Professional Documents
Culture Documents
Gec 111 Mga Kwentong Babasahin
Gec 111 Mga Kwentong Babasahin
Si yeyeng ay sinasabing ipinanganak lamang na mahirap sa lugar ng Pampangga . Siya ay isang dalagang
nagtitinda lamang ng bitso sa isang paaralan na may isang gurong amerikanong kawal na ipinagpilitan na
siya ay magaral pagkatapos ay magtuturo. Tinawag siyang Miss Phathupats sa kadahilanang, nung natuto
siya ng wikang ingles at naging isang guro sinabi niya na hindi na siya maalam magsalita ng
kapampangan. Maraming araw ang lumipas kinuha siya bilang isang panauhin at doon siya nagsalita ng
wikang ingles at sinabing muli na hindi na siya sanay magbasa at magsalita na parang naninigas ang
kanyang dila. Kaya naman sa asal niyang iyon, maraming guro ang tila pinagtawanan siya at dahil sa
pangyayaring yun siya nagmura at muli nyang ginamit ang kapampangan. Subalit patuloy parin siyang
pinagtatawanan ng mga ito kahit na tumutulo na ang mga luha niya, dahil dito pagkapunas niya ng
kanyang luha nadala din ang pulbos niya sa mukha. Nakita ng mga tagapakinig ang tunay na kulay kaya
naman binansagan siyang Amerikanong negra. Nagpatuloy parin ang pagtatawanan sa kanya hanggang sa
hindi na niya napigilan at siya ay umalis na lang na nagkakandarapa at nagpaalam din ang tao kay Bb.
Alice Roosevelt "Paalam Bb. Phathupats".
Ang ina ni Rizal ang unang nagturo sa kanya ng pagbasa. Kung sila ay inaabot ng gabi at si Rizal ay
pagod na sa pag- aaral ng pagbasa, si Ginang Rizal naman ang bumabasa at ang anak ang nakikinig. Isang
gabi silang dalawa na lamang ang naiwang gising sa kanilang bahay. Sa kanilang pagbasa ay wala nang
ilaw na may sindi maliban sa osang tinghoy. Si Rizal ay nag-aantok at pagod na sa pagbasa ng librong
kangyang pinag-aaralan. Kaya ang Ina naman ang bumasa at si Rizal ay naking nalamang.
ANG GAMUGAMO SA LAMPARA NI JULIO MADARANG
(Maikling Kuwentong Tagalog)
Buod:
Isang gabi, nagmumuni-muni si Juli Madarang sa kanyang munting dampa. Siya ay nag-iisa nang
naninirahan doon sapagkat ang kanyang asawang si Felisa ay namatay dahil napulmonya noong
nagsisikap silang maghanapbuhay para sa kanilang anak na si Salacnib. Si Salacnib ay matalinong bata
subalit naging isang lider ng grupo noong nagkaroon ng protesta laban sa pamahalaan sa syudad kung
saan siya nag-aaral, nadakip at di kalauna’y pinatay.
Habang naghahanda ng makakain ang matanda, napansin niya ang isang gamugamo na nakikipaglaro sa
apoy ng kanyang lampara. Pagkatapos nitong kumain, napansin niyang nandoon pa rin ito. Maya-maya
pa’y nakarinig ito ng tahol ng aso at malakas na putok. Di kalauna’y may kumatok na isang binata, di
nagdalawang isip ang matanda na patuluyin ito. Ginamot ang sugat nito at pinakain. Maya-maya’y
naikuwento ng binata kung bakit siya hinahabol ng mga armadong lalaki, doon na rin isinalaysay ng
matanda ang nangyari sa kanyang anak. Ibinigay ng matanda ang minana niyang itim na rosaryo at tabak
sa binata. Lumipas ang gabi, paggising ng matanda’y wala na ang binata sa higaan. Maya-maya’y may
kumakatok sa pintuan, nang kanyang buksan ay mga armadong lalaki at ang tserman ng barangay, pilit
pinapaamin ang matanda ukol sa pagpapatuloy sa binatang si Crisanto Dimasupil. Nanatiling tikom ang
bibig ng matanda kung kaya’t hinalughog nila ang bahay ng matanda nang wala silang makita, pilit pa rin
nilang pinagsasalita ito subalit iginiit niyang wala siyang pinatuloy at tinatagong Crisanto Dimasupil.
Noo’y sinaktan nila ang matanda hanggang sa mapaluhod ito subalit nanatili pa ring tikom ang bibig nito
kung kaya’t pinaulanan nila ito ng bala. Bago mamatay ang matanda, kanyang nakita ang gamugamo,
buhay pa rin at patuloy na nakikipaglaro sa apoy ng lampara.
Sa Kabataang Pilipino ni Dr.Jose Rizal
Itaas ang iyong
Malinis na noo
Sa araw na ito,
Kabataang Pilipino!
Igilas mo na rin ang kumikinang mong
Mayamang sanghaya
Magandang pag-asa ng Bayan kong Mutya!
Ikaw ay bumaba
Na taglay ang ilaw
Ng sining at agham
Sa paglalabanan,
Bunying kabataan,
At iyong kalagiun ang gapos mong iyang
Tanikalang bakal na kinatalian
Ng matulain mong waning kinagisnan.
Ikaw na lagi nang pataas nag lipad,
Sa pakpak ng iyong Mayamang pangarap,
Na iyong Makita sa Ilimpong ulap
Ang lalong matamis
Na mag tulaing pinakananais,
Ng higit ang sarap
Kaysa “ambrosia” at “nectar” na awagas
Ng mga bulaklak.
Ikaw na may tinig
Na buhat sa langit,
Kaagaw sa tamis
Na kay Filomenang Malinis na hiomig,
Sa gabing tahimik
Ay pinaparam mo ang sa taong sakit,
Ikaw, na ang batong sukdulan ng tigas
Sa lakas ng iyong diwa’y nagagawad
Ng buhay at gilas,
At ang alaalang makislap
Ay nabibigayan ng kamay mong masikap
Ng buhay na walang masasabing wakes.
At ikaw, na siyang
Sa may iba’t ibang
Balani ni Febong kay Apelas mahal,
Gayundin sa lambong ng katalagahan,
Na siayng sa guhit ng pinsel mong tanga’y
Nakapaglilipat sa kayong alinman;