Sa Pamilya Ordinaryo

You might also like

You are on page 1of 1

Sa Pamilya Ordinaryo, ang mundo ng pelikula ay ang kahirapan, habang ang instrumentong ginagamit

nito ay tungkol sa isang batang ina at ama na hinahanap ang nawawala nilang anak sa lansangan. Hindi
lamang sila teenager, sila din ay isang street children. Sila ang mga batang hamog na kung tawagin sa
maynila ay “takatak boys” na madalas natin sa divisoria, quiapo, cubao na pag nakita natin ay parang
walang ligo at sumasabit sa mga pampasaherong jeep. Sa istoryang ito, ipinapakita ang kanilang
pamumuhay at makikita natin ang kanilang istorya nang bukas, at dadalhin ka sa sulok ng Maynila na
hindi mo inaakala na nandoon pala. Tila isasampal sa ‘ting mga mukha ang istorya ng kanilang mga
buhay–bilang snatcher, kung paano sila mamuhay sa kalsada, at maging kung paano nila tipirin ang isang
duyan para sa kanilang anak.

Sa pelikula, ipinapakita ang isang pulis (Menjie Corrubias) na ipinapahiya si Jane sa kaniyang maagang
pag-aasawa at minolestiya pa ito sa huli. At noong nagpunta sila sa istasyon ng radyo upang ipahayag
ang kanilang problema, mas inatupag pa ng mga announcer ang isang artista na dumating galing
bakasyon. Kadalasan, ang ating mga tauhan ay naaabuso, napagsasamantalahan, at pinagtatawanan ng
mga tao at mga institusyong dapat sila’y tinutulungan at pinoprotektahan.

Ang CCTV at ang “Mga Tao sa Paligid”


Sa ibang mga eksena sa pelikula, ipinapakita ang CCTV ng ilang segundo. Halimbawa, habang nag-
wiwithdraw ang isang tao sa ATM at inaabangan natin na nakawan siya ng batang kaibigan ni Jane.
Tayo’y nanginginig, inaantisipa kung ano ang susunod na mangyayari. O sa pinaka-unang eksena, na
namatay ang isang bata mula sa isang hit-and-run sa Quiapo. Ipinapakita lamang ng mga ito ang
karaniwang mga eksena sa Maynila: ang magnanakaw, ang nanakawan, ang mga nasasagasaan. Isang
reyalidad na nangyayari araw-araw, ngunit madaling malampasan ng mga taong nasa paligid.

Ang pelikulang ito ay magpapaisip sa iyo tungkol sa iyong mga pananaw sa buhay. Sa huli, habang
maraming problema sa mundo, wala pa rin ito kumpara sa mga taong gagawin ang lahat para
malampasan ito at makita ang liwanag ng susunod na araw. Ito ang pelikulang tatatak sa iyo ang mga
bagay na mayroon ka, tulad ng isang magandang edukasyon, na naghihiwalay sa iyo sa halos limang
milyong walang tirahan at mga bata na hindi nakakatanggap ng tamang edukasyon. Minsan mahirap
isipin ang mga bagay na ito, ngunit kung minsan sila ay ipinanganak na may pribilehiyo.

Mumulatin ng pelikula ang iyong mga mata sa malupit na buhay ng mga mahihirap–hanggang sa
kanilang mga kwentong pinagkaitan ng pag-asa at kinabukasan.

You might also like