You are on page 1of 11

11/12

Republic of the Philippines Department


of Education NATIONAL CAPITAL
MARK ACE G. LARDERA
12-GAUSS REGION
Misamis Street, Bago-Bantay, Quezon City

UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS


(USLeM)

FILIPINO SA PILING LARANG (Akademik)


Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Writers: Antonio F. Casuga Jr.
Content Editors: Jenevieve Palattao
Language Editors: Dr. Rodolfo F. De Jesus
Management Team: Dr. Malcolm S. Garma, Regional Director, NCR
Dr. Jenilyn Rose B. Corpuz, SDS, SDO-Quezon City
Dr. Genia V. Santos, CLMD Chief, NCR
Dr. Ebenezer A. Beloy, OIC- CID Chief, SDO-Quezon
City Dr. Gloria G. Tamayo - Regional EPS, EPS Filipino
Dennis M. Mendoza, EPS –LRMS, NCR
Dr. Rodolfo F. De Jesus - SDO EPS – Filipino
Heidee F. Ferrer, EPS-LRMS, SDO-Quezon City
Nancy C. Mabunga, Librarian - NCR
Brian Spencer B. Reyes, PDO, SDO-Quezon City
Liza J. de Guzman, Librarian, SDO-Quezon City

(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.)


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 11/12 Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Aralin 4: Abstrak

Inaasahan

Ang nilalaman ng modyul ay hinggil sa Abstrak. Narito ang Most Essential Learning
Competencies na lilinangin sa araling ito:

nakasusulat ng maayos na akademikong sulatin (CS_FA11/12PU-0d-f-92); at

nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong


sulatin (CS_FA11/12PU-0d-f-93)

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. nakikilala ang abstrak bilang akademikong sulatin ayon sa kahulugan,


katangian, layon, at gamit;
2. nakapagpapahayag ng pananaw hingil sa mahahalagang bagay sa buhay; at
3. nakapagsasaliksik ng mga kaugnay na impormasyon kaugnay sa pagbuo
ng sariling abstrak.

(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |1


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 11/12 Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Unang Pagsubok

PANUTO: Suriin ang mga sitwasyong inilahad sa bawat aytem. Piliin ang letra ng
wastong sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa hiwalay na papel.

A. abstrak F. konklusiyon K. paglalagom


B. akademikong pagsulat G. koopman L. pahina ng pamagat
C. ebidensya H. layunin ng pag-aaral M.pangunahing ideya
D. ganap na abstrak I. limitadong abstrak N. pormal
E. isang pahina J. metodolohiya O. tumpak

A
1. Pagsulat o pagsasalaysay muli ng isang akda.

2. Isang uri ng maikling lagom na ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong


B papel.
3. Pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa pangangailangan sa pag-aaral.
H
4. Binasa ni Andrew ang abstrak ng akademikong sulatin upang iugnay niya ito sa
kanyang ginagawang pag-aaral.
J
5. Ang bahaging ginawan ni Ryan ng lagom ay naglalaman ng mga datos at
talatanungan.
G
6. Siya ang nagsabing tinataglay ng abstrak ang mahahalagang elemento o bahagi
ng sulating akademiko.
C 7. Inilahad ni Maya ang mga katotohanang patunay bilang suporta sa kanilang
akademikong sulatin.
N
8. Paalala ni Gng. Cruz na ang gagamiting wika sa pananaliksik ay angkop at nasa
mataas na uri.
O
9. Buo ang loob ng mga mag-aaral na ang kanilang inilahad na datos at pigura at
M
walang labis at walang kulang.
10. Isinulat ni James ang kaniyang abstrak sa pamamagitan ng mahahalagang
detalye ng kanyang akademikong sulatin.
D
11. Ang inilahad na uri ng abstrak ng grupo ni Mr. Luna ay may lagom ng
nilalaman na binubuo ng layunin, metodolohiya, resulta, kaligiran, at
I
konklusiyon.
12. Uri ng abstrak na maihahambing sa talaan ng nilalaman ngunit nasa
anyong patalata na nagbibigay deskripsiyon sa saklaw ng akademikong sulatin
at hindi sa nilalaman nito.
E
13. Dapat mahahalagang detalye lamang ang isulat sa abstrak dahil ito ay
L
binubuo lamang ng ilang pahina?
14. Sa pahinang ito matatagpuan ang titulo ng pananaliksik.

(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |2


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 11/12 Filipino sa Piling Larang (Akademik)
F 15. Bahagi ng akademikong sulatin na tumutukoy sa tiyak na natuklasan o
natutunan mula sa suliraning inilalahad sa pananaliksik.

(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |3


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 11/12 Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Balik-Tanaw

Magandang Araw! Kumusta ka? Ikaw sana ay nasa magandang kalagayan kasama ng
iyong pamilya sa kabila ng mga nangyayari sa ating paligid. Kailan kayo huling
nanood ng pelikula? Naaalala mo pa ba ang trailer nito? Ikuwento mo ito sa akin sa
pamamagitan ng gabay na pormat sa ibaba. Ilagay sa hiwalay na papel.

Gabay na tanong:

1. Ano-ano ang mga nalalaman mo kaugnay sa paglalagom?

2. Kaugnay nito ano pa ang mga nais mong malaman na makatutulong sa iyo
sa paggawa ng ganitong sulatin?

3. Ilahad ang dahilan kung bakit mahalagang malaman ang mga ito?

(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |4


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 11/12 Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Abstrak

Maraming mga tao ang pihikan sa pagbabasa ng aklat o kakaunti lamang ang
oras na ginugugol sa pagbasa nito. Karaniwan silang bumabatay sa unahang
bahagi ng pahina pagkatapos ng title page, dahil dito matatagpuan ang
pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat. Ito ay ang tinatawag na abstrak
na isang uri ng maikling lagom na ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong
papel tulad ng pananaliksik, tesis, teknikal, papel na siyentipiko, daloy ng
kumperensiya, o anomang may lalim na pagsusuri ng isang paksa o disiplina.
Nakatutulong ito sa mga mambabasa upang madaling matukoy ang layunin ng
pag-aaral. Sa aklat na How to Write an Abstract, bagama’t ang abstrak ay maikli
lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi ng sulating
akademiko tulad ng introduksiyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya,
kabuoang resulta ng eksperimento, at para sa pagtalakay ng interpretasyon
at konklusyon (Koopman, Philip L. 1997, 95-97).

May dalawang uri ang abstrak. Una, Ang informative o ganap na abstrak. Ito
ay may lagom ng nilalaman na binubuo ng layunin, metodolohiya, resulta, kaligiran,
at konklusiyon. Kadalasan ito ay may habang 100 hanggang 200 salita na
tumatalakay sa pangunahing paksa at mahahalagang punto. Ang pangalawa ay ang
deskriptibong abstrak o limitadong abstrak, maihahambing ito sa talaan ng
nilalaman ngunit nasa anyong patalata na nagbibigay deskripsiyon sa saklaw ng
akademikong sulatin at hindi sa nilalaman nito.

Sa pagbuo ng akademikong abstrak dapat na isaalang-alang ang apat na


mahahalagang elemento na bumubuo rito.

1. Ang tuon ng pananaliksik (paglalahad ng suliranin)


2. Ang metodolohiya ng pananaliksik na ginamit (palarawang pananaliksik,
kasong pag-aaralan, palatanungan, atbp.)
3. Ang resulta o kinalabasan ng pananaliksik.
4. Ang pangunahing konklusiyon at mga rekomendasyon.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat


1. Lahat ng detalye na makikita sa kabuoang papel ay makikita rito. Hindi
maaaring maglagay ng mga kaisapan o datos na hindi binanggit sa ginawang
pag-aaral o sulatin.
2. Iwasan ang paglagay ng mga statistical figures o table sa abstrak.
3. Simple, malinaw, at direktang mga pangungusap ang gamitin.
4. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at maging obhetibo.
5. Gawin maikli ngunit komprehensibo ang abstrak.

(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |5


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 11/12 Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Bilang karagdagan nililimitahan ang haba ng abstrak mula 100 hanggang 500 salita
ngunit nagbabago ito ayon sa disiplina at kahingian ng palimbagan.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak

Mahalagang maging maingat sa pagsulat ng abstrak bilang bahagi ng akademikong


papel o ulat dahil kadalasan ito ang unang binabasa at sinusuri ng mga propesor o
eksaminer ng panel. Upang matulungan ka sa maayos na pagsulat narito ang mga
hakbang na maaaring mong sundin:

1. Suriin ang mga pangunahing ideya at isulat.


2. Gawin ng patalata ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi
at isulat ayon sa pagkasunod-sunod.
3. Hanggat maaari iwasan ang paglalagay ng ilustrasyon, graph, table, at iba pa
maliban na laman kung sadyang kinakailangan.
4. Siguraduhing walang nakaligtaang mahalagang detalye na dapat isama at
basahing muli ang ginawang abstrak.
5. Isulat ang pinal na sipi nito.

Halimbawa ng Abstrak

ABSTRAK

Pamagat: Diyos at Kasamaan: Ang Kaugnayan ng Kanilang


Pag-iral
Mananaliksik: Napoleon M. Mabaquiao Jr.

Argumento laban sa paniniwalang may Diyos hango sa kaganapan ng


mga kasamaan sa mundo at kung ang pang-unawa ng tao ay sapat na batayan
para maitakda ang saysay o pagkamakabuluhan ng mga kaganapan sa mundo.

Sa pananaliksik na ito ginamit ang paraang palarawan, ang pangunahing


instrumentong ginamit ay talatanungan upang makalap ang mga datos tungkol sa
kaugyan ng pag-iral ng diyos at kasamaan. Pagpoporsyento ang ginamit sa pag-
aaral upang malaman ang mga kasagutan sa mga suliraning kinkaharap ng pag-
aaral na ito.

Sa kinalabasan ng pag-aaral na kaugnayan ng kaisipan at pag-iral, ang


kaisipan na dahil hindi natin makita ang saysay ng ilang kaganapan sa mundo,
tulad ng matitindi at tila walang saysay na paghihirap, walang makatuwirang
dahilan kung bakit hahayaan ng Diyos na mangyari ang mga ito.

Batay sa kinalabasan ng isinagawang pag-aaral ipinakita natin na ang


palagay na salungat ang paniniwala na may Diyos sa paniniwala na may kasamaan
sa mundo ay walang matibay na batayan dahil ito ay maipakikitang bunga lamang
ng ilang maling kaisipan.

(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |6


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 11/12 Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Gawain

A. Kompletuhin ang hinihinging impormasyon sa pagbuo ng abstrak. Gayahin ang


pormat ng talahanayan na nasa ibabang bahagi. Isulat ang sagot sa hiwalay na
papel.

ABSTRAK

Ang abstrak ay isang uri ng maikling lagom na ginagamit sa pagsulat ng mga


Kahulugan
akademikong papel tulad ng pananaliksik, tesis, teknikal, papel na
siyentipiko, daloy ng kumperensiya, o anomang may lalim na pagsusuri ng
isang paksa o disiplina.
tumutukoy sa isang talatang nagbubuod ng kabuuan ng isang natapos nang
pag-aaral at inilalagay bago ang introduksyon. Ito ang siksik na bersyon ng
Katangian
mismong papel.

Layunin nitong mapaiksi o mabigyan ng buod ang mga akademikong sulatin


gaya na lamang ng tesis, pananaliksik o journals.
Layon

Ito ay ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa tesis, papel


siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report.
Gamit

B. Gamit ang balangkas sa ibaba, isa-isahin ang mga bagay na dapat tandaan
sa pagsulat abstrak. Ilagay ang sagot sa hiwalay na papel.

Dapat tandaan sa pagsulat ng abstrak

1. 1. Lahat ng detalye na makikita sa kabuoang papel ay makikita rito. Hindi maaaring


maglagay ng mga kaisapan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o
2. sulatin.

3. 2. Iwasan ang paglagay ng mga statistical figures o table sa abstrak.

4. 3. Simple, malinaw, at direktang mga pangungusap ang gamitin.

5. 4. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at maging obhetibo.


5. Gawin maikli ngunit komprehensibo ang abstrak.

(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |7


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 11/12 Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Tandaan
Ang abstrak ay isang uri ng maikling lagom na ginagamit sa pagsulat ng mga
akademikong papel. Nakatutulong ito sa mga mambabasa upang madaling matukoy
ang layunin ng pag-aaral. Ang pagpapasimple at pagpapadali sa mga gawain lalo na
sa kasalukuyang panahon ay nakapahalaga dahil sa mabilis na pagbabago sa lipunan
at nangyayari sa paligid. Kaya ang mga pangunahing kailangan ng tao tulad ng
pagkain at gamit ay nagiging instant na rin tulad na lang ng
instantnoodles,instantdrink, instantcredit,atinstantdelivery.Dahilditotilaba
nakakalimutan ng mga tao ang pagiging matiyaga at matiisin lalo na sa larangan ng
paghihintay at pagsisikap.

Ang nakababahala ay nadadala na ito ng mga tao sa lahat ng bagay na kanilang


naisin o gawin sa madaling paraan. Kaugnay nito, pagnilayan mo ang iyong mga
ginawa sa mga nakalipas na araw at ipahayag ang iyong pananaw tungkol sa kung
anong mga bagay sa buhay mo ang maaaring gawin sa madaling paraan o simple at
ano-ano naman ang mga bagay sa iyong buhay na hindi mo dapat madaliin at
nangangailangan ng matiyagang paghihintay.

Gamitin ang eksena ng pag-uusap sa larawan upang ipahayag ang iyong


maikling paliwanag sa iyong pananaw. Ilagay ang sagot sa hiwalay na papel.

Sa panahon ngayon, madami


na talagang tao ang umaasa sa Oo nga., tama ka riyan.
mabilisang Gawain. Kaya Kulang na ang mga tao sa
lahat ng bagay ay minamadali pagtitiyaga. Kung kaya’t hindi
na lamang nila na nila alam na maghintay.

Freepik,BoyStudent,https://www.google.com/search?q=boy+student+cartoon

(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |8


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 11/12 Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Pag-alam sa mga Natutuhan

Magsaliksik ukol sa mga pag-aaral kaugnay ng sining, kababaihan, ekonomiya,


edukasyon at iba pa. Gawan ito ng sariling abstrak. Sundin ang pormat na ibaba.
Isulat sa hiwalay na papel.
Masasamang Epekto na Naidudulot ng Polusyon ng Ingay: Isang Pagsusuri.

Sa pag-aaral na ito inilahad ang mga impormasyon tungkol sa polusyon ng ingay bilang isang uri
ng polusyon na nakapagduduloy ng panganib sa tao o hayop. Ito ay maaaring magmula sa mga
Abstrak
bahagi ng lipunan na may kapasidad na gumawa ng malakas na ingay tulad ng tao, hayop,
industriya at transportasyon. Ang pananaliksk na ito ay isinagawa dahil ang polusyon ng ingay ay
kadalasang binabalewala bagamat may mga masamang epekto itong idinudulot kung saan lingid
ito sa kaalaman ng nakararami. Layunin nito na mailahad ang masasamang epekto ng polusyon ng
ingay sa mga tao at hayop. Kabilang samga masasamang epekto nito sa tao ay ang sakit sa puso,
pagkabingi, problema sa pagtulog, kawalan ng konsentrasyon at ang kalusugan ng bata sa
sinapupunan. Kabilang naman sa masasamang epekto nito sa hayop ang pagkasria ng pandinig ng
mga ito, masking, non-auditory physiological effect, at ang behavioral effect.Inilahad din sa
pananaliksik na ito ang mga hakbang na dapat gawin upang mabigyang-solusyon ang polusyon ng
ingay. Sa kasalukuyan, kakaunti palamang ang maaaring solusyon upang mabawasan ang
polusyong ito kagaya na lamang ng paglalagay ng insulator, pag-iwas sa maiingay na lugar at
pakikinig sa maiingay na tugtog.

Pangwakas na Pagsusulit (Tayahin)

A. Tukuyin ang mga kaisipan o detalyeng kokompleto sa mga pahayag sa bawat


bilang ayon sa binasang aralin.

1. Ang PAGLALAGOM ay ang pagsulat o pagsasalaysay muli sa isang akda


na ginagamitan ng sariling pananalita.
2. Pinapaikli at pinapasimple ng lagom ang mga sulatin ngunit malaman at
NAGTATAGLAY NG PANGUNAHING IDEYA/DETALYADO nito.
Nagpapahayag ng pinakangdiwa
3. Ang paglalagom ay hindi nagtataglay ng MARAMING PAHINA/MAHABA .
4. Ito ay ang tinatawag na ABSTRAK na isang uri ng maikling lagom na
ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel.
5. Nakatutulong ito sa mga mambabasa upang madaling matukoy ang
LAYUNIN AT KABUUAN ng pag-aaral.

B. Basahin at suriin ang bawat aytem. Isulat ang letrang “T” kung tama ang
pahayag, kung mali ay isulat ang letrang “M” at ilagay ang salitang nagpamali sa
pahayag. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

LAGING M 1. Laging lagyan ng mga statistical figures o table sa abstrak.


T 2. Simple, malinaw, at direktang mga impormasyon ang gamitin.
T 3. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at maging obhetibo.
T 4. Suriin ang mga pangunahing ideya at isul
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |9
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 11/12 Filipino sa Piling Larang (Akademik)

T 5. Hindi maaaring maglagay ng mga kaisapan o datos na hindi binanggit sa


ginawang pag-aaral o sulatin.
MAHABA M 6. Gawin mahaba ngunit komprehensibo ang abstrak.
I-GRAPH M 7. I-graph ang pinal na sipi nito.
T
8. Siguraduhing walang nakaligtaang mahalagang detalye na dapat isama at
basahing muli ang ginawang abstrak.
T 9. Hanggat maaari iwasan ang paglalagay ng ilustrasyon, graph, table, at iba pa
maliban na laman kung sadyang kinakailangan.
PATANONG M 10. Gawin ng patanong ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat

(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) Pahina|


10

You might also like