You are on page 1of 14

PANGKAT 10

SANLIBO’T ISANG GABI


SANLIBO’T ISANG GABI

NOBELA - SAUDI ARABIA

Isinalin sa Filipino ni: Julieta U. Rivera


Ano ang NOBELA?

Ito ay isang masalimuot na akdang pampanitikan


na naglalaman ng malalim na paglalarawan ng mga
karakter, mga pangyayari, at mga suliranin na
kadalasang kinapapalooban ng mga personal na
karanasan, kulturang panlipunan, at pagsasalaysay ng
awtor.
MGA TAUHAN;
BABAE

Mangangalakal na may dating asawa ngunit sa


katagalan ng pag-uwi ay umibig siya sa isang
lalaking mas bata sa kanya.
PULIS

Isang hepe ng pulisya na unang nahingan ng


tulong ng babae upang makalaya ang
kanyang iniibig sa pagkakakulong.
CADI
Pangalawang lalaki na pinaghingian ng
tulong ng babae; may kapangyarihan na
gumawa ng kautusan na makapagpalaya sa
iniibig ng babae.

VIZIER

Pangatlong lalaki na pinaghingian ng tulong


ng babae; isang taong kanang kamay ng hari
na may kapangyarihang magpalaya sa iniibig
ng babae.
HARI

Pang-apat na lalaki na pinaghingian ng tulong


ng babae; isang taong mayaman at may mataas
na katungkulan, may kapangyarihan na
namumuno sa kanyang nasasakupan.

KARPINTERO

Isang manggagawa na gumagawa ng kabinet;


huling pinaghingan ng tulong ng babae.
Halina’t ating tunghayan ang buod at nilalaman ng
isang nobela na pinamagatang SANLIBO’T ISANG
GABI mula sa Saudi Arabia, at Persia, na nagsasaaad
ng mga ugaliing pampamahalaan, panlipunan,
pangkabuhayan, at panrelihiyon ng mga silanganin.
Ang babae sa simula ay may dati itong asawa ngunit sa
matagal na pag-uwi ay umibig siya sa isang mas batang
lalaki. Kayat ng minsang makulong ang kaniyang iniirog
ito ay humingi ng tulong sa Hepe ng pulisya at sinabi ng
babae na ito ay kaniyang nakababatang kapatid ngunit
ang sambit ng Hepe ay papalayain niya ito kapalit ang
pagpapaligaya nito sa kanya. Pumayag ang babae sinabi
nito ang takdang oras at bahay ng babae. Ngunit ang
babae ay humingi ulit ng tulong sa Cadi at ganoon din
ang nais nito, ang mapaligaya siya ng babae kapalit ng
paglaya ng kanyang minamahal.
Lumapit ulit ang babae sa Vizier at sa Hari at iisa ang
kanilang nais ang mapaligaya ito ng babae kapalit ng
pagkalaya ng kanyang minamahal. Sinabi din niya ang
takdang oras at bahay ng babae. Pagkatapos ay pumunta
ang babae sa isang karpintero at nagpagawa ito ng kabinet
na may apat na kompartimento. Nabighani ang karpintero sa
babae at sinabing libre na ang kabinet na pinagawa niya
kung paliligayahin niya ito, kaya pinadagdagan ng babae ng
isa pang kompartimento ang kabinet. Pumayag nga ang
babae gaya ng sinabi niya sa mga unang lalaki ang takdang
oras at tirahan nito.
Sa tirahan ng babae unang dumating ang Cadi at humalik
ang babae sa paanan nito, pinatanggal ng babae ang
kasuotan at pinasuot ang roba at bonnet. Nang sisimulan na
ng Cadi ang kanyang pakay ay may kumatok sa pintuan ng
babae sinabi ng babae na ang kumakatok ay ang kaniyang
asawa at agad niyang pinapasok sa pinakababang
kompartimento ang Cadi. Ngunit ang dumating ay ang Hepe
ng pulisya, pinasuot ito ng babae ng roba at bonnet at agad
na pinagawa ng kautusan na magpapalaya sa kanyang iniibig
at ng sisimulan na ng Hepe ang kaniyang pakay sa babae ay
may kumatok muli sa pintuan ng babae at sinabing asawa
niya ang dumating,
agad niya itong pinapasok sa kabinet sa pangalawang
palapag. Ang dumating sa oras na iyon ay ang Vizier at
pinasuot niya ito ng roba at bonnet, at ng sisimulan na nito
ang kaniyang pakay ay may kumatok muli sa pintuan ng
babae ng tanungin ng Vizier kung sino ito ay sinambit ng
babae na ito ang kaniyang asawa, agad niya ulit itong
pinapasok sa pangatlong palapag upang magtago. Sa oras
na iyon ang Hari ang dumating at pinatanggal ng babae ang
kasuotan nito at pinasuot ang roba at bonnet. Nang
sisimulan na sana ang kaniyang pakay ay may kumatok ulit
sa pintuan ng babae at sinabing asawa niya ang dumating
kaya pinapasok niya ang Hari sa ika-apat na palapag ng
kompartimento. Ngunit ang dumating ay ang karpintero
sinabi ng babae na napakaliit ng ginawa niyang kabinet kaya
pinapasok ng babae ang karpintero upang masukat ngunit
ito ay kanyang isinara. Pagkatapos ay agad dinala ng babae
ang kautusan na magpapalaya sa kaniyang iniibig sa opisina
ng pulisya at ng kanyang mailabas ito ay sumakay sila ng
kamelyo at nagpakalayo-layo na sila at dina sila muling
bumalik sa lugar na iyon. Ang limang lalaki naman ay tatlong
araw bago nakalabas sa kabinet dahil sa tulong ng mga
kapitbahay dahil sa pagtataka ng mga ito kung ano ang
maingay sa loob gayong wala namang tao dito,
kaya napagpasyahan ng mga kapitbahay na wasakin ang
pinto at pasukin ang bahay sa pag aakalang mga multo o
genie ang mga nasa loob nito, at ng makalabas ang mga ito
ay hiyang-hiya sila sa kanilang hitsura dahil sila ay mga
taong nasa may mataas na katungkulan ay naisahan sila ng
babaeng may mababang estado sa buhay.
TALAHULUGANAN O GLOSARI;

INIIROG - Iniibig o Minamahal


CADI - Tagahatol o Judge

VIZIER - Mataas na ranggo na tagapayo sa


pulitika o Ministro

ROBA - Balabal o Tapis


PANGKAT 10

Salamat sa Pakikinig!!

You might also like