You are on page 1of 2

HINDING-HINDI AKO IIBIG KAILANMAN

Isinalin sa Filipino ni NBCM (Maikling Kuwento ng Bansang Cyprus)

Isang magaling na iskultor ng bansang Cyprus si Pygmalion. Labis na siyang namumuhi sa


kababaihan at naniniwala siyang ang ugat ng kasalanan ay ang mga babae kaya't isinumpa niya
sa sariling hinding-hindi siya iibig at magpapakasal kaninuman. Sapat na sa kaniya ang kanyang
sining. Magkagayunpaman, ang pinagbuhusan niya ng kanyang talino ay ang babae. Hindi niya
maitatatuwang ang kinamumuhian ng kanyang isip nang ganon kadali sa kanyang buhay ang
hinuhubog niya at isang perpektong babae pa upang ipakita sa ibang kalalakihan ang kakulangan
ng kanilang mga kinahuhumalingan.
Nagbuhos siya ng panahon at kahusayan sa paghubog ng estatwa, hanggang sa makalikha siya
ng hindi matatawarang obra. Napakaganda na ng kanyang gawa ngunit hindi pa rin siya
nakuntento. Masinsin niya itong pinakinis, hanggang sa ito'y maging pulido at perpekto. Nang
matapos, pinagmasdan niya ang napakagandang mukha nito. Walang babaeng maihahalintulad o
anumang likhang sining ang maihahambing dito! Nang wala nang maiaayos sa perpektong
estatuwang ito ay may kakaibang pangyayaring naganap na sadyang hindi maipaliwanag umibig
ang manlilikha sa kanyang obra! Isang pag-ibig na matimyas. Labis niyang minahal ang kanyang
nilikha- malalim at masimbuyong pag-ibig. Kung mamasdan at susuriin, tila hindi mapapansin o
mapagkakamalang yari sa kahoy o mamahaling hiyas kundi isang tunay at mahimbing na
natutulog na nilalang ang kanyang obra. Isang kamangha-manghang gawa ng mapinong binata.
Ang tugatog ng pananagumpay ay nasa kanyang sining.
Magmula noon, ang isinumpang kasarian ang nagpahirap ng kanyang kalooban. Walang hihigit
sa kawalang pag-asa ng isang umiibig sa malumbay na si Pygmalion. Hinahagkan niya ng
mapang-akit na mga labi ngunit walang katugon, hinahaplos niya ang mga kamay, at ang
maamong mukha na wala namang katinag-tinag; pinapangko niya sa kanyang bisig ngunit
nananatiling malamig at walang tugon ang kaulayaw. May panahong nagpanggap siyang batang
naglalaro. Sinubukan niyang bihisan ng iba't ibang naggagandahang roba at naiisip niyang
nalulugod ang kapiling. Dinadalhan niya ng iba't ibang regalo katulad ng paghahandog ng isang
nanunuyong binata sa dalaga, mga ibon, iba't ibang bulaklak at nakikini-kinita niya ang
masayang mukhang tugon na may lakip na pag-ibig. Inihihiga niya ito sa malambot na kama at
kinukumutan pa upang hindi ginawin sa gabi - katulad ng ginagawa ng isang batang babae sa
kanyang manika. Ngunit hindi na siya bata, hindi siya makapagpanggap nang matagal. Sa huli
siya'y sumuko, tunay na aba at kahabag-habag ang kanyang anyo- iginupo ng isang pag-ibig sa
isang walang buhay.

Ang pista ni Venus ay nagmula sa Cyprus kung saan siya kinikilalang diyosa. Ang mga handog
na makikinis at mapuputing sungay ng usa ay nasa kanyang altar. Ang usok ng insenso ay
maaamoy saanmang dako.
Si Pygmalion ay nagpunta sa templo ng Dyosang si Venus upang humiling na bigyan siya ng
babaeng katulad ng kanyang eskulptura, halos araw araw syang nagpupunta sa templo upang
himiling sa dyosa ngunit ang dyosa ay walang tugon sa kaniyang pagdarasal kung kaya't nawalan
siya ng pagasang makakahanap siya ng kanyang babaeng iibigin dahil rito sinira nya ang
kanyang obra at tuluyan ng nilisan ang kanilang kaharian at lumilat at nahumay siya sa ibang
kaharian ng mag-isa. Sa huli, hindi niya na napili ang pag-ibig. Sa halip, mas pinili niyang mag-
focus sa pagpapalago ng kanyang sarili at sa pagtuklas ng mga bagong bagay na magbibigay sa
kanya ng kasiyahan at kaganapan. Sa pagtahak niya sa kanyang sariling landas, natagpuan niya
ang kanyang lakas, katalinuhan, at kasiyahan na hindi na kailangang sabayan ang iba. Sa huli,
siya'y natagpuan ang kapayapaan at kasiyahan sa sarili, na siyang pinakamahalagang pag-ibig na
maaring makamit.
Sa huli, hindi niya na napili ang pag-ibig. Sa halip, mas pinili niyang mag-focus sa pagpapalago
ng kanyang sarili at sa pagtuklas ng mga bagong bagay na magbibigay sa kanya ng kasiyahan at
kaganapan. Sa pagtahak niya sa kanyang sariling landas, natagpuan niya ang kanyang lakas,
katalinuhan, at kasiyahan na hindi na kailangang sabayan ang iba. Sa huli, siya'y natagpuan ang
kapayapaan at kasiyahan sa sarili, na siyang pinakamahalagang pag-ibig na maaring makamit.

You might also like