You are on page 1of 5

FILIPINO 212-Pagsasaling Wika

Inihanda n i: ANALYN R. CALUMBA

PAKSA: Buod ng ANG HITSO AT ANG ARECA (VIETNAM)

INGLES TITLE: THE BETEL AND THE ARECA

VIETNAM : Chuyen trau cau

PANGUNAHING TAUHAN:
Tan- nakatatandang kapatid at napangasawa ng ank
ni Mr. Luu
Lang- ang bunsong kapatid

IBA PANG TAUHAN:


Miss Luu- ang napangasawa ni Tan
Mr. Luu- ang umampon kina Tan at Lang

PAUNANG SALITA:
Ang The betel and the areca ay isang alamat na sinasabing pinagmulan ng isang tradisyon o
kaugaliang Vietnamesse na kung saan ay nginunguya nila ang hetso (betel) kasama ang areca nut
at kalamansi sa bawat seremonya sa kasal. Kahit na sa mga pagtitipon, ginagawa nila ang
kaugaliang ito bilang tanda ng pagsasama.

BUOD NG KUWENTO:
Sa isang maliit na nayon nanirahan ang pamilyang Cao. Nagkaroon sila ng dalawang
magkamukhang anak na lalaki na sina Tan, ang nakatatanda at Lang, ang bunso. Kahit na ang
kanilang malapit na kamg-anak ay hindi makakilala kung sino ang nakatatanda at nakababata sa
kanila. Mahal na mahal ng magkapatid ang isat-isa. Hindi pinalad dahil pumanaw ang kanilang
mga magulang.
Mula sa araw na iyon, mas minahal ng dalawa ang isat-isa. Isang araw inampon ng ama ng
pamilyang Luu sina Tan at Lang dahil nakita niyang Mabuti silang mga lalaki. Tinuruan niya sila
na parang mga totoong anak. Si Mr. Luu ay may anak na babae. Siya ang pin akamagandang
babae nayon. Alam ni Mr. Luu na mahal ng kanyang anak si Tan, na siyang nakatatanda, ngunit
hbindi niya alam kung sino dahil magkamukha ang dalawa.

Kaya naghanap ng paraan si Mr. Luu upang makilala si Tan. Pinahanda niya ng pagkain ang
kanyang anak at ipakita kung sino si Tan. Sa panahong iyon, an g mga patakaran ay napakahirap.
Sa tuwing kumakain o umiinom ang mga tao, kailangan nilang hayaan muna ang nakatatanda.
Kaya naman gusting gamitin ni Mr. Luu ang paraan iyon para malaman kungt sino si Tan at
kungt sino si Lang.

Sinunod n gt babae ang sinabi ng kanyangt ama kaya nagpakasal na ang dalawa. Nagpakasal sina
Ms. Luu at Tan at tumira sa kanila si Lang. Gayunpaman, minsan ay nalulungkot din si Lang
dahil hindi na gaanong pinapansin ni Tan tulad ng dati.
Kaya umalis si Lang sa bahay at gumagala hanggang sa nakarating siya sa malaking ilog at hindi
na niya ito matawid.Wala kahit isang maliit na bangka ang nasa paligid para ihatid siya sa
kabilang ibayo ng ilog.

Siya ay malungkot at nagpatuloy sa pag-iyak hangtgang sa kamatayan at naging isang apog na


bato na nakahiga sa gilid ng ilog. Nabalisa si Tan dahil hindi na nakabalikn pa si Lang sa
mahabang pagkawala. Hinanap ni Tan ang kanyang kapatid. Nang makarating siya sa tabing ilog
ay naupo siya sa apog at namatay dahil sa sobrang pagod at siya ay naging isang puno ng areca.

Ang dalaga ay malungkot dahil sa matagal na pagkawala ng kanyang asawa. Pinangunahan siya
bng tadhana at dinala sa mismong lugar kung saan namatay sina Tan at Lang. Sa harap ng
kanyang mga mata, mayroon lamang isang malaking ilog. Umupo siya at sumandal sa puno at
hindi niya alam na asawa niya iyon. Pero may kakaiba siyang pakiramdam, sobrang init.
At pagkatapos, hindi na siya nagising gaya ng magkapatid. Ang kanyang katawan ay naging
dahon ng areca at nasugatan sa paligid ng puno na parang asawang nakayakap sa kanyang asawa.
Sa wakas, silang tatlo ay mulin g nagkita at wala nang sinuman o wala nang makapaghihiwalay
sa kanila. Nang marinig ang kalunos-lunos na kuwento ng pag-ibig na ito, ang mga local na
naninirahan sa lugar ay nagtayo n g templo sa kanilang alaala.

EBALWASYON SA PANGYAYARI SA KUWENTO:


Isang araw, pumunta si Haring Hung sa site at nakakuha ng kaalaman tungkol sa kuwentong ito
mula sa mga lokal na tao. Inutusan niya ang kanyang mga tauhan at kumuha at dikdikin ng isang
dahon ng betel,areca nut at isang piraso ng dayap.Isang katas na kasing pula ng dugo ng tao ang
piniga. Tinikman niya ang juice at nakita niyang masarap ito.

Pagkatapos ay inirekomenda niya ang paggamit ng hetso na ngumunguya kasama ng areca nut at
kalamansi sa seremonya ng kasal. Ang mga pangyayari sa alamat ang pinagbasehan nila sa
kanilang kaugalian na hanggang sa ngayon ay nandiyan pa rin.

TEMA:
Sumisibolo sa matibay na bigkis ng pag-ibig at pag-aasawa.

ARAL SA KUWENTO:
Ang kuwentong ito ay nagpapatunay sa wagas na pag-ibig ng mag-asawa at magkapatid.
REPLEKSYON:
Ang pagsasalin ay isang isang proseso ng paglilipat sa pinakamalapit na katumbas ng
diwa o mensaheng nakasaad sa wikang isasalin (Nida at Taber, 1969). Kinakailangan na pipiliin
ng tagasalin ang mga salitang nararapat upang mas maintindihan ito. Ang tagsalin ay nararapat
na may sapat na kaalaman sa paksang isasalin katulad na lamang sa Kuwentong Asyano na
isang alamat na pinamagatang “The Betel and the Areca”. Ang alamat ay kuwentong haka-haka
tungkol sa pinagmulan ng isang bagay. Ito ay isang akdang pampanitikan na isinasalin pa sa
ibat-ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig na kung saan ito ay kapupulutan ng aral.
Ang Alamat ng Betel at areca ay nagmula sa bansang Vietnam na kung saan mayroon
silang seremonya tuwing kasal na ngumunguya ng betel at areca bilang tanda ng
pagmamahalan at pagkakaisa. Sa espiritwal na buhay ng mga Vietnamesse, ang pagnguya ng
betel ay hindi lamang isang ugali at kaugalian kundi isang elemento din ng tradisyunal -kultural
na pagpapahalaga.
Ayon sa alamat,ang kaugalian ay umiral pa noong paghahari ni Haring Hung. Ito ay may
kaugnayan tungkol sa katapatan ng mag-asawa at pagmamahalan ng dalawang magkapatid.
Kaya ang betel at areca ay ginagamit upang simulan ang pakikipag-usap at tulungan ang mga
tao na mas maging malapit sa isat-isa.

Gamitin ang lahat ng bagay sa akma at tamang paraan katulad na lamang nitong betel
at areca. Paano kung nguyain ito ng labis? Ano kaya ang epekto nito sa kalusugan ng tao?
Nakabubuti ba ito o nakasasama sa kalusugan lalong-lalo na kung ito ay gamitin ng malabisan?
Ang regular na pagnguya nito ay maaring maging sani ng pangangati ng galagid at pagkabulok
ng ngipin. Ang mga ngipin ay maaaring permamenteng maaaring mabahiran ng malalim na pula
o maging itim.

Ang sobra ay hindi na maganda. Ang pagsunod sa tradisyon ay hindi masama, isipin
lamang kung ito ba ay nakabubuti o nakasasama.

You might also like