You are on page 1of 25

5

Unang Markahan – Modyul 4


Aralin 13 - 15
Filipino - Grade 5
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan-Modyul 4, Aralin 13-15
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at
ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso, CESO VI
Development Team of the Module
Author/s: Lilian K. Dolloso
Marestelle M. Olandre
Nilda A. Aclao
Jessie P. Gravino
Mary Jess A. Gorre
Richel B. Loking

Reviewers: Rose Mary R. Abapo, EPS, Filipino


Elsa B. Buenavidez, PSDS
Ramil C. Cabural, Principal
Marjorie A. Sagario, Principal
Ludivico Barrientos, Principal

Illustrator and Layout Artist: Daryl Henry P. Engracia, Teacher


Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Audie S. Borres, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES


Rose Mary R. Abapo, EPS-Filipino
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Elsa B. Buenavidez, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088)545-09-90
E-mail Address: deped1miz@gmail.com
5
Filipino
Unang Markahan-Modyul 4
Aralin 13-15

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


teachers, school heads, public schools district supervisors, and education program
supervisors of the Department of Education - Ozamiz City Division. We encourage
teachers and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education - Ozamiz City Division at
deped1miz@gmail.com.

We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina
Pangkalahatang Ideya ----------------------------------------------------------- iii
Nilalaman ng Modyul ----------------------------------------------------------- iii
Pangkalahatang Panuto ---------------------------------------------------------- iv
Icons na Ginagamit sa Modyul ------------------------------------------------- v
Modyul 4
Aralin 13:

Pagbabahagi ng Isang Pangyayaring Nasaksihan o Naobserbahan


Alamin ---------------------------------------------------------------------- 1
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 1
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 1
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 2
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 2
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 3
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 3
Aralin 14:

Pagsagot sa mga Tanong sa Binasang Anekdota


Alamin ----------------------------------------------------------------------- 4
Balikan ----------------------------------------------------------------------- 4
Tuklasin ---------------------------------------------------------------------- 4
Suriin ------------------------------------------------------------------------- 5
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 6
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 6
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 7-8
Aralin 15:

Paglalarawan ng mga Tagpuan at Tauhan sa Napanood na Pelikula


Alamin ---------------------------------------------------------------------- 9
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 9
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 10
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 10-11
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 12
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 12
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 13
Susi sa Pagwawasto --------------------------------------------------------------- 14-15
Sanggunian ------------------------------------------------------------------------- 15
Pangkalahatang Ideya
Maipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto upang malilinang ang
kakayahan nila sa pakikinig, pagsasalita, pagsusulat at panonood. Matutuhan din nga mga
mag-aaral na gamitin ang wastong gramatika sa iba’t ibang sitwasyon. Magagamit ang
Wikang Filipino sa pagpapahayag ng ideya, damdamin, pananaw, at paniniwala.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga
mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang Subukin
kung saan masusuri ang natututunan kaugnay sa bagong aralin na tatalakayin. Nakabatay sa
nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga paksa ng bahaging Subukin. Sinusundan ito ng
pag-uugnay ng pagkatuto mula sa mga nagdaang modyul at sa kasalukuyang modyul sa
bahaging Balikan.

Ang bahaging Tuklasin ay naglalahad ng bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t ibang


gawain. Sa bahaging Suriin naman ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at mararapat na
matutuhan ng mga mag-aaral upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ang bahaging Pagyamanin ay mga gawain na magpapalawak ng natutuhan ng mga


mag-aaral at magbibigay ng pagkakataong mahahasa ang mga kasanayang nililinang.

Ang bahaging Isaisip naman ay magpoproseso ng mahahalagang natutuhan sa aralin


at sa bahaging Isagawa naman mailalapat ang mahahalagang natututunan sa mga pangyayari
o sitwasyon sa totoong buhay.

iii
Pangkalahatang Panuto
Ang modyul na ito ay sinadyang binuo upang maunawaan ng mga mag-aaral nang
mabuti ang mga aralin sa Filipino Baitang 5 kahit hindi na makakapasok sa paaralan nang
regular. Sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin upang maging lubos ang
iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin.

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anumang lugar na


tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sap ag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadyet gaya ng cellphone, tablet, laptop, kompyuter jung


kinakailangan ito sa iyong pinag-aralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang
gumamit o pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensyon sa pag-
aral.

3. Maglaan ng kwaderno para sa Filipino para sa mga sagot sa mga tanong sa mga
Gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa pagpapalalim. Isulat naman ang
iyong mga pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwadreno sa
Filipino.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong
puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning
pagkatuto at mapagtapos ang pag-aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kapatid, kamag-aral, kaibigan, o


sa mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan sa mga
aralin na kinakaharap.

iv
Icons na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o mithiing


Alamin
dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa tatalakaying


Subukin aralin. Sa pamamagitan nito masususuri kung ano na ang
iyong natutunan kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng


pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
Balikan
nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying bagong
aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t


Tuklasin ibang gawain

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat


Suriin mong matutunan upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong natutunan


at magbibigay pagkakataong mahasa ang kasanayang
Pagyamanin
nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong mahahalagang


natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat ang


iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari o
Isagawa
sitwasyon sa totoong buhay.

v
Aralin Pagbabahagi ng Isang Pangyayaring
13 Nasaksihan o Naobserbahan

Alamin

Tungkol saan ang modyul na ito?

Sa modyul na ito ay matutuhan mong magbahagi ng isang pangyayaring nasaksihan o


naobserbahan; sumagot sa mga tanong sa binasang anekdota; at maglarawan sa mga tagpuan
at tauhan sa napanood na pelikula

Sa aralin na ito, malalaman mo rin kung anong klaseng karanasan o pangyayaring


naobserbahan o nasaksihan ang maaaring ibahagi sa iba. Mapapahalagahan mo rin kung
lahat bang nasaksihan o naobserbahan ay kailangang ibabahagi sa iba.

Balikan

Panuto: Isulat sa patlang ang wastong baybay ng hiram na salita gamit ang alpabetong
Filipino.
1. index ________________________
2. campus ________________________
3. magazine ________________________
4.guapo _________________________
5.cuatro __________________________

Tuklasin

Panuto: Basahing mabuti ang isang sitwasyon at sagutin ang mga kasunod na tanong.

Sumama si Arthur sa kanyang mga kamag-aral sa pamimitas ng mangga sa halip na


umuwi nang maaga pagkagaling sa paaralan. Ginabi sila sa pag-uwi sa bahay at nadatnan na
niya ang kanyang ama. Tinanong siya kung saan galing. Ngunit sinabi niya na inutusan siya
ng kanyang guro na linisin uli ang silid-aralan.

1. Kung kayo ang kaibigan ni Arthur at alam mo ang totoong nangyari, ibabahagi mo ba
sa ama ni Arthur ang tunay na nangyari?
_____________________________________________________________________
2. Bakit?_______________________________________________________________
_____________________________________________________________________

1
Suriin

Panuto: Basahin ang isang pangyayaring nasaksihan ng isang batang nasa ikalimang baitang.

Si Elmer, hindi tunay na pangalan ay lumaki sa pamilyang mapag-aruga ng anak.


Masaya si Elmer sa piling ng kanyang mga magulang. Isang trabahador ng kompanya ang
kanyang ama at nasa bahay lamang ang kanyang ina.
Ngunit sa pangyayaring hindi inaasahan, nawalan ng trabaho ang ama ni Elmer nang
dahil sa pandemic na COVID-19. Walang naipon na pera ang pamilya kaya sila ngayo’y
naghihikahos. Nag-aantay lamang sila ng tulong ng pamahalaan at mga pribadong
indibidwal.
Ang masayang pamilya ay naging malungkutin na dahil sa sitwasyon.
Sagutin:
1. Mayroon din ba sa inyo ang may ganitong sitwasyon? __________________
2. Ibahagi ang mga pangyayaring inyong naoobserbahan, naranasan o nasaksihan mula sa
inyong kapitbahay o kakilalao mismong sa inyong pamilya sa pagsulat ng isang talata.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Pagyamanin

Panuto: Magbahagi ng iyong karanasan sa pamamagitan nang pagsulat ng tig-iisang talata


ayon sa hinihingi.

 Masayang karanasan o nasaksihan


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________________________________________________
 Malungkot o nakakatakot na karanasan o nasaksihan
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________________________________________________

2
Isaisip

Ano ang natutuhan mo?


Anu-ano ang mga uri ng pangyayari ang iyong nasaksihan o naranasan?
 May mga pagkakataon na masaya, malungkot, takot o galit ang ating mga
pangyayaring naranasan o nasaksihan.
Ano kayang mga karanasan ang pwedeng ibahagi sa iba? Bakit?
 ______________________________________________________________
Sa anong paraan mo maibabahagi ang iyong karanasan o naobserbahan?
 ______________________________________________________________

Isagawa

A. Panuto: Ipaliwanag ang inyong sagot kung dapat bang ibabahagi o hindi ang mga
nasaksihang pangyayari o naobserbahan.
1.Nakita mo si Marie na naglakad papuntang bahay, Bigla siyang nadulas at nasugatan ang
kanyang tuhod. Ang nakasama ay nakita ang panty ni Marie nang siya ay nadulas. Ano ang
gagawin mo?
____________________________________________
2. Bumisita ka sa bahay ng iyong kaibigan. Namangha ka sa ganda at linis nito. Makulay at
kakaiba ang disenyo. Maliban sa magara ang bahay ay mababait pa ang mga magulang ng
iyong kaibigan.
Ano ang gagawin mo?
_____________________________________________
3. Mayroon kang kaibigan na nagsumbong sa iyo tungkol sa malungkot na karanasang sinapit
niya sa kanyang tiyahin. Ipinagbilin sa iyo na hindi isisiwalat sa iba ang kanyang karanasan.
Ngunit naramdaman mo na paulit-ulit na ginawa ng kanyang tiyahin.
Ano ang gagawin mo?
__________________________________________

B. Panuto: Ibahagi ang iyong pangyayaring nasaksihan o naobserbahan sa pamamagitan ng


pagsusulat sa loob ng kahon. Pumili ng isa sa mga paksang nasa ibaba.
a. Karanasang nakatatawa
b. Malungkot na pangyayaring nasaksihan
c. Hindi kanais-nais na pangyayaring nasaksihan o naobserbahan
d. Masayang pangyayaring nasaksihan
e. Kabagot-bagot na pangyayari

3
Aralin Pagsagot sa mga Tanong sa
14 Binasang Anekdota

Alamin
Sa aralin na ito ay matututuhan mong sumagot sa mga tanong sa binasang
anekdota. Dapat mong malaman na ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na
tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o
tanyag na tao.

Balikan

Panuto: Sagutin ang bawat mga tanong. Isulat sa patalang ang iyong sagot.
Anu- ano ang mga uri ng karanasang ibahagi sa iba?
Anong karanasan ang nabahagi mo sa iyong kapamilya ayon sa
karagdagang gawaing ibinigay ko noong nakaraang leksyon?
_________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_____________
______________
Tuklasin

Kilala niyo ba ang nasa larawan? Sino kaya siya sa palagay ninyo?
May naiambag kaya siya sa pagkamit ng kalayaan sa ating bansa?
Anu-ano kaya ang mga tungkuling ginagampanan niya sa ating bansa?

4
Suriin

Panuto: Basahin ang anekdota ni Manuel L. Quezon at sagutin ang mga tanong.

AngTala ng Baler
Si Manuel L. Quezon ang unang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas. Siya ay
pinanganak noong Agosto 19,1878 sa Baler, Tayabas na ngayon ay lalawigan na ng Aurora.
Ang kanyang ama ay si G. Lucio Quezon at kanyang ina ay si Gng. Maria Molina.
Matalino si Manuel. Lagi siyang nangunguna sa klase. Nagsimula siyang mag-aral sa
paaralan ng mga pari sa Baler. Ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa mataas na paaralan at
kolehiyo sa Maynila. Nag-aral siya at nakatapos ng Abogasya.
Nagsimulang maglingkod sa bayan si Manuel L. Quezon bilang isang piskal. Nahalal
siyang senador at siya ang kauna-unahang Pilipino na nagging pangulo ng senado. Malaki
ang kanyang nagawa para mapagtibayang batasTydings McDuffie sa Kongreso ng Amerika.
Ang batas na ito ay
nagtakda ng pagtatatag ng Komonwelt ng Pilipinas. Ito ang nagbigay ng katiyakan ng
kalayaan ng Pilipinas sa pamahalaan ng mga Amerikano. Nahalal na pangulo ng Komonwelt
si Manuel L. Quezon noong 1935.
Sagutin ang mga tanong tungkol sa nabasang anekdota.

a. Sino si Manuel L. Quezon?


______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
b. Saan at kailan siya ipinanganak?
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
c. Sino ang nakatulong sa kanyang pag-aaral?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
d. Ano ang kabutihang naidudulot ng batas ng Tydings- McDuffie sa bansa?
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
e. Bakit kaya tinawag si Manuel L. Quezon na “Tala ng Baler”?
______________________________________________________________________
_
f. Anu-ano ang mga tungkuling ginagampanan niya sa bayan?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
g. Maituturing bang bayani si Manuel L. Quezon? Bakit?
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5
Pagyamanin

Panuto: Basahing mabuti ang anekdota at sagutin ang mga kasunod na tanong

Fernando Amorsolo
Si Fernando Amorsolo, isa sa mahusay na pambansang pintor ng Pilipinas, ay
isinilang sa Paco, Maynila noong Mayo 30, 1892. Napatanyag siya sa mga iginuhit niyang
mga larawan ng tanawing bukid. Naglalarawan ng buhay at ugaling Pilipino tulad ng
pagtatanim at pag-aani ng palay, paglalaba sa batis, pagiging dalagang Pilipina, pagsasalok
ng tubig at iba pa. Napakahusay ng kanyang kamay at pambihira ang kanyang angking talino
sa paggamit ng mga kulay. Nabibigyan niya ng buhay ang larawang kanyang iginuhit.
Sa gulang na 13 ay napasok siya bilang manggagawang nagsasanay sa studio ng isang
pintor. Kabilang siya sa unang pangkat ng mga nagtapos ng sining sa Unibersidad ng
Pilipinas noong 1914. Nagturo siya sa paaralan ng sining.
Nagtungo rin siya sa Paris at nagkaroon ng pagkakataong mapag-aralan ang gawain
ng mga tanyag na pintor doon tulad ni Picasso. Siya ay tinanghal na pinakamahusay na pintor
noong 1920-1930.
Mga tanong:
1.Sino si Fernando Amorsolo?
____________________________________________________
2. Saan at kalian siya ipinanganak?
_________________________________________________
3. Anu-ano ang mga larawang tanawin sa bukid na nagpatanyag sa kanya?
___________________________________________________________________________
4. Saan nagtapos ng pag-aaral si Fernando Amorsolo?
______________________________________
5. Kailan siya itinanghal bilang pinakamahusay na pintor?
__________________________________
6. Ano ang naging ambag niya sa bayan?
_______________________________________________

Isaisip
Ano ang natutuhan mo?
Ang anekdota ay
__________________________________________________________________.
Mahalaga ito upang
________________________________________________________________.
Masasagot natin ang mga katanungan ng anekdota kung
___________________________________.
Tulad ng mga anekdota nina Mauel L. Quezon at Fernando Amorsolo, may naiambag din ba
kayong kabutihan sa ating paaralan? Sa inyong pamilya? Sa inyong pamayanan? Isulat ang
mga ito sa ibaba.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Isagawa

A. Panuto: Pumili ng isang tanyag o kilalang tao. Magsaliksik at isulat sa patlang ang
mga detalyeng hinihingi.

Pangalan ng napiling tanyag na tao: _______________________________


1.Kapanganakan:
a. Lugar_____________ b. Petsa:____________
2.MgaMagulang:
a. Nanay:_________________ b.Tatay:_________
3. Pag-aaral/PaaralangPinasukan
a. Elementarya:_________ c. Kolehiyo:__________
b. Sekondarya:______________________
4. Mga tungkuling ginampanan:
a.____________________________c._____________________________
Pagtatasa: (Post- Test)
b.____________________________d._____________________________
5. Mga naiambag sa bayan:
maliparang-uwak
a.1._________________________
Panagbenga c. ___________________________
b.2.________________________
Arbitrary d. _____________________________

B. Panuto: Basahin ang anekdota at sagutin ang mga katanungan.

Ang Tsinelas – Anekdota ni Jose Rizal


Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong
luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa lawa ay napapaligiran ng mga kawayang
sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin. Ang mga bangkang may layag ay
parang mga paru-parong puti na naghahabulan. Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na
inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang
katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang
kapag ito ay nakatigil sa tubig. Karamihan sa gamit nito ay pangingisda ngunit sa aming
lalawigan, ang bangka ay ginagamit naming sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayong
dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela.

Naalala ko pa noon, kasalukuyan kaming nakasakay sa Bangka nang humulagpos ang


isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran
kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago
ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa
pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa
pang tsinelas at dalidali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang
kapares na tsinelas.
"Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?" tanong sa akin ng kasamahan ko sa
bangka.
"Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa
akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay
magagamit niya ito sa kaniyang paglakad. Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil
naunawaan niya ang isang batang katuladko.

MgaTanong:
1. Ano ang pamagat ng anekdota?
___________________________________________________
2. Kaninong anekdota ang binasa?
___________________________________________________
3. Ano ang gamit ng bangka sa ilog ng Laguna maliban sa pangingisda?
___________________________________________________
4. Ano ang nangyari sa isang tsinelas ni Jose Rizal nang sakay siya sa bangka?
___________________________________________________
5. Bakit itinapon ni Jose ang isa pa niyang tsinelas sa ilog?
___________________________________________________
6. Gaano ba kahalaga ang tsinelas sa panahong iyon?
___________________________________________________
7. Paano ipinaliwanag ni Jose sa kanyang ina ang nangyari sa kanyang tsinelas?
___________________________________________________
8. Kung kayo si Jose, gagawin din ba ninyo ang ginawa niya sa isa pang tsinelas? Bakit?
___________________________________________________
9. Bakit tsinelas ang naging pamagat ng anekdota?
___________________________________________________

8
Aralin Paglalarawan ng mga Tagpuan at Tauhan
15 sa Napanood na Pelikula

Sa aralin na ito ay matutuhan mong maglarawan sa mga tagpuan at tauhan sa


napanood na pelikula. Dapat alamin na ang tagpuan ay ang lugar na pinangyarihan ng isang
kwento o pelikula. Ito ay mahalagang element upang makagawa ng isang epektibong kwento
na tiyak na makakapagwili sa mga mambabasa o manonood. Halimbawa ng mga ito ay
tahanan, bahay, hardin, komunidad at marami pang iba. Ang tauhan naman ay isang element
ng sanaysay o maikling kwento na nagbibigay buhay at gumaganap sa mga pangyayari.
Maging tao man o likhang pag-iisip, ang tauhan ay marapat na magkaroon ng katangiang
pantao upang ipahayag ang saloobin, kumikilos, may damdamin at nagbibigay buhay.

Balikan

Ano nga uli ang ibig sabihin ng anekdota?


Panuto: Basahin ang maikling anekdota ni Andres Bonifacio at sagutin ang mga katanungan.

Talambuhay ni Andres Bonifacio


Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang
kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina De Castro. Nakatapos siya sa
Mababang Paaralan ni Guillermo Osmeña ng Cebu at sa gulang na 14, ang kanyang mga
magulang ay namatay at napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang mga
nakababatang kapatid na babae at lalaki. Bilang hanapbuhay, inatasan niya ang kanyang mga
kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kanyang
itininda sa lansangan.
Sagutin:
1. Sino ba si Andres Bonifacio?_
___________________________________________________
_______________
2. Kailan siya ipinanganak?
___________________________________________________
3. Sino ang kanyang mga magulang?
___________________________________________________
4. Bakit siya huminto ng pag-aaral?
___________________________________________________
5. Anu-ano ang pinagkakakitaan niya?
___________________________________________________
6. Naging mabuti ba siyang kapatid? Bakit?
___________________________________________________
__________
___________
9

Tuklasin
Panuto: Pag-aralan ang mga salita sa ibaba. Ano ang opinion ninyo hinggil sa inyong
nalalaman sa mga salitang nakasulat.
 Tema * Banghay
 Mga Tauhan * Musika/ Sound Effects
May larawan dito sa ibaba. Sinu-sino ang nasa larawan? __________________
May ideya ba kayo kung sa anong pelikula makikita ang larawan na ito?
Ang batang lalaki na nasa larawan ay si Pikoy.

https://www.google.com/search?
q=larawan+ng+bata+sa+pelikulang+magnifico&source=lnms&tbm=isch&

Alam ba ninyo na ang tagpong ito ay humipo sa puso ng maraming manonood at


nagdulot ng maraming pagkilala hindi lang sa Pilipinas maging sa ibang bansa?

Suriin
Panuto: Ngayon ay pag-aralan natin ang tungkol sa paglalarawan sa tauhan at tagpuan ng
pelikulang napanood.
Patnubay na mga tanong.
a. Saan nangyari ang kuwento?
b. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
c. Paano mo mailalarawan ang bawat tauhan sa kuwento?

Panoorin ang video clip kung may “Internet Connection” sa bahay. Kung wala naman,
basahin ang kwento ni Pikoy sa ibaba.

https://www.youtube.com/watch?v=W_Ayp7CR_Dg
10

“Magnifico”
Si Pikoy (Magnifico) ay mula sa isang maralitang pamilya. Umikot ang kanilang
istorya sa kanilang tahanan sa Lumban, Laguna. Dahil sa kahirapan ay halos mawalan na ng
pag-asa ang kanyang pamilya, dumadag pa rito ang iba’t ibang klase ng suliranin- ang
kanyang bunsong kapatid na babae na may cerebral palsy, ang kanyang lola naman may
stomach cancer at siya naman ay mahina sa eskwela. Madalas niyang nakikitang nag-aaway
ang kanyang mga magulang nang dahil sa pera at gagastusin sakaling mamatay ang kanyang
Lola Magda. Pasan pa niya ang pag-aalaga sa kanyang kapatid na may sakit at hindi
makalakad.
Ang ama niya ay namamasukan lamang bilang isang karpintero at ang kanyang ina ay
walang regular na trabaho. Kahit na bata pa lamang si Pikoy ay ninanais na niyang
makatulong sa magulang sa anumang paraan na kaya niya. Sa huli, ang kabusilakan ng puso
ni Pikoy ang siyang nakatulong sa pamilya niya at sa mga ilang taong natulungan at
naimpluwensiyahan niya kahit sa mga maliliit na paraan at bagay.
Sa murang edad ay nagsikap siya upang makatulong sa araw-araw na gastusin sa abot
na makakaya niya. Gumawa si Pikoy ng paraan upang unti-unting buuin ang kabaong ng
kanyang lola sa tulong ng kanyang mga kaibigan. Walang reklamong narinig sa kanya ang
kanyang magulang.
Sa huli, hindi inaasahan ang mga nangyari. Nasagasaan si Pikoy at siya ang gumamit
ng ginawa niyang kabaong na para sa kanyang lola sana. Naging inspirasyon ang butihing
bata sa mga nagawa nya.

Sagutin ang mga patnubay at iba pang mga katanungan:


1. Saan nangyari ang kwento? ______________________________________________
2. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa pelikula?

3. Ilarawan ang mga tauhan sa kwento:


a. __________________________________
b. __________________________________
c. __________________________________
d. __________________________________
e. __________________________________
4. Anong mensahe ang nais ipahatid ng pelikula?
____________________________________________________________________
5. Pagkatapos na mapanood ang video clip ng pelikula o nabasa ang kwento ni Pikoy,
ano ang iyong naramdaman? Bakit?
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
6. Ang mga tauhan ba ay nababagay sa panahon at tema ng pelikula?
_________________________________________________________________
7. Ang mga pag-uugali ba ng mga tauhan ay may kaugnayan sa uri ng kultura at
pamumuhay ng mga Pilipino? ___________________________________________
(Para sa mga nakapanood ng video clip, sagutin ang mga sumusunod)
1. Maayos ba ang daloy ng mga eksena?___________________________________
2. Maayos ba ang transisyon o ang pag-usad ng isang “sequence” patungo sa kasunod?
___________________________________________________________________
3. Nasusunod ba ang banghay ng pelikula o may mga eksenang saliwa at hindi dapat
naroon? _____________________________________________________________
4. Angkop ba o may kakulangan ang tunog o musika sa pelikula?
_______________________________________________________________

11
Pagyamanin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod


1. Paano mo mailalarawan ang tagpuan ng pelikula o kwento?
_____________________________________________________________________
2. Paano mo mailalarawan ang mga katangian ng bawat tauhan sa pelikulang inyong
napanood?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Magkapareho ba ang katangian ng lahat ng mga tauhan sa pelikula? ______________
4. Anu- ano ang kanilang pagkakaiba?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
5. Anu-ano ang kanilang pagkakapareho?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
6. Nagustuhan ba ninyo ang katangiang ipinamalas ni Pikoy? Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
7. Bilang mag-aaral, paano mo mapasaya ang inyong pamilya? Paano kayo
makakatulong sa kanila?
____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Isaisip
Ano ang natutuhan mo?
Ang tauhan ay ____________________________________________________________.
Ang tagpuan naman ay _____________________________________________________.
Paano mo mailalarawan ang tauhan at tagpuan ng napanood na pelikula o video clip?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

12
Isagawa
A. Panuto: Pumili ng isang pelikula na napanood mo na sa telebisyon, sinehan o
internet. Magbigay puna nito sa pamamagitan ng pagsulat sa kahon sa ibaba

Pamagat:
Tema ng pelikula Tauhan ng Tagpuan Musika
pelikula

B. Panuto: Manood ng isang pelikula o videoclip sa inyong tahanan. Sagutin ang


mga ito:

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento na inyong napanood sa video clip?


___________________________________________________________________
2. Ilarawan ang katangian ng bawat isa sa kanila.
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________
3. Saan nangyayari ang kuwento?
_____________________________________________________________________
4. Ilarawan ang tagpuan nito.

_____________________________________________________________________

13
Susi sa Pagwawasto

Aralin 13

Tuklasin
1. Opo
2. Dapat maging tapat lalo na sa mga magulang (Tatanggap ng iba pang mga sagot)

Isagawa
A.
1. Hindi dapat ibahagi sa iba. Masama ang nagging karanasan ni Marie. (Tatanggap ng iba
pang sagot)
2. Dapat ibahagi. Maganda ang naipakita ng mga tao sa bahay ng iyong kaibigan
(tatanggap ng iba pang sagot)
3. Ibahagi ko sa taong mapagkakatiwalaan para matulungan ang kaibigan ko.
(tatanggap ng iba pang sagot)

B. (Tatanggap ng iba’t ibang sagot)

Aralin 14
Suriin
1. Si Manuel L. Quezon ang unag Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas.
2. Siya ay ipinanganak sa Baler Tayabas noong Agosto 19, 1878.
3. Ang mga pari at ang kanyang pagpupursige
4. Ito ay nakatulong sa pagtatag ng Komonwelt sa Pilipina.
5. Dahil marami siyang naitulong sa bayan at nakilala ang kanyang lalawigan dahil sa
kanyang naiambag sa bayan
6. Siya ay nagging piskal, senador at pangulo ng Pilipinas.
7. Maituturing siyang bayani dahil sa mga nagawa niyang kabutihan sa ating bayan upang
umunlad ito.
Pagyamanin
1. Si Fernando Amorsilo ay isa sa mahusay na pambansang pintor ng Pilipinas.
2. Siya ay isinilang sa PAco Maynila noong Mayo 30, 1892.
3. Ang mga larawang tanawing bukid na naglalarawan ng buhay at ugaling Pilipino, tulad
ng pagtatanim at pag-aani ng palay, paglalaba sa batis, pagiging dalagang Pilipina,
pagsalok ng tubig at iba pa ay napatanyag sa kanya.
4. Siya ay nagtapos ng pag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas noond 1914.
5. Siya ay itinanghal na pinakamahusay na pintor noond 1920- 1930.
6. Naging ambag niya sa bayan ang kanyang mga guhit na nabibigyan niya ng buhay.
Isagawa
1. ANg Tsinelas – Anekdota ni Jose Rizal
2. Jose Rizal
3. Ginagamit sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayong dagat
4. Nahulog ang isa niyang tsinelas
5. Para kung may makakita nito ay magagamit pa dahil may kapareha
6. Mahalaga ang tsinelas dahil ito ay gamit sa pagpasok sa eskwela at pagpunta sa mga
lakaran
7. Ipapaliwanag niya sa pamamagitan ng pagsabi ng tunay na nangyari
8. (Tatanggap ng iba’t ibang sagot)
9. Ng dahil sa pagkahulog ng tsinelas, may natutunan tayo

14
Aralin 15

Balikan
1. Si Andres Bonifacio ay ang unang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas.
2. Siya ay isinilang noong Nobyembre 30, 1863.
3. Sina Santiago Bonifacio at Catalina De Castro ang kanyang mga magulang.
4. Nahinto siya sa pag-aaral para alagaan ang mga nakababatang kapatid dahil
maaga silang naulila.
5. SIla ay gumawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay.
6. Opo dahil siya ay tunay na mapagmahal na kapatid at mamursige sa buhay.

Suriin
1. Lumban Laguna
2. Mga tauhan sa pelikula ay sina Pikoy (Magnifico), kanyang ama, ina, bunsong
kapatid na babae at Lola Magda.
3. Si Pikoy ay mapagmahal na anak, kapatid at apo.
Ang kanyang ama ay karpintero.
Ang kanyang inay ay walang regular na trabaho.
Ang kanyang Lola Magda ay may stomach cancer.
Ang kanyang bunsong kapatid na babae ay may cerebral palsy.
4. Ang mensahe ng pelikula na napupulot ay maging mapagmahal, maging
bayani sa maliit at sariling paraan. (Tatanggap ng iba pang mga sagot)
5. Nalungkot dahil namatay si Pikoy sa kabila ng kanyang kamusmusan at
pagpupursige.
(tatanggap ng iba pang mga sagot)
6. Opo
7. (Tatanggap ng iba’t ibang sagot)

Pagyamanin
1. Ang tagpuan sa pelikula ay isang maliit na bahay na nagreplica na kapos sa
pamumuhay ang mga nakatira.
2. Iba- iba ang mga katangiang ipinakita ng mga tauhan sa kwento.
3. (tatanggap ng iba’t ibang sagot)
4 – 7. (tatnggap ng iba’t ibang opinyon)

Sanggunian

 Sanayang Aklat sa Sining at Komunikasyon sa Filipino 5

 Alab Filipino 5, Batayang Aklat

 https://www.google.com/search?
q=larawan+ng+bata+sa+pelikulang+magnifico&source=lnms&tbm=isch&

 https://www.youtube.com/watch?v=W_Ayp7CR_Dg

15
Para sa mga katanungan, maaaring sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Ozamiz City


Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088)545-09-90
E-mail Address: deped1miz@gmail.com

You might also like