Isang giyera na nanalanta bilyung taon na ang nakalipas, pumapatay ng trilyon-
trilyon araw-araw ng hindi man lang natin namamalayan. Ang nakikipaglaban sa giyera ay ang isang nakakamatay na entidad o bagay sa mundo, ang Bacteriophage o mas kilala blang isang Phage. Ang bacteriophage o phage ay isang virus. Hindi ito patay at hindi rin ito buhay. Parang mayroong gumawa sa kanila. Ang kanilang ulo ay isang icosahedron, parang isang dice na may 20 mukha at may 30 gilid. Naglalaman ito ng mga genetic material ng virus at nakaupo ito sa mahabang buntot na may mga paang parang hibla. Mas marami pa ang phages dito sa mundo kaysa sa mga organismo kahit ito’y pagsamasamahin kasali na ang mga bacteria at posibleng silay nasa paligid natin. Bilyun-bilyung phages ang nasa ating katawan ngayon. Mayroong nasa bituka natin, nasa balat o kaya’y nasa pilik mata. At kung pag-iisipan, parang dapat tayo’y mangamba dahil sila ang dahilan ng pagkamatay ng karamihan dito sa mundo. Pero tayo’y masuwerte dahil hindi tayo ang kanilang paboritong almusal. Sila’y pumapatay lamang ng mga partikular na bacteria. Sila ay may proseso din sa pagpapakalat ng lahi kagaya rin ng ibang virus. Kailangan nila ng mapagtuluyan upang sila’y mabuhay at makapagparami. Mayroon ding ibat-ibang uri ng phages na pumapatay rin ng isang tiyak na bacteria na ankop nito, at ito ang kanilang sisiraan. Ito’y parang isang seeking missile na humahanap ng isang malas na bacteria na angkop sa uri ng phages. Ito ay lalapag sa balat ng bacteria, ikakabit ang kaniyang mga paa at tuturukan ng kaniyang mga genetic information. Sa loob lamang ng ilang minuto ay mabubuo ang mga bagong munting phages hanggang sasakupin nito ang loob ng bacteria. Kung ang bacteria ay mapupuno na ng phages, may ipapalabas na enzyme ang phages na nasa loob ng bacteria at ito’y gagawa ng butas upang ang mga phages ay makalabas. Hanggang sa pumutok ang bacteria at ang mga phages ay makakalabas at hahanap naman ng mga bibiktimahin. Ang mga phages ay napakaimportante ngayon upang tayo’y malabanan laban sa mga masasamang bacteria. Noon ang mga bacteria ay isang malaking dagok sa mundo. Maling sipsip at paglanghap mo sa hangin ay nakakamatay na dahil sa bacteria. Hanggang noong 100 taon na ang nakalipas, may isang aksidenteng experimentong nagawa ang mga siyentista, na mula sa fungi, upang malabanan natin ang bacteria. Ito ay ang penicillin o ang antibiotics. Ngayon ginagamit natin ang antibiotics upang malabanan natin ang mga sakit dulot ng bacteria. Ngunit ang mga bacteria ay mga nabubuhay na organismo kaya’t sila’y may kayang mag-evolve at magiging hindi sila tatablan ng kahit anong antibiotics. Ang tawag sa mga bacteria na ito ay mga superbugs. sila hindi matatablan kahit angong antibiotic pa ang ibibigay mo sa kanya. Laganap na ito ngayon sa mundo at ang mundo ng antibiotic ay unti-unting lumiliit dahil sa mga superbugs. Buti nalang may mga phages. Sinasabing tuturukan tayo ng phages sakaling mayroon tayong superbug na bacteria sa ating katawan. Pero hindi ba ang phages ay virus at ito’y nakakasama? Ang phages na ito ay dalubhasa sa pagpatay ng mga angkop lamang na bacteriang papatayin nito. Napakadalubhasa na kahit tayo ay hindi maapektuhan nito. Lagi tayong makakasalubong ng mga phages araw-araw pero itoy balewala lamang at hindi nakakasama sa ating katawan. Ang antibiotics ay pinapatay nila kahit ang mga mabubuting bacteria, pero ang mga phages ay pinapatay lamang nila ang kanilang angkop na papataying bacteria depende kung saan sila dalubhasa. Eh kung mag-evolve muli ang bacteria upang hindi sila tatablan ng mga phages, hindi naba magagamit ang mga ito? Hindi lamang bacteria ang marunong mag-evolve pati na rin ang mga phages. Kaya pag nag-eevolve ang isang bacteria, nageevolve din ang mga phages upang malalabanan nila ang mga bacteria. Ang phages ay kilala bilang isang nakakamatay na nabubuhay na organismo sa mundo. Pero kahit ito’y nakakamatay hindi naman ito nakaka-apekto sa atin, tanging ang mga partikular na bacteria lamang ang mga hindi masuswerte sa mga phages. Baka ito na ang solusyon sa mga sakit dulot ng mga superbugs na bacteria. Baka ang pagturok ng nakakamatay na organismo sa mundo ay siya pala ang makakaligtas sa mi lyun-milyung katao. Fusion Power: Kinabukasan o Kabiguan?
Ang pangunahing kailangan dito sa ating sansinukob ay ang enerhiya. Ito’y
nagpapa-ilaw sa mga tahanan, nagpapalaki sa mga halaman at nagpapa-andar sa mga kagamitan. Makukuha natin ang enerhiya sa pamamagitan ng pagsusunog ng petrolyo, paghahati ng atom (atomic fission), o di kaya’y sa mga enerhiyang mula sa hangin, tubig, init at liwanag mula sa araw. Pero ito’y may masamang epekto at hangganan. Ang pagsusunog ay nakakalason, ang paghahati ng atom ay nakakasama, at ang mga enerhiya mula sa hangin, tubig, init at liwanag mula sa araw ay may hangganan (pwedeng walang hangin, tubig, init at tinatakpan ng ulap ang araw). Pero ang ating araw ay mayroong walang hanggang enerhiya. Pwede ba tayong makakagawa ng araw dito sa lupa upang mayroon na tayong walang hanggang enerhiya? Ang araw ay lumiliwanag dahil sa nuclear fusion o ang paglikha ng mga bagong elemento sa pamamagitan ng pagtipon ng mga gumagalang proton, neutron at electron (wag malilito sa atomic fission). O sa madaling salita, ang nuclear fusion ay isang thermonuclear process, ibig-sabihin na ang mga sangkap sa paglikha ng nuclear fusion ay dapat sobrang mainit na ang mga atom ay mahihiwalay sa kanilang electron at magiging plasma na kung saan ang nuclei at ang electron ay malayang nagbabanggaan. Sapagkat ang nuclei ay positively charged, itataboy nila ang isat-isa. Para madaig nila ang pagtataboy sa isat-isa, kailangan nilang maging napakabilis. Ibig sabihin na kung mas mabilis, mas mainit kaya nagiging mainit ang araw. Pero nandadaya pa rin ang araw. Sa sobrang laki at bigat nito, malakas ang pressure sa loob nito kaya lilikha ito ng init hanggang ang mga nuclei ay sapilitang magsama at magsanib hanggang sila ay makakalikha ng mabibigat na elemento at maglalabas din ng enerhiya sa parehong oras. Kaya ang mga scientist ay umaasang makuha ang eneriya para sa mga sumusunod na henerasyon ng Power Plant ang Fusion Reactor dito sa mundo. Hindi naman pwedeng dadalhin natin ang araw dito sa lupa upang kunin ang enerhiya nito. Kaya kung gusto nating lumikha ng isang fusion reactor na lumilikha ng enerhiya mula sa nuclear fusion, kailangan nating maging matalino. Ngayon, ang mga scientist ay nag-iimbento ng dalawang paraan upang makalikha ng mainit na plasma na pwedeng pagsamahin. Ang unang uri ng reactor ay gumagamit ng magnetic field na tinatawag na magnetic confinement reactor. Ito’y upang ipitin ang plasma sa isang mala-hugis donut na chamber na kung saan ang reaction ay mangyari. Ang pangalawang uri ng reactor ay tinatawag na inertial confinement. Ito’y gumagamit ng napakalakas na laser upang painitin ang ibabaw o balat ng isang espesyal na bulitas o pellet na naglalaman ng pampasiklab na ang fuel ay magiging mainit at masikip upang ang mga nuclei sa loob ng pellet ay magsanib o magtipon. Ngunit ang mga reactor na ito ay eksperimento pa lamang. Hanggang ngayon bumubuo pa rin ang mga scientist ng ganitong teknolohiya. Kahit sila pa ay makakagawa ng fusion reactor ngayon, mas marami pang enerhiya ang kailangan upang gawin ang eksperimentong ito kaysa sa kanilang magawang enerhiya dulot ng nuclear fusion. Mahaba-habang panahon ang kailangan upang magiging komersyal ang enerhiyang mula sa fusion reactor o di kaya’y hindi talaga magiging isang komersyal ang fusion reactor sa mundo. Pero kung makagawa tayo nito, ito’y magiging mabisa na ang isang basong tubig-dagat ay magkasingtulad ng enerhiyang mula sa sinunog na petrolyo na walang basura ang mailalabas. Pero baka isipin niyo na ang paglikha ng isang maliit na araw sa mundo ay parang isang bomba. Ito’y ay mas ligtas kaysa sa ibang pinagkukunan ng enerhiya. Ang fusion reactor ay hindi tulad ng isang nuclear plant na nakakalason at nakakamatay. Kung ang fusion reactor ay masisira, ito’y lalaki at lalamig at parang wala lang at ito’y hindi magiging bomba. Ang tanging problema lamang ay ang maliit na basura na sasanib sa hangin at ito’y mawawala rin ng ilang panahon. Ang problema nito ay ang gastusin. Kung ito’y magiging nasa komersyo, ang halaga nito ay sobrang mahal at ang paglikha nito ay mahal rin. Mas mura pa nito kung ito’y gagamitin sa ibang malilinis na enerhiya at napatunayan na. Siguro ito’y kabiguan kung ito’y mapapasakamay sa mga gipit na tao dahil paapatubuin nito ang presyo pero siguro rin na ito’y magiging isang kinabukasan kung ito’y mapapasakamay sa mga mabubuting tao na gawing libre ang enerhiya mula sa fusion reactor. :
DNA: Ang maliit na Tagapagdikta ng
Buhay Walang taong magkatulad dito sa mundo. Lahat ay kakaiba malabin na lamang sa kaniyang pamilya. Siya ay may blondeng buhok, ikaw ay maputi, ang iba naman ay may malaking mata at ang iba ay may matangos na ilong. Pero bakit ba tayo’y kakaiba sa ibang tao? Sino o ano ba ang nagdidikta sa ating kaanyoan, personalidad at kakayahan? Hindi pala natin aakalain na ang isang napakaliit na malahagdang hugis na paikot ang nagdidikta sa atin. Ito ang tinatawag natin na DNA Ang DNA o deoxyribonucleic acid ay isang masikot na biomolecule na binubuo ng maliliit na yunit na tinatawag na nucleotide. Kada isang nucleotide ay may tatlong bahagi: ang five-carbon sugar molecule (Deoxyribose), isang pangkat ng phosphate, at isang nitrogenous base. Mayroon namang apat na uri ng mga nitrogenous base na bumubuo sa mga nucleotide ng DNA. Ito ay ang cytosine, guanine, thymine at adenine. Ang cytosine at thymine ay kabilang sa isang uri ng mga organikong molecule na tinatawag na pyrimidine at kabilang naman ang adenine at guanine sa uri ng purine. Ang adenine at thymine ay magkapares gayundin ang cytosine at guanine. Sinasabing naka-encode sa DNA ang impormasyon tungkol sa isang tao sa kemikong lenggwahe ng DNA. Ang DNA ang namamahala at nagdidikta sa paglaki ng iyong biokemiko, anatomiko, pangkaisipan at katangiang pag-uugali. Ang DNA ng isang tao ay minana mula sa kanyang mga magulang. Ang DNA ay makikita sa Chromosome na nasa nucleus ng isang cell. Kaya nitong magparami sa pamamagitan ng DNA replication. Dinidikta rin ng DNA ang pagbubuo ng protina sa ating katawan sa pamamagitan ng protien synthesis. Una ay ang transcription. Ito ay isang proseso na kung saan ang kodigo ng gene para sa tiyak na protina sa DNA ay kinopya para magiging RNA o ribonucleic acid. Pangalawa ay ang translation. Ito ay isang proseso na kung saan ang RNA na nagiging mRNA o messenger ribonucleic acid ay isinalin para makagawa ng protina. Sa ribosomes, ang mRNA at tRNA ay nakikipagtulungan sa isa’t-isa sa pagproseso ng translation. Ngayon, kahit ang mga tsikiting ay nakakarinig na tungkol sa DNA, at ang mga siyentista ay regular na nagmanipula ng DNA sa laboratoryo upang gamitin at palitan ang namamanang katangian ng isang cell. Noong mga nakaraang siglo ang pagkakakilanalan nito ay isang malaking hamon para sa kanila at ang porma nito ay misteryo pa hanggang noong Abril 1953. Napahanga ng dalawang tao na sina James Watson at Francis Crick ang mundo ng agham dahil sa pagkadeskobre nila sa hitsura at porma ng DNA. Iniharap nila ang kanilang modelo ng DNA na isang biomolecule na parang isang paikot na hagdan. Ginagamt din ang DNA sa pamamagitan ng pagkakakilala sa mga taong namatay na hindi pa nakikilala. Ginagamit din ito sa crime scene. Ginagamit rin ang DNA upang maniupalhin ang minanang sakit kagaya lamang g isang aktres sa Amerika na si Angelina Jolie. Minanipula ng mga siyentista ang gene o DNA niya upang maiwasan niya ang kanser sa dibdib ngunit iyon ay isa pang test upang hindi magmutate ang gene o DNA niya na magiging sanhi ng kanser sa dibdib. Ginagamit din ang DNA sa pamamagitan ng paglikha ng mga pinahusay na organismo o mas kilalang GMO o Genetically Modified Organism. Minanipula ng mga siyentista ang DNA ng isang organismo upang ang mga ito’y kanilang mabago. Dahil minanipula at binago nito ang DNA ng isang organismo, ang katangian nito ay nakadepende sa idinidikta ng kanilang DNA. Ngunit ang pagmanipula ng DNA ay nakakasama rin. Ang mga GMO ay makakadulot ng abnormal at myutasyon o pagbabago sa katawan na magiging sanhi sa pagbuo ng isang polyp o bukol na sa kalaunan ay magiging kanser. Kung sa moralidad naman tyo magbabase, ang pagmanipula ng DNA ay masama dahil binabago nito ang kaanyuan at katangian ng isang organismo. Maliit man ito ngunit ito ang sentro ng ating buhay. Dinidikta nito kung ano at sino tayo. Mahirap unawain ang proseso nito dahil hindi natin ito nararanasan araw-araw. Kahit ito’y maliit lamang ngunit ito ang pinaka-importante sa pagiging isang tao dahil nakasalalay nito kung ano at sino tayo. Kahit ang DNA ay napakaliit, ito ang nagdidikta ng ating buhay. Indian Goosegrass, Isang Damong Panlunas Ang damo ay karaniwang tinatadyakan. Ito’y nakakasira ng ma dekorasyon at ito’y masama sa paningin ng tao. Ngunit di natin akalain na ang damong tinatapakan ay pwede ng panlunas sa ating katawan! Itong damo ay panlunas lban sa sakit sa bato, athritis at mga parasito. Nakakatulong ito sa pagpapagaling ng sugat, diabetes, nakapagpababa ng altapresyon o high blood pressure at nakakagamot ng Kanser. Ito ay ang Indian Goosegrass o goosegrass lang kung tawagin. Eleusine Indica ang siyentipikong pangalan ng Indian goosegrass. Paragis kung sa tagalog at bila-bila o hila-bila sa bisaya. Ito’y isang uri ng damo na kasali sa pamilya ng Poaceae. Ito’y nanggaling mula sa africa ngunit karamihan nito ay nasa South America, Micronesia, Asia, American at Pacific Islands. Tinatawag siyang “Indian” hindi dahil galing ito sa India kundi ito ay hinango sa mga kautubong mga tao na namumuhay sa Amerika noon. Tinatawag kasi ang mga Amerikano noon bilang isang “Indian” kaya dito nakuha ang pangalan na “Indian” sa Indian goosegrass. Ito’y nabubuhay sa mga maiinit na lugar na kungsaan ay may mala tropikal at subtropikal/subtemperate na rehiyon. Ang mga kulay nito ay berde, maplang kayumanggi, o di kaya’y maitim pag patay na. may hugis na pahabang itlog at aabot sa 1 hanggang 1.5 mm ang pollen nito. Ang tanim na ito ay tumutubo ng isang (1) ruler (12 inches) hanggang 1.5 ruler (18 inches). Sanasabing ang Indian goosegrass ay kung sann-sann lamang tumutubo. Ang kabuuang tanim, lalong-lalo na ang mga ugat ay nakakapaglinis ng katawan, diuretiko (ang paglalabas ng toxin sa pamamagitan ng pag-ihi), nakakapababa ng lagnat at nakakatulong upang madaling matunaw ang mga tapon ng ating katawan. Sa Vietnam, isa itong “basic remedy” at traditional na itong medisina sa kanila Ayon sa mga Malaysian Doctors na nagsasaliksik tungkol sa mga benepisyo ng goosegrass, ang kemikong laman nito ay nakakapagpatunaw ng mga tumor na nagdudulot ng kanser. Ito raw ay mayaman sa antioxidants, antibacterial at anticancer. Ito rin ay may mga antitoxins. Ibig sabihim, ito’y pumapatay ng mga tumor cells. Ang mga kemikals o sangkap ng Indian goosegrass ay nakakatulong upang patayin ang mga masasamang bacteria na nagdudulot ng iba’t ibang sakit. Palaging sinasabi ng programa ng Healing Galing na “ang lahat ng panlunas ay makikita at makukuha sa luntiang kalikasan”. Ang Indian gooserass ay salot para sa atin noong hindi pa nadideskobre ang nakakatulong na gamot dulot ng Indian goosegrass. Tandaan na ang sagot sa gamutan sa mga sakit sa katawan, malay mo nandiyan lang sa iyong bakuran.
Alien Life: Ang Maaaring Dahilan ng
Ating Katapusan Ipalagay natin na ang NASA (National Aeronautics and Space Administration) ay nagaanunsyo ngayon na nakahanap na sila ng aliens. Bacteria sa Mars, kakaibang isdang alien sa karagatan ng Europa (isang malaking buwan ng Jupiter), at mayroon ding mga nasirang kagamitan ng mga sinaunang aliens sa Titan (Ang pinakamalaking buwan ng Saturn). Diba ito’y kahanga-hanga? Oo, ngunit ito na siguro ang pinakamasamang balita o di kayay nakakawasak. Ito na siguro ang ating katapusan at baka ito’y mangyayari sa anumang panahon. Bakit? Bakit ba ang nakakatuwa at nakakagalak na pagtuklas sa ating buhay ay nakakasama? Ating gunigunihin ang ang pag-unlad ng mga nabubuhay mula sa umpisa hanggang ngayon ay parang isang hagdan. Ang unang hakbang sa hagdan ay ang patay na chemestry. Ito ay ang pagbubuo at pagsasanib ng mga molecule upang makabuo ng mga biomolecule at organic molceule na siyang dahilan ng mga nabubuhay at kaya nitong mag kopyahin ang kanyang sarili at kaya rin nitong magbago at aangkop sa kanyang paligid o evolve. Ang pangalawang hakbang ay ang pagtipon at pagsanib ng mga biomolecule at organic macromolecule upang maging magusot na organismo katulad ng Cell, ang batayan ng ating buhay. Pangatlo ay ang pagtitipon at pagsanib ng mga cells upang mgaiging isang multicellular na organismo. Ang pang-itaas na hakbang nito ay ang mga uri o species na may mga malalaking utak kagaya ng mga tao na marunong makibahagi ng kanilang nalalaman at mga kagamitan na siyang dahilan ng pagkacomplex nito. Ang species na ito ay magiging pangunahing mamahala sa kanilang planeta. Mapagkukunan ng kagamitan at yaman ng isang species o uri ay may hangganan. Kaya kung maaari, kanilang sasakupin ang mga malalapit na planeta. Kung naubos naman ang kanilang mga mapagkunan ay sasakupin na rin nila ang ibang systema ng isang bituwin o Star system hanggang kanilang masakop ang kabuuang galaxy. Ito’y dahil sa kanilang pangangailangan. Ito ay ang pangunahing prinsipyo sa kalawakan o sansinukob upang ang isang species o uri ay matirang buhay. Alam nating aabot sa 500 bilyong planeta ang nasa loob ng Milky Way galaxy at maaring may 10 bilyong planeta ang katulad sa planeta natin, ang planetang Earth. Ang ilan ay nauna pa kaysa sa ating planeta. Pero sa ganitong kalaki at kadami ng planeta, wala tayong nakikitang mga aliens na mas nauna o advance kaysa natin kahit miisa man lamang. Pero bakit? Ito ay dahil sa tinatawag nilang The Great Filter. Ito ay isang filter o salain na kahit ang mga advance daw na sibilisasyon ay hindi makakalampas sa salain na ito. May dalawang senaryo ng great filter para sa atin. Ito’y maaring nasa likod natin o nasa harapan natin. Kung nasa likod natin ang great filter, eh di tayo’y maswerte dahil nalampasan natin ang salaan na iyon. At kung ito ay nasa ating harapan, tayo naman ay malas dahil walang sinuman ang makakalampas sa filter na iyon kahit na ang mga sibilisasyon na mas advance o mas nauana pa kaysa natin. Pero kung may advance na sibilisasyon ang nakalampas sa The Great Filter, parang ito na ang katapusan natin. Pwede nilang sakupin tayo dahil sila ang nauna kaysa sa atin kaya ito’y nagiging nakakakilabot. Kung tayo’y makakadiskobre ng alien life sa ibang planeta o sa ibang star system, dapat tayong maghanda sa anumang mangyari dahil hindi natin alam kung mas nauna pa tayo sa kanila o mas nauna pa sila kaysa sa atin. Kung sila ay mas nauna, dapat nating higpitan ang ating sarili baka ito na ang katapusan natin kung sakaling sasakupin nila ang ating mundo. Ito ang dahilan kung bakit ang paghahanap ng ibang buhay sa labas ng ating mundo ay nakakatakot. Kung mas karaniwan ang buhay o life dito sa ating universe o sansinukob at kung ito ay mas nauna at complex kaysa sa atin, maaaring ang ang the Great Filter ay nasa unahan natin. Ang napakamahusay na senaryo ngayon ay ang balitang wala pang buhay ang nakikita sa Mars, ang karagatan ng Europa ay wala pang buhay at ang karamihan sa planeta sa ating Milky Way galaxy puro lamang mga patay na kontinente at malalaking karagatan na walang namumuhay at buhay o life. Maaari rin natin itong tirhan ang mga planetang pwedeng makasuporta ng buhay kung sakaling tayo ang nasa una kaysa sa mga alien, naghihintay sa atin upang tayo’y makapunta at titira.