You are on page 1of 29

Aralin 3.

1
A.Mga Tulang Panudyo, Tugmang de
Gulong o Palaisipan
B. Wika at Gramatika: Mga
Suprasegmental at Di-berbal na
Palatandaan ng Komunikasyon
Aktibiti 1.B

Magbigay ng tig-5 halimbawa ng mga


sumusunod (LALAGYAN NG
SAGOT!!!!!)
a. Tulang panudyo
b. Tugmang de gulong
c. Palaisipan
d. Bugtong
1. Ano ang napansin sa paraan ng
pagbigkas ng mga nakalap na tulang
panudyo, tugmang de gulong at
bugtong? Paano ito dapat na basahin?
2. Patunayan na panitikan pa rin ang
mga nasabing teksto.
Ang Ponemang
Suprasegmental
Ang suprasegmental ay makabuluhang
yunit ng tunog na karaniwang hindi
tinutumbasan ng titik o letra sa
pagsulat. Inihuhudyat o sinisimbolo
ito ng mga notasyong ponemik upang
matukoy ang paraan ng pagbigkas ng
isang salita o
isang pahayag
Kabilang sa
suprasegmental ay ang
sumusunod:
Diin – ginagamitan ito
ng simbolong dalawang
magkahiwalay na bar
(//) o tuldok (.) upang matukoy
ang pantig ng isang salita na
may diin na
nangangahulugan ng
pagpapahaba ng naturang
pantig na may kasamang
patinig.
Halimbawa: /ala.ga/
Tono – ito ay paraan ng
pagbigkas na maaaring
malambing, pagalit,
marahan, o kaya’y waring
laging aburido kundi man
nasasabik.
Halimbawa: Ikaw pala!
(nagulat)
Antala -nangangahulugang
paghinto o pagtigil ng
pagsasalita na maaaring
panandalian (sa gitna ng pag-
uusap) o pangmatagalan
(katapusan ng pag-uusap).
Ito ay sinisimbolo ng tuldok
(.) at kuwit (,).
Halimbawa: Maria/ Rhodora
Antonio/ ang tawag sa
kanya./
Maria Rhodora/ Antonio
ang tawag sa kanya.//
Bukod sa mga ponemang
suprasegmental ay
nakatutulong din sa mabisang
pagpapahayag ang mga di-
berbal na palatandaan gaya ng
kumpas ng kamay at galaw ng
mata at katawan lalo na sa
pagbigkas ng tula.
Ang pagkumpas ay mahalagang
sangkap sa sining ng pagbigkas
ng tula. Ginagamit ito upang
maihatid ang damdamin ng tula
sa madla o mailarawan ang
kaisipang inilalahad nito.
Pangkatang Gawain
Ipababasa sa mga mag-aaral ang
mga napiling bugtong, tugmang de
gulong at tulang
panudyo,Kailangang mabasa ng
mga mag-aaral nang walang
kamalian sa suprasegmental.
1. Bakit mahalaga ang
wastong ritmo sa
pagbabasa ng mga
tula/awiting panudyo,
tugmang de gulong at
palaisipan?
2. Sa ano-anong paraan
nakatutulong ang wastong
tono o intonasyon sa
pagbigkas ng mga
tula/awiting panudyo, tulang
de gulong at palaisipan?
Matapos talakayin ang mga
suprasegmental, bumuo ng
kaisipan mula sa mga salitang nasa
kahon.
diin tono haba di-
berbal na komunikasyon
pakikipagtalastasan
wasto mensahe
Bumuo ng isang kwento na
gagamitan ng mga tugmang de
gulong at tulang panudyo.
 
Nilalaman---------5
Kawastuan--------5
Kabuuan-----------10
Lagyan ng wastong
simbolo para ipakita ang
wastong intonasyon at tono
ng mga sumusunod na
tulang panudyo at tugmang
de gulong
1. Basta sexy libre pag
mataba doble.
2. God knows Hudas not
pay
3. Papuri sa harap
Sa likod paglibak
4. Itinutulak ng bibig
Kinakabig ng dibdib
5. Ang dagat na
maugong, mababaw.

You might also like