
sa bundok na paroroonan naghintay ang magandang dalaga sa kanyang mapapangasawa. Walag
kamalay mala yang magandang dalaga na ang kanyang mapapangasawa ay ang Diyos ng pag-
ibig na si Cupid.

Naging Masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa mahal na mahal nila ang
bawat isa ngunit may isang bagay ang hindi masilayan ni Psyche, ang mukha ng kanyang
kabiyak. Nangako si Psyche sa kanyang kabiyak na kahit kalian ay hindi niya sasabihin sa mga
kapatin niya na hindi pa niya nasisilayan ang mukha ng kanyang asawa, ngunit ang mga kapatid
pala ni Psyche ay may masamang binabalak at sa pangalawang pagbisita ng mga ito
kay Psyche sinulsulan nila ito na suwain ang kondisyon ng kanyang asawa.

Sa unang pagkakataon ay nasilayan niya ang napakagwapong mukha ni Cupid ngunit ito ay
muntik ng ikamatay ni Cupid dahil sa isang aksidente .Nang malaman ito ni Venus ay lalo itong
nagalit kay Psyche at irto ay pinahirapan niya ng husto. Iba’y ibang mga pagsubok ang
ipinagawa niya kay Psyche subalit nalagpasan itong lahat ni Psyche at ‘di naglaon Ang pag-ibig
(Cupid), at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na pagsubok sa kanilang
pagsasama ay hindi na mabubuwag kailanman.
HOMEROOM GUIDANCE
VILLAROSA, Rein M.
HUMSS-COURAGE
Mirasol D.C Nonong
Adviser

You might also like