You are on page 1of 2

Andres Colendrino G.

Cubio
7C
EPIKO NI APOKALAKI

Mayroong batang lalaki na nangangalang Apokalaki, labing-tatlong gulang at mayroon siyang nunal sa
kanyang pisngi. Nakatira ang batang lalaki sa isang bayan na tinatawag “Bayan ng Anino”, walang
masyadong sikat ng araw ang sumusulyap. Matatagpuan ito sa taas na bahagi ng Pilipinas. Mayroong
isang kapatid si Apokalaki na lalaki na nagngangalang Lakas at kasama nila ang kanilang magulang sa
munting tahanan nila. Kahit madilim ang kanilang bayan, normal na nakakagalaw ang mga tao ngunit isang
araw ay nawala ang am ani Apokalaki sa kanilang bayan. Hindi na ito bumalik matapos sabihin na
naghahanap lamang ito ng pagkain.
Isang araw, gustong hanapin ni Apokalaki ang kanyang tatay sa kagubatan. Lumabas siya nang tahimik sa
kanilang tahanan para umasa na mahanap ang kanyang tatay. Sa kanyang paghahanap, nakakita siya ng
mahiwagang bato a kumikinang na nagbigay sa kanya ng kapangyarihan. Tinago niya ito at baka sakali
magamit sa kanyang paglalakbay. Ngunit sa mga sumunod na araw, wala ni anino o bakas ng kahit ano
siya na nakita sa paghahanap sa kanyang ama ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa at nagpatuloy pa rin.
Sa kanyang mahaba-haba na rin na paglalakbay, alam niya na malayo na siya sa kanyang tahanan at
ibang lugar na ang kanyang tinatahak. Sa kanyang paglalakad, nakakita siya ng isang dilag, “Nasaan ako
binibini?” pagtatanong niya. Sumagot ang binibini, “Ikaw nga! Ikaw si Apokalaki!”. Maraming nakarinig sa
binibini at inikutan si Apokalaki ng mga tao. Siya ay nagtataka sa nagaganap sa kanyang paligid ngunit
isang bagay ang umagaw ng kanyang pansin. Isang estatwa. Ang estatwa na kahawig ng kanyang ama.
Tinanong ni Apokalaki kung makikita ang lalaking nasa estatwa. Sinabi ng binibini na ito’y nasa isang
kabundukan na limang kilometro ang layo mula sa kanyang kinatatayuan. Agad na naghanap ng kabayo at
nilisan ang lugar at nagbakasakali na baka iyon ang kanyang ama.
At nakarating na nga siya sa kabundukan, pagod na pagod siya. Nakakita na siya ng mga tagabantay sa
kabundukan at sinabi niya na “Ako si Apokalaki, ako ang anak ng iyong pinuno!”. Pinagbuksan at hindi nag-
alinlangan ang mga tagabantay. Sa kanyang pagpasok, humanga siya sa ganda at nakita niya sa gitna ang
kanyang ama ngunit may lalaking humarang sa kanya, si Apo Andres. Sinabi nito, “Nasaan ang
mahiwagang bato?”. Tanging “wala” ang tinugon nito. Naniwala si Apo Andres ngunit umalis dahil
kailangan niya ito. Sa kabilang banda, nag-alala ang kanyang ama. “Anak, wala ba sa iyo ang batong
hinahanap niya? Tiyak na babalik siya na may dalang maraming kawal at sisirain ang paraisong nilikha ko.
Nararamdaman niya ang bato Anak! Babalik siya at pilit na kukunin ito.” Nagulat si Apokalaki at iniwan
saglit ang kanyang ama at gumawa ng paraan. Hinanap niya si Apo Andres.
Nagkita ang dalawa.
“Alam kong nasa iyo ang mahiwagang bato!”, sambit ni Apo Andres.
“Nasa akin nga, hindi ko ito ibibigay sa iyo dahil alam kong gagamitin mo ito sa kasamaan!”, tugon ni
Apokalaki.
Ginamit ni Apokalaki ang mahiwagang bato. Sa kanyang gulat, naging inbisibol siya. Ginamit niya ang
pagkakataon na ito upang malamangan si Apo Andres. Ngunit alam ni Apo Andres ang kapangyarihan ng
bato, nakikita niya si Apokalaki dahil sa kanyang mahiwagang salamin sa mata.
Naglaban ang dalawa.
Parehas na silang pagod.
Nakita ng diwata ng kabundukan na naglalaban sila ngunit alam ng diwata kung sino ang mabuti kung
kaya’t binigyan si Apokalaki ng mahiwagang sandata. Hindi kinaya ng lakas ni Apo Andres ang sandata
pinagkaloob ng diwata kay Apokalaki kaya naman natalo siya.
Sa paglalakbay pabalik sa kanyang ama, nakasalubong siya ng mga lobo at tigre sa daan. Sa kanyang
pagtakbo, nadapa si Apokalaki at nauntog ang ulo sa matulis na bato na naging kamatayan niya.
Sa kabundukan, nabasag ang iniinom na baso ng kanyang ama at nakaramdam ng pagkatakot. Agad
silang umalis ng kanyang mga kawal at hinanap ang kanyang anak. Sa hindi inaasahang pagkakataon,
nakita niya na hiwa-hiwalay ang parte ng katawan ng kanyang anak at kinakain ng mga tigre at lobo. Sa
kanyang galit, tinaga niya ang lahat ng kumakain sa kanyang anak at umiiyak na kinolekta ang bawat
bahagi. Matapos na makompleto ito, nagdasal kay Bathala na ibalik ang kanyang anak. Lumiwanag ang
buong paligid at napaurong ang kanyang ama at nagulat na unti-unting nabubuo ang katawan ng kanyang
anak.
Nagbalik ang kanyang anak sa pagkabuhay. At sa muli nitong pagkabuhay, itinaas ng anak ang sandata at
lumiwanag ang buong paligid. Inaya ni Apokalaki ang kanyang ama na bumalik sa kanilang tahanan at
sumama naman ito. Sinabi niya sa kanyang anak na kaya siya nawala dahil sa paraisong kanyang binubuo
at dahil na rin sa pagtatago ng mahiwagang bato na kanyang itinago sa kagubatan.
Habang naglalakad pauwi, liwanag na ang kanilang nakikita at sinalubong ang mag-ama ng kanilang
bayan. Sa kabila ng kasiyahan, lumapit ang isang babae kay Apokalaki at naghandog ng kuwintas.
Nabighani at lalaki at nagpakasal agad. Iba ang tama ni Apokalaki sa babae.
Namuhay ang bayan nang mapayapa at maging ang mag-asawa.

You might also like