You are on page 1of 14

Reviewer – AP

Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya

Techno sapiens – biochemical na imbensyon ng tao na nakagagawa at nakakikilos ng tulad sa totoong


tao.

Ang Sinaunang Panahon

Panahon ng Bato – tawag sa sinaunang panahon ng kabihasnan


- Ito ay nahahati sa 2 panahon:
1. Panahong Paleolithic – tinatawag na Panahon ng Lumang Bato
- Pinaksinaunang panahon sa kasaysayan ng tao
- “Paleolithic” galing sa o salitang “palaios” na nangangahulugang “luma” at “litho” o “bato”
- Ang mga tao ay nakakalakad na ng matuwid at may pisikal ng katangian tulad ng mdernong tao
- Nomadic at nabubuhay sa pangangaso at pagtitipon ng pagkain
- Gumamit ang mga tao ng matatalim na bato at graba
- Paggamit ng apoy ang pinakamahalagang tuklas dahil sa malamig na klima at pagluto ng pagkain
- Sila ay nagtataglay ng 3 bagay na pinagkaiba nila sa mga hayop:
a. Ginamit ang kamay bilang paghawak ng mga kagamitan
b. Nakapagsasalita na sila
c. Higit na malaking utak kaysa anumang hayop
2. Panahong Neolithic o Panahon ng Bagong Bato
- Natutuhan na ng tao na pakinisin, patalasin, at patulisin ang kanilang kagamitan
- Agrikultura ang pinakamahalagang tuklas
- Natuto din na maghabi ng tela at paggawa ng kagamitan mula sa luwad
- Pagtatatag ng isang organisadong pamahalaang tinawag na lungsod-estado.
3. Panahong Mesolithic – panahong nalinang sa pagitan ng Panahong Paleolithic at Panahong
Neolithic
- Blade, lunate, trapeze, craper, at arrowhead
- Kagamitang kombinasyon ng kahoy o buto o balat ng hayop
- Pangangaso at pag-iimbak ng pagkain
- Pagpapaamo sa mga hayop
- Ritwal na pagbuburol at paglilibing ng patay
- Pagbuo ng pamilya ang pinakamahalagang kontribusyon
- Pagiging tao barbaro patungo sa isang taong sibilisado

Archaelogical dig – pinagmulan ng mayamang batayn ng sinaunang kabihasnan


Artifact – binubuo ng mga gamit, alahas
Fossil – naghahayag ng taas at hitsura ng tao
Anthropologist – nag-aaral ng kultura at gawi ng mga tao

Panahong Metal – nabuo dahil sa patuloy na paglaganap at pagbabago sa lipunan


- Ang mga bato ay napalitan ng metal, tanso at bakal

Jarmo (nayon ng Iraq) at Catal Huyuk (nasa Turkey) – halimbawa ng lungsod-estado


Catal Huyuk – kilala sa produktong gawa sa bato galling sa bulkan
Kuweba ng Tabon – ebidensya ng mga tao
- Fossilized na bumbunan, panga at ngipin ng taong Homo sapiens
Kuweba ng Guri – tapyas ng kagamitang bato, palamuting yari sa jade at beads
Kuweba ng Duyong – nakabaluktot na labi ng tao, kagamitang baton a palakol, pulseras, hikaw
Kuweba ng Manununggul – palayok na sisidlan ng namatay
- Ang takip ay 2 taong nakasakay sa Bangka

Kabihasnan – “paninirahan sa lungsod”


- Tumutukoy sa isang maunlad na kalagayang nilinang ng mga taong nanirahan ng pirmihan sa
isang lugar sa loob ng nakatakdang panahon.
- Unang nalinang sa mga ilog-lambak
Mga Katangian ng Kabihasnan
1. Maunlad na Kasanayang Teknikal
- Paghahalo ng tanso at tin
- Bakal
2. Matatag na Pamahalaang may maunlad na batas at alituntunin
- Gumawa ng dike at kanal upang mapigilan ang pagbaha, magkaroon ng patubig, at
maipagpatuloy ang pagsasaka kahit tagtuyot
- Bumuo ng pamunuan na siyang mangangasiwa sa mga proyekto na nagpasimula ng isang
Sistema ng pamahalaan na may pamunuang nagagabayan ng mga batas at alituntuning
kailangang sundin
Lungsod-estado – isang sistemang pampolitika na binubuo ng isang malayang lungsod na
nakapaghahari sa nakapalibot na lupain
3. Dalubhasang manggagawa
- Bihasa sa paggawa ng mga armas at kagamitang pambahay
4. Maunlad na kaisipan
- Natukoy ang petsa ng taunang baha
- Nabuo ang kalendaryong lunar
5. Mga Sistema ng pagtatala
- Itala ang buwis, batas, kalendaryo ng mga ritwal, kaganapan at mga kwentang kailangan

Ang Mga Sinaunang Kabihasnang Asyano sa Fertile Crescent


Fertile Crescent – tumutukoy sa nakalatag na matabang lupain sa pagitan ng Tigris and Euphrates River
Mesopotamia – o lupain sa pagitan ng 2 ilog ay naging lunduyan ng mga sinaunang kabihasnan n g
Sumerian, Akkadian, Babylonian and Assyrian

1. Ang mga Sumerian


- Pangkat ng sinaunang taong nanirahan at nagtatag ng kanilang lungsod estado sa lupain ng
Sumer
- Unang nakalikha ng tanso at nakaimbento at gumamit ng gulong
- Unang naglinang ng pamahalaang lungsod-estado
- Pabilog na bubungan na may hugis simboryo (dome) at mga arko (vault)
- Kalendaryong lunar, na binubuo ng 12 buwan at dinagdagan pa ng 13 buwan upang umayon sa
kanilang panahon
- Sistema sa algebra at ang sexagesimal system kung saan nakabatay sa numerong 60 ang bawat
oras, minute, at segundo
Ur – pinakamatandang lungsod-estadong nalinang
Theocracy – tumutukoy sa pamahalaang nasa ilalim ng pamumuno ng puno ng simbahan
Patesi – ang pinunong pari ng mga Sumerian.
- namamahala sa pagpapagawa ng sistemang irigasyon.
- Ang pinakamakapangyarihang tagapamagitan ng tao sa kinikilala nilang diyos
4 na Antas ng tao sa lipunan:
a. Pari at hari – pinakamataas na antas
b. Artisan
c. Magsasaka
d. Alipin – maaring nabihag o ipinagbili
Polytheism – pananampalatay sa higit sa iisang diyos
Anu – diyos ng kalangitan
Enlil – diyos ng mga ulap at hangin
Ea – diyos ng tubig at baha
Ziggurat – templong tore na animoý piramide kung saan idinaraos ang pag-aalay ng mga kambing at
tupa bilang paraan ng kanilang pagsasakripisyo at paggalang sa diyos
- Matatagpuan sa sentro ng pamayanan
Cuneiform – pinakaunang uri ng pagsulat
- Nakasulat sa tabletang luwad gamit ang stylus
2. Ang mga Akkadian
- Pangkat ng mga taong Semitic na pinamunuan ni Sargon I
Sargon I – kauna-unahang dakilang pinuno
- Kauna-unahang nagtatag ng imperyo sa daigdig
Imperyo – pinag-isang pangkat ng mga kaharian sa ilalim ng kapangyarihan ng iisang hari o monarko.
Naramsin – apo ni Sargon I at pumalit sa kanya
- Higit pang pinalawak ang sakop
- “Hari ng Ikaapat na Bahagi ng Daigdig”
3. Ang mga Babylonian
- Ang mga Amorite ay nagtatag ng sentralisadong pamahalaan sa Babylonia
Babylonia – naging tanyag sa pamumuno ni Hammurabi
- Ipinagawa ni Hammurabi ang mga kanal at dike
Kodigo ni Hammurabi – pinakamahalagang ambag sa kabihasnan
- Naghahayag ng mataas na batayang alituntuning pampamahalaan
- May 15 siglo, isinulat satableta
- Natagpuan sa Susa, matandang lungsod ng Iran noong 1901
- Lex Talionis o mata sa mata at ngipin sa ngipin
Pamilya – batayan ng lipunang Babylonia
- Binubuo ito ng:
a. maharlika o hari at pari
b. mga manggagawa
c. pamgkaraniwang magsasaka
d. alipin
Marduk – pangunahin at pinakamakapangyarihang diyos
4. Ang mga Hittite
- Unang pangkat na gumamit ng sandatang bakal sa pakikidigma
- Ang tagumpay sa pananakop ay bunga ng sandatang bakal, pagkabihasa sa pagangabayo, at
paggamit ng karuwahe
- Nakapaglinang ng sarili nilang batas. ANg sukdulang kaparusahan ay kailangang ilaan sa
pinakamabigat na pagkakasala
5. Ang mga Assyrian
- Kasanayan sa pakikidigma at superior na sandata
- Lungsod-estado ng Assur – sentro ng kabihasnang Assyrian
- Pinakamalupit, pinakamabagsik, at pinakamapaghamok sa lahat ng sinaunang tao
- Pinaghalong kultura ng Sumerian at Babylonian ang kanilang kultura
- Idinagdag si Ashur bilang pangunahing diyos
- Nagpasimula ng pinakamabisang Sistema ng pamahalaan sa daigdig
Tiglath Pileser I – kauna-unahang dakilang mandirigma ng Assyrian
Assurbanipal – pinakatampok dahil higit pa niyang pinalawak ang imperyong Asssyrian
- Malupit at marahas ngunit napakahusay na administrador
Nineveh – kabisera ng imperyong Assyrian, ay kinilala bilang simbolo ng kalupitan at katayugan ng mga
Assyrian
6. Ang mga Chaldean
Nabopolassar – isang rebeldeng gobernador ng Babylonia
Nebuchadnezzar – pumalit kay Nabopolassar
- Pinakatanyag na pinuno ng Chaldean
- Nilusob ang Jerusalem at libo-libong Jew ay dinala sa Babylonia bilang mga alipin. – “Babylonian
Captivity”
- Ishar gate
- Hanging Gardens – 7 wonders of the ancient world
- Ang mga Chaldean ay tinaguriang “Stargazers of Babylon” dahil sa pagkahilig sa astronomiya.
Dahi ditto, natutunan ng mga Chaldean ang manghula sa kinabukasan ng ga tao
- Sa kanila nagmula ang kaalaman sa 12 na zodiac sign
7. Ang mga Persian
Persia – Iraq
Cyrus the Great – unang namuno sa Persia
- Natamo niya ang paggalang ng mga nasasakupan
- Pinayagan niya ang anumang relihiyon
Cambyses – pumalit kay Cyrus the Great
Darius the Great – pumalit kay Cambyses
- Pinalawak ang imperyo
- Bunga nito, ang Persia ay kinilala bilang pinakamakapangyarihang imperyo
- Magaling at bihasang tagapangasiwa ng imperyo
- Hinati-hati ang kanyang imperyo sa 20 lalawigang tinawag na satrapy. Satrapgobernador na
namahala sa satrapy
- Siya ang nagpasimuno sa paggamit ng salaping barya o coinage na yari sa ginto o pilak
- Siya ay itinanghal bilang “Hari ng mga hari”
Xerxes – pumalit kay Darius
- Ang kaniyang pamumuno ay nabahiran ng katiwalian at hindi makatarungang pamamalakad
Phoenician – Lebanon at Syria
Hebrew – nanahan sa Palestine na nahahati na ngayon sa Jordan at Israel
Zoroastrianism o Mazdaismo – tawag sa relihiyon ng mga Persian
Ahura Mazda – kinikilalang diyos ng katotohanan
Ahriman – diyos ng kasamaan at kadiliman
Zend Avesta – banal na kasulatan ng relihiyon
Cyrus the Great – nagpalabas ng kauna-unahang kautusan na naghahayag ng kaniyang mga layunin at
patakaran sa pamumuno at itinuturing na Charter of the Right of Nations na naging kauna-unahang
deklarasyon ng karapatang pantao sa daigdig.
8. Ang Mga Phoenician
- Dakilang Mangangalakal ng Sinaunang Kabihasnan
- Alpabetong Phoenician ang pinakamahalagang kontribusyon. Ito ang naging batayan ng wikang
Persian
- Punongkahoy ng cedar – katangi-tanging likas na yaman
- Telang lana na kulay lila – pangunahing prdukto na tanging mayamang Griyego at Romano
lamang ang may kakayahang bumili.
- Murex – pangkulay sa lana na galling sa shellfish
- Kauna-unahang pangkat na gumawa ng babasaging bote
9. Ang mga Hebrew
- Ang Palestine ang tahanan ng mga Hebrew
- Ang Palestinian ay kilala bilang nomad o gala
- Ang Hebrew ay pinamunuan ni Abraham, ang tradisyonal na tagapagtatag ng Palestine
- Exodus – ang paglikas ng Hebrew mula Egypt
- Nang mamamatay si Moses, ang mga Hebrew ay bumalik sa Palestine. Sila ay binubuo ng 12
tribu
- Sa mga Hebrew nagmula ang paniniwala sa iisang diyos o monotheism.
- Pananampalataya kay Yahweh
- 10 utos ay ibinigay kay Moses sa Mt. Sinai na nakapaloob sa Torah, isa sa 5 aklat ng Mosaic Law,
ang kodigo ng batas ng mga Hebrew
- Propeta - guro

Ang Mga Sinaunang Kabihasnan sa Lambak ng Indus River


- Nagsimula ring itayo ng mga Indian ang kanilang mga lungsod-estado sa lambak ng Indus
Mohenjo-daro at Harappa – unang lungsod estado ng lambak-ilog ng Indus
- Pinaniniwalaang maaring nag-iba ang ng daanan ang daloy ng Indus River at kasabay nito ay
naglaho rin ang kasaganaan ng lambak

Ang Sinaunang Kabihasnan sa Lambak ng Huang River at Yangtze River


- Ang kabihasnang itinatag sa mga lambak ng Huang River o Yellow River at Yangtze River ay
nagkaloob sa daigdig ng sining, siyensya, pilosopiya, at kasanayan sa pamamahala
1. Ang Dinastiyang Shang
- Nagsimula ang kasaysayan ng China sa ilalim ng dinastiyang Shang
- Oracle bone sa Anyang – ay patunay na mayroon ng sistema ng pagsulat
Animism – tumutukoy sa paniniwalang ang lahat ng bagay sa kapaligiran ng tao, may buahy man o wala
ay may kaluluwa.
Ang Dinastiyang Sgang ay nahahati sa pangkat ng:
a. Maharlika – nagmamay-ari ng lupa
b. Mga noble – namamahala sa sakahan at nagbabayad ng buwis sa pamahalaan
c. Magbubukid – nagsasaka ng mga taniman
Kaolin – isang uri ng puti at pinong luwad sa paggawa ng mga paso o plorera. Seramiks ang tawag sa mga
produktong ito.
Sinaunang Kabihasnan ng Japan
Ainu – orihinal na sinaunang tao ng Japan
Kojiki – talaan ng sinanunang kasaysayan ng Japan
Nihonji – The Chronicles of Japan
Jimmu – nagtatag ng Yamato ang naging unang emperador ng Japan
- Binigyan ng pangalang Tenno na ang ibig sabihin ay Son of Heaven
* Ang lahi ng Yamato ay nagmula sa sun goddess na si Amaterasu.

Ang Panahong Nara sa Japan


- Ang nara ang unang kabisera ng Japan
Buddhism – isa sa pinakamahalagang impluwensiya ng mga Koreano sa mga Hapones
Shinto – Hindi iwinaksi ng mga Hapones
Prince Shotoku – nagpadala ng 3 misyon ng mga isklar sa Tang, China upang pag-aralan ang mga
gawaing Tsino
- Ginawang sentralisado ang pamahalaang Japan at pinasimulan ang sistemang civil service ng
China ngunit hindi siya nagtagumpay.
- Sumulat ng “Seventeen Articles”, ang kauna-unahang nakasulat na kodigo ng batas ng Japan
- “Ama ng Kulturang Hapones”
Pagsulat ng Tsino – natutuhan kay Wani, isang iskolar na Confucian
Alpabetong Kanji – direktang hango mula sa alpabetong Tsino
Ang kapangyarihan sa Japan ay patuloy na nagmula sa kakaunting makapangyarihang aristokrata

Ang Panahon ng Heian


- Noong 794 CE, ang kabisera ng Japan ay inilipat sa Heian, ang lungsod ng Kyoto sa kasalukuyan
- Ito ang nagsimula ng aristokratang lipunan
- Bawat aspekto ng buhay ay may sinusunod na alituntunin
- Naging mahalaga din ang pagkakaroon ng etika o mabuting asal sa lahat ng pagkakataon
- Kinilala bilang “Ginintuang Panahon ng Japan”
Lady Murasaki Shibu – sumulat ng kauna-unahang nobela sa daigdig na pinamagatang “The Tale of
Genji, The Shining Prince and His romances na isnulat sa pamamagitan ng Kana o sulat Japan.
Shei Shonagaon – talaarawan na kilala bilang “The Pillow Book”
Pamilya Fujiwara – tunay na naging makapangyarihan

Ang Sinaunang Kabihasnan ng Korea


Korea – dating binansagang “Hermit Kingdom”

Ang Simula ng Korea


- Ayon sa alamat, si Hwanung na anak ni Hwanin, kinilalang “God of all and the Ruler of Heaven”
ng mga Koreano ay ipnadala ng kanyang ama sa daigdig upang magkaloob ng kasiyahan sa mga
tao.
- Si Hwanung ay nagkaanak at pinangalanan niya itong Tan-gun – “Altar Prince”
Haring Tan-gun – nagtatag ng kauna-unahang kaharian ng Korea na tinawag na Choson, na
nangangahulugang “Lupain ng Mapayapang Umaga”
- Nahati sa 3 kaharian: Koguryo, Paekche, at Silla

Ang Kaharian ng Koguryo


Koguryo – unang nalinang bilang isang kaharian sa kapatagan ng Yalu River.
- Ang pinakamahalagang ambag ng Koguryo sa kabihasnan ay ang mga sining na kanilang
ipinamalas sa naiwang palasyo, templong Buddhist, at mga libingang napapalamutian ng mga
inskripsiyon at pintang mural.
Tong-myong – pinuno ng tribung Koguryo

Ang Kaharian ng Paekche


- Matatagpuan sa katimugang bahagi ng Han River sa Seoul
- Mapayapa at umiiwas sa mananalakay
Ang Kaharian ng Silla
Silla – pinakamahina sa kaharian
- Pumasok sa kasunduang military sa dinastiyang Tang ng China upang talunin ang mga kaharian
ng Koguryo at Paekche
- Ngunit umatras ng nais ng China na sakupin ang mga kaharian

Ang Pag-iisa ng Korea


- Nang panahong humina ang Dinastiyang Tang, pinamunuan agad ni Wang Kien ang isang
rebolusyon sa Korea at sinakop ang mga kahariang Paekche at Silla
- Ang mga kaharian ay kaniyang pinag-isa at tinawag na Koryo.
- Ang Dinastiyang Koryo ay nagtatag ng sentralisadong pamahalaan na ibinatay ni Wang Kien sa
China
- Noong 1231, ang Korea ay sinakop ng mga Mongol na tumagal hanggang 1350.
- Noong 1392, ang Koryo ay pinabagsak ng isang pangkat ng mga opisyal na pinamunuan ni Yi-
Taijo na iskolar ng Confucian
Dinastiyang Choson na kilala bilang Dinastiyang Yi – itinatag ni Yi-Taijo
- Pinatatag ang Confucianism at ginamit sa pagtatag ng isang organisadong estado
Sejong – ikaapat na hari ng Choson
- Sa kanyang panunungkulan, lumago at nakilala ang sining at kulturang Koreano
- Nalikha ang Hangul o Hangeul, ang alpabetong Koreano
- Tinaguriang “Ginintuang Panahon”sa kasaysayan ng Korea
Hangul – kinilala bilang pinakasiyentipiko at pinakaepektibong Sistema ng pagsulat sa daigdig
Confucianism – itinalaga bilang relihiyon ng bansa

Ang Sinaunang Kabihasnan sa Timog-silangang Asya


Timog-silangang Asya – tahanan ng iba’t-ibang pangkat ng mga taong may iba’t-ibang wika at kultura
- Nagmula sa lahing Indian, Tibeta, at Tsino

Ang Indianisasyon ng Timog-silangang Asya


Indianisasyon – naghahayag ng malinaw na paglalarawan sa kolonisasyong kultural ng Timog-silangang
Asya ng mga Indian
Sinicization o sinification – prosesong pagpapaangkop at pagpapalaganap ng kulturang Tsino sa loob at
labas ng China
Ang buong rehiyon ay Indianized na noong ika-8 na siglo na napatunayan sa paggamit ng mga pangalang
Sanskrit tulad ni Jayavarman II, Sumatra na nagmula sa salitan samudra (dagat), Java – yava (barley,
Siam na dating pangalan ng Thailand na nagmula sa salitang shyama (brown) at Cambodia – kambojas
(casteless barbarian)
Rama – tawag ng mga Thai sa kanilang hari
Ayutthaya – ang ikalawang kabisera na kaharian n g Thai
Vietnamese – naging kapakinabangan sa kanila ang organisasyon ng sistemang militar gayundin ang
teknolohiyang irigasyon

Ang Kahariang Funan - nagmula sa masaganang lambak ng Mekong River


- Bigas ang pangunahing produkto
- Karamihan ay magsasaka, mangangalakal, mangingisda at artisanong tagagawa ng mga
sasakyang pandagat na gamit ng mga mangangalakal
- Pinamunuan ng isang organisadong pamahalaan
Oc Eo – kabisera ng Funan
Sanskrit – Sistema ng pagsulat

Imperyong Khmer
Khmer (Cambodia sa kasalukuyan) – ang dating pinakamakapangyarihang kaharian sa kalakhang lupain
ng Timog-silangang Asya
- Pinamunuan ni Jayavarman II, ang pinakadakilang hari ng Khmer
- Imperyo ng mga Greko
- Itinatag ang kabisera sa lungsod ng Angkor
- Natamo ang tugatog ng kapangyarihan noong panahon ni Jayavarman VII
Ang Imperyong Srivijaya – kahariang Malay na naghari sa Sumatra, Indonesia
- Lumawig sa pamumuno ni Jayanasa
- Tanyag na kapangyarihang tagapamahala ng daanang pangkalakalan

Ang Imperyong Sailendra


Sailendra – masugid na tagapagtaguyod ng Mahayana Buddhism

Ang Imperyong Majapahit – isang kahariang Hindu sa Silangang Java


Raden Widjaya – nagtatag ng imperyong Majapahit
Gajah Mada – pinakatanyag na lider-militar at punong ministro ng imperyo na nagdala sa Majapahit sa
tugatog ng tagumpay
Hayam Wuruk – 16 na taon ng matalo ang Srivijaya
- Pinakamagaling na pinuno
- Masugid na tagasunod ng Buddhism at Hinduism
Ang paglago ng kalakalan ng pampalasa (spices), paglaganap ng Islam, at pagkakaroon ng interes ng mga
Tsino sa rehiyon ay naging sanhi ng panibagong tunggalian sa lupain

Ang Kaharian ng Champa – katimugang bahagi ng baybayin ng kasalukuyang Vietnam


- Pinamunuan ng pamilyang Tran

Imperyong Annam
Annamese – pinakadominanteng pangkat ng tao na nagmula sa lahi ng mga Mongolian at Tsino
Vietnam – isang malayang kaharian at pinamahalaan ng Dinstiyang Ly.

Ang Imperyong Siam


Siam – Thailand sa kasalukuyan ang kaisa-isang bansa sa Timog-silangang Asya na nanatiling Malaya
Thai – ibig sabihin ay Malaya ang kanilang lahi
Muang Thai – “Ang Lupain ng Malalaya”
Kulturang Thai – nakabatay sa kulturang Tsino at Hindu
Kahariang Sukhothai – unang kabisera ng Siam, pinamunuan ni Rama Kanken
Rama Kanken, pinakamahusay na hari at lumikha ng sulat kamay ng Thai
Phra Naret – tanyag na bayaning Thai
Borommarcha Thirat II o Chao Sam Phraya – kaharian ng Ayutthaya
Ramesuan – crown prince ng Sukhothai
- Nagkaisa ang Sukhothai at Ayutthaya

Ang Imperyong Burma


Irrawaddy at Salween – ninuno ng kasalukuyang Burmese
Anawrahta – unang hari ng kaharian ng Burma
- Tinanggap ang relihiyong Buddhism
Bayinnaung – nakapagbalik sa pagkakaisa ng imperyo

Ang Malay Asia – binubo ng malay Peninsula, Indonesia at Pilipinas


Malay Archipelago – binubuo ng Pilipinas, Indonesia, Federation of Malaysia, Brunei, Timor-Leste, at
Singapore
Negrito – unang pangkat gamit ang tulay na lupa
Indonesian – nandayuhan sa pamamagitan ng dagat
Malaysian o Malay – gamit ang balangay o bangkang Malay

Ang Kapuluan ng Pilipinas


Barangay – hango sa salitang “balangay” na lumang bangkang Malay
Pamahalaang barangay – binubuo ng 30 mag-anak o mahigit pa
- May mga pinuno ay tagasunod
- Katulad ng kaharian ng datu, rajah, gat o lakan
Pamahalaan – tumutukoy sa isang pangkat ng tao na may kapangyarihang gumawa at magpatupad ng
batas sa isang nasasakupang teritoryo.
Monarkiya – tumutukoy sa pamamahala ng isang pinunong maaaring hari, reyna, o emperador.
Sentralisadong pamahalaan – tanging ang pinuno lamang ang namamahala sa kabuuang kaharian mula
sa kabisera nito.
Desentralisadong pamahalaan – binibigyan ng pagkakataon ang ilang pinuno na mangasiwa sa iba’t-
ibang kaharian bilang feudal lords.
 Sa sinaunang China naman, ang hari ay itinuturing na “Sons of God” o anak ng diyos. Ito ay
bunsod sa ideyang “Mandate of Heaven”

Sinaunang Pamahalaan sa India


India – napag-isa lamang bilang isang kaharian noong panahon ng mga Dinastiyang Maurya, Gupta, at
Chola.

Ang Imperyong Maurya


Chandramagupta Maurya – inagaw ang kapangyarihan mula kay Seleucus I
- Napag-isa niya ang India sa ilalim ng Imperyong Maurya
- Nanungkulan sa ilalim ng paggabay at pagpapayo ni Kautilya, isang pari ng caste
Kautilya – sumulat ng “Arthasastra”- dokumentong naglalaman ng mga kaalaman sa pamamalakad at
pag-iisa ng isang imperyo.
- Sa tulong niya nakapagtatag si CHandramagupta ng pamahalaang burukrasya
Asoka – apo ni Chandragupta Maurya
- Siya ang nagdala sa Imperyong Maurya sa tugatog ng kadakilaan
- Nagpasyang mamuno na ginagabayan ng mga aral at pangaral ni Buddha
Buddhism – baglalahad ng isang malalim na pilosopiya na nagbibigay paliwanag sa pagkakaugnay-ugnay
ng mga pangyayari sa buhay ng sangkatauhan.
Dhamma-mahamat-tas – pangkat ng mga opisyal na may tungkuling ipalaganap ang dhamma
Dhamma – binubuo ng mga patakaran ni Asoka na nakabatay sa Dharma
Dharma – mga ral at pangaral ni Buddha

Ang Imperyong Gupta


- Itinatag ni Sri-Gupta
- Pinamunuan ni Chandra Gupta I
- Nagpasimula ng tekstong legal at pormal na proseso sa hukuman
- Ginintuang panahon ng India
Sanskrit – lumaganap sa imperyo
Kalidasa – dakilang manunulat ng Hindu
Kama sutra – isang manwal na may kinalaman sa sining ng pagmamahal
Chandra Gupta – “Dakilang Hari ng mga Hari”

Imperyong Mughal sa India


Rajput – halaw sa mga salitang Sanskrit na nangangahulugang “anak ng hari” (son of king)
- Maimpluwensiyang pinuno at mandirigma
- Kilala sila sa paggawa ng naggagandahang palasyo
- Pangunahing caste na matatagpuan sa Madhya Pradesh, India
Akbar – nagtatag ng sariling relihiyon na tinawag na Divine Faith
- “The Great One” ang kahulugan ng pangalan ni Akbar
Divine Faith – binubuo ng mga aral at element ng relihiyong Hinduism, Jainism, Kristiyanismo at Sufism
Urdu - “mula sa kampo ng mga kawal” ang wikang gamit ng hukbo ni Akbar
- Opisyal na wika ng Pakistan sa kasalukuyan
Jahangir – “Grasper of the World” o mangangamkam ng lupain
Nur Jahan – asawa ni Jahangir at tumulong sa kanyang mangamkam dahil sa talino at kapangyarihan
niya
 Iniutos ng mag-asawa ang pagpapanatili ng Islam sa imperyo
Sikhism – pinaghalong doktrina o iba’t-ibang elemento ng Hinduism at Islam
Shah Jahan – “Hari ng Daigdig”
- Pagpapagawa ng palasyo para sa maganda at paborito niyang asawa na si Mumtaz Mahal
- Ginintuang panahon ng arkitektura
Taj Mahal – musoleo na nagsilbing libingan ni Mumtaz Mahal
Aurangzeb – pumalit kay Shah Jahan
- Ipnatupad ang Batas Islamic at ipinagbawal ang pag-inom ng alak, pagsusugal, atbp.
- Binawi ang mga batas na nagkapagbibigay ng ginhawa sa mga Hindu ngunit hindi niya ginawa ito
sa mga Muslim
Fatehpur Sikri – itinatag ni Akbar

Ang Sinaunang Pananaw at Paniniwala bilang batayan ng pamamahala sa China’


Ang Dinastiyang Zhou – naghari sa China sa loob ng pinakamahabang panahon
- Han ang unang kabisera
- Itinatag ni Wu Wang na nagbigay ng mga katuwiran sa kanyang pamumuno bilang Basbas ng
Kalangitan (Mandate of Heaven) na nangangahulugang ang maharlikang pamumuno ay
nagmumula sa Diyos ng kalangitan.
- Sistemang piyudalismo ang pinairal
- Nagpagawa ng lansangan at salaping barya
- Bakal at tanso ang pinakamahalagang materyales na gamit sa panahong ito
- Pagsakay ng kabayo
- Sistema ng komunikasyon ay pinaunlad
Piyudalismo – tumutukoy sa sistemang panlipunan kung saan ang pag-aari ng mga lupain ng hari ay
pinamamahalaan ng mga noble o lord.
Basbas ng Kalangitan – naging batayang pananaw ng mga Tsino sa pamamahala

Ang Dinastiyang Chin


- Pinamunuan ni Shih Huang-ti
- Unang gumamit ng kaisipan ng mga legalista
- Li Si – punong ministrong legalista
Shih Huang ti – kauna-unahang emperador ng Tein-hsia (All Under Heaven)
Legalista – naniniwala na isang makapangyarihang pamahalaan lamang ang makapagpapanumbalik ng
katiwasayan sa China
- Kailangang gamitin ng pamahalaan ang batas upang wakasan ang mga kaguluhan
Awtokrasya – pamahalaang ipnatupad ni Shih Huang-ti sa China
- Walang takda ang kapangyarihan ng mga namumuno
Imperial Highway – mga lansangang nagdurugtong sa malalawak na lupain
Great Wall of China – ipinagawa upang maitaboy ang pangkat ng mga barbaro na nagnais na masakop
ang imperyo
- 7 wonders of the World
Sinocentrism – tumutukoy sa paniniwala at pilosopiya na ang China ang pinakasentro ng daigdig, ang
itinuturing na “Gitnang Kaharian”
Panahon ng Nag-aalitang Estado (Age of the warring States) – pag-aalitan ng mga estado

Ang Dinastiyang Han – itinatag ni Liu Pang


- Itinuring ng mga Tsino ang kanilang sarili bilang “Man of Han” o “People of the Han”
- Sentralisadong pamahalaan
Commanderies – lalawigan
Wu-ti – Martial Emperor dahilnasakop niya ang Manchuria, Korea, at Katimugang China
- Itinakda niya ang Conficianism ang opisyal na ideyolohiya
Confucius – pinakamaimpluwensiya sa lahat ng mga pilosopo
- 5 pangunahing maayos na relasyon: relasyon sa pagitan ng namumuno at nasasakupan, relasyon
sa pamamagitan ng ama at anak, relasyon sa pagitan ng mag-asawa, relasyon sa pagitan ng
nakatatandang kapatid na lalaki at nakababatang kapatid na lalaki, at relasyon sa pagitan ng
magkaibigan.
Filial piety – o paggalang at pagmamahal sa mga magulang at nakatatanda

Ang Dinastiyang Sui – ang mga magkakahiwalay na distrito ay napa-isa ni Sui Wendi o Yang Chien
- Naglatag ng pundasyon sa pagtatamo ng Ginintuang Panahon ng China
Yang Ti – nagpagawa ng Grand Canal, ang pinakamahalagang ipinamana ng Sui sa China
Ang Imperyong Tang – itinatag ni Li Yuan
- Metatag at mataas na uri ng pamahalaan
- Ginintuang Panahon ng China
Li Yuan – pinag-isa ang imperyo gamit ang Chang-an bilang kabisera
Tang Tai-tsung – kinilalang pinakamahusay na emperador ng Dinastiyang Tang
- Pinagaan ang pagpapataw ng buwis
Eunuch – ay mga katulong na nanilbihan sa kaharian ng emperador

Ang Dinastiyang Sung – ay itinatag ni Sung Tai-tsu


- Naging masagana ang agrikultura at lumago ang ponding pananalapi ng China
Green Sprout Act – ang mga magbubukid ay pinautang ng pamahalaan ng butyl na maaaring bayaran
matapos ang anihan
Silk Road – hindi nabawi ng mga Sung

Ang Dinastiyang Yuan (Ang China sa Ilalim ng mga Mongol)


Mongol – pangkat ng mga nomad
- Pinamunuan ni Temujin na tanyag bilang Genghis Khan
Genghis Khan – isa sa pinakamagaling na mananakop ng daigdig
- Nagatatag ng imperyong Mongol
Kublai Khan – The Great Khan
- Namuno sa sarili niyang khanate na sumakop sa Mongolia, Korea, Tibet at Hilagang China
- Nasakop niya ang kabuuuan ng China at itinatag ang dinastiyang Yuan
- Muling napag-isa niya ang China sa loob ng 300 taon
- Beijing ang kabisera ng China
- Nais niyang sakuin ang Japan ngunit hindi siya nagtagumpay
- Winasak ng bagyo ang bapor nila
- Magaling na emperador
Kamikaze o divine wind – nagligtas sa mga Hapones
Marco Polo – tanyag na Europeong bumisita sa China
Pax Sinica – panahon ng katahimikan at kapayapaan sa Silk Road

Ang Dinastiyang Ming – pinamunuan ni Chu Yuan Chang


Ming Tai Tsu – pangalang ginamit ni Chu Yuan Chang
- Pinalaks ang plotang pandagat ng China kaya kinilala ang China bilang pangunahing
kapangyarihang pandagat
Forbidden City o Imperial City – bawal ang sinumang pumasok sa lungsod na ito maliban sa angkan ng
emperador at kanyang korte

Ang Kaisipang Banal (Divine Origin) na pinagmulan ng mga emperador ng Japan at Korea
- Bukod sa mga Hapones, ang mga Koreano ay naniniwala rin na banal ang kanilang emperador

Ang Kaisipang Devaraja (God King)


Devaraja – isang kulto na itinatag ni Jayavarman II
- Ang hari ay manipestasyong diyos na si Shiva
- Ang mga haring Khmer ay kinilala bilang God King
- Ang kapangyarihan ng mga God King ay malinaw na inilalarawan ng mga naglalakihang templong
karaniwang matatagpuan sa liblib na ppok kabundukan

Ang Lipunan ng Sinaunang Kabihasnan


Lipunan – tumutukoy sa pangkat ng mga taong organisadong namumuhay at pinamamahalaan ng iisang
pamahalaan
Sistemang panlipunan – tumutukoy sa paraan kung paano isinasaayos ng mga tao ang kanilang mga sarili
upang matamo ang kanilang mga pangangailangan.
Hirarkiya – binubuo ng 3 uri: upper class, middle class, at lower class
Ang Sistemang caste sa sinaunang Kabihasnang India
Caste – pag-uuri ng mga tao sa lipunan
- Varna sa Rig Veda
- Ang mga Hindu ay napapangkat sa
a. Brahmin – iskolar at pari
b. Kshatriya – mandirigma
c. Vaishya – magsasaka at mangangalakal
d. Sudra – pinakamababang pangkat at nagsisilbi bilang mga utusan o katulong
Untouchables o pariah – mga pulubi, basurero at iba pang nabibilang sa pinakamababang uri ng
hanapbuhay
Sudra at untouchables – pinagbabawalang bumasa at making ng Vedas na naglalaman ng mga salita ng
diyos

Ang Lipunan ng Sinaunang Kabihasnang China


- 2 antas ng tao sa China:
a. Ang mga namamahala o ruling class – hari, pari, at feudal lords
b. Ang mga manggagawa o working class – magsasaka, mangangalakal, kawal, at artisan
1. Pantas o iskolar – gentry o shi
2. Magsasaka – nagmamay-ari ng mga lupain
3. Artisano – nagtataglay ng kasanayan sa paglilinang ng mga gamit na gawa sa metal
4. Mangangalakal – pinakamababang pangkat

Ang Lipunan ng Sinaunang Timog-silangang Asya


Noong panahon ng Khmer, 4 na uri ng kinikilalang antas ng lipunan:
a. Hari- pinakamataas na antas
b. Opisyal ng pamahalaan at huwes
c. Pangkaraniwang antas – magsasaka, artisan
d. Alipin – nabihag sa pakikipaglaban

Patriarchal – pamayanang kinikilala ang kalalakihan bilang siyang namumuno sa pang-ekonomiya,


Ang isang kababaihan ay kilala bilang anak ng kanyang ama o asawa ng isang lalaki
Ipinagkasundo ang isang babae ng kanilang ama sa isang lalaki bago pa man sila dumating sa tamang
edad
Dowry – o bigay –kaya – kinakailangang bigyan ng lalaki ng salapi ang pamilya ng babae sa panahon ng
kanilang kasunduang pagpapakasal
Enheduanna – anak na babae ni Haring Sargon
Ang babae ay itnuring na ekslusibong pag-aari ng kaniyang asawa
Pagtali sa paa o footbinding – mapanatiling maliit ang paa ng mga babaeng Tsino
- Ito ay isinasagawa upang maging mahirap sa isang babae na lumabas ng tahanan at hindi
makuhang makipagtalik kaninuman
Mikos – isang uri ng walang kamatayang dibinidad
Greater Learning for Women – naglalarawan ng nararapat na kaugalian ng kababaihan sa bansa

Sutee - ang babaeng Hindu ay inaasahang sumama sa kaniyang asawa sa panahon ng kaniyang
kamatayan, sa pamamagitan ng pagsama sa pagsunog sa bangkay ng kaniyang asawa.
Purdah – belo o takip sa kanilang mukha

Relihiyon – isang organisadong Sistema ng pananampalataya, pamimitagan, paggalang, kaugalian, at


pananalig na nakasentro sa isa o higit pang kinikilalang diyos.

Hinduism – pinakamatandang relihiyon sa daigdig na nagmula pa sa kabihasnang Vedic.


- Pangunahing relihiyon sa India
- Ang sagradong aum ang nagsisilbing simbolo
- Aum – ang a ay simula, u ay pag-unlad, at ang m ay may hangganan
- Aum ay nangangahulugang “ang kapangyarihan ng paglikha, pagpapa-unlad, at paggunaw ng
mundo ay magmumula lamang sa pamahalaan.”
- Ay nakabatay sa pananampalataya sa pangkapaligirang puwersa tulad ng diyos ulan, diyos ng
kidlat, at diyos ng kasaganaan.
Pantheism – paniniwalang iisa lamang ang diyos na may lalang ng lahat ng bagay at siya ay
matatagpuan sa lahat ng likas na kapaligiran.
Moksha o sukdulang kalagayan
Samsara – ang isang tao ay muling ipinanganak
Karma – anuman ang gawin mo sa kapwa mo, babalik din sa iyo

Brahman – diyos ng mga diyos at walang kamatayang nilalang ng mga Hindu


Vishnu – diyos na tagapangalaga
Shiva – diyos na gapapuksa
Vedas – banal na aklat

Ritwal ng Hinduism
Ganges – banal na pook ng relihiyong Hinduism
- Ang mga Hindu ay dumayo sa Ganges kada taon upang maligo sa paniniwalang ang mga gawaing
ito ay makalinis sa kanilang katawan at kaluluwa.
Tarpan – isang ritwal para sa kapayapaan ng kaluluwa ng nangamatay
Holi – ipinagdiriwang tuwing tagsibol bilang paggalang kay Shiva
Divali – bagong taon ng mga Hindu

Buddhism – nananalig sa pnagaral ni Buddha – ang dharma


Gulong ng batas – simbolo ng Buddhism
Prinsipe Siddharta Gautama – upang matakasan ang pagpapakasakit, kailangang matamo ang
karunungan
- Kinilala siya bilang “Ang Isang Naliwanagan” o “The Enlightened One”
- Pinangaral niya ang 4 Noble truths:
a. Ang buhay ng tao ay puno ng pagpapakasakit at kalungkutan
b. Ang pagpapakasakit at kalungkutan ay sanhi ng kasakiman ng tao sa kasiyahan at mga
material na bagay
c. Matatapos lamang ang pagdadalamhati ng tao sa pamamagitan ng pagwawaksi sa labis na
pagnanais sa kasayahan at material na bagay
d. Ang nirvana ay maaabot lamang sa pamamagitan ng pagsunod 8-fold path at Middle Way,
ang buhay sa pagitan ng labis na pagnanais at pagpapakasakit sa sarili.
Eightfold Path – binubuo ng walong gabay sa kaisipan at gawi ng tao na naglalaman ng tamang pananaw,
intensyon, pananalita, pagkilos, pamumuhay, pagsisikap, hakbangin, at konsentrasyon.
Nirvana – espirituwal na kaganapan
- Pagtatamo ng espiritwal na kapayapaang walang pagpapakasakit, kasakiman, kappotan, at
paglilinlang.
Monghe – tawag sa mga taong nagtatalaga ng kanilang buhay sa mga aral ni Buddha
Sutras – sitting meditation
Tripitaka o Three Baskets – koleksiyon ng mga kasulatan
3 Uri ng Sekta ng Buddhism:
a. Hinayana o Theravada Buddhism
b. Mahayana o Vajrayana Buddhism
c. Zen Buddhism - laganap sa Japan na nagmula sa salitang zazen na ang kahulugan ay “to sit and
meditate”
Selebrasyong Wesak – araw ng kapanganakan at kamatayan ni Buddha

Islam – ang kahulugan ay pagpapakumbaba at pagpapasakop


Crescent moon – pamilyar na simbolo ng Islam
Allah – kinikilalang diyos ng tagapaglikha
Muhammad - propeta
Qur’an o Koran – banal na aklat ng mga Muslim
Hegira – kauna-unahang bagong taonsa kalendaryong Islam
Ulama – kilalang mga guro

Five Pillars
a. Shahada o pananalig – walang ibang diyos kundi si Allah at si Muhammad ang kaniyan propeta
b. Salah o panalangin – manalangin ng 5 ulit sa loob ng isang araw
Muezzin – taguri sa tagapahayag ng mga Muslim sa oras ng panalangin
c. Zakat o Pagbibigay ng limos/pagtulong sa kapwa – magkaloob ng bahagi ng kaniyang kita o
kayamanan sa mahihirap
d. Saum o pag-aayuno – mag-ayuno sa buong buwan ng Ramadan
e. Hajj o Paglalakbay patungong Mecca – isang banal na pagalakbay sa Mecca
- Kailangang umikot ng 7 ulit sa paligid ng Ka’aba, bahay panalanginan ng Muslim
 Bawal kumain ng karneng baboy at uminom ng alak
Templo o mosque – bahay panalanginan ng mga Muslim
Jihad – holy war
Ramadan – ang mga Muslim ay nag-aayuno mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw
Eid-ul-Fitr o Night of power – pinakamahalaga at huling gabi ng Ramadan
- Gabi kung kailan kinausap ni Anghel Gabriel si Muhammad

Kristiyanismo – pinakamalaking relihiyon sa daigdig


- Nababatay sa buhay at pangaral ni hesus
- Roman katoliko, protestante, eastern orthodox
Romano Katoliko - Pinamunuan ng Papa
East Orthodox – pinamumunuan ng patriarch
Protestante – walang knikilalang pinuno
Krus – simbolo ng pagmamahal ni Hesus sa sangkatauhan
Kristiyano – monotheist, iisang Diyos lamang
Bibliya – banal na aklat
Kristo – Anointed One
Sampung Utos ng Diyos – batayan ng pananalig at pagpapahalaga ng mga Kristiyano
Palestine – banal na lupain
Jerusalem – sentro ng banal na paglalakbay
Palm Sunday – araw ng palaspas ang hudyat ng pagsisimula ng banal na Linggo sa kalendaryo ng mga
Kristiyano

Judaism
Star of David o Shield of David – simbolo
Abraham – ama ng mga Jew
Canaan – Lupang Pangako
Exodus – paglikas ni Moses sa mga Jew mula Egypt
SAmpung Utos ng Diyos – tabletang bato
Israel – kahariang itinatag ni David
Torah – bibliya ng mga Jew
- Binubuo ng 5 aklat ng Lumang Tipan o Old Testament
Panangisang pader o Wailing Wall – banal na lugar para sa panalangin
Kippah o yarmulke – pantakip sa ulo na tanda ng kanilang paggalang sa kanilang Panginoon
Purim – pagdiriwang sa pagkakaligtas ng mga Jew sa Persia
Sabbath – banal na araw para sa mga Jew
Pesach o Passover – may kaugnayansa naganap sa exodus sa Egypt
Rosh Hashanah – bagong taon
Hanukkah – pag-aalala sa muling pagbabalik

Sikhism – nagmula sa Punjab, India


- Itinatag ni Guru Nana
- Kombinasyon ng Islam at Hindu
- vegetarian
Sikh – tagasunod o disipulo
- Kilala sa marking 5 Kakkars
1. Kesh – hindi nagpuputol ng buhok o balbas
2. Kanga – buhok ay laging nakatali
3. Kara – bangle na bakal
4. Kirpan – pirmihang nakasuot ang espada
5. Kachera – maigsing pantalon
Baisakhi o Khalsa Sirjana Diwas – pista ng pag-aani
Deewali o Deepavali – Festival of Lights
Diwali – buwan ng Kortiko o New moon

Taosim – from Tao na nangangahulugang “ang daan”


Fengshui – ang paglikha ng tanawing naaayon sa tao
Yuan Xiao festival o Lantern Festival- pangunahing kapistahan
Yuan – una
Xiao – gabi
Yuan Xiao – unang gabing paglabas ng full moon
Tianguan – kinikilalang diyos
Taiyi – diyos ng kalangitan

Shintoism – gawi ng diyos


Shinto – tradisyonal na relihiyon sa bansang Japan
Kami – diyos ng kalikasan
- Ang nag-uugnay sa tao at pisikal na kapaligiran
Musuhi – tawag sa kapangyarihan ng Kami
Mokoto – pagkakaroon ng mabuting kalooban
Shintoismisters – tawag sa tagasunod ng Shinto
Matsuri – pag-aalay ng pasasalamat

Jainism – galling sa salitang jinana na nangangahulugang “yaong nagtatagumpay”


- Tirthankaraso o “bridge builders”
- Naniniwala sa reincarnation
- Ang pangaral ay nakasentro sa buhay na walang karahasan hindi lamang sa kapwa tao kundi pati
na rin sa mga halaman at hayop
Mahavrata o “Great Vows” – banal na panata
a. Ahimsa o walang karahasan – pag-iwas sa pananakit sa kapwa
b. Satya o katapatan – pinakamagandang daan tungo sa pagpapanatili ng kapayapaan
c. Asteya – pag-iwas sa pagnanakaw
d. Brachamarya o buhay walang asawa – bawal mag-asawa ang mga monghe’
e. Aparigraha – kawalan ng ari-arian

Paryushana – pangunahing pagdiriwang


- Panahon ng pagtitika, pangungumpisal ng mga kasalanan at pag-aayuno

You might also like