You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
FELICIANO YUSAY CONSING NATIONAL HIGH SCHOOL
President Roxas, Capiz

PAGSULAT SA PILING LARANG (AKADEMIK)


UNANG PANGKAT (Grade 12 – STEM A): Chlarize Mae Adoyogan
Marj Thereze Arceno
Kentlyn Clark Buendia
Princess Abigail Estudillo

ABSTRAK
KAHULUGAN

Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga


akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report. Ito ay
kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos
ng title page o pahina ng pamagat. Naglalaman din ito ng pinakabuod ng boung akdang
akademiko o ulat. Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang,
tinataglay ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksyon, mga
kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon.

LAYUNIN
Ito ay naglalayong ipakita ang pangunahing punto, metodolohiya, natuklasan, at
kahalagahan ng pagsusuri. Mahalaga ang abstrak sa pagpapahayag ng kabuuang kahalagahan
ng papel at sa paghikayat sa mga mambabasa na basahin ang buong teksto. Sa pamamagitan
ng tamang pagsulat ng abstrak, ang mga mananaliksik ay maaaring maihatid ang kanilang
mga natuklasan sa mas malawak na mga mambabasa at makapagbigay ng ambag sa larangan
ng kaalaman.

GAMIT
Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga.
akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report.
pinakabuod ng boung akdang akademiko o ulat. kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta
at konklusyon.
KATANGIAN
 May 200 hanggang 250 na salita at naka dobleng espasyo.
 Ginagamitan ng mga simpleng pangungusap na malinaw at direkta.
 Nabanggit ang impormasyon sa papel.
 Hindi maaring maglagay ka ng mga detalye na hindi nabanggit sa ginawang pag-aaral
o sulatin.
 Madaling maunawaan at makuha ng mambabasa ang target.
 Huwag magpaligoy-ligoy at gawing maikli pero komprehensibo para mapaintindi sa
nagbabasa ang naging takbo, bunga at resulta ng ginawang pananaliksik.
 Iwasang isulat ang iyong sariling opinyon at iwasang maglagay ng statistical figures.
 Maging obhetibo at isulat lamang ang mga pangunahing kaisipan.
 Hindi mo kailangang ipaliwanag ang lahat.

ANYO
1. Deskriptibong Abstrak
 Inilalarawan nito sa mga mambabasa ang mga pangunahing ideya ng papel.
 Nakapaloob dito ang kaligiran, layunin, at tuon ng papel o artikulo.
 Kung ito ay papel-pananaliksik, hindi na isinasama ang pamamaraang ginamit,
kinalabasan ng pag-aaral at konklusyon.
 Mas karaniwan itong ginagamit sa mag papel sa humanidades at agham panlipunan, at
sa mga sanaysay sa sikolohiya.

2. Impormatibong Abstrak
 Ipinahahayag nito sa mga mambabasa ang mahahalagang ideya ng papel.
 Binubuod dito ang kaligiran, layunin, tuon, metodolohiya, resulta at konklusyon ng
papel.
 Maikli ito, karaniwang 10% ng haba ng buong papel at isang talata lamang.
 Mas karaniwan itong ginagamit sa larangan ng agham at inhinyeriya o sa ulat ng mga
pag-aaral sa sikolohiya.

HALIMBAWA

Halimbawa 1: “Epekto ng Regular na Ehersisyo sa Kalusugan ng mga Kabataan”

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang epekto ng regular na ehersisyo sa


kalusugan ng mga kabataan. Isinagawa ang pananaliksik sa isang pribadong paaralan at
kasama ang 100 estudyante. Ginamit ang eksperimental na disenyo at sinukat ang mga resulta
gamit ang mga standar na pamamaraan ng kalusugan. Nakita na ang mga kabataang regular
na nag-eehersisyo ay may mas mataas na antas ng pisikal na kondisyon at mas mababang
bilang ng mga sakit. Sa kabuuan, nagpapahiwatig ang pagsusuri na ang regular na ehersisyo
ay may malaking benepisyo sa kalusugan ng mga kabataan.

Halimbawa 2: “Epekto ng Klima sa Produksyon ng Palay sa Lalawigan sa Pilipinas”


Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tukuyin ang epekto ng klima sa produksyon
ng palay sa isang lalawigan sa Pilipinas. Ginamit ang datos mula sa mga nakaraang taon at
ginamitan ng mga estadistikong pamamaraan para matukoy ang ugnayan ng klima at
produksyon. Natuklasan na ang pagtaas ng temperatura at pagbabago ng patlang ng ulan ay
may malaking impluwensya sa produksyon ng palay. Kapag ang temperatura ay masyadong
mataas o ang pag-ulan ay hindi sapat, nagiging negatibo ang epekto sa produksyon. Ang mga
natuklasang ito ay mahalagang impormasyon para sa mga magsasaka at mga ahensya ng
pamahalaan upang maipamahagi ang tamang impormasyon at magkaroon ng mga estratehiya
upang maibsan ang epekto ng klima sa sektor ng agrikultura.

You might also like