You are on page 1of 18

Multo

(Isang Kuwentong Kadiliman


at Katakutan)

Ginawa ni:
JK Suratos
Marami na...
Marami na ang mga kuwento tungkol sa isang
paaralang tinitirahan ng mga multo. Nakaabot ang mga
kuwento sa mga paaralan nina Cris, Stan, Tony, Sara at
Mayelle. Araw-araw nilang naririnig ang mga kuwentong
ito sa kani-kanilang mga paaralan hanggang sila ay
nagsawa na at napagkaisahan nilang tapusin na ang mga
kuwentong ito. Kaya isang araw, sa pamamagitan ng
pakikipag text, sila ay nagplanong mag-ghost hunting
kahit hindi pa nila kilala ang isa’t isa. Sang-ayon naman
ang lahat, kaya natuloy ito...
6:00 ng gabi

Tumunog na ang kampanapara sa curfew.


Nagsiuwian na ang mga natitirang mga
estudyanteng naroroon. Umikot na ang mga
guwardya sa bawat silid upang tingnan kung may
estudyante pang natitira. Sa liblib na lugar ng
canteen sila nagtago. Hinintay nilang umalis ang
security guard. Wala sakanilang isipan na
magpahuli at ipatawag ang kanilang mga
magulang. Dahan-dahang silang naglabasan sa
silid at nagtago ulit sa likod ng isang puno nang
makita nila ang isang titser na dumaan. Nagtungo
sila sa quadrangle at duon nagkita-kita ang buong
grupo.
“O, handa na ba ang lahat?” tanong ni Cris
habang ibinababa niya ang kanyang bag.
“Oo na. Ano ang plano?” sagot naman ni Sara.
“Maghihiwa-hiwalay tayo para masmadali
tayong matapos at makauwi ng maaga.” sabi ni
Cris. Inilabas niya ang tatlong video cam, tatlong
camera, tatlong flashlight at tatlong cellphone.
“Mag buddy-buddy tayo pero meron sa atin na
magsosolo.” sabi niya.
“Ako na lang ang magsosolo, Cris.” boluntaryo
ni Tony.
“O, sige maggrupo na tayo at sasabihin ko na
kung saan kayo pupunta. Sara at Mayelle, ang
pupuntahan niyo ay ang CR ng girls at ang
greenhouse. Stan sumama ka sa akin, pupunta
tayo sa grade school at titingnan natin ang multo
sa hall at playground. Tony, alam kong mahirap ito
dahil solo ka, pero ang pupuntahan mo ay ang gym
at ang parte sa may bandang workshop, malapit sa
may grotto.” sabi ni Crishabang ini-abot na niya
ang mga gamit sa mga pares.
“Gamitin niyo itong mga kagamitan ng mabuti.
Naka-full charge naitong mga video cam at
camera. Bago rin ang mga battery nitong mga
flashlight. Ingatan niyo rin itong mga cellphone
dahil ito lang ang ating kumunikasyon sa isa’t-isa.
Okay, ayos na ba ang lahat? Good luck nalang sa
inyo. Magkita-kita na lang tayo ulit dito.”
Nagpaalam naang mga magbabarkada sa isa’t-
isa at nagtungo na sa kanilang mga sariling
destinasyon. Bilog ang buwan at malamig ang
simoy ng hangin, maganda ang panahon para sa
takutan…

(Tony)

Mahangin ang gabing iyon kaya yinakap pa ng


lalo ni Tonyang kanyang dyaket. Sa kanyang bulsa
ang flashlight at cellphone, habang ang video cam
ay hawak niya sa kanyang kanangkamay at ang
camera naman ay nakasaklay sa kanyang leeg.
Hindi siya makapaniwala na siya ay
nagboluntaryong solong maghanap ng multo. Pero
nandito na siya ngayon, naglalakad patungo sa
gym. Sa kanyang isipan, nagsasayang lang sila ng
oras dahil lang dito, kaya magsimula pa lang ng
plinano itong “ghost hunting”, tumututol na siya.
Napilitan lang siya dahil sa kanyang mga makukulit
na kaibigan.

Magmulang pagkabata ni Tony, ayaw talaga


niya sa lahat ng bagay na tungkol sa mga multo.
Hindi naman sahindi siya naniniwala sa mga
espiritung ligaw. Ayaw lang niya talagang
pakialaman ang mga bagay na hindi dapat
paglaruan. Satotoo lang, naniniwala siya sa mga
multo dahil nakakita na siya nung bata pa siya. At
yun nga ang dahilan kung bakit ayaw niyang mag-
ghost hunting dito sa paaralan dahil alam niyang
merong talagang multo dito…Kinilabutan si Tony,
binilisan niya ang kanyang paglakad…

(Sara at Mayelle)
Nakayukong lumakad sina Mayelle at Sara
habang nagtatago sa mga anino ng mga puno.
Dumaan ang isang guwardya namay flashlight.
Tumigil sila sa paglakad at tahimik na naghintay na
umalis ang security guard. Nang nakita nilang
wala na ang guwardya, tumayo ulit sila at
nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan nila ang
guwardya, habang sila’y nagdadahan-dahang
lumalakad samga gilid. Nang nakaabot sila sa may
hagdan, humiwala’y na sila sa likod ng guard at
deretsong umakyat sa third floor papunta ng girl’s
CR.
Pagkaakyat nila sa huling baytang ng hagdan,
tumigil muna sila atnagpahinga. Kinuha ni Mayelle
ang cellphone at tinext sina John: “Nand2 na kmi
sa thrd flor. Hntay sa lbas ng CR. Mgsismula na
kmi.” Pagkatapos ng ma-send ni Mayelle ang
message sumagot kaagad sina Stan:
“OKAY…..GUD LUCK!!”
Tiningnan ni Mayelle si Sara at binigyan niya
ito ng thumbs upsignal. Tumango naman si Sara at
kinuha ang video cam sabag. Simula na ng
takutan…

(Cris at Stan)
Walang ingay na gumapang sina Cris at Stansa
ilalim ng mga upuan sa isang klasrum. May guard
kasing fina-flashlight ang bawat silid at tinitingnan
ang loob. Nang makaabot sila sa may pinto saka
ring dumating ang guwardya at tiningnan ang loob
gamit ang flashlight. Wala na sila Cris doon,
saktong nakalabas sila sa klasrum nang dumating
ang security guard.
Nagtinginan ang dalawa at ngumiti. Muntikan
nasilang mahuli, hindi pa nga sila nakakaalis sa
quadrangle. Pumunta sila sa isang madilim na
lugar at doon sila dumaan palabas ng quadrangleat
papunta sa playground. Habang naglalakad sila,
nakita nila ulit ang guwardya na pabalik sa
kanilang direksyon! Nagtago sila sa likod ng isang
santan bush at hinintay lumampas ang guard sa
kanilang tinataguan, nang biglang tumunog ang
cellphone ni Stan. Huminto ang guardya at kinuha
ang kanyang flashlight sabulsa. Tahimik silang
tumakbo paalis sa lugar na iyon at nagtago na lang
sa likod ng isang pader. Doon sila nagpahinga.
“Bakit hindi mo pinahinto yan na cellphone mo
kanina?” tanong ni Cris na may halong pagka-irita.
“Sorry, nakalimutan ko.” sagot naman ni
Stanna kumakamot ng ulo. Kinuha niya ang
kayang cellphone at binasa ang message galing
kay Mayelle. Tinext agad ni Stan sila ng :“OKAY…..
GUD LUCK!!” at tinago ulit ang kanyang cellphone.
Pumunta na sila ni Cris sa playground…

(Tony)

In-on na ni Tony angvideo cam at nagsimula ng


magvideo. Sa screen na lang siya ng camera
tumitingin dahil madilim na at hindi na siya
nakakakita. Gamit-gamit niya ang infrared ng
video cam kaya lahat itim at puti ang nakikita niya.
Malapit na siya sa may gym. Unti-unti na
siyangkinakabahan. Biglang naging tahimik ang
paligid. Tumigil ang huni ng mga ibon. Ang
tanging naririnig na lamang niya ay ang kanyang
paghinga at ang hangin sa malayo. Naramdaman
niya ang kanyang cellphone nanag-vibrate. Hindi
niya muna ito kinuha. Hindi niya inaalis ang
kanyang mga mata sa screen, dahil kahit anong
oras pwedeng magpakita na ang multo. Nag-
vibrate ulit ang kanyang cellphone. Tsk! Nakita ng
nagvivideo ang tao! galit na inisip ni Tony. Kinuha
niya ang kanyang cp at binasa ang unang
message. Galing ito kina Cris nanagpapaalala na
ang meeting place ay sa quadrangle. In-erase niya
ang message at tiningnan ang pangalawang text…
(Sara at Mayelle)

Dali-daling binuksan ni Mayelleang pintuan ng


CR. Sa likod niya ay si Sara na nagvivideo.
Madilim ang loob kaya kinuha niya ang flashlight at
ginamit ito. Tiningnan nila ang bawat cubicle pero
wala silang nakitang multo.
“Wala naman ditong babae ah. Textan mo sila
Cris na dederetso na tayo sa may greenhouse,”
wika ni Mayelle habang in-off na ang flashlight.
“Sige. Sayang lang ng oras natin dito.” sabi
naman ni Sara at kinuha niya ang cellphone. “O,
natextan ko na siya.” sabi niya.
“Tara, alis na tayo dito.”
“Hintaylang. Maghuhugas lang muna ako ng
kamay.”
“O, sige. Basta dalianmo lang. Hintayin kita
dito sa labas.”
Binuksan ni Saraang gripo at naghugas ng
kamay. Pagkatapos, nagpunas siya gamit ang
kanyang panyo. Paalis nasana siya nang bumukas
ulit ang gripo. Napatigil si Sara. Lumingon siya at
nakita ang isang grade five na batang babae na
naghuhugas ng isang madugong kutsilyo.
Sumigaw si Sara. Walang tao sa loob ng CR sa
oras na iyon maliban lang sa kanya…
(Cris at Stan)

Binuksan ni Cris ang isang kending Snowbear


at kinain. Binigyan niya rin si Stan at nagtungo na
sila sa playground. Pagdating nila doon, tiningnan
ni Cris si Stan.
“Nararamdaman mo ba iyan?” tanong niya.
“Oo, parang may tumitingin sa atin sa malayo.”
sabi ni Stan. Tiningnan nila ang buong paligid,
walang tao.
“Kunin mo na ang camera, Stan. Magsisimula
na tayo.” sabi ni Cris. Kinuha ni Stanang camera sa
kanyang bag. Habang kinukuha niya ito, nakita
niya namay message sa cellphone, binasa niya ito:
“Wlang multo d2 sa CR ng grls. Punta na kmi ng
greenhouse.” Nagreply naman siya: “Okay. Bsta
wag nyo klmutan na ang meeting place natn ay sa
quadrangle.” Pagkatapos niyang i-text ito sa mga
babae, sinend niya rin ito kay Tony.
Binigay ni Stan ang camera kay Cris at nauna
na siyang lumakad patungo sa palaruan. Hindi pa
sila nakakalayo nang may nirinig silang sigaw ng
babae...

(Tony)
Ang pangalawang message ay galing sa isang
tao na wala namansa contacts ng cellphone.
Binasa pa rin ni Tony ang linalaman dahil baka
galing ito kina Mayelle.
“Tingnan mo ang screen ng iyong camera...”
Namutla si Tony. Pakiramdam niya, merong
multong nakatayo saharap niya. Ipinikit niya ang
kanyang mga mata at nagsimula siyang magdasal
ng “Ama Namin”. Hindi siya titingin sascreen ng
kanyang camera, pangako niya sa sarili. Nag-
vibrate ulit ang cellphone. Nagdalawang isip siya
kungtitingnan pa niya ang message. Unti-unti
niyang binuksan ang kanyang mga mata at
tiningnan kungsino nagpadala ng text. Si Cris ang
nagpadala, pwede niya itong tingnan. Binuksan
niya ang message ngunit wala siyang nakitang
nakasulat. Pinindot niya ang scroll down ng ilang
beses at nakita niya ang mga salitang nagpahinto
ng isang tibok ng kanyang puso...
“Tumingin ka sa screen...”
At sa hindi malamang dahilan, nanginginig na
itinaas ni Tonyang kanyang ulo at tiningnan ang
screen. Wala siyang multong nakita, mga puno at
halaman langang naroroon. Biglang tumawa ng
mahina si Tony. Wala man palang multo. Siya man
langang tumatakot sa kanyang sarili.
Magpapatuloy na sana siyang lumakad nang
biglang may boses ng matandang babaeng
bumulong sa kanyang kaliwang tenga...
“Nandito na ako...”
Biglang may matalim na tumusok sa kanyang leeg
at ibinaon pa ng mas malalim...

(Sara at Mayelle)

Sinipa ni Sara ang pinto at nagmadaling


lumabas ng CR. Nagulat naman si Mayelle nang
nakita ang kanyang kaibigan natumatakbo, kaya
hinabol niya ito. Nang abutan niya si Sara, nakita
niyang namumutla at nanghihina ito.
“Sara, ano nangyari? Ano nangyari? Sabihin
mo.” wika ni Mayelle sa barkada.
“M-m-may...b-bata...s-sa...CR.” takot na sinagot
ni Sara si Mayelle.
“Huh? Anong bata? Wala namang tao saloob ng
CR, maliban lang sayo. Anong pinagsasabing
mong bata?” tanong ni Mayelle. Tumayo siya at
binuksan ang pinto. Pumasok siya at ipinakita kay
Sara na walang bata o tao sa loob ng CR.
“Anong bata, Sara? Wala naman akong nakikita
dito ha?”
“N-n-nasa...l-likod...m-mo...n-n-na!”
“Ano?!”
“Nasa likod mo na!!!”
Lumingon si Mayelle at nakita ang batang
babaeng may hawak nakutsilyo. Sumigaw si
Mayelle at nagtankang tumakbo. Pero huli naang
lahat. Wala na ring nagawa si Sara kung hindi
panoorin kung paano pinatayang kanyang
kaibigan. Pagkatapos saksakin ng bata si Mayelle,
nakita ni Sara na lumalapit na itosa kanya. Gusto
niya sanang tumakbo pero hindiniya kaya. Naging
mabigat kasi ang kanyang mga paa. May
naramdaman na lang siyang isang madulas na
bagay na dumaan sa leeg niya. At biglang dumilim
ang mundo para kay Sara...

7:09 ng gabi

Naka-duty si Guard Sanchez saoras na iyon.


Tahimik siyang umiinom ng mainit na kape sa
kanyang upuan habang nakikinig ng musika sa
radyo nang biglang naputol ang tugtog at may
nagbalita ng breaking news.
“Pasensya na po para sa mga nakikinig, pero
ang inyong kaligtasan ay ang numero uno naming
prayoridad. Merong kasing kapapasok na
importanteng balita lamang...” sabi ng DJ.
Nilakasan ni Sanchez ang radyo at nakinig.
“Kaninang mga ala-sais ng gabi, natagpuan ng
mga security guard ng “Dr. Arevalo Confinement
Institute” na may nakatakas na dalawang lalaking
menor de edad na wala sa kanilang pag-iisip. Ang
mga pangalan nila ay si Bert Marco at si Dumas
Kenyo. Nagbabala ang mga pulis na kung sino
man ang makakita sa dalawa, ay umalis kaagad sa
kanilang lugarat ibalita sa pinakamalapit na police
station. Babala po sa mga tao, ang mga suspek ay
kinikilalang bayolenteat mga mangloloko. Kaya
para sa mga nasa labas ng bahay, pinapayuhan
kayo na umuwi na at i-lock ang mga pinto...”
nagkaroon ng konting paglabo ng tinig at
nagpatuloy ulit “...Pinapasabihan rin ang mga
lugar na malapit sa ospital na mag-ingat. Sila ay
posibleng nandiyan na sa inyong lugar......at
magpapatuloy po tayo sa ating musika...”
In-off na ni Sanchezang radyo. Kinuha niya
ang kanyang batuta at flashlight. Iikutin niya ang
buong paaralan para i-tsek kung hindi nakapasok
ang mga suspek...

7:17 ng gabi

Tinanggal ni Cris ang kanyang mahabang wig,


paldaat puting pulbo sa mukha. Nakangiting
sinalubong niya si Stan sa quadrangle habang
nagkakanta ng “Makulay ang Buhay”.
“Asan na si Tony?” tanong pa niya kay Stan na
pakanta.
Ngumiti si Stan at sumagot...”Ayon na siya.
Namamahinga na kasama ang mga damo.”
Tumawa silang dalawa at nagsayaw ng paikot-ikot
habang kumakanta ng “Twinkle, Twinkle little
star...”
Tumigil si Stan sa pag-ikot at tinanong si Cris.
“Eh, ano naman yung mga babae?”
“Hahahahaha!!! Lumalangoy na sila sa
kanilang sariling dugo! HAHAHAHAHA!!!!” halakhak
naman ni Cris.
“Magaling, Master Dumas. You’re the best.”
sabi ni Stan
“Thank you Sir Bert. Same to you.
HAHAHAHA!!!” wika ni Cris.
Nagtatawanan sila habang pasayaw na umalis
sa paaralan. Ang kanilang mga damit ay para sa
dalawangestudyanteng sadyang buhay nuon. At
sa ilalim ng liwanagng buwan, sila’y tumatalon,
naghahalakhak at kumakanta. May isang bagay
lamang silang dala, at ito’y kumikinang. Ang
kutsilyo...ang madugong kutsilyo...

5:48 ng hapon
Si Cris De la Luna at Stan Villanueva ay
lumabas sakanilang bahay at nagkita sa waiting
shed malapit sa paaralan. Tuwang-tuwa sila at
matutuloy na rin ang pinakahihintay nilang ghost
hunting.
Papunta na sana sila ng may humarang sa
kanilang daan na dalawang lalaking naka-
unipormeng puti na may nakasulat sa harap
na“Inmate”. Nag-iba sila ng daan pero hinarangan
pa rin sila ng mga lalaki. Alam na ni Cris kung ano
ang susunod na mangyayari dahil isa sa mga lalaki
ay naglabas ng isang kitchen knife. Tumakbo sila
ni Stan palayo pero hinabol pa rin sila ng mga ito.
Tumakbo sila ng tumakbo hanggang makaabot
sila saisang ilog kung saan sila nahuli ng mga
baliw. Tinangka pa nilang lumaban pero naunahan
sila. Pagkatapos paslangin ng mga kriminal ang
mga bata, nabasa nila sa cellphone na merong
pupuntahanang mga estudyante. Tiningnan ni
Dumas si Bert. Alam nilang mas marami pa silang
mabibiktima, kaya kinuha nila ang damit ng mga
bata at nagtungo sa malaking paaralan. May plano
na sila...

Epilogue
Kinabukasan, dumating ang mga pulis sa
paaralan dahil sa tawag ni Guard Sanchez. Kinuha
nila ang mga malamig na bangkay ng dalawang
batang babae at isang lalaki. Sa hapon naman,
nadiskubre nila ang mga katawan nina Cris De La
Luna at Stan Villanueva sa tabing isang ilog.
Sa tulong ni Detective Gabriel Nidon,
nagkaroon ng masusing paghahanap sa mga
salarin. Pagkalipas ng ilang araw, nahuli rin ng mga
pulis ang mga suspek. Isinakay sila sa mobile ng
pulis.
Sa loob ng kotse, ngumiti si Dumas at
tiningnan si Bert. Tiningnan naman ni Bertang
katabing lalaki. Alam niya kung
anoang ibig sabihin ng ngiting iyon. Merong ulit
silang papatayin. Ngumiti rin si Bert ng tila
demonyo. At habang nakaposas ang kanilang
dalawang kamay, inilabas nila ang dalawang
malaking karayom sa kanilang mga bibig...

Wakas…
Multo, 2009 © SuratosBooks; All Rights Reserved.

You might also like