You are on page 1of 4

Iskript ng Grupo pra sa Ikalawang Pagtanghal Sitwasyon: Dear Papa Charot, Matapos hindi palarin sa gameshow, napilitan ako

na maghanap ng ibang trabaho habang si Michelle naman ay hinanap ang swerte sa bansang Hapon bilang Japayuki.Nagpasikotsikot ako sa Kalakhang Maynila at napadpad sa Forbes Park kung saan naninirahan ang aking bagong amo. Unang tagpo: (Sa mansion ng mga Ayalala) Nahirapan po ako na pakibagayan ang aking mga bagong amo: una, dahil Ingles ang wikang gamit sa loob ng mansion at hindi ako matatas sa wikang ito; at pangalawa, dahil mahirap estimahin ang mga matapobre kong amo. Donya Ayalala: Magda! Oh my goshh, your name really sucks! HAHA. Oopps, sorry. Anyway, wheres my luggage? Magda: lageds? Anu pu yun? Donya Ayalala: oh my gosh! Youre so stupid. Luggage lang hindi mo alam? Wala ka ba talagang pinagaralan?! Oh my god! Better get it myself. (Biglang tinawag si Magdalena ng anak na lasing ng kanyang amo) Kent: Inday. Ai inday! Nasaan ka na ba ha?! Bilisan mu nga at my iuutos ako. Magda: ay sir. Sorry po sir inutusan pa po kasi ako ni madam. Ano po ba yun sir? Kent: Gimme some drink. Yeah! Magda: ha? Ano po sir? Kent: Lets go to heaven bebe. Magda: ha? Heaven sir? No sir, ano ba yan! Bata pa po ako, ayaw ko pa po mamatay. Kent: what the hell are you talking about?! You moron, idiot! F*ck the hell up! Get out of my way! Magda: hay. Ano ba to? Kung anu-anong pinagsasabi ni sir. Alam niya naming mahina ako sa ingles e. ano yung sinabi ya? Ha anu? Idiot? Moron? Anu daw? Idiot? Parang baliw yun? Ha tama ba? Ha? Anu? Fahil up? Anu? Pahelp? Patulong? Ayyyy ewan! Kainis, type ko pa naman sana si sir. Sayangggg. Hindi ko siya masagot

Papa Charot: halos ganito parati ang nangyayari sa loob ng mansyon, mag-uutos sila sa wikang Ingles ng kung anu-ano, hindi ko naman maintindihan tapos bigla lang akong sisigawan ng mga salitang hindi ko rin naman masyadong maunawaan. Talagang napakahirap ng buhay ko sa mansyon, mabuti na lang nakilala ko si Avril, kasambahay din katulad ko na naging nakagaanan ko ng loob sa mansyon. Pangalawang tagpo: Papa Charot: Isang gabi, sa hindi inaasahang pagkakataon, may nasaksihang po akong isang kahindikhindik at kagimbal-gimbal na pangyayari. (sound effects) Sa sobrang gimbal ko ay aksidente kong nasagi ang isang bagay na hindi ko alam kung ano yun na nakagawa ng ingay at nakadistorbo sa happiness ni Sir. Sa sobrang takot ko, tumakbo ako sa kwarto at dali-dali kong nilock ang pinto. Mahirap na baka ako ang susunod. Gusto ko naman si sir pero ayokong gawin niya yun sakin. Hindi ko na nakita si Avril noong gabing iyon. Kinaumagahan, may naghahanap na na mga pulis kay sir. At pwersahan siyang dinakip pagkatapos na magpakita ng mga ito ng warrant of arrest. Ilang gabi akong hindi nakatulog. Inuusig ako ng aking konsensya. Hanggang napagdesisyunan kong maging testigo sa kaso ni Avril.

Ikatlong tagpo: Sa korte Unang sumalang sa witness stand si Madam Ayalalala. Madam Ayalalala: My son is not a pig! Hes not a criminal! He can never do that. Hes an educated young man! That Avril girl is a bitch! She seduced my son so that she can take a part of our wealth. I know my son very well. We have the same blood running in our body! We cant do that stuff! My goodness! I was there that night, no rape scene had happened! I woke up the next day, somebody told me that Avril had eloped with another guy. And here she is? Accusing my son! How dare that girl! Stupida! Sumunod na sumalang si Magda. Magda: noong gabi pong yun, nauhaw po ako bigla kayat nagpunta po ako sa kusina. Hinahanap ko po yung ref pero ibang ref po yung nakita ko. Yun na nga po, rape scene. Nakita ko po ang lahat. May ginagawa po si Sir kay Avril at iyak po ng iyak si Avril. Sabi nga niya po. wag sir, wag sir. Aray ko sir, aray ko sir. Sa takot ko po, may natabig po ako na naglikha ng ingay. At noong nakita ko na tumigil si sir, tumakbo po ako pabalik sa kwarto. Papa Charot: at yun nga po papa Charot, tumagal ang kaso ng ilang buwan hanggang sa itoy napagpasiyahan. Court interpreter: case no. 09082396420, people of the Philippines versus Kent Ayalalala y Tan,

Papa Charot: hindi ko po naintindihan ang pinagsasabi ng babae pagkat itoy nasa wikang Ingles. ang naintindihan ko lang ay yung naging hatol ky sir. Court interpreter: Not guilty. Papa Charot: hindi ko po alam kung paano naging ganun ang resulta. Nakakalungkot na hindi nabigyan ng hustisya si Avril. Natapos na naman ang isang nakakalungkot na kabanata sa buhay ni Magdalena. Mga kabarangay nakakadurog puso na kapag ang lenggwahe ng ating mga batas at paglilitis ay wikang dayuhan, ang gumagamit ng wikang katutuboy dehado agad. Ang kanyang minimithing katarungan ay nakasalalay sa kapritso ng pagsasalin. Nais ipakita ng dulang ito kung paanong nasagasaan ang katarungan dahil sa pagsasalin ng mga court-appointed interpreter. Dito sa Pilipinas ay araw-araw nagaganap ang katawa-tawang sitwasyon ng pagsasalin ng mga testimonya ng mga saksi mula sa wikang katutubo patungo sa Ingles. Group 1 Michelle Espada April Mae Canete Mary Magdalyn Reganion Kent Limmuel Tan

You might also like