You are on page 1of 2

REVIEWER SA FILIPINO 10 (IKATLONG MARKAHAN)

Liongo (Mitolohiya mula sa Kenya – Silangang Africa)

- Nasasalamin ang kanilang literatura sa pamamagitan ng kanilang mga mitolohiya na nagpapakilala sa


kultura at tradisyon ng bansa.

- Ang mitolohiya ay tulay sa pagkilala sa ating kasaysayan, kultura, at mga paniniwala.Mga alamat, mito,
at diyos-diyosan—ang mga salitang ito ay nagpapahiwatig ng kagila-gilalas na mundo ng mitolohiya.

 Mashya at Mashayana: Mito ng Paglikha


 Liongo – nangingibabaw sa akda ay ang paghahangad ng kapangyarihan mali man o tamang
paraan
(Tauhan)
 Liongo – pinakamahusay na makata, siya ay higante na hindi nasusugatan sa mga armas
ngunit pag tinamaan ng karayom ang pusod ay mamatay siya, hari ng Ozi at Ungwana.
 Mbwasho – ina ni Liongo
 Haring Ahmad (Hemedi) – pinsan ni Liongo, unang namuno sa Islam, nais niyang mawala
si liongo.

Ang Matrilinear ay tumutukoy sa pamamahala ng mga kababaian.

Ang Patrilinear ay tumutukoy sa pamamahala ng mga kalalakihan.

 Maaaring Lumipad ang Tao (Isinalaysay ni Virginia Hamilton, Isinalin sa Filipino ni Roderic P.
Urgelles

Pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at


estilong nasa wikang isasalin. Ang isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo
rito.

MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG TAGAPAGSALIN

 Sapat na kaalamanan sa dalawang wikang kasangkot


 Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang kasangkot
 Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag
 Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
 Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin

Ang “His paper was soaked in water na salin sa Filipino na “nabasa sa tubig ang kanyang papel”.

Mga sukat ng tula

8, 12, 16, 18

Tugmang ganap ang pagkakaparehas ng tunog sad ulo ng bawat taludtod.

Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/Iran)

Anekdota – ay isang kwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng isang tao at
magandang karanasan na kapupulutan ng aral na batay sa makatotohanang pangyayari.

 Akasya o Kalabasa (Consolation P. Conde)


 Mullah Nassreddin (Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles)
 Mula sa mga Anekdota ni Saadi (Mongheng Mohametano)

“Ang tsinelas ni Jose Rizal” ay isang halimbawa ng anekdota na nagsasalaysay ng mga pangyayaring
magkakaugnay sa pinakamasining na paraan ng pagpapahayag.

Ang salitang humulagpos ay nangangahulugang pumigtas.

Ang salitang pagkayamot ay nangangahulugang pagkainip.

“Sa tingin ko nga na mas mahal pa niya kami kaysa kanyang sarili. Nang mawala ang aming ama,
ganoon na lamang ang pag-aalala sa kanya. Inaakala ko na manghihina ang kanyang katawang pisikal
at espiritwal subalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos”
REVIEWER SA FILIPINO 10 (IKATLONG MARKAHAN)

-Ang damdaming namayani sa akda ay ang paghanga.

- Sa may salungguhit ay nagpapahiwatig na gagawin ng magulang ang lahat para sa anak.

-Ang salitang nanliligaw ay nagpapahiwatig ng naninigangalang pugad na panliligaw.

“Ang Alaga” (Maikling Kwento mula sa East Africa) ni Barbara Kimeye

(Tauhan)

 Kibuka – isang matanda na nagretiro sa pagtratrabaho sa gobyerno.


 Itim na baboy – alaga ni kibuka na namatay at kinatay ang karne nito, pinamigay ang kanyang
karne sa mga kapit-bahay na nagbibigay ng makakain sa kanya.

“Mataas si Nana Sendang, maputi at may magandang pangangatawan na hindi nakayang igupo ng
anomang salaghati sa buhay sa kabila ng walag humpay niyang pagsusumikap upang mapag-aral at
maitaguyod ang kanyang mga anak”

Analohiya:

Bulaklak:hardin ; aklat: silid-aralan

Berde:kapaligiran ; asul:karagatan

Ang inaakala ay nagpapahiwarig na paghihinuha.

Tuwirang Pahayag – ay pahayag na may pinagbatayan at may ebidensiya kaya’t kapani-paniwala.

Halimbawa. “Ang mga nanalo ay isang nagmimithi na hindi nawawalan ng pag-asa” – Nelson Mandela

Di-tuwirang Pahayag – ay pahayag na bagaman batay sa sariling opinion ay nakahihikayat naman sa mga
tagapakinig o tagapagbasa.

Halimbawa. Sinabi ni Nelson Mandela na ang mga nanalo ay isang nagmithi na hindi nawalan ng pag-asa.

Nobelang “Paglisan” ni Chinua Achebe

“Hinakot lahat ni Okonkwo ang kanyang mga ari-arian at mahalagang kagamitan at nagtungo sa Mbanta,
lugar na kapanganakan ng kanyang ina dala ang kanyang buong pamilya. Sinunog ang mga natirang
hayop, kubo at mga natirang mga pag-aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong pamayanan sa
kasalanan nito. Malugod naman silang tinanggap ng mga kaanak higit lalo ang tiyuhin nitong Uchendu.
Tinulungan nila sina Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang munting pamayanan at pinahiran ng mga
butil na pinagsisimulan ng kanilang munting kabukiran. Malagim at mahirap man ang sinapit ni
Okonkwo, pinilit niyang tanggapin ang lahat at muling nagbalik sa kung saan siya nagsimula”

-ang tradisyon ng mga taga-Africa na pinakita sa akda ay pagsunog sa mga ari-arian ng nagkasala kapag
ipinatapon sa ibang lugar.

- ang akda ay nagpapakita ng teoryang Realismo.

Sa nobelang Paglisan ni Chinua Achebe, matagumpay na inilahad ang kagiliw-giliw na tradisyon ng mga
taga- Africa.

Sidhi ng Damdamin

-Kagalakan, katuwaan, kaligayahan, kasiyahan

-namayani, nangibabaw, naghari, namayagpag

- hikbi, luha, iyak, hagulgo;

You might also like