You are on page 1of 14

MGA IBA’T IBANG URI NG

MAIKLING KWENTO
Inihandani: Michelle M. Estrada
1. KUWENTO NG KATUTUBONG KULAY –
BINIBIGYANG-DIIN SA KUWENTONG ITO ANG
KAPALIGIRAN NG PINANGYARIHAN, ANG MGA
KAUGALIAN AT MGA PANANAMIT NG MGA
TAHUAN, AT ANG URI NG PAMUMUHAY AT
HANAPBUHAY NG MGA TAO SA NASABING POOK.
• Mga Halimbawa ng maikling kuwento sa uring ito ay
Ang Misteryo sa Bundok Banahaw ni Shaina Rose D.
Dialaat
Suyuan sa Tubigan” ni Macario Pineda.
2. KWENTO NG PAKIKIPAGSAPALARAN
NASA BALANGKAS NG PANGYAYARI ANG
INTERES NG KWENTO NG
PAKIKIPAGSAPALARAN.

Halimbawa
• PANGARAP AT TAGUMPAY ni Emmar C. Flojo
3. KWENTO NG KATATAWANAN
ITO AY NAGBIBIGAY-ALIW AT
NAGPAPASAYA SA MAMBABASA.

• Halimbawa ng maikling kuwento sa uring ito ay “Sa


Pula, Sa Puti” ni Francisco Soc Rodrigo at
• ABNKKBSNAPLAKo?!. Ni Bob Ong
4.KWENTO NG KABABALAGHAN
DITO PINAG-UUSAPAN ANG MGA SALAYSAYING HINDI
KAPANIPANIWALA. ITO ANG MGA PANGYAYARI NA HINDI
MITUTURING NA ORDINARY O MGA BAGAY NA HINDI KAYANG
GAWIN NG ISANG NORMAL NA TAO.

• Halimbawa ng maikling kuwento sa uring ito ay Ang


Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng Trono
5. KWENTO NG PAG-IBIG
ITO NAMAN AY TUNGKOL SA PAG-IIBIGAN NG
PANGUNAHING TAUHAN AT ANG KATAMBAL NIYANG
TAUHAN.

• Sa Bagong Paraiso ni Efren Abueg.


• Ang Kuwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute
• Ang bangkang papel ni Genoveva Edroza-Matute
6. KWENTO NG TAUHAN
Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga
tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa
kanila ng isang mambabasa.

• Halimbawa nito ay ang “Walong Taong Gulang” ni


Genoveva Edroza-Matute.
• Impeng Negro-Rogeli Sikat
• “Ang Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza Matute
7. KUWENTO NG SIKOLOHIKO – SA GANITONG
Uri Ng Kuwento Ay May Kahirapang Ilarawan Ang Pag-
iisip Ng Isang Tao. Ang Kailangan Ng Kuwentong Ito’y
Maipadama Sa Mambabasa Ang Damdamin Ng Isang
Tao Sa Harap Ng Isang Pangyayari.

• “Ang Pusa sa Aking Hapag” ni Jesus A. Arceo


• Ang Kwento ni Tata Selo
8. Kwento Ng Madulang Pangyayari
Binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang
pangyayari na nakapagpapaiba O nakapagbago sa tauhan.

Halimbawa : “Ang bangungot na kahapon “ni Mike Angelo Abino


Mc Arthur ni Bob Ong
9. KWENTONG Bayan-inilalahad Dito Ang Mga
Kwentong Pinag-uusapan Sa Kasalukuyan Ng Buong
Bayan.

• HALIMBAWA
• Kung bakit Dinadagit ng mga lawin ang mga sisiw
10.KWENTO NG KATATAKUTAN–ITO AY
NAGLALAMAN NG MGA PANGYAYARING
KASINDAK-SINDAK.

• Halimbawa: “Aswang” Sa Baryo Dekada Sitenta


Ayon naman kay koontz (1999), may dalawang
malawak na pangkat ang mga kuwentong ating
nababasa, ang mga kuwentong may tiyak na
kategorya at ang mga kuwentong karaniwan.
Nabibilang sa unang pangkat ang mga sumusunod:
1. Science Fiction – Ito’y Isang Akdang Masining Na Ginagampanan Ng
Mga Tauhang Binuo Ng Mayamang Imahinasyon Ng Manunulat. Ang
Mga Piling Tauhan Dito’y May Taglay Na Suliraning Makakaharap Nila
Sa Malayong Planeta O Di Kaya’y Sa Malayong Hinaharap Ng Daigdig
Ngunit May Mapapanghawakang Maka-agham Na Paniniwala.
A Sound of Thunder” ni Ray Bradbury, isang maikling kwentong sci-fi na
tumatalakay sa matinding pinsalang dulot ng “butterfly effect.”

2. Pantasya – Mga kuwentong ito ay ukol sa mahika o sa mga


supernatural ngunit walang batayang maka-agham.
Halimbawa: mga kwento tungkol sa diwata
3. Misteryo – Sa kuwentong ito, ang krimen ay ilalahad sa
binabasa ngunit walang mapagkakakilanlan sa kriminal; mula
sa pangitaing ito, uusad ang kuwento pabalik hanggang sa
makikita ang mga palatandaan tungo sa paglutas ng krimen.
4. Suspense – Sa simula pa lamang ng kuwentong ito ay alam
na ang salarin. Gugulong ang kuwento na mayroong habulan
at maliliit na labanan. Ang pinakalundo ng kuwentong ito ay
hahantong sa paghaharap ng protagonista at antagonista.
Halimbawa: Ang Kalupi

You might also like