You are on page 1of 5

M12/1/A1PIL/SP1/TGL/TZ0/XX

22120227

PILIPINO A1 – STANDARD LEVEL – PAPER 1


PILIPINO A1 – NIVEAU MOYEN – ÉPREUVE 1
FILIPINO A1 – NIVEL MEDIO – PRUEBA 1

Thursday 10 May 2012 (morning)


Jeudi 10 mai 2012 (matin)
Jueves 10 de mayo de 2012 (mañana)

1 hour 30 minutes / 1 heure 30 minutes / 1 hora 30 minutos

INSTRUCTIONS TO CANDIDATES

 Do not open this examination paper until instructed to do so.


 Write a commentary on one passage only. It is not compulsory for you to respond directly to
the guiding questions provided. However, you may use them if you wish.
 The maximum mark for this examination paper is [25 marks].

INSTRUCTIONS DESTINÉES AUX CANDIDATS

 N’ouvrez pas cette épreuve avant d’y être autorisé(e).


 Rédigez un commentaire sur un seul des passages. Le commentaire ne doit pas nécessairement
répondre aux questions d’orientation fournies. Vous pouvez toutefois les utiliser si vous le
désirez.
 Le nombre maximum de points pour cette épreuve d’examen est [25 points].

INSTRUCCIONES PARA LOS ALUMNOS

 No abra esta prueba hasta que se lo autoricen.


 Escriba un comentario sobre un solo fragmento. No es obligatorio responder directamente a
las preguntas que se ofrecen a modo de guía. Sin embargo, puede usarlas si lo desea.
 La puntuación máxima para esta prueba de examen es [25 puntos].

2212-0227 5 pages/páginas
© International Baccalaureate Organization 2012
–2– M12/1/A1PIL/SP1/TGL/TZ0/XX

Magsulat ng isang komentaryo sa isang sipi lamang. Hindi kailangang tumugon nang diretsahan sa mga
gabay na tanong. Gayunpaman, hinihikayat kayong gamitin ang mga ito para sa paglunsad ng inyong
komentaryo.

1.

Sinasabing nagkaroon ng pakpak ang aming pamilya nang dumating ang jeep. Napupuntahan
namin ang mga lugar na nais namin madalaw. Narating namin ang mga taunang pista ng mga
kamag-anak sa lalawigan. Stainless steel ang katawan ng aming jeep. Mula sa lumang kotse
ang makina nito kaya hindi maingay ang motor. Lagi itong ipinagyayabang ni Tatay. Hindi raw
5 kaka-lawangin ang jeep at hindi magkakamantsa kapag naulanan o ibinabad sa araw.
Saksi ang stainless jeep sa mahahalagang yugto ng aming buhay. Kung nakapagsasalita
lamang, maikukuwento nito ang mga pagtitipon ng angkan tuwing Undas, anibersaryo, kaarawan,
at Pasko. Ito ang naghahatid upang makiramay sa mga kamag-anak na namatayan o makipag-
diwang kapag may ikakasal. Madalas, nagiging ambulansiya ang jeep sa aming kalye. Nang
10 manganak nang wala sa oras si Aling Remy, si Tatay ang napakiusapan para isugod ang manganganak
sa ospital. Nang sinumpong ng hika si Mang Tomas, si Tatay muli ang napakiusapan na dalhin ito
sa klinika. Si Tatay din ang naghatid kay Doray nang lumalala ang tigdas nito. Naghahatid din
ang jeep ng handog ng aming magulang sa kanilang mga ama’t ina. Kinarga nito ang telebisyon,
bentilador, radyo, at mga kasangkapang pangkusina…
15 Kapansin-pansin ang pagdagdag sa timbang ni Tatay nang nagkaroon siya ng sasakyang
stainless. Sabi ni Nanay, nahiyang daw si Tatay sa jeep. Dati’y siya ang nagbubuhat ng mga
bayong sa pamamalengke nila ni Nanay o naglalakad siya papuntang opisina. Maikli ang pasensiya
ni Tatay sa mga pila sa tricycle o agawan sa jeep. Nang magbiro si Shirley na parang nakalunok
ng pakwan si Tatay, agad siyang pinagbawalan ni Nanay.
20 “Nakaluwag-luwag lamang ang inyong tatay,” paliwanag ni Nanay sa amin. At sa kaluwagang
iyon ni Tatay, napabilang kaming magkakapatid – nakalagay ang aming mga pangalan sa makintab
na balat ng jeep. Sa harap ng jeep, nakapinta ang unang titik ng pangalan ni Tatay, may puso
sa gitna, at ang unang titik ng pangalan ni Nanay…
Nasa ikatlong taon na ako ng high school nang nagkalakas akong sabihin kay Tatay na hindi
25 na ako magpapahatid-sundo kapag pumasok sa paaralan. Hindi sumagot si Tatay at saka niya
binuhusan ang mga bula sa gulong ng jeep. Hilig niyang paliguan ang jeep niya. Katuwiran ko’y
mga bata lamang ang hinahatid ng mga magulang. Sina Shirley at Valentin lamang ang kailangang
ihatid. Ang problema, pareho na kaming nasa high school ni Shirley. Dagdag gastos kay Nanay na
pabaunan pa niya ako ng pamasahe gayong araw-araw naman kaming maihahatid ni Tatay.
30 “Bakit hindi ka na lang sumabay?” sabad ni Nanay na nagtataka.
“Siguro’y may sinusundo at hinahatid si Kuya,” panunukso ni Valentin sa akin. Sino kaya
ang tinutukoy niya? Si Candice o si Krissie?
Iyon nga ang hindi ko mabanggit na katwiran. Sa aming barkada, ako ang may tatay na
nagmamaneho ng owner. “Stainless ito, ha?” Naririnig ko pang pagyayabang ni Tatay sa mga
35 kakilala. Ang mga magulang ng aking barkada’y may sasakyang bahagi ng aking panaginip –
CR-V, Pajero, Expedition, Adventure, Prada, RAV 4, Starex, at Crosswind. Hindi ko mapaliwanag
ang pagnanais na maihatid man lang ako ni Tatay ng ganitong mga sasakyan. O kaya’y
makapagmaneho ng magagarang sasakyan, iyong makintab na makintab, at titigil ang trapiko
kapag pinaharurot sa lansangan. Hindi tulad ng aming stainless owner…
40 “Walang halaga ang klase ng sinasakyan,” pangaral sa akin ni Tatay nang tinanggihan ko
ang alok na turuan akong magmaneho. “Ang mahalaga’y marating ang nais mong mapuntahan.”

2212-0227
–3– M12/1/A1PIL/SP1/TGL/TZ0/XX

Gayun nga ang nangyari. Madaling-araw iyon. Dinig sa magkakatabing tahanan sa aming
kalye ang hilik ng mga nahihimbing. Nakahihiyang kumatok para sa tulong. Kung anu-ano na ang
binabanggit ni Tatay sa taas ng kaniyang lagnat. May nainom yatang masama o nakagat ng lamok.
45 Naluluha na si Nanay sa pagpupunas ng basang bimpo sa katawan ni Tatay. Kay init ng kaniyang
balat pero tila nanginginig sa ginaw.
“Tumawag ka ng taxi, dali,” utos sa akin ni Nanay.
Alas tres na yata ng umaga iyon. Malayo pa ang lalakarin bago makapunta sa kalyeng
madalas daanan ng taxi. Mabuti kung hintuan ako ng taxi. Hindi naman ako mukhang holdaper.
50 Balita pa na may gumagalang asong ulol sa daan. Marami ring nauulol matapos mag-inuman.
Kakatok na sana ako kina Mang Tomas nang dali-daling kinuha ni Shirley ang susi ng aming
jeep. Walang anu-ano’y ginising si Tatay at inilulan sa sasakyan. Binuksan ni Nanay ang kandado
sa tarangkahan. Sumakay ako sa likod ng jeep habang nagmamaneho si Shirley. Hindi man lang
nataranta si Nanay. Maingat, tinitimpla ang pagmamaneho, may kabagalan ang takbo ni Shirley
55 hanggang sa marating namin ang emergency room ng klinika.
Nakahinga ako nang maluwag nang nakaparada na ang aming jeep at tumigil ang motor nito.
Bilib ako sa aking kapatid. Nakapagmaneho siya nang walang umaalalay.
“Kailan ka pa natutong magmaneho?” nagtatakang tanong ko sa aking kapatid.
“Matagal na,” sagot niya na pinagpapawisan pa ang kamay sa manibela. “Ikaw lang naman
60 ang ayaw. Nagtampo tuloy sa iyo si Tatay.”

Eugene Evasco, Stainless Steel (2006)

– Magkomento sa kahalagahan ng stainless steel jeep ng pamilya sa siping ito.

– Magkomento sa paglalarawan at kabuluhan ng ugnayan ng tagapagsalaysay at kanyang tatay.

– Paano naisakontexto ng may-akda ang personal na karanasang inilarawan sa sipi sa konsumeristang


kulturang laganap sa kasalukuyan?

– Sa iyong palagay, ano ang naisagawa ng may-akda sa paggamit ng punto-de-bista ng unang tauhan?

2212-0227 Turn over / Tournez la page / Véase al dorso


–4– M12/1/A1PIL/SP1/TGL/TZ0/XX

2.

ako ay nanaginip
dilat po ang mata
gising kahit tulog
sa papag ng madla

5 bukid na binakuran
ng alambreng may tinik
bawal ang umapak
bawal ang maghasik
lupang sinilangan
10 himlayan ng angkan
ibinalot sa papel
at iniabot sa dayuhan.

ako ay nanaginip
dilat po ang mata
15 gising kahit tulog
sa papag ng madla

taong naging ibon


ikinulong sa hawla
anuman ang gawing pagpilit
20 ayaw pa ring kumanta
binalian ng pakpak
pinutulan ng dila
hiniwa ang dibdib
ngunit pumipiglas pa rin
25 ang diwa

sa mababaw na libingan
ay nagsipag-alsa
kalansay ng mga bayaning
walang ngalan walang mukha
30 sila ang nagsakdal
sila rin ang hukom
sa mga paglilitis ng
mga hari ng gutom

tayo ay managinip
35 dilat po ang mata
gising kahit tulog
sa papag ng madla

2212-0227
–5– M12/1/A1PIL/SP1/TGL/TZ0/XX

bangkay na itinanim
ay namunga ng sanggol
40 nang ito ay nahinog
ito’y kumapit sa palakol
sinibak ang punong-kahoy
ng kasaysayan niya
iginatong sa apoy
45 ng kanyang pagnanasa

tayo ay managinip
dilat po ang mata
gising kahit tulog
sa papag ng madla

Joey Ayala, Ako’y Nanaginip (1987)

– Ano ang itinuturing mong mga susing alalahanin o ikinababalisa ng makata sa tula?

– Magkomento sa paggamit ng mga imahen at mga posibleng kahulugang mahahalaw dito.

– Magkomento sa paulit-ulit na saknong at ang epektong dulot nito sa kabuuan ng tula.

– Sa iyong palagay, ano ang nais ipahiwatig ng makata sa pagpalit ng boses ng “ako” sa “tayo” sa
repetitibong saknong?

2212-0227

You might also like