You are on page 1of 8

Modyul 4 : Ang Pagsulat ng Halimbawa ng Iba’t ibang Uri ng Teksto

TUKLASIN:

Tiyak kong may kasanayan ka na sa pagsulat. Bagaman pagsulat ang binibigyan


natin ng pokus sa modyul na ito, may mga bago akong babasahin na inihanda para sa
iyo upang lubos pang malinang ang iyong kasanayan sa pagsulat. Halina’t basahin at
unawaing mabuti ang tekstong pinili ko para sayo.

Ang Tugtugin o Musika Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensayklopedya

Ang tugtugin o musika ay uri ng sining na gumagamit ng tunog. Karaniwan, ang


kanta ay tinuturing na pinakamaliit na gawang musika, lalo na tuwing mayroon itong
kasamang pag-awit. Ang karaniwang sangkap ng musika ay pitch (na gumagabay sa
melodiya at harmoniya), ritmo (at ang kaugnay nitong tempo, metro, at artikulasyon),
dynamics, at lahat ng sonic na katangian ng timbre at tekstura. Ang salita ay hango sa
salitang Griyego (mousike; "sining ng mga Musa"). Sa kaniyang karaniwang anyo ang
mga gawaing naglalarawan sa musika bilang isang uri ng sining ay binubuo ng
paggawa ng mga piyesa ng musika, ang kritisismo ng musika, ang pag-aral ng
kasaysayan ng musika, at ang estetikang diseminasyon ng musika.
Ang paglikha, pagganap, kabuluhan, at pati na rin ang kahulugan ng musika ay
iba-iba depende sa kultura at panlipunang konteksto. Ang saklaw nito ay mula sa
estriktong organisadong komposisyon (at ang pang-aliw na pagganap nito), sa
pamamagitan ng improbisasyonal na musika, hanggang sa pormang aleatoric. Ang
musika ay puwedeng hatiin sa mga genre at subgenre, pero ang mga dibisyon at
relasyon sa pagitan ng mga kategorya ng musika ay madalas pino, minsan bukas sa
pansariling interpretasiyon, at paminsan-minsan kontrobersyal. Sa sining, ang musika
ay puwedeng iuri bilang isang sining na itinatanghal, fine arts, at awditoryong sining.
Ang musika ay puwedeng tugtugin at marinig ng pangkasalukuyan, at puwedeng
maging bahagi ng isang dulaan o pelikula, at maaari ding i-record.
Sa maraming tao sa iba’t ibang kultura, ang musika ay mahalagang bahagi ng
pamumuhay. Ang musika para sa mga sinaunang Griyego at pilosopong Indiyano,ay
mga tono na nakaayos pahalang ay melodiya, at patayo ay harmoniya. Mga
pangkaraniwan na kasabihan katulad ng “ang kaayusan ng mga sphere” at “ito’y musika
sa aking mga tainga” ay nagsasabi na ang musika ay kadalasang maayos at
magandang pakinggan. Gayunman, ang ikadalawampung siglo na kompositor na si
John Cage ay may ideya na ang kahit anong tunog ay maaaring maging musika, sa
pagsabi niya ng “walang ingay, kundi tunog.”
Sagutin sa iyong sagutang papel:
_____1. Ano ang paksa ng tekstong iyong binasa?
A. awit B. musika C. pagguhit D. sayaw
_____2. Ano kaya sa iyong palagay ang layunin ng manunulat sa pagsulat nito?
A. awitan ang mambabasa bilang sining
B. gumuhit ng larawan bilang sining
C. magbigay nang malinaw na kaalaman tungkol sa musika bilang sining
D. magpakita ng mga kakaibang sayaw bilang sining
_____3. Saan nakuha ang ang mga tala o impormasyon sa teksto?
A. almanac B. diksyunaryo C. magasin D. esayklopidya
_____4. Ang teksto ay _______________.
A. nagbibigay-impormasyo B. naglalarawan
C. nagpapaliwanag D. lahat ng nabanggit ay tama
_____5. Paano inilahad ang mga datos na nakalap upang maging higit na
makahulugan ang paksa?
A. Ipinaliwanag B. Inilarawan C. Inisa-isa D. Lahat ng nabanggit ay tama

TUKLASIN:

Marahil ay pamilyar ka sa 4 Pics 1 Word. Tuklasin sa mga larawan sa ibaba ang mga salitang
tinutukoy nito. Ang bawat bilang ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng pagsulat.

1.
2.

3.

4.
5.

PAGYAMANIN:

PAGSASANAY 1:
Batid kong alam na alam mo na ang tungkol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Ito ay
tumutukoy sa kumpol ng mga kaso ng viral pneumonia na naganap sa Wuhan, Lalawigan ng
Hubei, simula noong Disyembre 2019. Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad at eksperto sa
kalusugan ng Mainland, China ang isang novel coronavirus ay napag-alamang mikrobyong
sanhi ng sakit na sa kasalukuyan ay lumaganap na hindi lang sa ating bansa kundi sa buong
mundo kaya naman tinagurian itong isang pandemya.

Basahin mong mabuti ang susunod na teksto upang lubos mo pa itong maunawaan.

Ang Corona Virus na nagmula sa bansang Tsina at lumalaganap na sa buong mundo. Noong
umpisa ay tinawag itong novel dahil ito ay itinuturing na pinakabagong sakit sa pamilya ng virus
na kinabibilangan MERS at SARS. Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang natutuklasan na
gamot upang magsilbing lunas ng sakit na ito. Dahil dito hinihikayat ang publiko na manatili sa
loob ng kanilang tahanan, subalit kung hindi maiiwasan ang paglabas ay kinakailangang
magsuot ng mask. Ang Virus ay pinaniniwalaang may inkubasyon na tinatayang sumasaklaw na
mula 1 hanggang 14 na araw, na kadalasan ay humigit-kumulang sa 5 araw. Upang
maproteksiyunan ang sarili, ang pamilya, at kapwa sa sakit na dulot ng corona virus kung uubo
ay kinakailangang magtakip ng bibig o kaya naman umiwas sa taong bumabahing o umuubo
dahil sa mga nauna nang ulat na ang taong kinakapitan ng sakit na ito ay maaaring wala o hindi
kakikitaan ng anomang sintomas ng nakababahalang sakit.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Ang teksto ay tungkol sa __________.
A. AIDS B. MERS C. SARS D. CORONA

2. Ang corona virus ay nagmula sa _____________.


A. America B. Bangkok C. Pilipinas D. Tsina

3. Pinaniniwalaang ang virus ay may inkubasyon na sumasaklaw mula ______.


A. 1 – 7 araw B. 1- 10 araw C. 1-14 na araw D. 1-30 araw
4. Ang novel ay nangangahulugang ____________ sa pamilya ng mga virus na MERS at SARS
A. Bago B. Dati na C. Napapanahon D. Luma na
5. Ang teksto ay isang halimbawa ng tekstong ____________
A. Deskriptib B. Impormatib C. Persweysib D. Prosidyural

Pagsasanay Bilang 2:
Basahing mabuti ang mga sumusunod na talata at kilalanin kung pangkaraniwan o masining
ang paglalarawan na ginamit sa mga talata. Kung masining, isulat ang MP at KP naman kung
pangkaraniwan ang paglalarawang ginamit sa bawat bilang.

_____1. Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinailang lilis ang
laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hanggang pusod na ikinalitaw
ng kaniyang butuhan at maruming dibdib. Mula sa: Ang Kalupi (ni: Benjamin P. Pascual)

Pinagkunan: Consolacion P. Sauco, Iluminada C. Santos, and Remedios S. Rodriguez,


Masining na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime
Publication, 2014. 103.
_____2. Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira ng paningin. Ang liwanag ay kinakailangan
ng mga mata upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay -bagay. Mula sa: Liwanag
at Dilim (ni: Emilio Jacinto)
Pinagkunan: Consolacion P. Sauco, Iluminada C. Santos, and Remedios S. Rodriguez,
Masining na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime
Publication, 2014. 104.

_____3. Nabaling ang kaniyang paningin sa nahihimbing niyang mga mahal sa buhay.
Namasdan niyang mabuti sa liwanag ng ilawan ang ayos ng mga yaon. Sa katauhan ng
kaniyang panganay ay nakakintal ang ugat ng katotohanan kung bakit dapat na mabuhay. Ang
pasusuhin ay tila pinilas na larawan ng kaniyang ina. Hindi nakaila kay Mang Milyo ang
maganda pa ring hubog ng katawan ng kaniyang asawa. Mula sa: Biyaya ng Tag-ulan (ni:
Anacleto L. Dizon)

Pinagkunan: Consolacion P. Sauco, Iluminada C. Santos, and Remedios S. Rodriguez,


Masining na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime
Publication, 2014. 100.

______4. Ang silid na pinagmumulan ng liwanag ay maluwang at maliwalas. Dalawang


malaking pinto ang nagdurugtong ng silid na ito sa mga karatig na silid. Ang isa sa mga pinto ay
nakapinid; ang isa ay nakabukas nang bahagya; ang pintong ito ang nagdurugtong sa silid sa
tulugang walang ilaw. Ang bintana ay mahahaba at makikitid maliban sa is ana pinaglalagusan
ng liwanag na nagmumula sa loob. Mula sa Bahay sa Dilim (ni: Alfredo S. Enriquez
Pinagkunan: Consolacion P. Sauco, Iluminada C. Santos, and Remedios S. Rodriguez,
Masining na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime
Publication, 2014. 97.

______5. Nang bumaba ka sa sinakyan mong kalesa ay palubog na ang araw at ang maputlang
silahis nito’y malungkot na ring nagpapaalam. Mahahabang anino na rin ang nakikita sa
maruming lansangan. Mula sa: May Gunita Pa ang Bulaklak (ni: Jose Flores Sibal)

Pinagkunan: Consolacion P. Sauco, Iluminada C. Santos, and Remedios S. Rodriguez,


Masining na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime
Publication, 2014. 96.

Pagsasanay Bilang 3:
Piliin ang tamang sagot. Isulat ang A kung tama ang pahayag at B naman kung mali.
______1. Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng
impormasyon at instruksiyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay.
______2. Hindi na kailangang alamin kung sino ang nagbabasa ng teksto upang
mapagdesisyunan kung anong uri at antas ng wika ang gagamitin.
______3. Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang.
______4. Gumamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive device upang ipakita ang
pagkasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto.
______5. Hindi mahalaga ang tiyak na deskripsyon tulad ng hugis, laki, kulay, at dami sa
paglalahad ng tekstong prosidyural.

Isagawa:
Pagsasanay Bilang 1:
Dahil alam mo na ang pagkuha ng mga impormasyon, ngayon ay simulan mo nang
bumuo ng tekstong impormatib
a. Sumulat gamit ang iyong sariling pangungusap
b. Alalahanin ang mga elemento at bahagi sa pagbubuo ng isang mahusay na tekstong
impormatib.

Pagsasanay Bilang 2:
Narito ang ilang mga larawan. Pumili ka ng isa sa mga larawan sa ibaba na nais mong gawan
ng sulating deskriptib.

Iyong matalik na kaibigan Iyong ama/ina Lugar sa Pilipinas na minsan


mo na napuntahan

Pagsasanay Bilang 3:
Sumulat ng isang tekstong prosidyural.
1. Pumili ng dalawa sa sumusunod na mga paksa.
2. Gamitin ang unang paksa na iyong napili sa pagsulat ng tekstong prosidyural sa anyong may
bilang.
3. Ang isa pang paksa naman na iyong mapipili ay ilahad sa anyong patalata.

Mga Pagpipiliang Paksa:


1. Paglalaro ng basketbol
2. Pagkukumpuni ng sirang electric fan
3. Pagbubuo ng bisikleta
4. Pagbuburda ng isang placemat
5. Paggawa ng isang email account
Paksa 1:

Paksa 2:

PAMANTAYAN PUNTOS
KAUGNAYAN AT KALINAWAN NG MGA KAISIPAN 4
KAANGKUPAN NG PALIWANAG SA PAKSA 3
KAYARIAN NG PANGUNGUSAP, BAYBAY, GAMIT NG MALAKING TITIK, AT BANTAS 3
TOTAL 10

You might also like