na hindi makikita ang kaniyang ngipin? SAGOT:Tatakpan ng kaniyang palad ang kaniyang ngipin. May isang prinsesang sa tore ay nakatira, balita sa kaharian, pambihirang ganda. Bawal tumingala upang siya’y makita. Ano ang gagawin ng binatang sumisinta? SAGOT:Iinom ng tubig upang kunwa’y mapatingala at makita ang prinsesa. Sa umaga ay bumbong sa gabi ay dahon.(bugtong) SAGOT: Banig Bugtong-pala- bugtong, kadenang umuugong bugtong) SAGOT: Tren Ano ang puna sa mga pinahulaan ng guro? Naging madali ba para sa iyo na hulaan ang mga ito? Ano ang kailangan upang masagutan ito? Pagbasa:Maikling Kwento Isang Araw sa Dyipney Ni Agnes V. Dalawangbayan 1. Ano ang napansin sa mga salitang nakasulat nang nakadiin? 2. Ano ang nais ilahad ng tekstong binasa? Paglinang ng Talasalitaan Ipangkat ang mga salita ayon sa kahulugan. TUMABI HUMINTO MALIKOT
HUMIMPIL TUMIGIL LUMAPIT
DUMAIS MAGASLAW TULIRO
Ano ang kahalagahan ng pagpapangkat-pangkat ng salita? Pangkatang Gawain Paghambingin ang dalawang uri ng pahulaan sa pamamagitan ng Venn Diagram. Paghambingin ang nakasulat nang nakadiin at nakasalungguhit sa binasang akda sa pamamagitan ng Venn Diagram. ALAM MO BA… Karunungang Bayan Mayaman ang mga Pilipino sa karunungang bayan tulad ng salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan, at mga kawikaan. Ito ang nagsisilbing libangan ng mga ninuno noong unang panahon. ALAM MO BA… Ang awiting Panudyo/ Tugmang de Gulong ay karaniwang pumapaksa sa pag-ibig, pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa, at kalungkutan o maaaring ginawa upang maging panukso sa kapuwa. Bata, bata Pantay-lupa Asawa ng palaka
Pedro Penduko, matakaw sa tuyo
Nang ayaw maligo, kinuskos ng gugo
Mga dumi sa ulo
Ikakasal sa Linggo Inalis, inalis Ikakasal sa Lunes Tinatawag na tugmang de gulong ang mga paalalang makikita sa mga pampublikong sasakyan gaya ng dyip, traysikel, o bus. Ang mga tugma o paalalang ito ay karaniwang nakatutuwa, nanunudyo,o di kaya naman ay mayroon talagang makabuluhang mensaheng nais iparating sa mga pasahero. Karaniwan ding inihahango ang mga tugmang ito sa mga kasabihan o salawikaing Pilipino. Upong nuwebe lamang nang lahat ay magkasya. Wag dumi-kuwatro dahil dyip ko ay di mo kuwarto. God knows Hudas not pay. Barya lang po sa umaga, sa hapon pwede na. Batak mo, hinto ko! Bayad muna, bago baba. Bayad muna, bago mag-cellphone. Pull the string to stop. Ang di magbayad, walang problema. Sa karma pa lamang ay bayad ka na. Huwag kalimutang pumara nang makauwi sa pamilya. Kapag mataba, doble ang bayad. Ang di magbayad mula sa kaniyang pinanggalingan ay di makararating sa paroroonan. Diyos ko, ilayo mo po ako sa mga barat na tao. Bayad muna, bago matulog. Hindi ito hotel. Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa pinto, sambitin ang ‘para’ para ang dyip ay huminto. Bugtong ito ay binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat at tugma. Ang pantig naman nito ay maaaring apat hanggang labindalawa. Palaisipan Ito ang mga tanong na kadalasang nakalilito sa mga tagapakinig. Sa una akala mo’y walang sagot o puno ng kalokohan ngunit kung susuriin, ang palaisipan ay nagpapatalas ng isip at kadalasang nagbibigay ng kasanayang lohikal sa mga nagtatangkang sumagot. Ang di magbayad, walang problema. Sa karma pa lamang ay bayad ka na. Huwag kalimutang pumara nang makauwi sa pamilya. Kapag mataba, doble ang bayad. Ang di magbayad mula sa kaniyang pinanggalingan ay di makararating sa paroroonan. Diyos ko, ilayo mo po ako sa mga barat na tao. Bayad muna, bago matulog. Hindi ito hotel. Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa pinto, sambitin ang ‘para’ para ang dyip ay huminto. Ano ang kahalagahan ng mga tugmang de gulong, tulang panudyo, palaisipan at bugtong sa kasalukuyang panahon? Kumpletuhin ang tugmang de gulong na ipinahahayag. 1. Basta drayber, _______________. 2. Hatak mo, _______________. 3. _______________, para hindi tayo maabala. 4. Sumigaw ng Darna_____________ __. 5. _______________, maraming suki. Kilalanin kung ano ang tinutukoy ng sumusunod na mga makabagong bugtong 1. Kaharap kong mahangin, Wala nang gingawa kundi umiling. 2. Sa aking nabiling maliit na kwarto Kasyang kasya maging sanlibong katao 3. Buong bahay tumili at nagluksa Nang sa gabi, siya ay nawala Suriin ang sumusunod na mga taludtod. Isulat ang A kung bugtong, B kung tugmang de gulong, C kung tulang panudyo at D kung wala sa kategorya. _____1. Papuri sa harap. Sa likod paglibak _____2. Kapag duwag Walang palad _____3. Dalawang bolang itim, Malayo ang nararating _____4. Madaldal kung halalan, Walang gingawa kung mahalal _____5. Ang di magbayad sa kaniyang pinanggalingan, di makabababa sa paroroonan. Karagdagang Gawain 1. Gumawa ng kalipunan ng bugtong na makakalap mula sa ibang tao. 2. Kumuha ng larawan ng mga tugmang de gulong o tulang panudyo na makikita sa paligid.