You are on page 1of 1

Loraine Gabrielle M.

Sandoval
12 HUMSS A
Ang Makina ng Buhay

“King of the roads” Ganito natin nakilala ang pambansang sasakyan dito sa
pilipinas, ang dyip. Ang jeepney, na siyang pinakakaraniwan at orihinal na anyo ng
pampublikong transportasyon na ginagamit araw-araw, maaaring isaalang-alang bilang
isang tanda ng kalayaan at pagiging Pilipino. Pero nang dahil sa modernisasyon,
kailangan na itong palitan. Totoo naman na, walang masama sa pagbabago pero paano
naman ang mga jeepney driver na jeep na ang naging buhay. ‘Pag tinanggal sa kanila
‘yan, para mo na ring pinatay ang pamilya niya.

Mula pagkabata, marami na akong naranasan na hindi malilimutan sa loob ng


dyip. Sa sobrang pagod sa paaralan, hindi talaga maiiwasan na makatulog ako.
Simpleng pagkapit sa bakal pakunwaring hindi nahulog habang tulog. Sobrang naiinis
na sa dispatcher kasi kasya pa raw ang dalawa kahit naghihingahan na kayo ng katabi
mo. Nagkataon rin na marami akong bitbit tapos walang alinlangan na tumulong sakin
ang mga taong nakaupo doon. Pagpipigil ng tawa sa tuwing may nauuntog sa bubong
ng dyip. Minsan magkakaroon ka pa ng “jeepney crush” kasi ang ganda at gwapo ng
kaharap mo. Kunwaring nagkakalkal ng bag kasi ayaw mag-abot ng bayad ng katabi.
Minsan na rin akong nag-123 kasi nahihiya mag-abot ng sariling bayad. Lahat ng
masayang alaala sa sasakyan na ito ay hindi matutumbasan kung ipipilit ang
modernisasyon sa mga lumang dyip. Kung tutuusin, hindi pa sila handa. Barya na nga
lang ang kinikita nila tapos pagbabayarin ng milyon-milyon para sa mini-bus. Kung
gusto ng gobyerno ng Mini bus, sila magbigay no’n, magbigay sila ng pondo at sila
dapat gumastos hindi yung iaasa din nila sa maliliit na operator. Wala na nga silang
makain at kakarampot lang kita nila, magkakaroon pa sila ng malaking utang. Mas lalo
sila maghihirap. Sabihin natin na deserve naman ng mga komyuter ang magandang
sasakyan pero isipin din natin kung kaya ba ng mga driver.

Hindi solusyon ang modernisasyon ng dyip para mabawasan ang traffic. Bakit
kasi hindi na lang hayaan mga old style jeepneys. Ngayon pa nga lang makakabawi
ang mga tsuper dahil sila talaga ang isa sa natamaan ng pandemya. Kilala ang pinoy sa
trademark ng jeepney kaya dapat ‘wag alisin. Pwede naman siguro i-upgrade pero sana
tulungan din ng gobyerno ang mga tsuper para tuloy-tuloy pa rin sila sa pamamasada.

You might also like