You are on page 1of 12

abstrak

Group 3
Ang kahulugan ng
abstrak
Ang Abstrak, mula sa Latin na abstracum, ay ang maikling
buod ng artikulo o ulat na inilalagay bago ang introduksiyon. Ito ang
siksik na bersiyon ng mismong papel.

Ito ay kadalasang tinatawag na akademikong sulatin. Ito ay


ginagawa ng mga mag-aaral bago sila matapos ng kanilang mga
asignatura. Thesis paper ang madalas na itawag dito. Mababasa sa mga
thesis na ito ang mga pag-aaral, pananaliksik at pagkakalap ng mga
datus at mga tala na kapakipakinabang para sa napiling diskusyon.
Abstrak na Sulatin Para sa Pananaliksik

Sa mga siyentipiko, ginagamit din ang abstrak na sulatin sa paglilimbag ng mga datus na
kanilang nakakalap mula sa kanilang mga pananaliksik.

Ginagamitan pa ito ng mga dokumentaryo para mas maipahiwatig ng mga siyentipiko ang
aral na gusto nilang ipaintindi sa napili nilang magbabasa o sa kumunidad na kinabibilangan.

Sa mga sumusulat ng kanilang mga personal na journal, at mga , abstrak rin ang uri ng sulatin na
kanilang ginagamit.Ang mga personal na journalay gumagamit lamang ng mga maiiksi ngunit may
kompletong inpormasyon sa kanilang mga sulatin.
Samantalang ang mga mananaliksik ay gumagamit ng mga kompletong detalye at tala para sa
kabuuan ng kanilang mga pag-aaral.
kalikasan at bahagi ng
abstrak

Sa kabila ng kaiksian ng abstrak, kailangang


makapagbigay parin ito ng sapat na deskripsyon o
impormasyon tungkol sa laman ng papel.
mga uri ng abstrak
Deskriptibo Impormatibo

Inilalarawan nito sa mga mambabasa Ipinahahayag nito sa mga mambabasa


ang mga pangunahing ideya ng papel. ang mahalagang ideya ng papel.
Nakapaloob dito ang kaligiran, Binubuod dito ang kaligiran, layunin,
layunin, at tuon nga papel at artikulo. tuon, metodolohiya, resulta at
Kung ito ay papel-Pananaliksik, hindi konklusyon ng papel.
na isinama ang pamamaraang ginamit, Maikli ito, karaniwang 10% percent
kinalabasan ng pag-aaral at ng haba ng buong papel at isang
konklusyon. talata lamang.
Mas karaniwan itong ginagamit sa mga Mas karaniwan itong ginagamit sa
papel sa humanidades at agham larangan ng agham at inhinerya o sa
panlipunan, at sa mga sanaysay sa ulat ng mga pag-aaral sa sikolohiya.
sikolohiya.
Halimbawa ng
deskriptibong
abstrak
Halimbawa ng
Impormatibong
abstrak
Mga hakbang sa
pagsulat ng abstrak
Basahing muli ang buong papel. Habang nagbabasa, isaalang-alang ang
gagawing abstrak. Hanapin ang mga bahaging ito: layunin, pamamaraan, sakop,
kongklusyon, rekomendasyon, o iba pang bahaging kailangan sa uri ng abstrak
na isusulat.
Sulat ang unang draft ng papel. Huwag kopyahin ang mga pangungusap.
Ilahad ang mga impormasyon gamit ang sariling salita.
Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahi an sa organisasyon at
ugnayan ng mga salita o pangungusap, tanggalin ang mga hindi na kailangang
impormasyon, magdagdag ng mahahalagang impormasyon, tiyakin ang
ekonomiya ng mga salita atiwasto ang mga maling grammar at mekaniks.
I-proofread ang pinal na kopya.
Halimbawa abstrakt
“Epekto ng Regular na Ehersisyo sa Kalusugan ng mga Kabataan”

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang epekto ng regular na


ehersisyo sa kalusugan ng mga kabataan. Isinagawa ang pananaliksik sa isang
pribadong paaralan at kasama ang 100 estudyante. Ginamit ang
eksperimental na disenyo at sinukat ang mga resulta gamit ang mga standar
na pamamaraan ng kalusugan. Nakita na ang mga kabataang regular na nag-
eehersisyo ay may mas mataas na antas ng pisikal na kondisyon at mas
mababang bilang ng mga sakit. Sa kabuuan, nagpapahiwatig ang pagsusuri na
ang regular na ehersisyo ay may malaking benepisyo sa kalusugan ng mga
kabataan.
Halimbawa abstrakt
“Epekto ng Klima sa Produksyon ng Palay sa Lalawigan sa Pilipinas”

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tukuyin ang epekto ng klima sa produksyon


ng palay sa isang lalawigan sa Pilipinas. Ginamit ang datos mula sa mga nakaraang taon at
ginamitan ng mga estadistikong pamamaraan para matukoy ang ugnayan ng klima at
produksyon. Natuklasan na ang pagtaas ng temperatura at pagbabago ng patlang ng ulan
ay may malaking impluwensya sa produksyon ng palay. Kapag ang temperatura ay
masyadong mataas o ang pag-ulan ay hindi sapat, nagiging negatibo ang epekto sa
produksyon. Ang mga natuklasang ito ay mahalagang impormasyon para sa mga magsasaka
at mga ahensya ng pamahalaan upang maipamahagi ang tamang impormasyon at
magkaroon ng mga estratehiya upang maibsan ang epekto ng klima sa sektor ng
agrikultura.
Mga katangian ng
mahusay na abstrak
Binubuo ng 200-250 salita
Gumagamit ng mga simoleng pangungusap na nakatayo
sa sarili nito bilang isang yunit ng impormasyon
Kompleto ang mga bahagi
Walang impoirmasyon hindi nabanggit sa papel
Nauunawaan ang pangkalahatang target ng mambabasa
Thank
You

You might also like