You are on page 1of 23

“Duayya”

(Ilocano Oyaye)

Maturog, duduayya No maibus ton daytoy pigsa.


Maturog kad tay bunga, Maturog aya ti lalaki
Tay lalaki ng napigsa, Nga arkos bakod tot’ ili
Ta inton dumakkel tay bunga, Ta inton mapadakkel mi
Isunto aya tay mammati Ket mapatan-ay min lalaki
Tay amin a ibaga mi. Ta mapan to aya agbiaje
Ay duayya, maturog man tay Tay adadayo nga ili.
binonga, lalaki nga napigsa Ngem ti kad ibilin ko nay
Anak ka nga binonga, Ket mangala kanto kadi
Lalaki ng napigsa. Tay manto kad a tambori
Ta no dumakkel ket Ken singsing ko nga dyamante
sanguir konto nga napigsa. Ken tay aritos ko nga
Ket sarukod konto ng napigsa. Birilyanti
No konkunak la ket tay binonga Ta addanto inta pangrir-riri
Ta bareng dumakkel ket nalaka Tay napintas nga babai.
Sikanto ti yan ti namnama,
“PAALAM SA PAGKA DALAGA”
(Kundiman Tagalog)

Sa mundo’y walang mahirap hanapin


Paris ng humirang ng kakasamahin,
Kakasamahin ito’y pakaiisipin
At baka sakaling loob mo’y di sundin

Arao mo’y natapos sa kadagalahan


At ikao ay nahaharap sa katahimikan
Tuloy lilisanin ang lahat ng layao
Dahil sa asawang dapat panimbangan.
(Chorus)
Tanang kaibiga’y kusang lilimutin
Dating kasayaha’y pilit aalisin
Bawa’t mga kilos ay pag-iisipin
At baka masawi sa asawang giliw.
“ANG GUGMA MO NONOY”
(Kundiman Hiligaynon)

Ang gugma mo Nonoy tatlo it kalidad


Isa ang matuod duhay lubad-lubad
Tagaan ta Nonoy diotay na libertad
Bot-on ta ugaling mamulaklak ang tanglad

Mamulaklak ang tanglad sing pito ka bato


Kuhaon do apat hibilin do tatlo
Tagaan ta Nonoy diotay nga Consuelo
Boton ta ugaling mahumok ang bato.

Mahumok ang bato parehas sang itlog


Mapusa man gani budlay gabilog
Tagaan ta Nonoy diotay nga kalisud
Boton ta ugaling mahubsan ang lawod

Mahubsan ang lawod parehas sang bobon


Ang batong bantili imong palutawun
Ang gabok nga kahoy imung palugdangon
Ang bilog kong lawas sa imo gaunong.
BUGTONG

Maliit pa si kumpare, Isang bayabas,


Nakakaakyat na sa torre. Pito ang butas.
(Langgam) (Ulo)

Matanda na ang nuno, Pantas ka man at marunong,


Hindi pa naliligo. At nag-aral nang malaon,
(Pusa) Aling kahoy sa gubat
Ang nagsasanga’y walang gubat.
Tag-ulan at tag-araw, (Sungay ng Usa)
Hanggang tuhod ang salawal.
(Manok) Tubig na sakdal linaw,
Ay nadadala sa kamay.
Nagsaing si Hudas, (Yelo)
Itimapon ang bigas,
Kinuha ang hugas. Mataas ang ibinitin
(Paggagata ng niyog) Kaysa pinagbibitinan.
(Bolador)
Dahon ng pinda-pinda,
Singlalapad, singgaganda. Kung bayaan ay nabubuhay,
(Tainga) Kung himasin ay namamatay.
(Makahiya)
Dalawang bolang sinulid,
Abot hanggang langit. Baboy ko sa pulo
(Mata) Balahibo’y pako
(Langka)
Halamang di nalalanta,
Kahit natatabas na. Bongbong kung liwanag,
(buhok) Kung gabi ay dagat.
(Banig)
Bahay ni Santa Ines Bahay ni Santa Maria
Punung-puno ng perdigones Naiinog ng sandata
(Papaya) (Pinya)

Nang wala pang ginto


Ay doon nagpapalo; Baka ko sa Maynila
Nang magkaginto-ginto Abot ditto ang unga
Ay doon na nga sumuko (Kulog)
(Palay)

Ang ina’y gumagapang pa,


Ang anak ay umuupo na
(Kalabasa)

Munting tubong kawayan,


Puno ng tubig ang laman
(Tubo)

Ang manok kong pula


Umakyat sa puno ng sampaka
Nang umuwi ay gabi na
(Araw)

Binaltak ko ang bagting


Nagkakarang ang matsing
(Kampana)
Kundiman
(Tagalog)

Nalulungkot ako kahit na nagsasaya


Ang kaulayaw ko’y dalamhati’t dusa
Sa sandaling oras na ‘di ka makita
Paglubog ng buwan ako’y sasama na

Sasama na ako paglubog ng buwan


Ang kaulayaw ko’y libingang mapanglaw
Pagdating ko roon ika’y tatawagin
Nasaan ka irog ka’y tamis mong magmahal.

‘Di ko iniaalis na ako ay iibigin


Sa daan pa lamang huwag kausapin.
May tahanan kami upang doon panhikin
Kay ama’t kay ina sa kanila sabihin.
Kumintang
(Tagalog)

Ang nuno nating lahat


Sa kulog, ‘di na sindak,
Sa labanan, ‘di naawat,
Pinuhunan buhay, hirap,
Upang tayong mga anak
Mabuhay nang mapanatag

Itong ating kabukiran


Sampung buhay at tahanan,
Ibig nilang kuning tunay
Maagaw sa ating kamay,
Tayo baga’y nag-aaral
Gayong buhay tila patay?

Halina nga at usigin


Ang aliktiya, mga haling
Ipagtatanggol ang bukirin
At ang mga anak natin
Tayo nama’y may patalim
Dugo’t buhay puhunanin

Aba tayo kung wala na


At tirahang maligaya
Pati anak at asawa
Mananaghoy, magdurusa
Kaya ngani, ay tayo na,
at ang buhay ay ipara.
Diona
“Nena at Neneg”
Ni Hernandez Pena

Araw mo ay natapos sa kadalagahan Ang estadong iyan na iyong tinanggap


At haharap ka na sa katahimikan, Nena, ay wala nang makakasingbigat,
Tuloy lilisanin ang lahat ng bagay At kung asawa’y matutong magsukab
Dahil sa asawang sukat panambingan Iyan sa buhay mo ang lalong kumandag.

Tanang kaibiga’y kusang limutin At aling dalita ang di titiisin


Dating kasayahay pilit aalisin, Nena, kung ito ang iyon marating,
Bawat mga kilos ay pag-iisipin Mahangay mamatay ang siyang isipin
At baka masawi sa asawang giliw Huwag ang mabuhay sa gayong hilahil

Ano pa’t ang iyong haharaping buhay Kahimanawari’y kasihan ng langit


Katali ng madlang mga kahirapan Pagsasama ninyo’y lumaging matamis,
Kung magkabihira’y tapat na ang asal At maingatan din ang ikabubulid
Ay madalas ka pang mapag-iisipan. Sa daya ng mundong lagging umuusig.
Kawikaan

Ang kawikaan, talinhagang bukambibig o Idoyoma ay bahagi ng wikang Filipino. Ito ay


salita o grupo ng mga salitang patalinghaga anga gamit na nakakatulong at mabisang
paraan para maging maganda at makabuluhan ang mga bawat salita na ating ginagamit.
Ito ay bahagi ng Panitikang Pilipino na nagpasalin-salin mula noon hanggang ngayon.

Ahas-bahay Lumang-tugtugin
Lagging nasa tahanan Nakasanayan

Agaw-buhay Mababang-loob
Naghihingalo na. Madaling maawa

Balat-kayo Mababa ang luha


Nagkukunwari. Madaling umiyak
Biglang-yaman
Nagkaroon agad ng malaking kayamanan. Madulas
Mahirap mahuli
Bukas-palad
Matulungin Tanging-yaman
Bagay na ipinagmamalaki
Bungang-isip
Sariling likha. Tawang-aso
Tawa na hindi bukal sa loob
Hating kapatid
Pantay na hatian Walang-buto
Hindi metatag
Kapitbisig
Pagtutulungan Walang utang na loob
Hindi marooning tumanaw ng pinakitang
kabutihan
Mga Kasabihan

Ang mga kasabihan ay naglalayong magbigay payo at patnubay sa ating pangaraw-araw na


pamumuhay. Ang mga kasabihang Pilipino at salawikaing Tagalog ay isinasaad sa mga
maiiksing pangungusap lamang subalit ang mga eto ay makahulugan at makabuluhan. Eto
ay kadalasang tumatalakay din sa mga karanasan ng ating mga ninuno at nakatatanda at
naglalayong ituwid ang ating pamumuhay ng naaayon sa kanilang mga naging karanasan.

Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.

Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahas


na hakbang na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang
magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan sa
pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng 5-6, na nagiging
dahilan upang siya ay mabaon sa utang at lalu pang maghirap.

Kahit saang gubat, ay mayruong ahas.

Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa


ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin.

Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din ang


gagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa kapuwa
mo ay tutulungan ka rin nila.
Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.

Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang.


Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-
uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-
uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay
karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.

Kung hindi ukol, hindi bubukol.

Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi


talagang nakalaan para sa iyo.

Kung may isinuksok, may dudukutin.


Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay may perang
makukuha sa sariling ipon upang hindi na umasa sa tulong ng ibang tao.

Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.


Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali.
At kung sino pa ang nagkakaila ay siya pala ang may gawa o may sala.

Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan.

Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal at sa mga


bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga
magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawad ang mga
pagkukulang ng sariling anak.
May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marining iba nang hindi mo
nalalaman dahil may mga taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawa
ng kuwento sa ibang tao.

Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.

Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin


ang magsikap at gumawa upang matamo ang minimithing biyaya

Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

Sa tinagal-tagal man ng samahan ng isang magkasintahan, at sa kabila ng


maaaring maging balakid sa kanilang pagmamahalan, sa bandang huli ay
hahantong din sa kasalan ang kanilang samahan kung sila ay talagang
nakalaan para sa isa't-isa.

Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.

Tayo ay dapat mamuhay nang naaayon sa ating sariling kakayahan. Dapat


magtipid at mamuhay ng payak kung eto lang ang kaya ng ating kabuhayan.
Huwag nating tularan ang pamumuhay ng mga mas nakiririwasa sa atin.
Filipino 106
7:30-9:00

Panugmaang bayan
Awiting bayan

Iniharap nina:
Richter George Demayo
Rashmal Guiapar

Iniharap kay:
Angeles E. Ysmael

Credits to: Soysoy Dept


TALAAN NG NILALAMAN
Paksa

Tugmaang Pambata

Bugtong

Saawikain

Kasabihan

Sawikain

Bulong

Palaisipan

Kawikaan

Awiting Bayan
TUGMAANG
PAMBATA
BUGTONG
SALAWIKAIN
KASABIHAN
SAWIKAIN
BULONG
PALAISIPAN
KAWIKAAN
AWITING
BAYAN

You might also like