You are on page 1of 23

MGA KAUGALIAN SA PAG-

AASAWA SA IBAAN, BATANGAS


MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA
IBAAN, BATANGAS

• Isang tunay na pangarap para sa isang dalaga sa Ibaan,


Batangas ang kasal.
• Sa babae, ito ay isang pangarap, ngunit sa lalaki, ito ay
masasabing isang bangungot dahil sa halagang sangkot sa
pagdiriwang.
MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA
IBAAN, BATANGAS

• Naisanan ang tawag sa kasalang namamanhik ang mga


magulang ng kalalakihan sa mga magulang ng kababaihan.
• Ito ay isang matandang kaugalian na nananatili at hindi
naitaboy ng makinisasyon mula sa mga bakuran at bukirin
ng Ibaan.
MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA
IBAAN, BATANGAS

• Sa pamamaisan ay hindi lamang ang mga magulang ng


mga ikakasal ang nakakompromiso. Lahat ng mga kamag-
anak at kapatid ng mga lalaki ang inaasahang tutulong sa
pagluluto at paglilinis.
• Hindi nila mahihiling tumulong kahit sinoman sa partido
ng kadalagahan sapagkat sila ang nanunuyo.
MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA
IBAAN, BATANGAS

• Ang baisanan ay isa ring okasyong pambaryo. Hindi lamang


ang dalawang pamilya ng mga ikakasal ang abala at
nagagastusan, bagkus, pati na ang kanilang mga kaibigan,
kamag-anak, at mga kapitbahay. Maging ang mga
tagamalayong lugar na nagkataong ninang o ninong ng
ikakasal ay kailangang dumalo o magpapunta ng kanilang
kinatawan. Gayunman, hindi sila uuwing mabigat ang loob
sapagkat tiyak namang ang kahon ng alaala ay nasa kanilang
bahay bago pa man ang kasalan.
MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA
IBAAN, BATANGAS

• Patubigan ang unang hakbang. Ang mga kamag-anak ng lalaki ay


pupunta sa bahay ng mga pinsan ng babae upang punuin ng tubig ang
kanilang tapayan.
MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA
IBAAN, BATANGAS

• Mga ilang araw matapos ang patubigan, isusunod naman ang


bulungan. Sa hakbang na ito ay pupunta sa bahay ng babae ang mga
magulang ng lalaki na may dalang malaking isdang tambakol. Pag-
uusapan na nila ang mga magiging ninong at ninang at mga abay sa
kasal, at petsa ng kasal at pati na ang ihahanda sa araw ng kasal.
• Ang pamaraka ang perang ipambibili ng gagamitin ng babaing
ikakasal. Lahat ng bagay, tungkol sa gagamitin ng babae, ay kailangang
gastusan ng lalaki.
MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA
IBAAN, BATANGAS

• Sa pag-uusap tungkol sa handa, kung ano ang igagayak ng kalalakihan ay


gayun din ang igagayak ng kababaihan. Lagi silang hati sa pagkaing
ihahanda, tulad ng bigas at mga hayop na kakatayin. Ang mga naturang
hayop ay buhay na dadalhin sa bahay ng nobya upang doon katayin at
lutuin. Ang pagluluto ay sisimulan sa ante-disperas (ikalawang araw bago
ang kasal). Sa araw na ito ipadadala ang mga kahon ng mga alaala sa mga
ninong at ninang sa binyag, kumpil at kasal ng mga ikakasal. Ito ay
naglalaman ng sangkapat na putol ng hayop na kinatay at labindalawang
klase ng tinapay na ipinasadya at ihahatid ito sa kani-kanilang tahanan ng
mga kamag-anak ng ikakasal kundi man ng mga magulang nila.
MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA
IBAAN, BATANGAS

• Ang kasangkapang gagamitin ay nasa responsibilidad din ng kalalakihan.


Kailangan dalhin nila sa bahay ng nobya ang talyasi, kawali, kaldero, at
tinidor, at maging ang mga basahang ipamumunas. Sa bakuran ng nobya ay
magtatayo pa sila ng sibi, na siyang magiging lugar ng kainan sa bisperas at
araw ng kasal. May mga yerong sadyang pinauupahan para sa ganitong
layunin kaya hindi na sila kailangang bumili.
• Bukod sa yero, aarkila pa rin ang mga kalalakihan ng mikropono na may
dalawang ispiker at radyong ponograpo na gagamitin sa bisperas ng kasal. Ang
pagpapatugtog ng mga plaka at pagsasahimpapawid ng imbitasyon para sa
mga kababaryo ay sisimulan sa umaga at magpapatuloy ito hanggang sa
kinabukasan.
MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA
IBAAN, BATANGAS

• Sa gabi, matapos maghapunan ang mga bisita, ang mga bangko ay


iaayos nang pabilog sa harap ng bahay ng babaing ikakasal. Ang
kabinataan at kadalagahan naman ay magsisiupo sa naturang bangko
upang pasimulan ang pasayaw. Sa saliw ng malambing na tugtog ng
plakang nakatapat sa dalawang ispiker, ang magnobyo ay sasayaw
bilang pagbubukas sa pambisperas na pagdiriwang.
MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA
IBAAN, BATANGAS

• Sa kalagitnaan ng tugtog, sila ay sasabitan ng pera ng kani-kanilang


partido. Ang partido ng kalalakihan ang magsasabit sa babae at ang
kababaihan ay magsasabit sa lalaki. Dito ay magpaparamihan ng
maisasabit ang dalawang partido at di umano, ang halaga ng naisabit
ang siyang batayan ng pagkagusto sa nobya o nobyo ng magiging
biyenan nito. Kaya kung marami ang isinabit ng partido ng
kalalakihan, sadyang gusto nila ang naturang nobya para sa kanilang
binata Ang halagang masasabit ang magiging pasimulang pondo ng
mga ikakasal.
MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA
IBAAN, BATANGAS

• Matapos ang sabitan, isusunod naman ang paghiling ng


mga awitin sa mga kamag- anak at kaibigan upang
bigyang-aliw ang mga nagtitipon at upang mapanatiling
gising ang mga tagaroon sa buong magdamag.
MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA
IBAAN, BATANGAS

• Sa umaga ng kasal, ang lahat ay sa bahay ng babae mag-aalmusal.


Mula doon ay tutuloy sa simbahan para sa panrelihiyong seremonya.
Pagbalik sa bahay, ang sasakyan ng mga bagong kasal ay sasalubungin
ng mga paputok. Sasabuyan sila ng bigas at bulaklak sa puno ng
hagdanan. Magpapakiramdaman kung sino ang unang tatapak sa
baitang sapagkat may pamahiin sila na kung sino ang mauna ay siya
ang mananaig sa disposisyon kapag sila ay nagsasama na.
MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA
IBAAN, BATANGAS

• Bago naman pumasok sa mismong kabahayan, may mag-aalay ng


kalamay at inumin. Susubuan ng lalaki ang babae at gayundin ang
gagawin ng babae. Pagkainom ng tubig ng lalaki ay saka pa lamang
iinom ang babae. Pagpasok nila sa kabahayan, lahat ng naroroong
matatanda ay pagmamanuhan ng mag-asawa bilang paghingi ng
bendisyon.
MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA
IBAAN, BATANGAS

• Ang kainan ay ginagawa sa ibaba ng bahay, doon sa itinayong sibi. Sa


unang hain, pupunuin ang mesa ng mga taong gumanap sa kasalan,
mula sa ninong at ninang hanggang sa batang nagsala at nagsaboy ng
bulaklak sa simbahan. Sa susunod na hain ay ang lahat naman ng
kasapi sa partido ng kababaihan. Walang miyembro ng pamilya ng
kalalakihan ang makikitang nakadulog sa mesa. Lahat sila ay
inaasahang magsisilbi sa mga kumakain. Kung wala nang iba pang
kakain ay saka na lamang sila maaaring dumulog.
MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA
IBAAN, BATANGAS

• Pagkakain ay magkakaroon ng pagtitinda. Ang mag-asawa ay pauupuin


sa isang mesita na may lamang suman, sigarilyo, at iba't ibang uri ng
puto at minatamis na pagkain. Ang mag-asawa ang tatayong tindera at
ang mga bisita ang magiging mga mamimili. Ang mga naturang
paninda ay may mga halagang mapagkakasunduan ng mga nasa
harapang yaon.
MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA
IBAAN, BATANGAS

• Unang tatawagin sa mikropono, upang bumili, ang ninong sa binyag ng


lalaki, susunod ang ninang at saka lilipat sa ninong at ninang sa binyag
ng babae. Pangalawang tatawagan ang mga ninong at ninang sa kumpil
at ihuhuli ang ninong at ninang sa kasal.
• Ang mga taong ito ang inaasahang makapamimili ng pinakamalaking
halaga lalo na ang ninong at ninang sa kasal.
MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA
IBAAN, BATANGAS

• Ang halaga ng kanilang mabibili ay itatawag din sa mikropono,


nahahaluan ng panunudyo kung ang mga taong nakaharap ay hindi
nasisiyahan sa halagang kanilang binitiwan. Ang pagtatapos ng
pagtitinda ay hudyat upang ang ibang mga bisitang malayo pa ang
uuwian ay makauwi na nang hindi maghihinanakit ang may pakasal.
Ang halagang mapagbibilhan ay magiging dagdag sa pondo ng mag-
asawa.
MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA
IBAAN, BATANGAS

• Samantala, ang mga kamag-anak ng kalalakihan ay magsisimula nang


magligpit ng mga kasangkapan at maglinis ng bahay at bakuran ng
babae. Kung handa na ang lahat, isasagawa naman ang dapit. Sa dapit
unang makatutuntong ang babae sa bahay ng kanyang biyenan. Suot
ang damit pangkasal, pangungunahan ng mag-asawa at ng mga
magulang ng lalaki ang munting parada mula sa bahay ng babae
patungo sa bahay ng lalaki. Bitbit nila ang kasangkapang ginamit,
sunong ang mga talyasing pinaglutuan at kipkip ang balutan ng mga
basahang ginamit sa buong panahon ng pamamaisan.
MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA
IBAAN, BATANGAS

• Pagpanhik sa bahay ng lalaki ay uulitin ang seremonya sa hagdan.


Lamang, sa halip na bulaklak at bigas ang isasaboy sa mag-asawa ay
togeng nakababad sa alak. Ginagawa ito upang maging masagana ang
kanilang kabuhayan.
• Pagpasok naman sa kabahayan ay sasalampak sila sa nakalatag na
puting kumot. Ang mag-asawa ay palilibutan ng mga kapatid ng lalaki
upang hindi sila sugurin ng hipag sa mga darating na araw. Sasabuyan
sila ng barya habang sila ay nakaupo at may isang matandang
mangangaral na babae.
MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA
IBAAN, BATANGAS

• Pagkatapos ay wiwisikan sila ng ina ng lalaki ng tubig buhat sa


inuming natira sa seremonya sa hagdan. Isusunod ang pagmamano sa
mga nakatatanda at saka isa-isang pupulutin ng babae ang mga baryang
inihagis sa kanila. Titiklupin din nila ang inilatag na kumot bilang
simula sa kanyang pakikipamuhay sa kanyang mga biyenan.
MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA
IBAAN, BATANGAS

• Bilang huling hakbang, ang babae ay magbibihis na ng damit


pangkasal. Ang pagbibihis ay sa bahay ng lalaki ginagawa upang
ipahayag na ang lahat ng angkin ng babae ay ipinaiilalim na niya.
• Magpapalipat-lipat sila ng tutulugan sa loob ng isang linggo hanggang
sa mananatili na sila sa bawat bahay ng kung ilang linggo. Ganito ang
kanilang magiging buhay sa unang taon ng kanilang pagsasama.
Kawalang utang na loob sa magulang kung agad silang bubukod at
mamumuhay nang sarili.
MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA
IBAAN, BATANGAS

• Wika
• Tagalog ang gamit na wika ng mga Batangueño. May pekyularidad din
ito depende sa komunidad na gumagamit nito dahil sa leksikon at
ponolohiya, morpolohiya at sa iba pang mga komponent ng speech act
na batayan ni Hymes (1975).

You might also like