You are on page 1of 3

Ang Ilokano ay ang ikatlong pinakamalaking ethnolinguistic grupo sa Pilipinas Sa

hilagang-kanlurang bahagi ng Luzon ang katutubong lugar ng mga Ilokano at ito ang nagbibigay
ng pagkakakilanlan para sa Rehiyon ng Ilocos. Ang "Ilokano" ay karaniwang katawagan din sa
Iloko (o Iluko), ang wika ng mga Ilokano. . Ang terminong “Ilocano” ay nagmula sa salitang
“i-” (mula sa) at “looc” (cove o bay), na kapag pinagsama ay nangangahulugan ng “Tao
ng bay”. Sila rin ay tinukoy bilang Samtoy, na kung saan ay isang pagpapaikli ng
pariralang sao mi ditoy (ito ay ang aming wika).

Pananamit: Ang mga sinaunang Ilocano na tinawag na itneg ay bahag ang


nakasanayang kasuotan.
Subalit ang mga Ilocano na naninirahan sa baba ng kabundukan ay makabago na
rin kung manamit.

Arkitektural: Ang impluwensiya ng mga Kastila ay mababakas sa mga nagtatayugang


gusaling batong itinayo sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Pinakatanyag sa
Ilocos Sur ang Vigan Spanish Town.

Pagkain: Kilala ang mga pagkain ng mga Ilokano tulad ng denendeng at pinakbet. Kilala
rin sila sa sinuman, sinubong, at bibingka.

Kagamitan: Doctrina Cristian ni Robert Bellarmine ang kauna-unahang aklat ng mga


iloko nanailimbag noong 1601. Bihasa din sila paggawa ng sisidlan ng tubig o
imbakan ng bagoong o tinatawag sakanilang burnay na yari sa semento, buhangin
at mga lalagyan ng bulaklak na yari sa luwad. Kilala rin ang kumot na yari sa ilocos.
Ito ay tinatawag na "Kumot-ilokano" (Inabel). Mahusay silang magtanim ng tabako
(Virginia na siya nilang pangunahing produkto.

DI MATERYAL

WIKA: Ang Ilocano dialect ay may kaugnayan sa wika Indonesian, Malay, Fijian, Maori,
Hawaiian, Malagasy, Samoan, Tahitian, Chamorro, Tetum at Paiwan. Ngayon, ang mga
Ilocano dialect ay ang ikatlong pinaka pasalitang wika sa Pilipinas. Ang wika ay
tinaguriang Samtoy na nagmula sa salitang "Saomi Datoy" na nag ibig sabihin ay "
Wika namin ito." Ang wikang ito ay sinasalita ng humigit kumulang sampung milyong
tao.
Sa pagdating ng nga espanyol nung ika-16 na siglong naipatayo ang ilan sa mga
misyon ng kristiyano upang mapamahalaan ang katutubong mamamayan at masalin
sa romanong katoliko. Ang Vigan city sa kasalukuyan ay tinawag na "Bishopric seat
of Nueva Segovia”.
PANANAMPALATAYA: Ang Kristiyanismo ay lumaganap sa buong lalawigan. Halos
85 porsiyento ng populasyon ay binubuo ng mga Catolico. Ang natitirang porsiyento
ay para sa mananampalataya ng Iglesia ni Kristo, Protestante,Aglipayan,I Witnesses
at Seventh Day Adventists.

VALYU: Ang mga ilokano ay kilala sa kanilang pagtitipid, sa pagiging kuripot, sa


kanilang sipag at sining (Mula sa kanilang epikong "Biag ni Lam-ang," gayundin ang
"dallot" na napakikinggan sa panahon ng pagdadalamhati.). Mahalaga rin para sa
kanila ang kanilang pamilya at edukasyon.

PANINIWALA: Naniniwala sila na Kapag ang babae ay naghahanap ng maasim ibig


sabihin mabubuntis o buntis siya. Naniniwala rin ang mga Ilokano sa baribari, isang
hindi nakikitang nilalang. Naniniwala rin sila sa multo, duwende, kapre, engkanto, at
iba pang espiritu. Upang hindi magkakasakit kapag napadaan sa mga punso ay
dapat magpaalam sa pamamagitan ng pag-sambit ng, “Tabi Apo.”
Para sa kasal, Dapat alam ng magulang ng bababe ang plano nila mag-asawa.
Nagkikita ang magulang ng dalawang ikakasal na tinatawag na palalian.
Pinag-uusapan ang Sab-ong, sagut, parawad at iba pang detalye ng kasal. Ang
sab-ong ay ang binibigay sa magasawa upang makapag simula mag-isa. Ang sagut
ay para sa damit pangkasal ng babae dahil ang pangliliram ng damit pangkasal ay
“taboo” para sa kanila. Ang parawad ang binibigay sa lalaki galing sa nanay ng
babae bilang pasasalamat.

FOLKWAYS: Kung may patay, karaniwang pinaglalamayan ng ilang araw.


Nakadepende ang tagal ng lamay sa mga dahilan ng namatayan. Sa paglibing ng
bangkay, ang uluhan ng kabaong ang dapat mauna sa paglabas sa bahay. Itinataas
ang kabaong upang ang mga miyembro ng pamilya ay makadadaan sa ilalim. Ang
mga dadaan sa ilalim ng kabaong ay batay sa edad. Ang pinakamatanda sa pamilya
ang mauuna at susundan ng iba pang miyembro. Sa kasalan naman,

Para sa norms: Sumusunod sa norm ng pamilyang Pilipino at may mataas na


pagrespeto ng mga magulang.

● Bago magpakasal, dapat ay maaprobahan muna ng mga magulang.


● Magbabayad ng dowry ang magulang ng lalake.
● Pagtapos ng kasal ay merong seremonya na tinatawag na saka, dito
pinapasalamatan ang kanilang sponsors. Ang huling seremnoya ay ang
mangik-ikamen n kung saan isang matandang babae at lalaki ay kakanta ng
dal-lot. Sa kantang ito ay sinasabi ang saya at lungkot ng magasawa pati na rin
ang dapat at hindi dapat gawin ng magasawa.

You might also like