You are on page 1of 4

Buhay Pasahero

I.
1. Sa inyong palagay, ano ang estado sa buhay ng persona sa tula? Patunayan ang iyong sagot.
Ang estado ng persona sa tula ay isang maggagawa na nagkokomyut araw-araw. Sapagkat araw-
araw ay naglalakbay ang persona at sumasakay ito sa mga pampublikong sasakayan bago
marating ang lugar kung saan siya nagtratrabaho.
2. Anu-anong uri ng pampublikong sasakyan ang binaggit sa tula?
Ang mga pampublikong sasakyan na nabanggit sa tula ay ang mga jeep, bus at MRT.
3. Magbahagi ng pangungusap/parirala mula sa tula na nagpapakita ng karaniwang kaganapan sa
mga pampublikong sasakyan.
- Pumasok ng sariwa ang diwa at pustura
- Pinili niyang magbus kaysa makipagsiksikan sa MRT
- Miss, mag-ingat sa mga maninilip
- Ang iba ay piniling matulog at managinip
- Ang drayber kong matulis, kahit saang daana ng ililihis.
- Ganito ang buhay ni Juan sa maghapong kayod trabaho.
4. Naranasan mo na bang sumakay sa mga pampublikong sasakyang binanggit sa tula? Ibahagi ang
iyong karanasan.
Naranasan ko na ang sumakay ng jeep pauwi sa baryo. Punuan at siksikan ang mga tao sa jeep.
Mayroon pang nakasakay sa taas ng jeep kasama ang mga bagahe ng mga pasahero. Ang mga
bata ay kalong ng kanilang mga nanay dahil hindi sila nagbabayad ng pamasahe. May umuupo
ng upuang gawa sa kahoy sa bungad ng jeep kung kaya’t kakaunting hangin ang pumapasok at
ang iyong nalalanghap ay ang sari-saring amoy ng mga pashero.

II. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:


1. Kung ayaw maipit, huwag sumabit.
Huwag nang makipagsiksikan sa pagsakay kung ayaw mong maipit. Dahil kapag puno na ang
sasakyan at sumabit ka, hindi maiiwasan na ikaw ay maiipit.
2. Hila mo, hinto ako.
Ang paghila ay nagbibigay ng hudyat sa drayber na ikaw ay pumapara at bababa na kaya ihihinto
niya ang dyip.
3. Bayad muna, bago baba.
Upang hindi na maantala kapag bumaba, iabot na muna ang bayad.
4. Barya lang sa umaga.
Ipinapakiusap ng mga drayber ba barya lang sa umaga ang pambayad ng mga pasahero dahil
wala silang dalang panukli.
5. Huwag dumikwarto sapagkat dyip koý di mo kwarto.
Ito ay nagpapaalala na sa tamang ayos kapag sumasakay ng pampasaherong dyip. Ating
alalahanin na tayo ay may kasamang ibang pasahero kung kaya’t dapat umayos ng upo.

III. Lumikha ng 5 makabago at sariling bersyon ng tugmang de gulong na nagpapakita ng


mahusay na pag-uugali sa pampublikong sasakyan.
1. Umayos sa pag-upo
Dahil may iba pang passahero.
2. Sa pagsakay ay huwaga mag-unahan
Lahat naman ay may mauupuan.
3. Sa pagsakay ng pampublikong sasakyan
Disiplina ang kailangan.
4. Ang mga nauna sa dyip ay sa dulo sana
Nang hindi na rumampa ang susunod na sasakay pa.
5. Pamasahe ay ihanda na
Upang sa pagbaba ay hindi na maantala.

IV. Maikling tula na maaaring lapatan ng himig ang kailangang buuin. Pumili ng paksa at
sumulat ng tulang may 2 saknong na may taludtod. Tiyaking ang panudyo na gagawin ay
hindi makapanakit ng damdamin kung hindi makapagbigay ng aliw.

Kung ang buhok ay kulot


Sinasabi nilang salot
Ngunit tatandaan lamang
Hindi sa buhok dapat husgahan.

Ang buhok man ay kulot


May maganda itong maidudulot
Kung sakaling ikaw ay naiinggit
Daanin na lang sa pagpapagupit.

V. Magtala ng 10 pares ng mga salitang may iisang baybay ngunit magkaiba ng bigkas at
kahulugan. Gamitin ang salita sa pangungusap.

1. buhay – kapalaran ng tao


buhay – humihinga pa
a. Ang buhay ng tao ay parang gulong, minsan nasa itaas at kung minsan ay nasa ibaba.
b. Sa gitna ng krisis sa COVID 19, aking napagtanto na mahalaga ang buhay.
2. lamang – natatangi
lamang – nakakahigit o nangunguna
a. Ang aking ina ay lamang sa lahat ng ina sa mundo.
b. Lamang an gaming proyekto na naipasa sa aming guro.
3. Bukas – susunod na araw
Bukas – hindi nakasara
a. Kami ay luluwas sa Manila bukas.
b. Pumasok ako dahil bukas ang pinto.
4. Ligaw – panunuyo
Ligaw – mailap
a. Ang ligawa ay isang makalumang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa isang dalagang
Pilipina.
b. Ang mangangaso ay nakahuli ng ligaw na hayop.
5. Buko – batang niyog
Buko – natuklasan
a. Masarap ng kumain ng buko sa bukid.
b. Buko ang kaniyang sorpresa sa kaniyang nanay.
6. Saka - pagtatanim
Saka – mamaya
a. Ang saka namin ay mayabong kaya’t inaasahan namin ang masaganang ani.
b. Saka ko na kukunin ang padala mo sa akin.
7. Tala - listahan
Tala – bituin
a. Sa tala ng DSWD, ang kaniyang pamilya ay kasali sa mga mahihirap.
b. Nangniningning ang tala sa langit.
8. Kita - tubo
Kita – tingnan
a. Malaki ang kita ng mga nagtitindad ng alcohol sa panahon ngayon.
b. Kita ko ang mga bituin mula sa aking bintana.
9. Pako – pinukpukpok sa martilyo
Pako – halamang nakakain
a. Bumili ako ng isang kilong pako para sa aming bubong.
b. Masarap ang niluto ni Nanay na pako.
10. Gabi – pagsapit ng dilim
Gabi – halamang nakakain
a. Pagsapit ng gabi, nagsisilabasan ang mga paniki.
b. Ginawang laing ni Ate ang gabi.

Pumili ng limang linya sa tulang “Buhay Pasahero” at bigyan ng ibang kahulugan ang bawat isa sa
pamamagitan ng pagbabago ng tono nito.

Hal. Sumakay ng jeep na patungong Makati, Evangelista.

(binagong tono) Sumakay ng jeep na patungong Makati, Evangelista?

1. Miss, mag-ingat sa mga maninilip.


Miss! Mag-ingat sa maninilip! (binagong tono)
2. Tumawid ng overpass, muling sasakay ng higanteng bus.
Tumawid ng overpass, muling sasakay ng higanteng bus? (binagong tono)
3. Kahit kaniyang bulsa’y walang laman at butas.
Kahit kaniyang bulsa’y walang laman at butas? (binagong tono)
4. Konting bato, konting semento, nabuo monumento.
Konting bato, konting semento, nabuo, monument? (binagong tono)
5. Pumasok ng sariwa ang diwa at pusturang-pustura.
Pumasok ng sariwa ang diwa at pusturang-pustura? (binagong tono)

You might also like