You are on page 1of 11

FILIPINO

MULING PAGSULAT NG “ISANG LIBO’T


ISANG GABI”
MULING ISINULAT NG IKATLONG
PANGKAT
Nagkaroon ng kabiyak ang isang babaeng
mangangalakal na isang manlalakbay. Lagi
siyang iniiwan nito dahil kailangang
pumunta sa iba’t ibang bansa. Dahil dito,
nahulog ang loob ng babae sa isang lalaking
mas bata sa kaniya. Gayunman, nakulong
ang lalaki kaya naman gumawa ng paraan
ang babae para makalaya ang lalaki.
Lumapit siya sa limang lalaki upang
tulungan siya. Ngunit lahat ng lalaking ito
ay hiniling ang kaniyang katawan kapalit ng
tulong nila. Pumayag naman siya ngunit
may plano siya para sa limang lalaki.
Nagpagawa siya ng isang malaking kabinet
sa karpintero, isa sa lalaking nilapitan niya.
Gumawa ito at dinala sa kaniyang bahay.
Unang nakarating ay ang Cadi, pinaghubad
na siya ngunit biglang may kumatok. Sabi
ng babae ay asawa niya raw iyon kaya
nagtago ang lalaki sa cabinet. Ngunit ito ay
ang pulis. Gumawa muna ito ng kasulatang
pinapalaya na ang lalaking sinabi niyang
kapatid niya lamang pero karelasyon niya.
May kumatok at pinapasok din ang lalaki sa
kabinet.
Lingit sa kaniyang kaalaman, nakauwi na
pala ang kaniyang asawa galing sa
paglalakbay. Hindi inaasahan ng babae ang
pag uwi ng kaniyang asawa. Habang ang
dalawa ay naguusap sabay na dumating ang
Vizier at Hari. Nagtaka ang kaniyang asawa
kung bakit nagsidatingan ang dalawang
lalaki. Dahil sa kaba, naisipan ng babae na
tumago sa isang compartment ng cabinet.
Nang matapos ang paguusap ng tatlong lalaki,
muli itong nagtaka dahil sa pagkawala ng
babae. Ngunit, mayroong kakaibang tunog na
naririnig ang mga lalaki at napagtanto na
galing ito sa cabinet. Una ay natakot ang mga
ito dahil may nagsasalita sa cabinet. Nang
buksa nila ito ay nalaman nila na ang pulis at
cadi ay nakakulong dito. Hindi nila binuksan
pa ang ikatlong compartment dahil wala
namang nagsasalita galing dito.
Kanya- kanyang umalis ang mga lalaki at hindi
na muli bumalik sa bahay na iyon samantalang
naiwan ang babae sa cabinet at hindi na
nakalabas pa.
Iyon po ang aming muling
pagsulat sa kwentong
“ Isang Libo’t Isang Gabi”
Salamat sa pakikinig!!
Ikatlong Pangkat: Ikatlong Pangkat:
Rachanne Therese Urquiza Rohan Knight Adobo
Jaqueline Benj Oftana Trecia Grace Limpioso
Courtney Yvon Castro Archibald Beldad Jr.
Pearl Aix Ruaza
Ezekiel Tambuyat
Cloeh Anne Cabido
Erajen Bat-ao
Kisiah Marie Panto
Princess Keilah Maliza

You might also like