You are on page 1of 3

BLOOMRIDGE INTEGRATED SCHOOL

248 Gen. Luiz St., Novaliches, Quezon City


UNANG KABUUANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

PANGALAN _____________________________________ Marka _________


Baitang / Pangkat _________________________________ Petsa __________

I. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang tamang sagot
sa loob ng kahon.

Puasa Chamber Liriko Psyche Guidance


Theater Counselor
Diktaturyal Tema Wakas Plato Editoryal
Epiko ni Anu Juno Genre Mercury
Gilgamesh
Diana Mitolohiya Parabula Simposyum Cupid
Soneta Virgil Mrtamorphoses Epiko Urshanabi
Pandora Zues Apolo Athena Cyclops

1. Siya ang diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at ng buwan.


2. Ang babaeng iniibig ni Cupid at sinasabing kahit ang diyosa ng kagandahan na si Venus ay
hindi makapantay sa ganda nito.
3. Mensahero ng mga diyos, paglalakbay, pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw, at panlilinlang
4. Ito ay isang ganap na pag-aayuno sa pagkain, pag-inom, kasama na ang ano mang
masasamang gawi laban sa kapwa mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.
5. Ito ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay
ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos o
diyosa.
6. Siya ay isang Griyegong pilosopo na nagsulat ng sa sanaysay na pinamagatang Alegorya ng
Yungib.
7. Ito ay bahagi ng isang sanaysay kung saan nakapaloob dito ang kabuuan ng sanaysay, ang
pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan, at katuwirang inisa-isa
sa katawan ng akda.
8. Elemento ng isang sanaysay kung saan malalaman ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang
paksa.
9. Mga kwentong kadalasa’y hango sa Bibliya at umaakay sa matuwid na landas ng buhay.
10. Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kaunaunahang dakilang likha ng
panitikan.
11. Diyos ng pagmamahal at sinasabing anak ni Venus
12. Ito a nag-ugat sa salitang Griyego na sympinein na nangangahulugang sama-samang pag-
inom.
13. Propesyunal na tagapayo at tagagabay ng mga mag-aaral kaugnay ng kanilang pampersonal,
pang-akademiko at pampropesyunal na mga alalahanin.
14. kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao o kultura na nagsasalaysay tungkol sa
kanilang mga ninuo, bayani,diyos at diyosa, mga supernatural na mga nilalang at naglalahad ng
kasaysayan, agham o pag-aaral ng mga mito
15. Ayon sa epiko ni Gilgamesh siya raw ang diyos ng kalangitan o ang diyos ama.

B. Ipakilala ang mga tauhan:

16. Zeus
17. Hera
18. Apollo
19. Poseidon
20. Hermes
21. Ares
22. Athena
23. Artemis
24. Aphrodite
25. Demeter

II. Panuto: Lagyan ng T kung tama ang isinasaad ng isteytment at M kung hindi. bilugan
ang salita o mga salitang nagpapamali dito. Isulat ang iyong kasagutan sa patlang. (2
puntos sa Mali at sa pagtuklas kung ano ang nagpapamali dito.)

26. Sa Pagsasagawa ng Suring-basa, alamin muna kung anong uri ng akdang pampanitikan ang
sinusuri.
27. Ang extemporaneous ay maingat na inihandang pananalita ngunit binigkas ng walang hawak
na kopya
28. Si Venus and diyosa ng kagandahan at agila ang sagisag niya.
29. Ang “Aenid,” ang pambansang epiko ng Rome at isinulat ito ni Ovid.
30. Si Apollo and diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika, panulaan
31. Ang ritwal na Bu-aday ay ginawa ng mag asawamg Bugan at Wigan upang sila ay
mabiyayaan ng mga anak, masaganang ani at pamumuhay.
32. Si Wigan ay naglakbay upang maghanap ng lalamon sa kanya sa kadahilanang hindi sila
magkaroon ng anak ng kanyang asawa.
33. Ang Cohesive devices ay ang paggamit ng mga salitang nagsasamasama o nag-uugnay ng
isang ideya sa mga kasunod na ideya.
34. Ang Epiko ni Gilgamesh, isang epikong patula mula sa Greece.
35. Ang The Divine Comedy ay isang epikong isinulat ni Virgil

III. 40-50. Ibuod ang mitolohiya ni Pandora gamit ang mga paraan ng pagbubuod ng
mitolohiya. May katumbas itong sampung ( 10 ) puntos.
Kasagutan
1. Diana
2. Psyche
3. Mercury
4. Pausa
5. Epiko
6. Plato
7. Wakas
8. Tema
9. Parabula
10. Epiko ng Gilgamesh
11. Cupid
12. Simposyum
13. Guidance counselor
14. Mitolohiya
15. Anu
16. Diyos ng kalangitan at kulog.
17. Diyos ng langit, mga babae, kasal at panganganak.
18. Diyos ng araw, liwanag, musika, medisina at propesiya.
19. Diyos ng dagat, lindol at kabayo.
20. Diyos ng komersyo, biyahero at laro / mensahero ng mga diyos at diyosa.
21. Diyos ng Digmaan
22. Diyosa ng karunungan, digmaan, sining, industriya, hustisya at ng kaalaman.
23. Diyosa ng buwan at pangangaso.
24. Diyosa ng kagandahan at pag-ibig.
25. Diyosa ng agrikultura at pertilidad.
II.
26. TAMA
27. TAMA
28. MALI-AGILA/KALAPATI
29. MALI-OVID/VIRGIL
30. TAMA
31. TAMA
32. MALI-WIGAN/BUGAN
33. TAMA
34. MALI-GREECE/MESOPOTAMIA
35. MALI-VIRGIL/DANTE
III. 40-50.

You might also like