You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF EASTERN PHILIPPINES


University Town, Catarman, Northern Samar
Web:http://uep.edu.ph
Email: uepnsofficial@gmail.com

Panitikan ng Pilipinas
Modyul 1

ICY ROSE C. EULIN


Guro
Kabanata 1

Panimulang Pag-aaral ng Panitikan

Ano ang Panitikan?

Ayon kay Bro. Axarias, “ang panitikan ay ang pagpapahayag ng damdamin ng tao, sa
lipunan, sa pamahaalan, sa kapaligiran, sa kapwa, at sa Dakilang Lumikha”. Ang
pagpapahayag daw ng damdamin ng isang nilikha ay maaaring sa pamamagitan ng pag-ibig,
kalungkutan, kaligayahan, galit o poot, pagkahabag, pag alipusta, paghihiganti, at iba pa.

Ayon naman kay Webster, sa kaniyang pinakabuod na pakahulugan, “anumang bagay raw na
naisasatitk, basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao, maging ito’y totoo,
kathang isip, o bungang tulog lamang ay maaaring tawaging panitikan.”

Ang Panitikan at Kasaysayan

Ang panitikan at kasaysayan ay mayroon ding pagkakaiba. Ang panitikan ay maaaring


maging likhang-isip o bungang-isip lamang o mga pangyayaring hubad sa katotohanan na
naisatala, samantalang ang kasaysayan ay pawing mga pangyayaring tunay na naganap –may
pinangyarihan, may sanhi ng pangyayari, at may panahon.

Mga Paraan ng Pagpapahayag

1. Pagsasalaysay
2. Paglalahad
3. Paglalarawan
4. Pangangatwiran

Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan

1. Klima
2. Hanapbuhay
3. Pook o Tirahan
4. Lipunan at Pulitika
5. Edukasyon at Pananampalataya

Mga Akdang Pampanitikan na Nagdala ng Impluwensya sa Buong Daigdig:

1. Banal na Kasulatan o Bibliya


2. Koran
3. Iliad at Odyssey
4. Mahabharata
5. Canterbury Tales
6. Uncle Tom’s Cabin
7. Divine Comedia
8. El Cid Compeador
9. Awit ni Rolando
10. Ang Aklat ng mga Patay
11. Ang Aklat ng mga Araw
12. Isang Libo’t Isang Gabi

Pangkalahatang Uri ng Panitikan

Ang pangkalahatang uri ng panitikan ay ang tuluyan at patula. Ang mga akdang tuluyan ay
yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangunagusap, samantalang ang patula ay
yaong mga pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma, taludtod, at saknong.

Ang mga Akdang Tuluyan:

1. Nobela
2. Maikling kwento
3. Dula
4. Alamat
5. Pabula
6. Anekdota
7. Sanaysay
8. Talambuhay
9. Balita
10. Talumpati
11. Parabula

Ang Akdang Patula

Ang pagsusulat ng tula ay naiiba sa ibang sanagy ng panitikan sapagkat ito ay


nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagbilang ng mga pantig, at paghahanap
ng magkakatugmang mga salita upang ipadama ang isang damdamin o kaisiipang nais
ipahayag ng isang manunulat.

Apat na Uri ng Akdang Patula

1. Tulang Pasalaysay
a. Epiko
b. Awit at Kurido
c. Balad

2. Tula ng Damdamin o Tulang Liriko


a. Awiting Bayan
b. Soneto
c. Elehiya
d. Dalit
e. Pastoral
f. Oda

3. Tulang Dula o Patanghalan


a. Komedya
b. Melodrama
c. Trahedya
d. Parsa
e. Saynete

4. Tulang Patnigan
a. Karagatan
b. Duplo
c. Balagtasan

Gawain:

1. Basahin ang epikong “Indarapatra at Sulayman”.


2. Gumawa ng Maikling Kwento.
3. Sumulat ng Tula.

You might also like