You are on page 1of 15

ABSTRA

K
GROUP 1
KAHULUGAN
 -Ito ay uri ng lagom na kadalasan
ginagamit sa pagsusulat ng mga
akademikong papel.

 -Ayon kay Philip Koopman (1997),


bagamat ang abstrak ay maikli lamang,
tinataglay ang mahalagang elemento o
bahagi ng sulating akademiko tulad ng
Introduksyon, mga kaugnayn
aliteratura, metodolohiya, resulta at
konklusyon.
GAMIT LAYUNIN

 -Na karaniwang - Layunin nitong mapa


ginagamit sa ikli o mabigyang buod
ang mga akademikong
pagsulat ng mga papel.
akademikong papel
tulad ng tesis,  -Ipaalam sa mambabasa
papel na ang paksa at kung ano
siyentipiko, at ang aasahan nila sa
teknikal lektyur, pagbabasa ng isinulat
at mga report. na artikulo o ulat.
KATANGIAN
 -May 200 hanggang 250 nasalita at naka doble
ng espasyo.

 -Ginagamitan ng mga simpleng pangungusap na


malinaw at direkta.

 -Nabanggit ang impormasyon sa papel. Hindi


maaring mag lagay ka ng mga detalye na hindi
na banggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.
-Madaling maunawaan at makuha ng mambabasa
ang target. Huwag mag paligoy-ligoy at gawing
maikli pero komprehensibo para mapaintindi sa
nagbabasa ang naging takbo, bunga at resulta
ng ginawa ng pananaliksik.

-Iwasang isulat ang iyong sariling opinyon at


iwasang maglagay ng statistical figures.

-Maging obhetibo at isulat lamang ang mga


pangunahing kaisipan. Hindi mo kailangang
ipaliwanag ang lahat.
ANYO O URI

 Deskriptibong Abstrak
 -naglalaman ng suliranin ,layunin,
metodolohiyang ginamit at saklaw
ng pananaliksik ng unit hindi
tinatalakay ang resulta konklusyon at
rekomendasyon sa pagaaral.

 -Maiksi lamang ito.

 -Inilalarawan nitosa mga mambabasa ang


mga pangunahing ideya ng papel
Mga Components ng
Deskriptibong Abstrak

 -layunin ng pag-aaral

 -Paglalarawan ng mga pangunahing


ideya ng artikulo

 -Konklusyon o rekomendasyon
(optional)
INPORMATIBONG ABSTRAK

-ito ay naghahayag ng kumpleto, detalyado,


kapaki-pakinabang, at may malinaw
Na impormasyon.

-naglalahad ng layunin, method, resulta,


konklusyon at rekomendasyon

-Research background

- Research objectives

- Research methods

- Main results

- Conclusion (implications &


KRITIKAL NA ABSTRAK

-Ang kritikal na abstract ay


nagbibigay, bilang karagdagan sa
paglalarawan ng mga pangunahing
natuklasan at impormasyon, ng
paghatol o komento tungkol sa bisa,
pagiging maaasahan, o pagkakumpleto
ng pag-aaral. Sinusuri ng
mananaliksik ang papel at madalas
itong ikinukumpara sa iba pang mga
gawa sa parehong paksa.
ISTRAKTURA NG ABSTRAK

 INTRODUCTION

 SCOPE AND LIMITATIONS

 METHODS

 RESULTS

 CONCLUSIONS AND RECOMMENDATIONS


HALIMBAWA NG ABSTRAK
DESKRIPTIBONG ABSTRAK
 Ang pag aaral na ito ay tungkol sa mga karanasan ng kabataan na may
sirang pamilya. Bawat anak ay kailangan ng isang buo at masayang
pamilya upang magkaroon sila ng maayos at magandang buhay. Ang
pagkakaroon ng ama at ina sa pamilya ay nakakatulong sa bawat anak
upang sila ay mag sumikap at maging matagumpay sa bawat bagay na
kanilang kakaharapin. Subalit kung ang bawat bata ay nakakaranas ng
may sirang pamilya ay maaaring maapektuhan nito ang kanilang
kinabukasan o ang mga bagay bagay na kanilang kakaharapin. Ang
layunin ng mga mananaliksik ay magkaroon ng maayos na relasyon ang
bawat pamilya atupang mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante
na may sirang pamilya na malaman nghusto ang kanilang sarili sa
pamamagitan ng ibang tao. Ang mga mananaliksik ay tumuon langsa
mga kabataan na mga nakaranas ng mga ganitong sitwasyon o yung may
mga sirangpamilya.
IMPORMATIBONG ABSTRAK
Ang pag aaral na ito ay tungkol sa mga karanasan ng mga kabataan na may
sirang pamilya . Ang pagkakaroon ng ama at ina sa pamilya na nagbibigay ng
pagmamahal at atensiyon ay napakahalaga sa bawat anak upang mas maging
maayos ang kanilang buhay. Subalit kung ang bawat bata ay na nakakaranas ng
may sira o kaya’y hindi buo ang pamilya ay maaari na maapektuhan ang
kanilang kinabukasan dahil na nga sa kanilang problema nakinahaharap. Ang
sinabing pananaliksik ay sumasailalim sa qualitative method at sa
pamamagitan ng interview ang mga mananaliksik ay nag talaga ng mga
katanungan nasinagutan naman ng mga respondante. Ito ay ginamitan ng
purposive o judgmental sampling kung saan ay pumili ang mga mananaliksik
ng mga respondante na kabilang o maaring mapagkunan ng mga sapat at
maayos na impormasyon sa nasabing pananaliksik. Ang bilang ng mga
respondante na kinuha ng mga mananaliksik ay sampu (10) na binubuo ng mga
kabataan sa Nabua at lahat ng mga ito ay may karanasan na dito. Ayon sa
resulta na nakalap ng mga mananaliksik ay marami ang nagsabi na nagiging
sandigan nalang nila ang mga kaibigan nila pagdating sa problema na may
kaugnay sa kanilang pamilya. At isa rin sa mga respondante ang nagsabi na ang
pagtutuon sa kaniyang pamilya ay nakatulong upang maging buo ang pagkatao
nya.
KRITIKAL NA ABSTRAK
Ang Odyssey ay isang epiko na isinulat ni Homer noong ika-walong siglo BCE. Si
Homer ay isang bulag na manunulat. Sinulat niya rin ang epikong Iliad bago ang Odyssey.
Ang Iliad at Odyssey ay naglalararawan ng buhay ng mga Griyego. Ipinapakita sa Iliad ang
pasyon na makikita sa kalupitan ng digmaan. Ito ay istorya ng pagmamahal
at kabayanihan. Ang Odyssey naman aytungkol sa mga dakilang paglalakbay. Ang dalawa
ay mga dakilang epiko, ang pag-aaral ng mga tao ng panahon at ang paraan ng
kanilang pamumuhay na naglaho na ngunit kamangha-manghang buhay pa rin sa puso
ng mga tao. Ang balangkas ng dalawangepiko ay bumubuo ng mga sunod-sunod na
kaganapan, lahat ay konektado sa isa’t –isa, ngunit kada kaganapan ay kawili-wiling
istorya sa sarili nito.Ang paksa ng Odyssey ay ang pag-uwi ni Odysseus (o Ulysses), na
Hari ng Ithaca, mula sa Trojan War. Dahil sagalit ng diyos ng karagatan na si
Poseidon, siya ay sinumpang maglakbay ng sampung taon sa mga lugar na hindi batid
sa mga tao. Sa pag-uwi niya, nakita niya ang Ithaca, ang kanyang lupang tinubuan,
na sinalakay ng mga manliligaw na nais patayin ang kanyang anak, si Telemachus,
at pakasalan ang kanyang asawang si Penelope.Ang tula ay nagsimula sa punti na
kung saan si Odyssues ay maituturing na pinamalyo sa kanyang sariling bayan –sa
isla ng Ogygia kung saan ang nimpang si Calypso, na umibig sa kanya, ay pinanatili
siyang nakabihag sa pitong taon. Sa pagtanggap niya ng utos kay Zeus, pinalaya ni
Calypso si Odysseus at siya ay naglayag ng maligaya pauwi. Ngunit si Poseidon ay
pinahirapan siya at dahil sa hindi kanais-nais na malakas na hangin ay maraming siyang
sinuong na panganib at paglalakbay bago siya makarating ng Ithaca.
Ang mga pinakakilala sa mga paglalakbay na ito ay ang kanyang
pagtatagpo kay Nausicaa, anak ng hari ng Phaeacia; ang Cyclops, ang
iisang matang higante na si Polyphemus; si Circe, ang mangkukulam;
ang mga Lotus-Eaters; at ang kanyang paglalakbay sa Lupain ng mga
Patay.Si Haring Alcinous ng Phaeacia ang siyang tumulong kayOdysseus
na makabalik sa Ithaca kung saan ang panganib mula sa mga mabalasik
na manliligaw ng kaniyang asawa ay nagbabanta sa kanya. Matapos
mapagtagumpayan at mapatay ang mga manliligaw, muling nagsama
sina Odysseus at sina Penelope, ang tapat niyang asawa na naghintay ng
dalawampung taon nang may dakilang katapatan, tiyaga, at
madiskarteng pag-iwas sa mga pagsugod ng kanyang mga lilo at masamang
manliligaw.
Ang tema ng Odyssey, pati ng Iliad, ay ang pagsang-ayon sa
katotohanan na ang kapalaran ng isang tao ay bunga ng kanyang mga
kilos. Ang hindi magandang kapalaran ay bunga ng kamangmangan at
mga hindi dapat at labis na hilig. Ang mga diyos ay binibigay lamang
kung ano ang nais ng tao; ang kapalaran ng isang tao ay higit sa lahat
kapakanan ng desisyon at aksiyon na ginagawa ng isang tao.
KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL SA IKA-APAT NA TAON

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na

taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito na

matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad

ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na

ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral

sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating

impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa

pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang

“Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa

impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa

pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng

datos. Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral

sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa

kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa

kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.

Green Highlight: Rasyunal

Sky Blue Highlight: Metodolohiyang ginamit

Gray Highlight- Saklaw at Delimitasyon

Yellow Highlight: Resulta ng pananaliksik

You might also like