You are on page 1of 70

Tagalog Horror Stories(The Forbidden Stories)

by le_anne13zzz

"Hindi ka nag-iisa, dahil lagi silang nandiyan..NAGHIHINTAY at UMAASANG MABUBUHAY


MULI"

=================

Tagalog Horror stories

Author's note

HELO! ^_^ andito nanaman si ako! XD..

yung ibang story ay totoo, yung iba hindi kung baga half-half xD

sorry kung may topak ako XD

hope mag-enjoy kayo!! and wait pala yung ibang story dito ay came from my friends
na totoong nangyari sa buhay nila..

yun lang ^___^

====

=================

#1: tagu-taguan

A:N:

REAL STORY

ito ang uunahin kong ikwekwento.. Grade 7 kami noon and nagkayayaan magkwentuhan
about multo at ako ay excited makinig at mag-share alam nyo naman ang lola nyo
masyadong adik sa ganonng mga bagay! wait lang before i continue may weird thing
akong napapansin habang tinatype ko ito.. ewan ko naluluki ata ako pinagmamasdan ko
kasi ung "AND" na nakasulat pagkatapos nong "NOON" kanina pa galaw ng galaw -,-
tiningnan ko naman yung iba pero yun lang yung natatanging gumagalaw >.< dedmahin
ko na nga lang.. tapos unang nag share ay ang kaklase kong si Jercel..
+===+===+===+

TAGU-TAGUAN

Elementary palang noon sila Jercel ng nagkayayaan silang maglaro ng tagu-taguan...


Ang school daw nila ay ang katabi ay gubat, sa likod noon ay may abandunadong
classroom na dati ay nasunog, pero hindi ko alam ang dahilan, pero buo pa rin naman
daw yung classroom nasunog lang yung mga gamit na maaring masunog, katulad nalang
nung bubong at mga upuan at kung ano-ano pa,pero may pintuan parin naman ang
nasabing classroom kaya't pumunta daw sila doon upang magtago..

"Jercel, ayan na ata siya sarado natin yung pinto.." yaya nung isa niyang kaklase..

May naaninag daw siyang papunta sa pintuan kaya't sinilip niya ito sa pamamagitan
ng pagsilip sa baba ng pinto ngunit... laking gulat nalang ni Jercel ng..

May nakasilip rin sa kanyang bata at lapnos na ang mukha nito at ngumiti pa ito ng
bahagya. Nagulat siya at sumigaw..

Sabi ng kaklase niya baka daw nakasama yung batang iyon sa sunog na nangyari sa
classroom noon..

Kaya mula noon hinding-hindi na sila bumalik sa classroom na iyon..

Ayaw na kasi nilang makagambala pa.. Ayaw na nilang...

Malaman ang tunay na sekreto na nakakubli sa pagkasunog ng classroom na iyon..

+++++++++++++++++++++++

=================

#2: Classroom 40

Author's Note (LE_ANNE13ZZZ POV)

Real story uleet btw... si marxrenisze and tsukiona ang nagkwento nito, kwinento
lang ito sa kanila!! ^___^.. hope mag-enjoy ulit kayo..!!! >.<

A/N (TSUKIONA'S POV): Si tsukiona po to.. pinatype lang po saken ni le_anne13zzz


kasi ako and my friend marxrenisze ang nakakaalam ng story.. so enjoy!!
++++++++++

CLASSROOM 40

Hapon nun nung magkakwerentuhan kami ng mga ssg officers at representatives na


naranasan naming mga nakakatakot.. Nang mag-share Ate Bino about nung naranasan
niya nung First year palang siya...

Sabi niya may occassion na magaganap nung araw na yon.. Nagplano silang lahat na i-
susurprise nila yung adviser nila kaya nag-aga si Ate Bino-- LITERAL na maaga
nun... Halos mag a-alas cinco palang nun ng madaling araw..

Marami siyang dala.. Puros mga pang-decorate sa room nila... mga kartolina, colored
papers.. atbp... Pagkapasok palang niya sa clasroom ay nagstart na siya sa pag-
decorate..

Madilim palang nun... Ilang minuto palang ang nakalilipas.. nakaramdam siya ng
hangin na tumama sa likod niya.. pagtingin niya, naggalaw rin ang mga kurtina.

Pero, nang lumapit siya sa may bintana at sumilip.. nagulat siya nang makita niyang
wala namang hangin sa labas, wala ring gumagalaw sa labas na mga puno.. Nagduda na
siya.. Pero, dinedma na lang yon ni Ate Bino..

Nagpatuloy siya sa paggawa hanggang sa....


Nagkisap- kisap ang ilaw sa classroom nila..

At parang may nagbubulong na daw sa kaniya nang oras na iyon.

At alam niya sa sarili niya na wala siyang kasama doon.. Maliban na lang sa
gwardiya na nasa entrance ng school nila.. At ang classroom naman niya ay nasa
pinalikod at pinakaloob na parte ng school..

Nakaramdam na siya na hindi na siya nag-iisa..

--

Mula noon marami ng mga estudyante ang nakakaranas ng ganoong experience sa


classroom 40.. sabi nila bata raw ang nandoon, naghihintay ng makakalaro..
naghihintay ng hustisya..

++++++++++++++=

hehehey yow yow hahaha c le_anne13zz na itech! hey you! oo ikaw! na nagbasa nitong
story na ito.. you can share your nakakatacute na experience sa akin just pm me!!
and asahan mong ipupublish ko iyon dito sa tagalog horror stories and idedecite ko
itow sayow okay!! hehehe pm nyo lang ako ^_________^ <3
=================

#3:Video

A;/n: a real story nanaman!!! nangyare po ito nung elemantary palang po kami bale
grade 6 po kami! ^______^ my gaadd gabi ko pa inupdate hahah baka di ako neto
makatulog!!!

>>>>>>Video<<<<<

Hapon na noon at mga cleaners kami kaya naiwan kami sa room.. dahil wala na kaming
teacher ay naglaro kami, pero di kalauna'y naboring kami, kaya..

"Alam ko na Karen, pahiram nga ng cp mo!" sabi ko..

"Ha? Aanuhin mo?"

"Magvivideo ako! Tapos titingnan natin kung may multo dito sa room!" sagot ko.

Pumayag naman sila kaya't nagvideo ako sa room, pagkatapos ay pinanuod namin ito,
pero wala naman kaming nakita, medyo nadismaya rin kami nun, kaya't nagvideo ulit
ako.. Hangang vinedeo ko yung likod ng room namin, doon kasi ay may bahay pero may
nakatira doon.. Pero nung vinideo ko yun ay umalis yung may-ari.. Sa bintana ko yun
vinideo, nakatingin lahat ng mga kagrupo ko sa cellphone habang nag-vivideo ako,
hangang..

May nakita kaming puting gown na pumasok sa bahay.. Kaya't nagulat kami..

"Ja-jalene sa ma-may papaya.." sabi ni Karen.. Nanginginig kong ginilid yung phone
para mavideohan ang puno ng papaya na nasa loob ng bakuran ng bahay..

Laking gulat namin ng may babaeng nakatayo doon nakaputi ito at mahaba ang buhok!!
at nakatingin sa amin..

Hindi kami nag atubili pang magtagal sa room.. kanya-kanya kaming hilahan ng damit
at bag.. At tumakbo palabas ng room...

Hangang ngayong nakagraduate na kami ng elementary, ay isang misteryo pa rin sa


aming mga nakakita sa babae. Kung sino ito, at bakit ito nagpakita sa amin...
>>>>>>>>>>><<<<<<<<<<<

=================

#4: Sa ilalim ng puno

halo! wahaha ud din pag me tym! btw. this is a true story daw.. haha may 'daw'!
ewan ko sa nagkwento sa akin kung totoo to basta, sha-share ko na din kasi
nakakatakot eh!

>>>>>> sa ilalim ng puno<<<<<

May isang bata na tumatakbo papunta sa ilalim ng puno, isa siyang batang babae.. at
ate siya ng kaklase ko na itatago ko na lang sa pangalan na Anelyn.. bata palamang
raw ito ay nakakakita na ng mga bagay na di pangkaraniwan..

Tumakbo siya papunta sa ilalim ng puno.. upang magtago..

Biglang umihip ang malamig na hangin, na dumampi sa makinis na balat ng bata..


napatingin siya sa paligid.. pero walang tao roon, sa di kalayuan ay naroon ang
kapatid niya na nagbibilang pa rin sa kanilang taguan..

Nagtago siyang mabuti sa likod ng puno.. pero naroon parin ang malakas na hangin..
napatingin siya sa likuran niya at laking gulat niya..

Nang makita niya ang isang babae na duguan at nakalambitin ang mga mahahabang kamay
sa sanga ng puno.. napatakbo ang bata sa sobrang takot.. at ikinuwento ito sa
kapatid niyang si Anelyn..

Hangang ngayon ay hindi nalilimutan ng kapatid ni Anelyn ang nangyari sa kanya..


dahil kung tatanungin siya, sa lahat ng nakita niya ay ito ang pinakanakakatakot..
kaya kahit ngayong college na ito ay di nya parin ito nalilimutan..

at hangang ngayon raw ay naroon pa rin ang babae sa puno nakalambitin, nais makamit
ang matagal na gustong makamtan... ang

HUSTISYA..

___

=================

#5: babae sa bintana


wahh tagal kong di nakapagud mwehehehe sari poww... btw. another real story po
itu.. shared by my friend.. enjoy..

>>>>>>>>>>>Si Ate<<<<<<<<<<<<

Pasko noon at matutulog na ang pamilya ni Mae (hindi tunay na pangalan) .. Pero si
Mae ay hindi parin dinadapuan ng antok ng mga oras na iyon, paikot-ikot sya sa kama
niya, tiningnan niya ang Ate niyang buntis na mahimbing na natutulog... Patay na
ang ilaw, tanging liwanag na lamang sa bintana ang nagsisilbing ilaw sa loob ng
kwarto ni Mae at ng ate niya..

Umupo si Mae sa kama niya, tumingin siya sa bintana at nakakita siya ng isang anino
ng babaeng buntis na nasa may bintana nila mahaba ang leeg nito at payat.. itinaas
raw nito ang kamay nito na may hawak na kutsilyo na isasaksak sa tiyan nito..

Agad niyang ginising ang ate niya pero ang tanging sinabi lang nito sa kanya ay..
"Matulog ka na.."

Kahit takot na takot si Mae ng oras na iyon ay sinunud niya ang ate niya, agad
niyang tinaklob ang kumot sa mukha niya hangang makatulog siya..

Kinabukasan ay ikiwinento niya ito sa pamilya niya, pero laking gulat niya ng
ikwento niya ito sa ate niya na kasama niya sa kwarto, ay sinabi ng ate niya na
hindi daw siya nagising ng oras na iyun at hindi rin daw ito nagsalita..

Pero pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi na muli nagpakita ang babae sa


bintana kay Mae.. pero hangang ngayon isang misteryo parin para kay Mae ang
nangyari,, hangang ngayon ay hindi niya parin alam kung ano ang ipinapahiwatig ng
babae sa bintana sa kanya..

*********************

Pero po ngayon naman po ay nanganak na po yung kapatid ni Mae.. ^_^

salamat po sa pagread..

=================

#6: Induction

Sorry sa matagal na update! well real story po ito ulit!!

>>>>>>>Induction<<<<<<<
Nangyare ito ng grade 7 kami, nagkaroon noon ng induction ang mga magulang sa
school, dahil wala akong kasama sa bahay ay minabuti ng mama ko na isama nalang
ako, kung hindi ako nagkakamali ay 7:00 ng gabi iyon..

Pagdating ko doon ay dumating rin ang iba kung kaklase.. dahil induction nga iyon
ng mga magulang ay medyo naboring kami kasi wala kaming ginagawa.. dahil dun
napagpasyahan namin na pumunta sa second floor building ng school.. medyo madilim
doon, tanging ilaw lang sa quadrangle ang nagbibigay liwanag doon, dahil dito ay
naglokohan kami..

"Ano daw ano may katabi akong white lady, parang rawr! hahaha" biro ko..

"Tapos may pugot na ulo!" biro naman ng isa kong kaklase..

"Basta mamaya may katabi na dyan si Angel (di tunay na pangalan)" biro ko sa
kaklase ko..

Dahil naglolokohan nga kami ay minabuti kong bumaba at picturan ang mga kaklase ko
sa taas..

Maya-maya pa ay bumaba narin sila..

"Oy patingin daw nung pic." sabi nung isa kong kaklase..

Tinignan namin yung mga picture na kinuha ko ayos pa naman sana yung iba pero..
laking gulat namin ng makita namin si Angel na may katabi..

Balikat lamang ang nakita doon, nanlumo kami kulay puti ang suot nito at sa sumunod
pa ay unti-unti itong umuusog na wari ba ay tumatago.. sa sobrang takot namin noon
ay agad namin yung dinelete at hindi na kami pumunta doon..makailang araw matapos
ng mangyare yun nalaman namin na may multo daw talaga doon sa second floor building
na iyon at may ilang kwento rin ang nalaman namin na nagpapatunay dito.. hangang
ngayon ay misteryo parin kung bakit may multo doon, at hangang ngayon raw ay
nandoon parin ang multo..

********************

okay.. nagtatas ang mga balahibo ko kapag naalala ko yon! pero yung sinasabi ko pon
mga kwento tungkol dun sa mumu ay ikwekwento ko rin po dito sa mga susunod ko pong
ud! salamat po sa pagread!

=================

#7: DLC
HELOOOOOOOOOOO haha now lang muli nakaud XD salamat sa mga bumabasa po nito ha! ^^
well this story is connected dun sa #6 well sabi ko naman sa inyo diba ikwekwento
ko rin yung iba na kwento about dun sa building na yun! madaldal kasi ako haha XD
ito po ay kwinento sa amin nung filipino teacher namin nung grade 7 kung di ako
nagkakamali pero ang pagkatanda ko is sya yung nagkwento nito sa amin.. ^^ so
enjoy!

>>> DLC <<<<

Malapit ng magnovember noon, bale malapit narin ang sem break pero before
magbakasyon ay nagkaroon kami ng leksyon sa filipino about sa mga bagay na
kinakatakutan namin, at dahil ganun nga ang leksyon ay nagflow ang story namin
about ghosts and etc. at ang teacher namin ay nagshare ng mga kwentong nakakatakot
na narasan niya at naikwento sa kanya at isa rito ang naging karanasan ng mga
dating DLC ng school namin..

Araw-araw ay may praktis ng DLC sa main campus, tudo praktis ang mga ito lalo na
kapag may nalalapit na laban.. at madalas ay inaabot na sila doon ng gabi..

Isang araw daw ay nagpraktis ang mga dlc at inabot nanaman sila ng gabi, mga 7 na
noon (kung hindi ako nagkakamali) ay nagpahinga sila at nakarinig sila ng palakpak
sa taas ng building, malakas ito.. sa una akala nila ay may estudaynte pa roon..
pero hindi natigil ang palakpak at wala rin silang makitang tao roon lalo na at
madilim na doon kaya minabuti nilang tingnan iyon, tumaas ang mga dlc sa madilim na
building at wala silang nakita na estudyante o kahit na ano. Nang paalis na sila ay
biglang silang nakarinig nanaman ng palakpak at nangangaling pala ito sa isang room
na nasa building, pero nakalock na ito kaya imposibleng may tao pa roon.. sa takot
ay nagmadaling bumaba ang mga estudyante..

Hindi na muli nangyare ang insidenteng iyon.. pero makalipas ang mga taon ay di pa
rin nawawala ang nasabing multo roon at patuloy parin siyang nagpaparamdam hanggang
ngayon..

>>>>>>>>>>>><<<<<<<<<<<<,

the fox yung feeling na gabi na tapos magisa ka at nilalaramig ka na tapos kung
ano-ano na naiimagine mo at sobrang bilis narin ng heartbeat mo dahil sa sobrang
takot habang tinatype to haha XD

#takotoverload

=================

#8: English room

Heloooo!! ^^ ito ay shinare ng teacher namin sa English nung grade 7 kami.. ito po
ay base on her experience sa English room ng campus namin noon..
>>>English room<<

Nagsiupuan na kami sa sahig at nakinig sa kwento ng Teacher namin about sa


kababalaghang naganap sa English room..

Ilang taon narin ang nakakalipas noon ng naganap ang pangyayaring ito.. Nagsiuwian
na raw ang mga estudyante at naiwan sya sa room ng english room dahil may gawain pa
raw siyang kailangang tapusin ng panahong iyun.. Kampante naman raw siya dahil may
guard ang campus at may ilang teacher rin ang naiwan sa kani-kanilang room..

Siguro mga 6:00 p.m na iyun (kung di ako nagkakamali) napalingat daw siya sa
bintana ng room ng may nakita siyang lalaking nakatayo at nakatingin sa kanya sa
bintana.. naisip nya na baka estudyante iyon kaya sinabihan nya daw na..

"Umuwi ka na aba gabi na.." sabi niya.. pero hindi daw ito sumagot..

Binalik nya ang tingin nya sa ginagawa nya, siguro within a second tumingin uli
siya dun sa bintana pero wala na daw ang lalaki.. napaisip raw siya dahil mataas
daw yung room imposibleng may makatayo daw sa likuran upang silipin siya.. at isa
pa hindi daw pamilyar ang mukha nung lalaki at mukhang hindi rin daw ito
estudyante.. Tumayo siya at lumabas upang tingnan kung may estudyanteng lumabas sa
gate pero wala siyang nakita.. imposible naman daw na makalabas ito agad-agad ng di
nya manlang nakita.. kaya naisip nya estudyante kaya yung nakita nya o..

Taong patay na...

---

Pagkatapos niyang magkwento ay nanlamig kami at in the same time kinilabutan..

Dahil nandun kami mismo sa room na ikwinikwento nya..

Natapos na ang klase namin sa kanya..

Lumabas na ako at pumunta na ako sa math room pagkadating ko roon ay dumating na


rin yung mga kaklase kung sweeper nung time na yun lahat sila mukhang takot na
takot at namumutla..

"oh anong nangyari?" tanong ko..

"Yung sa e-english r-room grabeehhh! nung nagswesweeper kami biglang umusog yung
isang upuan na katapat nung bintanang sinasabi ni mam grabe natakot kami! eh wala
namang umusog oh ano, kitang kita namin kusang gumalaw yung upuan!" paglalahad nung
kaklase ko..
"weehhh?" sabi ko naman..

"Talaga Jalene nakita namin!" sabi pa nung isa.

"okay sabi nyo!" sabi ko.. hindi naman ako naniwala dahil baka gumagawa sila ng
kwento..pero pagpumupunta kami doon ewan ko ba pero parang feeling ko may
nakatingin sa amin.. at tumataas ang mga balahibo ko..

(p.s: kasama po sila tsukiona doon sa mga sweeper kaya alam din nila yun ^^)

------------

=================

#9: Selfy

XD Medyo epic yung title.. sorry!! hehe alam kong napangiti ka dun sa title,
aminin!.. oh di kaya naman naweirdohan..-__-.. hihi well ito ay share sa akin ng
kaklase ko na di ko gaano close pero ng dahil sa bagito at kadaldalan ko ayun
napadpad ang usapan naming dalawa sa horror at ito ay isa sa kanyang naishare ito
po ay real story (as always naman po).. at oo nga pala kaya di agad ako naguupdate
kasi naghahanap ako ng mga horror story na totoong mga nangyari kaya yun.. kaya
ikaw, oo ikaw na nagbabasa nito... share ka naman ng story mo na true to life
ohh..plitthhh ^^

>>>>>Selfy<<<<

Mahilig ka bang magselfy? Minsan habang nagseselfy ka naisip mo bang..."Ano kaya


kong may nahagip sa picture kong multo?" tapos pagkatapos mong magselfy ay.. may
nakita ka nga..

Nanaisin mo bang magSELFY muli?..

****************

Pagllalahad ni Junel (di tunay na pangalan):

Hapon noon nasa kwarto si Junel... dahil wala siyang magawa ay lumabas siya at
hiniram niya yung cellphone nung kaibigan niya upang maglaro.. at muling bumalik sa
kwarto niya.. Nang mga sandaling iyon ay naboring nanaman siya..kaya ninais niya na
lamang magselfy..

Selfy siya selfy..ilang litrato rin ang nakuha niya.. pagkatapos noon ay isa-isa
niya itong tiningnan..

Makalipas ang ilang segundo ay may nakita siyang kakaiba sa isa niyang litrato
dahilan upang balikan ito at izoom ang bagay na iyon..

Nagulat na lamang siya at biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng unti-unting
nabuo ang larawan...

Nakita niyang may katabi siyang isang lalaking nakabarong..kung tatansyahin ay


matangkad ito.. nakabalot ang ulo ng sako..

sa sobrang takot ay lumabas siya at dali-daling pinuntahan ang kaibigan..

pinakita niya ang litrato at siya ay nagkwento..

pagkatapos niyang magkwento ay sumagot ang kanyang kaibigan ng..

"Naku Junel maaring kaluluwa yan nung pinatay dito.. bale kasi pinatay yung lalaki
tapos binalot ng sako ang mukha.. kahapon lang nakuha yung bangkay niya.. at ngayon
isang malaking katanungan para sa mga pulis kung saan nangaling yung pinatay at
yung pumatay..."

nanlumo si Junel sa sinabi ng kaibigan.. sobrang takot ang naramdaman niya at


nasabi sa sarili na..

Hindi na muli akong magseSELFY..

*********************

wmwehehhe ayus ba? marami pa siyang nakwento sa akin pero isa-isa ko munang
ikwekwento sa inyo mahina ang kalaban hehehe.. sige thanks sa pagbasa! ^^

=================

#10: Sino siya?


Helooooooooo nandito nanaman akuuuuu! ud ud din pag me time! ito pa ay isa doon sa
shinare sa akin nung nagshare din nung story ng #9 selfy..

~*~

Naniniwala ka ba sa aswang? tulad ng nakararami, pag ako ay tinanong nyan ang


sinasabi ko "oo, yung author ng story na ito mukhang ASWANG, tsaka yung diba ang
ASWANG yung nangagapang ng lalaking may asawa!" ihiihi charottttttt~~~~~~

ehemmm..ehemmm

okay seryoso na tayo...

Naniniwala ka ba sa aswang? tulad ng nakararami, pag ako ay tinanong nyan ang


sinasabi ko "hindi" may mga bagay kasi na nagpapatunay na hindi totoo ang mga
aswang oh yung tipong mga haka-haka oh nabuo lamang sa imahinasyon ng mga
tao....Pero aminin man natin o hindi may mga bagay ding nagpapaTUNAY dito...

----SINO SIYA?-------

Ito ay based sa experience ng tita ni Junel (hindi tunay na pangalan):

SA panahon ng mga magulang natin diba uso ang sayawan? Nung dalaga pa ang tita ni
Junel ay mahilig daw ito sumali sa sayawan lalo na kapag kasama ang barkada nito..
Isang gabi ay nagkaroon raw ng sayawan sa bayan, tulad ng nakasanayan ay sumali
nanaman ang tita niya kasama ang mga barkada nito..

Mga hatinggabi na raw at tuloy pa rin ang sayawan.. pero napatigil ang marami ng
dumating ang napakagandang babae, "center of attraction" ika nga, maputi raw ang
babae, may mahabang itim na buhok at matangkad.. halos lahat ng mga kalalakihan ay
npapatingin dito yung iba pa nga ay minamanyak..

Nakisayaw daw ang babae, maraming lumalapit na lalaki sa kanya.. hangang tumigil
daw ito at lumapit sa lalaking kasama nung kabarkada niya.. yung lalaki kasing iyon
ay tahimik at hindi nakikisayaw..

"Sino siya?" tanong ng tita ni Junel, sa kabarkada niya..habang parehong


nakatingin sa babae...

Ngunit kibit-balikat lamang ang nakuhang sagot sa kasama..

Hinayaan na lamang nila ang dalawa, hangang sumapit ang oras ng kanilang pag-uwi,
Hindi na raw nila namalayan yung dalawa lalo't mga nakainum na raw sila...

"Mukhang may kinama na yung isa!" Wika ng kanilang kasama, (ang tinutukoy ay yung
lalaking sinamahan nung di nakikilalang babae)

Nagtawanan nalamang daw sila ..

Kinaumagahan, pagkagising raw nung tita ni Junel ay agad daw itong pinuntahan ng
isa sa kanyang kabarkada..

"Uy mare!!!! Alam mo bang nakita yung bangkay nung kasama ni ****** kanina sa ilog,
wak-wak yung dibdib at wala ng puso at may mga kalmot pa daw ng kung ano!!!!!"

Nangimbal raw ang tita ni Junel sa narinig..

At di nagtagal ay natunghayan nilang...ASWANG yung babaeng nakasama nila sa


sayawan..

**************************

=================

#11: Ang Aking Lolo

Hello! shared by, one of my bestfriends! kaye_popper15! Salamat sa pag-share!

Okay dahil sa tinatamad ako sa pag-type, di na ako gaano magdadaldal.. Hehehe

>>>>>>>>>>>>>>>>>Ang Aking Lolo<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

Mahal na mahal ni Kaye ang lolo niya, dahil masayahin ito at mapagmahal.
Hilig ng lolo ni Kaye kumanta, lalo na yung mga sinauna. Sa katunayan kapag mga
paboritong kanta ng kanyang lolo ang pinapatugtug sa radyo, ay tiyak na sasabayan
ito ng lolo niya.

Pero lahat ng bagay ay nagbabago, dahil sa unti-unting pagtanda ng lolo ni


Kaye ay kasabay nito ang unti-unting paghina nito, hangang humantong na ito sa
kamatayan. Dahil sa pangyayari na ito ay lubos ang kalungkutang nadama ni Kaye,
lalo na't namatay ang lolo niya sa mismong tinutulugan nila ng kapatid niyang babae
ngayon.

Ilang taon na rin ang lumipas ng pumanaw ang lolo ni Kaye, pero hindi pa
rin maipagkakaila ni Kaye na mamiss ang kanyang lolo.

Isang gabi, pagkatapos ng kanilang gabihan ay dumiretso na si Kaye kasama


ang kanyang kapatid na babae sa kanilang kwarto upang matulog, dahil maaga pa
silang gigising dahil may pasok. Humiga na si Kaye, pero hindi niya parin
maramdaman ang antok..

Ilang oras ang lumipas ngunit hindi parin dinadapuan ng antok si Kaye,
nainggit na nga siya sa kapatid niya dahil mahimbing na itong natutulog.. Hangang
nakaramdam ng kakaiba si Kaye, nakaramdam siya ng lamig sa kanyang paligid..

Nagsimula na ring magsitayuan ang kanyang balahibo, napahawak si ng


mahigpit si Kaye sa kanyang kumot at pumikit siya ng mariin.. hangang nakarinig
siya ng malagom na pagkanta sa kanyang tenga.. na wari ba'y nagpapatulog..

Sa sobrang takot ay marahan niyang sinipa ang kapatid niya upang magising
ito.. ngunit mukhang mahimbing talaga ang tulog ng kapatid niya kaya bigo siyang
gisingin ito.. nanatiling nakapikit si Kaye hangang matapos ang pagkanta,, Dahil sa
takot na nadama ay nakatulog na siya.

Kinaumagahan ay tandang-tanda parin niya ang kanyang narinig ng gabing


iyon, batid niya sa kanyang sarili marahil ay ang kanyang lolo iyon.. Magkahalong
tuwa at kilabot ang naramdaman ni Kaye, dahil kahit wala na ang kanyang lolo, sa
sandaling iyon ay naiparamdam sa kanya ng lolo niya na mahal na mahal parin siya
nito at kahit papano ay nagmamalasakit parin ito kahit PATAY NA...

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>><<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

Kung kayo ang nasa kalagayan ni Kaye, anong mararamdaman niyo?

oo nga pala, ingat sa pagtulog mamayang gabi malay mo kantahan karin niya para
makatulog karin... =) ^^

Again, thank you kaye! for sharing =*

Kahit di gaano nakakatakot yung story, naipabatid mo naman, na lahat ng multo


hindi dapat katakutan kasi sila ay may nararamdaman pa rin kahit papano, tao parin
naman sila eh kaso nasa ibang mundo na nga lang sila nakatira ^^ tsaka someday
naman magiging ganun din tayo katulad nila eh..

=================

#12: The Devil's Hour


Hello!! sorry sa matagal na ud!!!!

__________________________

Tik.tak.tik.tak

Alas-tres na...

Parating na sila...

Wag kang mumulat pag may narinig ka..

Dahil..Hindi mo magugustuhan pagnakita mo sila..

Dahil pagpatak ng alas-tres ng madaling araw..

Lalabas sila at maghahasik ng lagim..

Dahil ang oras na ito ay ang..

"THE DEVIL'S HOUR"

____________________________

Gabi na, ngunit hindi parin makatulog si Felice.. Bagong lipat kasi siya sa bahay
na pinagawa ng magulang niya bago ang mga ito ay magsipanaw.. Mag-isa nalamang sa
buhay si Felice.. 26 taong gulang na siya, ngunit hindi pa siya nag-aasawa.. Masaya
daw kasing maging single, yan ang pananaw niya sa buhay..Palibhasa solong anak,
kaya sanay na siyang mag-isa..

''Sheet!!!" Bulalas niya, dahil hindi talaga siya makatulog..

Bumaba siya upang magtimpla ng gatas..

Napasulyap siya sa orasan, alas-tres na pala ng madaling araw..

Napamura muli siya, dahil maaga pa siya bukas, dahil may trabaho pa siya..

Pagkatapos niyang uminum ng gatas ay sumilip siya sa labas ng bahay niya dahil
narinig niyang nag-aalulong ang aso ng kapitbahay niya..
May naaninag siyang lalaki sa tapat ng gate ng bahay niya..

"Sino kaya yung gag*ng yun?" sabi niya sa kanyang sarili.

Kung magnanakaw man yun, wala siyang pakealam, dahil sigurado siyang bago paman
makatapak ang magnanakaw sa pintuan ng bahay niya, siguradong magkakalasog-lasog
ang katawan nito dahil pagsumasapit ang gabi ino-on niya ang mga laser sa kaniyang
garden.

Bumuntong hininga nalamang siya at umalis, paakyat na sana siya papunta sa kwarto
niya ng, nakarinig siya ng babaeng umiiyak sa kusina. Muli siyang bumalik sa baba
at doon ay nakita niya ang isang babae na nasa may lababo.. nakatilikod ito. Namuo
ang takot ni Felice, nagsimulang manginig ang buo niyang katawan.

"Si-sino ka?" tanong niya.. "..pa-pano ka nakapasok di-dito?" sabi nito..

Narinig niya ang mahina ngunit nakakatakot na tawa ng babae..

Biglang namatay ang ilaw.. Namuo ang pawis sa noo niya..

Gusto niyang sumigaw, ngunit hindi niya magawa..Gusto niyang tumakbo pero,
nanghihina ang mga tuhod niya..

Nakarinig siya ng mga bulong..maraming bulong..

"suscipiat in gehennam"

"suscipiat in gehennam"

"suscipiat in gehennam"

paulit-paulit, napatakip siya ng tenga..

"a-ayoko na!! Maawa kayo!!!!" sigaw niya kasabay ng pagpatak ng luha niya..

tumigil ang pagbulong at muling nagkaroon ng ilaw..

"lalala...elsa..wanna play?" napatingin siya sa may hagdanan at nakita niya roon


ang talking doll na pagma-may-ari niya noong bata pa siya..

Nangi-nginig parin siya.. nagsitaasan muli ang balahibo niya lalo ng makarinig siya
ng mga yabag pababa ng hagdanan..Hindi na niya hinintay makababa kung ano mang
klaseng nilalang iyon..

Dali-dali siyang pumunta sa pinto at binuksan iyon tumakbo siya palabas ng gate,
upang humingi ng tulong..

Ngunit bago paman niya magawa iyon..

Naramdaman niya na-unti-unting humihiwalay ang bawat parte ng katawan niya..

at bago paman siya mawalan ng malay, nakita niya ang mama at papa niya..

"Maligayang pagdating sa lugar natin anak..magkakasama na muli tayo.. halika sumama


ka sa amin sa..

IMPIYERNO.."

*******************************

Helo sorry sa panget kong story..har..har.. nga pla di po totoo yang pangyayareng
yan ha.. trip ko lang po gumawa ng horror hehe.. panget no?! hayaan nyo po ang #13
ay true story po ulit ^^ salamat po sa mga wlaang sawang naghihintay ng ud ko kahit
may katagalan, sa mga nagvovote po, thank you! o guyzz voice out your opinions!

thank you ule~

mwah~~

@Le_anne14zzz☺

"suscipiat in gehennam" a latin word of "welcome in hell" o "maligayang pagdating


sa impiyerno".

salamat sa google translator haha~ kung mali man yan pasensya, people lang XD
=================

#13: Friday the 13th

Hi! ito po ung sinasabi kong real story, ito po ay kwinento or tinext sa kaibigan
ko nung katxtmate niya and friend narin niya XD. Ito ay nangyari dun sa katxtmate
nya dalawang taon na ang nakakaraan.

Binago ko yung ibang scene, usapan, date, mga pangalan ng tao at kompanyang
nasangkot dito sa storyang ito upang sa ganoon ay hindi makaapekto ang naturang
kwento sa pangpribadong buhay ng sino man. Salamat.

~~~~~~~~~~~~~~~~

"HUWAG NA KAYONG TUMULOY DIYAN! DAHIL MAARING MAGAMBALA NIYO SILA"

~~~~~~~~~~~~~~~

JANUARY 13, 2012 (FRIDAY)

May mga magkakabarkadang itatago nalamang natin sa pangalang Tricia, Rex, Miguel,
Sunny at Arnold, sila ay mga highschool student sa isang sikat na paaralan dito sa
Bicol. Sa tagal nilang magkakasama hindi nila akalain na may mangyayari sa kanilang
nakakangimbal.

Buwan ng Enero noon, ng nagkaroon ang klase nila ng kumpil. Pagkatapos ng kanilang
kumpil ay agad tumungo ang magkakabarkada sa isang salon na pagmamay- ari ng
pamilya ni Rex. Napagkasunduan kasi nila na pagkatapos ng kumpil ay pupunta sila
roon upang magshooting ng ipapasa nilang proyekto sa Filipino.

“ Tol, adik ka ba? Paranormal/ Horror yung genre natin tapos sa salon tayo magsho-
shooting?” natatawang sabi ni Arnold kay Rex, habang papasok sila sa salon.

“Psh.. di naman kasi tayo dito magsho-shooting sa salon dun tayo sa 3rd floor, as
in tamang-tama yun sa genre natin..” sabi ni Rex at inakbayan ang kanyang kaibigan.

“Kaya ako sayo tol ay!” sabi naman ni Miguel..

“Hi tita!” bati ni Tricia sa ina ni Rex na itatago natin sa pangalan na Ella.

“Oh hi hija!” sabi nito at nakipagbeso kay Tricia at kay Sunny.


“O bat nga pala kayo nandito? Magpapasalon ba kayo?” tanong ni Ella sa mga bata.

“Actually mommy, hindi kami nandito para magpasalon, uhmm nandito kami para dun sa
shooting naming, doon sana kami magsho-shooting sa abandonadong room dun sa may 3rd
floor.” Pagpapaliwanag ni Rex.

“ahh, bakit dun pa? uy anak di yun sa atin, magpaalam kayo kapag may tao ha!” sabi
ni Ella..

Tumango naman si Rex.

“..nga pala nak 6:00 na, may pupuntahan pa ako.. so, ikaw nalang bahala magsarado
dito, aalis na kami nila Bakla” sabi ni Ella sabay inabot sa anak ang susi at
padlock ng salon.

“sige po.. kami na po bahala dito mommy,” sabi naman ni Rex.

“o siya mauuna na kami, wag kayong masyadong magpagabi ha and.. Rex again, huwag
mong kalimutan ilock dito okay?!” sabi ni Ella..

Pagkaalis ng mommy ni Rex ay agad pansamantalang sinarado ng magkakabarkada ang


salon upang sa ganun ay hindi mapasok ng magnanakaw ang salon, dahil iniwan nila
ang mga bag nila doon.

“uhmm Rex, may daan ba sa likod?” tanong ni Sunny.

“ahh yup, kasi sa pinakataas ng building may stockan ng mga foods, pero iba ang
may-ari nun, kaya yun may daan diyan.. Pero hindi kami diyan dumadaan.”

“woah! Astig, ang dami pala ditong pasikot-sikot no?” sabi naman ni Sunny.

Bagong lipat lang kasi sila Rex sa building na iyon kaya hindi pa gaano alam ng
kanyang mga kaibigan ang building na yun.

Napagpasyahan ng lima na pumunta na sa 3rd floor na sinasabi ni Rex...

“Gosh! Ang creepy.. hagdanan palang,” takot na takot na sabi ni Tricia.

“kaya nga ito ang pinili kong setting ng shooting natin eh..” sabi ni Rex..

Nang makarating sila sa kwarto na sinsabi ni Rex..


“MGA BATA ANONG GINAGAWA NYO RIYAN?” sabi ng isang matandang babae..

Sa sobrang gulat ng lima ay nagkamura-mura sila, bigla nalang kasing sumulpot ang
isang matandang babae.

“ah-uhmm lola, magsho-shooting sana kami dito para sa project namin..”


pagpapaliwanag ni Rex.

"HUWAG NA KAYONG TUMULOY DIYAN! DAHIL MAARING MAGAMBALA NIYO SILA" sigaw ng
matanda.

“guyzz, a-alis na tayo dito.” Nangi-nginig na sabi ni Tricia.

“LALO NA’T ISA SA SAINYO AY WALANG PANANAMPALATAYA, NANGANGANIB KAYO..” dagdag pa


ng matanda.

“pero po—“ sabi ni Rex ngunit hindi na siya pinatapos ng matanda..

“KUNG AYAW, NYONG MAKINIG BAHALA KAYO, BASTA BINALAAN KO NA KAYO..” sabi ng matanda
sabay umalis..

“woahh! That old lady really scared me hahhaha” sabi ni Miguel..

“shut up Migzz! mamaya marinig ka nun” sabi ni Sunny.

“Tol sino yun?” tanong ni Arnold kay Rex.

“I don’t know maybe tagabantay yun doon sa taas, pero don’t mind her maybe nanakot
lang yun.” Sabo ni Rex at binuksan ang pintuan ng kwartong pagsho-shootingan nila..

Dahil walang padlock ay agad nakapasok ang lima, sa pagpasok nila ay nagkaubo-ubo
sila dahil sa alikabok ng kwarto..

“oh my g.. it’s so dark here..” sabi ni Sunny..

“don’t worry guyzz...” sabi ni Rex sabay binuksan ang ilaw medyo, malamlam na ang
ilaw ng bumbilya, pero sapat naman iyon upang mailawan ang buong kwarto..

“wew.. ang creepy..” sabi ni Arnold habang ginagala ang mga mata sa loob ng
kwarto..

Wala ng ibang laman ang kwarto kundi ang nag-iisang wall clock an nasa sulok,
“Nice, look oh nagaandar pa yung wall clock..” sabi ni Tricia sabay turo sa wall
clock..

“tsk.. okay guyzz mamaya na tayo mamangha sa mga bagay na nandito, let’s start na
para hindi masayang ang oras natin, oh Tricia, suotin mo na ang bloody gown mo!”
sabi ni Rex, sabay inihagis ang costume kay Tricia..

Scene 1: Papasok si Sunny sa room then makikita niya si Tricia, pakikisapin nila
Arnold ang ilaw then sisigaw si Sunny.

Makailang cut ang nagawa nila, paanp ba naman kasi minsan natatawa si Sunny kay
Tricia and minsan naman nalalate yung pagpapakisap-kisap ng ilaw..

“CUTT!” sigaw ni Rex.

“..guyzz kulang yung emotion nyo lalo ka na Sunny.. please paki-ayos naman Scene 1
palang nagagawa natin” naiiritang wika ni Rex..

“o back to the scene,.. Tricia.. bat nandiyan ka halika na ditto!” siga ni Rex kay
Tricia na pinagmamasdan wall clock..

“tik..tak..tik..tak..” sabi ni Tricia

“hoy! Ano na!” suway uli ni Rex kay Tricia, ngunit hindi ito lumilingon..

Dahil sa inis ay napamura si Rex..

Ngunit napatigil ang lahat ng lumingon si Trcia sa kanila, nakatingin ito ng masama
kay Rex..

At may sinabi itong latin word..

“Tri-tricia stop playing games..ang creepy mo” sabi ni Sunny..

Pero, nagulat sila ng tumakbo ng napakabilis si Tricia at agad sinakal si Rex..

Nagpumiglas si Rex maigi nalamang at agad kinuha nila Arnold si Tricia.

“tol a-anlakas niya.. tulong sunny” sabi ni Arnold..

NGunit hindi magawang lumapit ni Sunny dahil sa takot..


Nagwawala si Tricia, sumisigaw siya ng mga latin words..

“I believe in God, the Father Almighty, Creator of heaven and earth; and
in Jesus Christ, His only Son, our Lord..” nagsimulang magdasal si Sunny..

At sumabay narin sa kanya ang apat..

“..itigil nyo yannnn!!!” wika ni Tricia na nanarak na ang mga mata..

Tumulong na rin si Rex at inihiga nila Si Tricia sa sahig..

Biglang nagsarado ang pintuan at namatay ang ilaw..

Napamura si Arnold at nagsimula ng umiyak si Sunny sa sobrang takot..

“TULOONG!!” sigaw ng apat..

“lalalalala...” nakakatakot na kanta ni Tricia..

At kasabay nito ang pagtawa niya..

Pero ikinagulat nila ng biglang bumukas ang pinto at naroon ang matandang nagbabala
sa kanila kanina..

May sinabi itong latin words at binuhusan ng holy water si Tricia hangang tumigil
ito sa pagwawala at tuluyang manghina.. bumukas muli ang mga ilaw..

“Sinabihan ko na kayo...ngunit hindi kayo nakinig.” Sabi ng matanda habang


nilalagyan ng holy water ang noo ni Tricia..

“sorry ho..” sabi ng apat habang umiiyak..

“umalis na kayo sa lugar na ito.. bago kayo umuwi dumaan kayo sa simbahan at
pabasbasan ninyo ang batang iyan at mga gamit na ginamit ninyo, idelete nyo rin ang
mga bagay na nakunan niyo rito... “ sabi ng matanda.

Sinunod naman ng Lima ang bilin ng matanda.. Bago sila umuwi ay agad silang dumaan
sa simbahan at pinaabasbasan ang mga gamit at si Tricia..

Ikwinento ng lima ang nangyari sa kanilang magulang ngunit bigo silang mapaniwala
ang mga ito.. Ganun pa man, simula noon ay hindi na sila bumalik roon, nagging
isang munting aral din ang pangayayaring iyon kay Tricia, simula noon ay nagging
malapit siya sa Diyos pati narin sila Rex..

“Guyzz.. naalala ko Friday the 13th pala nung alam nyo na..at oo nga pala may
sasabihin ako sa inyo nung araw na nasaniban ako.. alam nyo napunta ako sa lugar na
napakainit, nakakatakot ang lugar na iyon at....at... ewan!!.. pero ang pagkakaalam
ko Impyerno iyon..” sabi ni Tricia ng minsan silang nakasama-sama muli..

“Kalimutan na natin ang nangyare.. Tricia..basta magpaslaamt tayo sa Panginoon


dahil buhay pa tayo.. at ipromise mo sa sarili mo na hindi ka na babalik dun sa
sinabi mong napuntahan mo..okay” sabi ni Sunny sabay niyapos ang kaibigan..

**********************

Ayan tapos na hohoh.. o guyzz voice out your opinions! ^^

And don’t forget to pray every day oki..

Thanks for reading!

=================

#14: Emilyn (PART 1)

Helo, my dear readers! Ang Emilyn ay binubuo ng LIMANG part at ang istoryang ito ay
nabuo lamang sa imahinasyon ng may-akda. Salamat..

———————————————

"Bawat pagkakamali, pinagbabayaran..

At bawat pagkakasala ay may nakaatang na parusang..

KAMATAYAN.."

>>>>>>>>>>>>>>Emilyn (UNANG KABANATA)<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

"Ipa-abort natin ang bata." Wika ni Lucas sa kanyang asawang si Cristine.

Naghari ang katahimikan sa dalawa..


Napabuntong hininga si Cristine, bago nagsalita.

"Pero Lucas, pagpinalaglag natin ang bata...Magkakasala tayo.."

"Pero, Cristine yang batang yan ay ang bunga ng kademonyohang ginawa sayo ni
Raphael!" sigaw ng kanyang asawang si Lucas.

Napayuko si Cristine..

"L-lucas, hayaan mong iluwal ko ang bata, pwede naman nating iwan siya sa bahay
ampunan eh... Pero nagmamakaawa ako sayo.. Wag tayong PUMATAY!" pagmamakaawa ni
Crisitine sa kanyang asawa.

Mariin na pinikit ni Lucas ang kanyang mga mata, na wari ba'y nagtitimpi..

Napabuntong hininga siya..

"Sige, pero, pagniluwal mo ang bata...Iiwan natin siya sa ampunan.." wika ni Lucas.

Pilit na ngumiti si Cristine..

Ayaw niya mang isipin, ngunit nagbunga ang pangagahasa sa kanya ng isang
mangkukulam, mangkukulam na umibig sa kanya at iyon ay si Raphael isang mangkukulam
na nakatira sa kanilang lugar. Ngunit ayaw sa kaniya ni Cristine pagkat mahal ni
Cristine si Lucas, kaya naisip ni Rapahael na gahasain si Cristine dahil sa
obsession.

Makailang araw ang lumipas pagkatapos ng insidenteng iyon ay nabalitaan niya na


nagpakamatay si Rapahael..

Ilang buwan ang lumipas heto't nagbunga ang isang kasalanan.

Unti-unti ng lumalaki ang tiyan ni Cristine at hindi nagtagal ay nagluwal siya ng


isang batang babae at pinangalan nila itong Emilyn..

"Lucas, parang hindi ko na kayang itapon ang batang ito sa ampunan, napalapit na
ang loob ko sa kanya.." wika ni Cristine habang pinapatulog ang sangol na kanyang
karga..

"Alam ko, aminin mo man o hindi tangap ko.. Alam mo Cristine kahit masakit para sa
akin, tatangapin ko na ang batang iyan.. Pero, Cristine ipangako mo na ako ang
ipapakilala mong ama sa kanya.." malumanay na sabi ni Lucas.
Alam ni Cristine na masakit iyon para kay Lucas, sadyang maswerte lang siya dahil
nakakuha siya ng asawang katulad ni Lucas.. Mabait at maunawain..

Ilang taon ang lumipas, at lumaki si Emilyn na ang kinikikilalang ama ay si


Lucas.. Ngayon ay walong taong gulang na siya.

"Mommy, bat maraming sinungaling sa mundo? Bat maraming taong piliy na tinatago ang
katotohanan?.." wika ni Emilyn habang sinusuklayan ni Cristine sa harap ng malaking
salamin na nasa kwarto ng bata.

"Ha-ah anong ibig mong sabihin anak?" nagtatakang tanong ni Cristine.

"Wala naman po." Sabi ni Emilyn at matamis na ngumiti sa ina..

"Ikaw talagang bat aka! Oo, o siya naubos mo na ba yung milk mo?" tanong ng ina
habang inaalalayan ang anak sa paghiga sa kama..

Tumabi si Cristine sa bata at marahang hinalikan ang anak sa noo.

"Ikaw mommy... May sekreto ba kayong tinatago sa akin ni Daddy?"

Awtomatikong napakunot ang noo ni Cristine..

"Bakit mo naman natanong yun anak?"

"Wala po, naninigurado lang po, baka kasi...MAYROON KAYONG TINATAGO SA AKIN.."
nakangiting sabi ni Emilyn..

"Ano ka ba anak.. Wala.. Wala ka-kaming tinatago sayo.. Ma-maigi pa matulog ka na..
Masyado ka yatang napagod sa school.." sabi ni Cristine at agad na tumayo at
kinumutan ang anak.

"si-sige anak, Goodnight.." nauutal na sabi ni Cristine.

"psh... sinungaling.."

Pabulong na sabi ni Emilyn.. Ngunit sapat na iyon upang marinig ito ni Cristine.

"May sinabi ka anak?" tanong ni Cristine..

"Wala po mommy.. matutulog na po ako.." sabi ni Emilyn at muling ngumiti ng ubod ng


tamis..
Tuamngo nalamang si Cristine.. Hinawakan na niya nag doorknob ng pintuan ng kwarto
ni Emilyn.. Ngunit nangimbal siya sa huling sinabi ni Emilyn..

"...Goodnight... Cristine..... aking mahal.."

——————-

Naguguluhan at nabitin ba kayo? Well, simula palang naman kaya wag masyadong
ekzeyted oki! Hihi

Ey! Voice out your opinions bawala ng silent! Comment.comment.comment! ^^

"Never trust the girl named EMILYN"

=================

Special Chapter: Si Tita

Hi guyzz! ^^ pansamantalang puputulin ko muna po ang Emilyn dahil isisingit ko po


itong storyang ito na ibinahagi ng isang wattpad member po na si @kristinej_m.
Bale, piniem nya po ako XD, so thank you ate sa nakakakilabot mong story! So, heto
po ang kanyang maikling kwentong ibinahagi sa akin.

>>>>>>>>>>>>>>Si Tita<<<<<<<<<<<<<<<<

Pagsasalaysay ni @kristinej_m:

“Kasi po nasa province po kami.

Gabi na po noon at nanood kami ng drama sa telebisyon.

Habang nanood ako kasama ng tita ko ay nakatulog ako.

Nang gabing ding iyun, may narinig akong naglalakad sa may Sala.

Natakot ako at ginising ko ang tita ko ng pilit pero ayaw niya.

Saktong umuulan noon at habang may naririnig ako sa sala ay may narinig din ako sa
may haligi ng bahay na naglalakad Din.

Natulog na lamang ako at huminga ng malalim..Kinaumagahan, ay sinabi ko sa tita ko


ang narinig ko.

Sabi niya: "Ako iyon"

Pero diba katabi ko siya? Ha?

Papaanong naging siya iyon?”

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>><<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

So yan poi to po ay real story na ishinare sa atin ni ate @kristinej_m ^^

Salamat po ate! Hihi

O guyzz, patuloy parin akong tatangap ng mga nais nyong ishare na nakakatakot nyong
experience. Ip-m nyo nalamang ako! Salamat.

So, ituloy na natin si Emilyn hahaha but sa next ko ng ud ha! Medyo busy pa ako
ay ! wait, wait lang kayo ^^.

Nga pala, ingat sa pagtulog....

Malay mo..

Iba na pala ang katabi mo...

=================
#14.2: Emilyn (PART TWO)

Hello, sensya po sa matagal na ud ^^.

Hope mag-enjoy kayo!

-----------

Ilang beses kumurap si Cristine. Dahan-dahan niyang nilingon ang kanyang anak. Pero
mahimbing na natutulog na ang bata.

Natawa nalamang si Cristine, at naisip niya na masyado siyang pagod kaya kung ano-
ano na ang naririnig niya.

Tuluyan ng lumabas si Cristine at pumasok na siya sa kwarto nila ni Lucas..

Roon ay nadatnan niya ang kanyang asawa na nakaharap sa laptop..

"mukhang maraming gawain ang asawa ko ah.." sabi nito sabay niyapos at hinalikan sa
pisngi ang kanyang asawa..

"hmm.. Ansarap naman ng halik na iyan, nakakawala ng pagod, oo nga pala tulog na ba
si emilyn?"

"oo, hindi ka manlang nakapag-goodnight sa kanya.." sabi ni Cristine sa asawa


habang minamasahe ang mga balikat nito..

"tsk.. Oo nga eh, marami kasi akong work, I hope maintindihan yun ng anak natin.."
sabi ni Lucas..

Napatigil si Cristine, dahil naisip niya ang winika ng anak kani-kanina lamang..

"hon, may problema ba?" may pag-aalalang sabi ni Lucas..

"naisip ko lang kasi kanina, si Emilyn tinatanong ako kung may tinatago tau sa
kanya.."

"o tapos anong sinabi mo?"

"as usual ang sinabi ko wala.. Naisip ko lang, kelangan na ba niyang malaman? Total
malaki at may isip na siya, at siguradong maiintindihan niya na yun kung sasabihin
natin sa kanya.." sabi ni Cristine..
Naghari ang katahimikan sa dalawa..

Napabuntong hininga muna si Lucas bago ito nagsalita..

"sa ngayon, wag na muna.. Sasabihin nalang natin sa kanya sa tamang panahon.. Pero
sa ngayon, wag na muna.." sabi ni Lucas

Tumango nalamang si Cristine kahit hindi siya kumbinsido sa naisip ng asawa..

----

Kinaumagahan, tulad ng dati, ginawa ni Cristine ang routine niya..

Magluluto ng almusal, naghahain ng babaunin ng mag-ama niya at aausan si Emilyn..

"Hon, aalis na kami ni Emilyn.." sabi ni Lucas sabay halik sa pisngi ni Cristine..

Yumuko naman si Cristine upang maabot siya ni Emilyn dahil hahalik din ito sa
kanyang pisngi.,.

Humalik naman si Emilyn sa pisngi ni Cristine..

"mommy...wag kang makikinig sa sasabihin NIYA ha... Puro kasinungalingan ang


lalabas sa bibig NIYA.. Wag na wag kang maniniwala.." bulong ni Emilyn sa Ina..

"a-anong ibig mong sabhin anak.. Sino yung tintukoy mo?" tanong ng ina sa anak..

Ngunit isang matamis na ngiti lamang ang nakuha niya mula sa anak, pagkatapos nun
ay sumakay na ito sa kotse at tuluyan ng umalis..

Mahinang kumaway si Cristine..

Hindi niya lubos maisip ang mga sinabi sa kanya ng anak.. Napansin din niya na iba
ang kinikilos ng anak sa mga nakaraang araw. Napabuntong hininga na lamang siya at
tuluyag pumunta sa gate upang isarado ito..

Pero bago niya maisara ang gate nila.. Ay kinagulat niya ang isang malamig na kamay
na humawak sa braso niya..

Awtomatikong napatingin siya sa may-ari ng kamay na iyun at laking gulat niya ang
tumambad sa kanyang isang pulubing matandang babae.. Marungis ito at payat, malaki
rin ang mga mata nito..

"MAY KASAMA KAYONG DEMONYO SA BAHAY NYO, ISANG DEMONYONG SISIRA SA BUHAY NYO..
BINABALAAN NA KITA, DAHIL ANG DEMONYONG YUN AY NAIS MAGHIGANTI SA INYO AT NAIS NIYA
RING MAKUHA KA AT ISAMA SA IMPYERNO.. KAYA HABANG MAAGA PA..PUKSAIN NYO NA
SIYA...!" sigaw ng matanda..

"a-ano po? Hi-hindi po kita maintindihan!" sabi ni Cristine na gulong gulo..

" 'Te Cristine, sino kausap mo diyan?" tanong ng kapitbahay niyang nagwawalis..

Awtomatikong nakuha ang atensyon niya ng kapitbahay nilang, mukhang takang-taka..

"ha.. Ahh.. Yung.." nauutal na wika ni Cristine..

Tinuro niya ang matandang may hawak sa kamay niya ngunit, laking gulat na lamang
na wala na ang matanda.

Nakataas lamang ang kamay niya na parang may nakahawak roon, ngunit wala naman..

Nanginginig niyang binababa ang kamay niya at lumingon siya sa kapitbahay na


tumitingin sa tinuturo ni Cristine..

"ah-ahh wala ano uhmm ma-may pusa kasi kanina kaya binugaw ko.." pagsisinungaling
ni Cristine..

Tumango nalamang ang kanyang kapitbahay ngunit bakas sa mukha nito ang di
pagkakunbinsido sa sinabi ni cristine..

Pilit na ngumiti na lamang si Cristine at pumasok na sa kanilang bahay..

Namutla si Cristine.. Hindi siya mapakali.. Maraming tanong ang pumapasok sa isip
niya.. Masyado siyang naguguluhun sa lahat...

Ngunit

pano nalaman ni Emilyn na darating yung matanda? At sino ang tinutukoy nung matanda
na demonyo sa kanilang tahanan?..

Ayaw mang isipin ni Cristine ngunit.. Isang sagot lamang ang nabuo sa isip niya..

Hindi kaya... Si Emilyn ang demonyong tinutukoy nung matanda?


------

Helo..can I ask you something?

Anong mafe-feel mo if ang taong kinaiinisan mo o kaaway mo ay namatay?

Answer mo ha by posting your answer sa comment box ^^

@le_anne13zzz

=================

#14.3: Emilyn (PART THREE)

#14.3: Emilyn (3)

"Hon, may napapansin ka ba kay emilyn.. I mean yung medyo may pagkaweird siya this
past few days" sabi ni Cristine sa kanyang asawa habang pahiga sila sa kama..

Gabi na kasi noon, kaya magpapahinga na sila..

"ha? What do you mean? " sabi naman ni Lucas na takang-taka.

"kasi uhmm.. Never mind siguro..medyo pagod lang ako tara tulog na tayo.." sabi ni
Cristine sabay inayos na ang kumot..

"..sa totoo lang Hon, oo itong mga nakaraang araw napansin ko na medyo iba ang
kinikilos na anak natin.." naalangang sabi ni Lucas..
Napatigil naman si Cristine..

"oo nga, pagnag-sasalita siya iba.." sabi ni Cristine..

"Siguro Hon, ganun lang talaga siya, masyadong mysterious, at cold.." sabi ni Lucas

"...ano kaya kung ipasyal natin siya sa sabado, siguro kailangan niya mag-enjoy,
siguro masyado lang siyang na-iistress.. She need to relax, and parang magfa-family
bonding na rin tayo.." dagdag pa ni Lucas..

"tama ka, so pwede ka ba sa saturday? " tanong naman ni Cristine

"hmm, according naman sa schedules ko wala naman akong gagawin sa sabado, kaya free
ako.." sabi ni Lucas na may halong ngiti sa mga labi..

"Okay.." sabi ni Cristine.. At pilit na ngumiti.

--

Sabado..
Alas-kwarto ng hapon, ng tumulak sila sa lugar papunta sa resort na pagmamay-ari ng
kumpare ni Lucas.

Bale, limang oras ang biyahe bago makarating doon..

"Dad, ilang oras ang biyahe?" tanong ni Emilyn na nasa backseat ng kotse..

"mga limang oras anak, bakit?" sagot naman ng amang nagdadrive..

"wala po.." mahinang sagot ni Emilyn..

"bakit anak nagugutom ka ba heto oh may burger akong binili, gusto mo?" pag-aalok
naman ng inang si Cristine na katabi ni Lucas..

"hindi po, matutulog po ako" sabi ni Emilyn..

Tumahimik nalamang si Cristine..

Tumingin ng bahagya si Lucas sa salamin na nasa loob ng kotse, para tingnan ang
anak, ngunit laking gulat nalamang niya ng nakita niyang nakatingin sa kanya ang
anak, bahagyang ngumiti ito.. Hindi basta ngiti..kundi isang ngiting may
kahulugan..
Napalunok nalamang si Lucas at binalik ang atensyon sa pagda-drive.. Masyadong iba
ang kinikilos ng anak niya yan ang nasa isip ni Lucas ng mga panahon na iyon..

Alas-syete ng gabi..

Habang nasa biyahe ay nagsalita si Emilyn..

"Oras na.." wika ni Emilyn..

"anak, anong ibig sabhin?" tanong ni Cristine at tiningnan sa likod ang kanyang
anak..

"ahh.. Wala mommy, ang ibig kong sabihin, oras na para umihi ako.. Naiihi na kasi
ako, uhmm dad, can i ask a favor? Pwede bang itigil mo yung car sa may tabi dun sa
may talahiban ung malapit sa bangin.." nakangiting sabi ni Emilyn..

"Sure baby.." sagot ni Lucas..

Ngunit naisip ni Lucas..

Paano nalaman ni Emilyn ang talahiban na sinasabi nito, kung may ilang kilometro pa
ang layo nila roon.. Napakapagtataka..

Pero gayunapaman, tulad ng hiling ng bata ay ginawa ito ni Lucas..


Itinabi ni Lucas ang kotse at agad namang bumaba si Emilyn, kasama si Cristine..

"Anak.. Wag ka mauna baka malaglag ka!" paalala ng ina..

Ngunit tila'y isang binging hindi nakinig si Emilyn dere-deretso lang itong lumakad
papunta sa bangin..

Tumakbo si Cristine upang mahabol si Emilyn..

Nang naabutan niya ito nakita niyang nakatayo si Emilyn sa dulo ng bangin, isang
hakbang lang ng bata ay tiyak na mahuhulog ito..

"ANAK!!" sigaw ng Ina..

Lumapit si Cristine kay Emilyn at dahan-dahan nitong inaabot ang braso ng anak..

"Mommy...gaano mo kamahal si Daddy?" tanong ni Emilyn na hindi hinaharap ang ina..

Napatigil si Cristine..

"Hindi mo ba talaga minahal..ang tunay kong daddy?" tanong ni Emilyn na humarap sa


ina..
Luhaang humarap si Emilyn sa ina.. Halata sa mga mata nito ang poot at galit na
matagal ng kinikimkim..

"a-anak.."

Ngunit ang kaninang luhaang si Emilyn ay biglang napalitan ng ngiti..ngiting


pangdemonyo...

"..napakainutil nyo, napakatanga! Hahaha! Ilang taon akong nagtiis cristine..


Mahigit walong taong ginamit ang katawan ng ating anak, para lang makasama ka..
Siguro sa panahong ito... Oras na para isama ka, sa mundo ko.. Halika aking mahal
sa impyerno.."

"Raphael?! P-paano?-"

"..paano?! Paano nangyare ang lahat ng ito?!" tila ginaya pa ni Raphael ang pagarte
ni Cristine..

"Hahaha! Cristine, alam mong isa akong mangkukulam! Taglay ko ang kapangyarihan ng
demonyo, pinagpalit ko ang kaluluwa ng anak natin simula ng sumapit ang kanyang
ikalawang kaarawan.. At kung tatanungin mo kung nasaan ang ating anak.. Ha! Naroon
siya sa impyerno naghihirap, kung gusto mo syang mabuhay.. Kailangan may kapalit na
isang buhay!" nanlilisik ang mata na sabi ni Raphael.

"Cristine, emilyn? Nasaan kayo?" sigaw ni Lucas.


Napatigil ang dalawa..

Napangiti ng makuhulugan si Raphael..

"ra-raphael hu-huwag mong idamay si Lucas dito isama mo nalang ako, parang awa mo
na.." pagmamakaawa ni Cristine, kasabay nito ang pagpatak ng kanyang mga luha..

Ngunit hindi nakinig si Raphael, bagkos ay nagkunwari pa itong si Emilyn.

"Daddy! Help si mommy!" sigaw nito gamit ang boses ni Emilyn.

Nang marinig ito ni Lucas ay dali-dali niyang pinuntahan ang kinaroroonan ng


kanyang mag-ina.

Pero laking gulat niya ng makita niyang hawak ni Emilyn si Cristine, nakatakip ang
kamay nito sa bibig ng ina, at nanlilisik ang mga mata..

Nagpupumiglas si Cristine, ngunit masyadong malakas si Emilyn.

"Emilyn, anak anong ginagawa mo?" tanong ni Lucas.

Ngunit isang malademonyong tawa ang natangap niya mula sa kanyang anak.

"hahaha!! napakabobo mo talaga Lucas!!" malakas na sabi ni Raphael.


"Ra-raphael?" nauutal na wika ni Lucas.

"oo at wala ng iba! Nagulat ka ba Lucas? Nagulat ka ba na muling nabuhay ang


demonyong pinatay mo!!"

Napatigil si Cristine sa pagpupumiglas, bagkos ay gulat itong tumingin kay Lucas.

Napayuko si Lucas.. Nakaramdam siya ng konsensya..

"hahaha.. Tingnan mo nga naman hangang ngayon pala hindi paring alam ni cristine
ang ginawa mo Lucas! Oo aking mahal..pinatay lang naman ako ng asawa mong demonyo,
ngayon sino mas masahol sa aming dalawa Cristine? Sino?!!!!" sabi ni Raphael at
marahas na hinila nito ang buhok ni Cristine.. Dahilan upang mapaiyak ito sa
sobrang sakit..

"..ma-maawa ka... Lu-lucas.." nanghihinang wika ni Cristine..

"Kaya ngayon.. Sasama ka sa akin mahal ko! AKIN KA NA! PAGKAT AKIN KA LANG!!!!!"

sigaw ni Raphael..

Ngunit mabilis tumakbo si Lucas at malakas na sinuntok si Raphael dahilan upang


matumba ito at mabitawan si Cristine.. Agad namang itinulak ni Lucas si Cristine
upang mapalayo ito kay Raphael.

"huwag mo ng idamay si Cristine dito.. Ako diba ang may kasalanan dito pwes ako ang
isama mo!!" sabi ni Lucas..
Pilit na inaabot ni Raphael si Cristine pero.. Pinipigilan ito ni Lucas..

"Cr-cristine.... Mahal kita..

Patawad.." huling sambit ni Lucas, kasabay ng paghila nito kay Raphael at tumalon
sa bangin.

Umalingawngaw ang sigaw ni Raphael.. Na tila ba isang Demonyong nangaling sa ilalim


ng lupa..

Nakakatakot, nakakakilabot..

Kitang-kita ni Cristine ang pagkahulog ni Lucas kasama si Raphael..

Parang binuhusan siya ng napakalamig na tubig.. Nanigas siya sa kanyang


kinatatayuan.. Masyadong mabilis ang pangyayari..

Nanginginig siya.. Matagal bago siya nakasigaw..

"LUCAAAASSSSS!!!" sigaw niya, kasabay ng pagpatak ng mga luha niya..

Napakasakit.. Kailangan pang magsakripisyo ng taong mahal niya para lang mailigtas
siya.. Nakakapanghina...

Napahagulhol si Cristine.. Wala man lang siyang nagawa..

"Lucas....mahal ko.." paghihinagpis niya..


Masyado na siyang nanghihina.. Pagod na pagod narin siya..

Mukhang hindi na niya kakayanin pa..

Unti-unti siyang natumba.. At nawalan ng malay..

--

Kala nyo tapos na ang lahat well.. There's more! Wait nyo lang ang #14.4. Remember
limang part itey!

Nga pala sa mga nag-aask sa pm kung how old na ako at marami pang personal
questions.. Well 14 yrs. Old po ako nung ni-release ko ang tagalog horror stories
sa wattpad.. At 13 yrs. Old po aq nung nagjoined sa watty world at nagsimulang mag-
sulat.. And now i'm 15 yrs. Old na I'm still writing stories.. Wala that's my hobby
eh at magsusulat ako 'till 70 haha (hope nagets nyo XD kahit walley).. So yan ayos
na? Haha! So pm lang kau ng pm ask lang kayo ng ask sakin basta wag nyo lang po
tanungin brand ng undies ko ha! Hahha.. Take note i really want you to be my friend
just talk to me anytime, anywhere ^_^

@Le_anne14zzz

@le_anne13zzz

p.s: sino na nga pala nakarinig o nakaalam nung about sa Thingking Out Loud ung may
batang sumabay dun sa line na "..and maybe my HEART.." ung pagkatapos nung heart
may sumabay na bata. Wiihhh creepy un pramis.. Ilang beses kong inulit yun and
talagang meron siya.. PRAMIS!!

Pakingan nyo.. Wag ung LIVE yung record talaga and mafi-find out nyo siya.
#cREEPy

=================

Special Chapters (2): Comfort Room

Helooo hihi pag special chapter lam na dis XD oki pansamantalang pinuputol ko muna
po ang Emilyn singit ko lang po 'to (sorry po tinataype ko pa yung 14.4 at marmi
pang ibang story na nauuhaw sa ud ko lols) by the waysss.. this story is shared by
a wattpad member and also my follower: HeartsOnTheAir

Salamat ng much much ate o kuya? Haha but I guess ate ka naman so.. ate oo ate XD
sorry inatake po ako ng kabaliwan aist. Nakakabaliw pala pag hindi mo na alam kong
alin ang uunahin mong i-ta-typr na story.. isang malaking HAAAAAYYY..

Geh simulan na natin!

Another true story ^^!

————————————-

"Nangyari po ito sa loob ng C.R ng Babae..

Sa school po namin ngayon:

Bago po magsimula ang klase naming, pinaihi na po kami ni mam, mga babae po
kami...Kaya nag takbuhan po kami papunta sa C.R ng babae...sabi po ng isa kong
kaklase sa dating comfort room daw po kami umihi...kaya umihi po kami doon, habang
umiihi po kami meron na po palang nangyayari sa iba kong mga kaklase....yung isa po
naming kaklase hinimatay na po siya...

Yung lima pong babaeng kaklase ko ay nausog po sila, tinanong ko po yung isa...

Isa po sa mga nausog yung bff ko kaya po tinanong ko po siya..Ang sabi niya
po...Meron daw po siyang nabangaang lalaki...

Kinabahan po ako, pano po magkakaroon ng lalaki sa C.R ng babae?...Kaya sinabi ko


sa mam namin ang nangyari..ang sabi niya lang po....Madami daw po talagang
kababalaghan sa C.R ng babae pati narin sa C.R ng lalaki..kaya po sa pangyayaring
iyun, natuto na po kaming magsabi ng tabi tabi tuwing pumupunta po kami roon.

———————————————-

Ayan na!! ayan po yung piniem po sa akin ni HeartsOnTheAir. May iba po akong
binago.. pero kunti lang naman haha..

Ate HeartsOnTheAir! MARAMING THANK YOU po sa pagshare! God Bless!

Oki pagpatuloy na natin si Emilyn sa susunod na UD ng THS! Abangaaan ang dahilan ng


aking matagal na ud hehee!! ^^

=================

#14.4: Emilyn (Part four)

Unti-unting minimulat ni Cristine ang kanyang mga mata...

Nakakapagtataka, pagkat puro puti ang kanyang nakikita..Naisip niya tuloy.. Patay
na kaya siya? Kung oo, mas mabuti total wala na rin namang kwenta ang buhay niya,
wala na si Emilyn.. At lalong lalo na.. Wala na rin ang pinakamamahal niyang asawa
na si Lucas..Napakasakit..sobra, sa tuwing maaalala niya ang mga huling salitang
binitawan ni Lucas at lalong lalo na kung paano nito inialay ang buhay niya para
lang kay Cristine..

Kung tatanungin siya kung nagalit siya sa paglihim ni Lucas tungkol sa pagpatay
nito kay Raphael noon.. Kahit ayaw niyang may mapatay o makapatay.. Oo, ayus
lang..ayus lang kahit naglihim at nagsinungaling si Lucas sa kanya, ayus lang kahit
pinatay niya si Raphael, basta ang alam niya nagawa lamang ito ni Lucas pagkat,
mahal na mahal siya nito..

Tuluyang naimulat na niya ang kanyang mga mata, sa pakakataong iyon. Saka lamang
niya napagtantong nasa isang hispital pala siya, pagkat nakita niya ang isang nurse
na chinecheck ang kalagayan niya..

"Nu-nurse.. Pa-pano ako nakarating dito? Sino nagdala sa akin dito?" sunod-sunod na
tanong ni Cristine.

"Ahh.. Ma'am mga pulis po ang naggadala po sa inyo rito.." magalang na sagot ng
nurse sa kanya.

Magsasalita pa sana si Cristine, ngunit napatigil siya ng biglang may pumasok na


dalawang pulis sa kaniyang kwarto.

"Magandang araw po Ma'am!" bati ng isang pulis kay Cristine.

Inalalayan ng nurse si Cristine sa pag-upo nito.. Pagkatapos noon ay magalang na


nagpaalam ito kay Cristine.

"Ma'am may mga katanungan lang po sana kami na kailangan nyo pong sagutin, ayos
lang ho ba iyon?" magalang na tanong ng isang pulis.

Tumango naman si Cristine.

"Ma'am natagpuan po kasi namin kayo sa isang talahiban , sa tulong na rin po ng


isang concern resident po roon na unang nakakita po sa inyo. Ang talahiban pong
iyon ay malapit sa bangin na ilang kilometro ang layo sa La Verta resort, bukod po
rito narexover po namin ang isang sasakyan na pagmamay-ari nyo po, may mga nakita
rin po kaming mga patak ng mga dugo na nangaling naman po sa inyo. Nais lang po
sana namin malaman kung ano po ang nangyari at kung may kasama po kayo." tanong ng
pulis kay Cristine.

Napaisip muna si Cristine.. Kung sasabihin niya ang tunay na nangyari sa mga pulis,
paniguradong hindi ito maniniwala sa kanya, at may posibilidad rin na mapagkamalan
siyang nasisiraan na ng bait.

"Ahh.. May kasama po ako ng gabing iyon, ang asawa at anak ko. Pupunta sana kami sa
La Verta resort, but suddenly habang nasa biyahe kami, biglang nagsabi ang anak ko
na napapaihi na siya kaya naman tinigil namin ang kotse sa may talahiban at doon
umihi ang anak ko, sinamahan rin siya ng kaniyang ama. Pero ang tanging naalala ko
na lamang sa nangyari ay nakita kong nalaglag ang mag-ama ko sa bangin."
pagsasalaysay ni Cristine.

Tumango-tango naman ang mga pulis. Ngunit halata sa mga ito ang pagtataka at hindi
pagkakumbinsido sa sinalaysay ni Cristine.

"Pero ma'am ayun po sa imbistigasyon po namin, wala po kaming nakita na bangkay o


kahit anong ebidensya na magpapatunay po na may nalaglag po sa naturang bangin.."
pagpapaliwanag ng pulis kay Cristine..

Imposible..Napaka imposible, yan ang unang pumasok sa isip ni Cristine sa mga oras
na iyon.

"Pa-pano nangyari iyon? Eh kitang-kita ko kung paano nalaglag ang mag-ama ko roon!!
Imposible yang simasabi nyo!" sabi ni Cristine.

"Pero ma'am—-"

"HINDI IYO MAARI!!" sigaw ni Cristine at nagaimula na rin itong umiyak.."..KIYANG-


KITA NG DALAWANG MGA MATA KO, KUNG PAANO SILA NALAGLAG ROON!"

Nagsimula nang mag-wala si Cristine, dahilan upang pumasok ang mga ilang nurse,
para pigilan siya aty turukan ng pangpaklma.

Muli, nawalan siyan ng malay...


————-

4 weeks after the accident..

Ilang Linggo ang lumipas, nakalabas na si Cristine sa hospital, nakauwi na rin siya
sa kanilang bahay.. Hanggang ngayon, hindi pa rin lubos maisip ni Cristine ang mga
nangyari. Hindi parin niya matanggap na nag-iisa nalamang siya. Kung minsan nga
naiisip niyang kitilin na ang kanyang buhay.. Nguniy sa tuwing magpapakamatay siya,
ay buglang umiihip ang napakalamig na hangin na wari ay pinipigilan siya at
nagsisitaasan ang kaniyang mga balahibo. Pero basta ang alam niya ay si Lucas iyon.

Simula rin ng maibalik sa kanya ang kotse na ginamit nila ng mangyayari ang
insidenteng iyon ay binenta niya ito. Mas pinili niyang mawala ang kotseng iyon
kesa sa tuwing makikita niya iyon ay maalala niya ang nangyari.

" 'Te Cristine!" tawag sa kaniya na kanyang kapitbahay na si Mariya.. ( si Mariya


ay ang kapitbahay rin niya sa part two kung hindi ako nagkakamali � basta yung
echuserang kapitbahay xD)

Agad namang lumabas si Cristine, upang harapin si Mariya.

Pinagbuksan niya ito.

" Tuloy ka Mariya!" masayang yaya ni Cristine sa kapitbahay.

"Naku ate wag na! Naparito lang ako dahil magpapaalam ako, aalis muna ako dahil
susunduin ko ang anak kong si Sophia sa manila magbabakasyon kasi siya dito, pero
next week naman eh uuwi na kami."

" ahh ganun ba?"

"Oo, kaya ate mag-iingat ka rito ha! O siya sige ate mauna muna ako magaasikaso
muna ako." pagpaalam ni Mariya.

Umalis na ito. Mula kasi noong umuwi siya galing sa hospital ay ito ang umalalay sa
kaniya. Sa tuwing kailangan niya ng makakausap ay nariyan si Mariya, kaya kahit
papano ay naibsan ang kalungkutan na nadarama niya pagkat kwela itong kausap.

Nakakalungkot ngang isipin na aalis pala si Mariya, mawawalan tuloy siya ng kausap.
Maagang nabyuda si Mariya kaya mag-isa rin itong namuhay at tumaguyod sa anak na si
Sophia na ngayon ay 3rd year college na sa manila.

Hapon na noon, nang umalis si Mariya ay napagpasiyahan ni Cristine na pumunta sa


bangin kung saan nalaglag ang kaniyang mag-ama.
Bago rin siya tumungo roon ay bumili siya ng bulaklak at dalawang kandila.

Nang makarating siya roon ay agad niyang inihagis ang bulaklak sa bangin ay
nagtirik siya ng kandila.

"Lucas..Emilyn.. Nandito ako.. Sana kung nasaan man kayo, patuloy niyo akong
bantayan ha! Mahal ko kayo.." wika niya.

Oo, si Raphael nga ang nagmay-ari sa katawan ni Emilyn.. Pero para kay Cristine
tunay na nabuhay ang kaniyang mahal na anak.. Tunay na nakasama niya si Emilyn
kahit sa saglit na panahon lamang.

Mariin na pumikit si Cristine kasabay ng pag-ihip ng hangin.

——

Alas sais na ng mapagpasiyahan niyang umuwi.

Matagal-tagal ang biyahe kaya't pagtungtong niya sa kaniyang bahay ay gabi na..

Nang bubuksan niya na ang gate. Ay napansin niyang may pumasok na batang babae sa
loob ng kaniyang bahay.

Napakunot ang kaniyang noo.. Sino kaya ang batang babaeng iyon? Paano siya
nakapasok roon samantalang nakapadlock ang gate ng bahay?

Dali-daling binuksan ni Cristine ang gate at pumasok siya sa loob.

Pagpasok niya ay agad niyang binuksan ang ilaw at sinarado ang pinto.

Laking gulat niya ng makita niya ang bata na nakatayo sa sulok ng kaniyang bahay.

Hindi niya gaano mamukhaan ang bata pagkat nakatabing ang mahaba at itim na buhok
sa kaniyang mukha at isa pa ay nakayuko ito.

"Ba-bata sino ka? Pano ka nakapasok rito?" tanong ni Cristine sa bata..E-emilyn

Bigla siyang nakaramdam ng kilabot pero hindi niya alam kung bakit..

"Napakadaya mo mommy.. " wika ng bata.. At unti-unting tumingala ang bata..

Hindi siya pwedeng magkamali..


Bahagyang ngumiti ang bata..

"E-emilyn.." bangit ni Cristine sa pangalan ng bata..

Pagkabanggit niya sa pangalang ito napalitan ang maamo at inosenteng mukha ng


bata..Unti unting tumulo ang dugo na nangaling sa ulo nito, nagsimula ring
maglabasan ang mga sugat nito sa braso.. Ang dating puting dress na suot nito ay
nagkaroon ng mansiya ng mga dugo.. Biglang kumurap ang mga ilaw..hangang tuluyan
itong namatay.

Nagsimulang manginig sa takot ai Cristine. Hindi siya makatakbo ni hindi siya


makagalaw sa kaniyang kinatatayuan..

"Napakadaya mo mommy..hinayaam mo kami ni Daddy mamatay.." narinig niya ang isang


bulong sa kaniyang mga tenga.. Napakalapit nito..

"Napakadaya mo mommy.. Napakadaya mo.." paulit-paulit na bulong ni Emilyn kay


Cristine..

Nagsimulang mapaiyak si Cristine..

"Pa-patawad anak..patawad.." Yun lamang ang nasambit niya..

Tumigil ang pagbulong bumalik narin ang ilaw..ngunit hindi na niya makita si
Emilyn..

"Mommy please die.." sambit ni Emilyn na narinig ni Cristine mula sa kaniyang


likuran..

"Mommy...let me..

Kill you..please"

————

Ayan na haha soon po yung ending na ^^! hehe


=================

Special Chapter (3): Ang Ulo

Haayy~ nakaksunog ng kilay 'to haha nahirapan ako gumawa ng title haha! Hello
-Fham- salamat muli sa pagshare ha!

So, ito po ay shinare ni HeartsOnTheAir na ngayon ay si -Fham- na. Siya rin po yung
nagshare nung Special Chapter (2): Comfort room

About sa Emilyn: Opo, tinatype o na siya.. Pero nakakailang bago ako kasi nag-iisp
ako ng pasabog ending haha! Kaya wait lang po kayo ha!

p.s: Mag-do-double update ako ngayon haha dalawa kasi yung nagshare sa akin eh.
Hehe

so ito na simulan na natin ng maupdate ko na rin yung isa.!

------------------

Pagsasalaysay ni -Fham-:

"Nasa bahay po ako nun, hindi ko na po matandaan kung anong oras, basta gabi na po
pero maraming pang gising sa bahay.

Papasok po ako sa C.R namin para umihi, sasara ko na po sana yung pintuan ng
biglang may lumitaw na ulo :( kaya po tinignan ko siya...Nakita ko po yung ulo
kulay black na bilog po tapos po yung mata......parang star po siya na kulay
dilaw...Kaya po ginalaw ko po yung ulo ko sinusundan din niya yung pag galaw ng
ulo ko, ang kaninang isang mata ngayon po ay dalawa na hindi ko po makita yung
katawan, dahil ulo lang po ang nakalitaw nag tataka na po ako noong mga panahong
iyon.

Paano po mag kakaroon ng ulo eh sa 3rd floor po kami nakatira wala pong hagdan
kaya walang makakaakyat...Tinanong ko po yung pinsan ko...

"Jhyllian may nakikita kabang ulo?"....Mas nagulat po ako sa sinagot nung pinsan
ko...Ang sabi niya ay

"Wala" kaya po natakot na po ako, nakakailan na po akong pikit pero nandun parin
po siya kaya sinarado ko nalang po yung pintuan....Pag katapos ko po umihi agad po
akong tumakbo at sinabi kay papa yung nangyari, pero hindi siya naniwala. Grabe po
ang kaba ko noong mga panahong iyun."

Thanks po True story po yan :)"


---------------------

Ayan, ito po yung una kong update ngayon at sunod naman po ay..wait lang haha
medyo inaayos ko pa siya! Ate -Fham- thank you po muli!!

=================

Special Chapter (4): Ang Aswang

At ito na nga yung isa haha.. wooh~ sagana sa update ngayong araw! ^^ uhmm gusto ko
sanang imention yung name niya, tinanong ko naman siya but, hindi pa siya
nagrereply kaya.. sa ngayon di ko na muna ilalagay yung username niya dito, pero
kung gusto niya ay edit ko nalang haha. By the way, Ate thank you ha sa pag-share.
^^

THANK YOU ng napakaramii~~

------------

Pagsasalaysay ni _______:

"Ang kuya ko ay isang working student noong nasa kolehiyo pa siya. Nag papart time
call-center agent siya para ipangdagdag sa tuition fee niya.

8pm yung oras ng pagpasok niya, so mga 6 palang ay kailangan na niyang bumyahe
kasi sobrang traffic...

Ang bahay kasi nmin eh malayo sa kalsada, tahimik at maraming puno sa paligid. Nong
papasok na siya sa trabaho mga 6 palang non.. nag-aagaw ang liwanag at dilim.
Dumaan siya malapit sa isang napakalaking puno. Ang puno nato ay sobrang laki.
Natatakpan na nga nito ang mga liwanag na nangagaling sa poste. Sobrang nangilabot
daw siya ng tumapat na talaga siya sa puno. Napalingon siya sa puno at kinilabutan
sa nakita niya. May isang babae na nakatayo sa puno. Ang mga buhok nito ay tumatayo
na para bang matutusok ka kapag mahawakan mo ito. Ang katawan nito ay para daw
tinutubuan ng pakpak. Ang mga mata din daw ay nanlilisik sobrang pula.. Yung mga
ngipin nya ang tatalas. Ang mga kuko daw sobrang haba. Sobrang takot daw ang
naramdaman ni kuya, hindi siya makatakbo o makalad man lang. Hindi rin nya kayang
sumigaw. Talagang napako lng sya sa kinatatayuan nya.

Alam niya na kilala niya kung sino ito. Naglakas loob siyang sambitin ang pangalan
ng babae. Ayun kasi sa nakakatanda, pag kilala mo raw ang isang aswang wag kang
magdalawang isip na sambitin ang pangalan nito dahil kapag natawag mo siya sa
pangalan nya eh babalik ito sa pagiging normal, mawawala ang sumpa.

Sinambit ni kuya ang pangalan nito at totoo daw, unti unting naglaglagan ang buhok
ng aswang. Unti unti itong bumabalik sa normal. Nang huminahon daw ito., nagawa na
niyang magsalita nabawasan na rin ang kanyang takot ngunit hindi pa rin ito mawala
wala dahil baka raw eh bigla siyang sunggaban dahil nagambala niya ito. Tinanong
niya daw yung babae.

"Nag-unsa mn ka diha nay _____"(Anong ginagawa mo diyan nay____) tanong niya..

Sumagot ito pero may kakaiba sa boses daw.

"Nanilhig ra ko diri dong oy" (Nagwawalis lang ako dito iho) sabi ng matanda.

Naglalakad ito patungo sa kanya kaya bumalik lahat ng takot ni kuya. Hindi niya
alam pero napadasal na daw siya at kumaripas ng takbo pabalik sa amin. Hingal na
hingal daw si kuya ng makabalik sya sa amin. Takot na takot daw ang mukha nito sabi
ni mama.

Hindi ko pinangalanan yung aswang kasi hindi na daw matandaan ni kuya. May sumpa
kasi na kapag nakilala mo ang isang aswang sa panahon pag tatransform nila eh
makakalimutan mo na raw ito at kasunod ng paglaho ng aswang sa lugar ninyo.

Ewan ko ba kay kuya. Tapang eh.

Talagang lapitin rin siya ng mga multo. Marami siyang mga na encounter na ganyan.
Isa yan sa mga marami niyang kwento"

---------------

So, ito na po yung pangalawa kong update. Thanks ate ha sa pag-share.

Hmm.. sa mga interesadong magbigay o magmessage ng mga nkakatakot na story na


naganap sa inyong buhay, aba! wag ng magdalawang isip text na hehe joke basta ipm
nyo po ako at promise iuupdate ko yan! Sa mga readers if may gusto kayong i-clarify
magcomment kayo! ^^ sige po,

@Le_anne14zzz

@le_anne13zzz

=================

#14.5: Emilyn (THE LAST PART)


Hooooo~ Salamaatt matatapos narin si Emilyn hahaha!

Oh guyzz eto na ang Last part ng Emilyn..Hope mag-enjoy kayo!! (≧∇≦)/

-----

Napasulyap si Sophia sa bintana ng bus na sinasakyan niya.

"Ma, nakakamiss pala ang probinsiya!" masayang sabi niya sa kanuiyang ina.

"Naku anak! Sinabi mo pa! Eh ilang araw nga lang ako nag-stay doon sa Manila,
namiss ko na agad ang probinsiya!" sagot naman ni Mariya sa kaniyang anak.

"Nga pala ma, kamusta na si Emilyn? Yung anak nila Ate Cristine at Kuya Lucas? Alam
mo Ma, ang cute cute niya tsaka ang bait pa! Kaya nga tinuring ko narin yung batang
iyon na kaparid ko eh! Haay kaya nga namiss ko yung batang iyon! Pagkaalala ko eh 2
years old palang siya nung umalis ako doon. Kaya sigurado ako malaki na siya
ngayon! Diba Ma?" masayang wika ni Sophia, sabay nilingon ang ina.

Pero nagtaka siya ng makita ang ekspresyon ng mukha ng kaniyang ina.

"Ma, bakit po? May problema ba?"

Napabuntong hininga muna si Mariya bago nagsalita.

"Anak..Wala na siya. Wala na si Emilyn.." sambit niya.

"Wha-what do you mean Ma? Pa-panong wala?"

"Patay na siya. Nalaglag daw kasi sa bangin si Emilyn kasama si Lucas, yun ang
kwento sa akin ni Ate Cristine." malungkot na sabi ni Mariya.

"Jusko!! Kawawa naman si Emilyn Ma! Napakabata pa niya para mamatay.. Kelan po yun
nangyari?" hindi makapaniwalang wika ni Sophia.

"Ang pagkakaalam ko nakaraang buwan yun nangyari, basta makailang linggo bago ako
umalis roon." wika ni Mariya.

"Naku! Kawawa naman si Emilyn at Kuya Lucas! Ma, eh pano po si Ate Cristine? Mag-
isa nalang po ba siya? Wala na po siyang kasama sa buhay?"

"Wala.. Mag-isa nalang siya.. Minsan pinupuntahan ko yun sa bahay niya. Kinakausap
ko kasi alam ko na kailangan niya ng makakausap lalo na't sariwa pa sa kaniyang
ala-ala ang lahat..haaayy.."

"Oo nga po, di bale po pag-nakarating na tayo doon pupuntahan ko kaagad siya.. Haay
pero basta! Alam kong nasa mabuting kalagayan na si Emilyn. Alam kong ngayon ay
anghel na siya."

-----

Hapon na ng makarating sila Sophia sa probinsiya. Pumara agad sila ng taxi at


tumungo na pauwi sa kanilang bahay.

Nang makarating sila roon ay agad napansin nila ang napakaraming tao sa bahay ni
Cristine. May mga sasakyan rin ng mga pulis roon.

"Jusko! Anong nangyari! Para po manong! Para!" wika ni Mariya at dali-daling bumaba
sa taxi.

Agad namang nagbayad si Sophia at sinundan ang kaniyang ina na agad pumunta sa
bahay ni Cristine.

Masyado maraming tao, kaya nahirapan silang makapasok agad sa loob ng bahay. Di
rin nila alintana ang masangsang na amoy na nangagaling sa bahay ni Cristine.

"Ma'am, hangang dito lang po kayo, hindi po kayo pwedeng makapasok." harang ng
isang pulis kela Mariya.

"Ano pong nangyari?!" tanong ni Mariya sa pulis.

"May bangkay po kasi ng isang babae ang natagpuan po dito sa bahay po na ito
kaninang tanghali, ayun po sa imbistigasyon ilang araw na po patay ang biktima,
halos naagnas na rin po ito kaya po masangsang na ang amoy ng bangkay."
pagpapaliwanag ng pulis kela Mariya.

Halos manghina si Mariya sa narinig, kaya inalalayan siya ni Sophia. Napaiyak siya
at sinisi niya ang kaniyang sarili sa pagiwan kay Cristine.

"Sir, may nakita po kaming latin words na sinulat sa katawan ng biktima gamit ang
kutsilyo, maaring maging susi ito sa pagkakilanlan sa suspek, kaso ang problema po
ay hindi namin matukoy ang ibig sabihin nung latin words." wika ng isang pulis na
lumabas galing sa loob ng bahay ni Cristine.

"Ako po! Sir maaari po akong tumulong! Isa po akong interpreter sa Manila!"
presenta ni Sophia.
Napatigil ng sandali ang mga pulis, nagkatinginan sila. Maya-maya ay
napagdesisyunan nilang papasukin si Sophia, pero bago iyon ay pinasuot nila ito ng
mask.

Nang makapasok si Sophia sa loob ay halos bumaliktad ang kaniyang sikmura sa


nakita..

Halos masuka siya sa sinapit ni Cristine, pagkat nakapako ang magkabilang kamay
nito sa pader, may nakatusok na kutsilyo sa ulo nito.. At ang pinakanakakangilabot
ay...

Wala na itong mga paa..

Halos hindi narin makilala ito pagkat nagsisimula na itong uodin.

Kahit nandidiri siya ay pilit niyang binasa ang mga latin words na nakasulat sa
iba't ibang parte ng katawan ni Cristine.

"Yu-yung nasa ulo po niya.. I po ang ibig sabihin noon.. A-at yung nasa kanang
braso po niya ay Will po ang ibig sabihin noon samantalang yung nasa ka-kaliwa po
ay Come Again at ang nasa may bandang dibdib niya po ay,.. TO REVENGE."
pagsasalasay ni Sophia at agad namang isinulat ng imbestigador ang kaniyang sinabi
sa notebook na dala nito.

"Salamat po, maari na po kayong lumabas.."wika ng imbestigador..

Bago umalis si Sophia sa kinatatayuan, ay may nahagip ang kaniyang mga mata na
nakasulat na isang latin word sa laylayan ng damit ni Cristine na halatang ginamit
ay dugo nito sa pagsulat noon..

at ang ibig sabihin ay

Emilyn..

--

Yehey tapos na but.. Abangan ang #15 dahil ito ay side story ng emilyn! Ito ay
about sa nangyari kay Rapahael, kung bat siya naging impakto! Hehe basta ganun !
Abangan ..

By the way, dahil ilang araw akong hindi nagparamdam binaha ako ng mga stories na
pinasa ng maka watty member natin kaya bago ko ipublish ang #15.. Iuupdate ko muna
yung mga shinare nila!

Lahat ko iuupdate..NGAYON.haha
#SaganananamansiLeanne! XD

=================

Special Chapter (5): Ang Kalaro

Hi people on earth haha ! ito na yung isa shared by Hatsunone23!

Thanks po sa pagshare! God bless ^^

---

Pagsasalaysay ni Hatsunone23:

"This is a story I would like to share. True story po.

Simula nung bata pa lang ako madalas na akong makakita ng kung ano-anong di natin
nakikita. Mga nilalang na hindi dapat magambala. Nakikipag-laro daw ako sa kanila.
Hindi ko naman naaalala pero nararamdaman kong malapit talaga ako sa mga nilalang
na'to. Nung mag-12 ako,grade six ang tanda ko. Naglaro kami dun sa itinatayong
bagong bahay. 2 taon yung naka-standy by.Walang mga trabahador na gumagawa. Naglaro
kami ng taguan, patawid-tawid ako sa bintana ng ginagawang bahay na yun ng napansin
ko bigla ang tinatapakan ko. Hindi ako pwedeng magkamali,bahay yun ng nuno. Pero di
ko pinansin,naglaro kami ulit ng mga kaibigan ko. Maya-maya nung ako na yung
taya..Napansin kong may bago ata kaming kalaro. May bata kasing tumatago pagmalapit
na ako. Kinorner ko siya dun sa isang kwarto. Todo hagikhik pa ito nung hinabol ko.

"Hoy!" natatawang sigaw ko.

Pagka-corner ko dun sa kalaro ko narinig ko ang tawa niya. Yung tawang maliit lang
pero parang bilog at nakakatakot. Pumasok na ako dun sa kwarto,pero- walang tao
dun,wala ni isa sa mga kalaro ko. Nagdilim ang paligid ng kwarto. Takang-taka naman
ako,bakit mag-dididlim kung wala namang bubong ang bahay? Hindi pa naman tapos ang
bahay. Ikwinento ko yung nakakaakot kong karanasan pero pinagtawanan nila ako at
hindi pinaniwalaan. Naulit na naman yung kakaibang karanasan sa akin.Naglaro kami
ulit dun, pero sa pagkakataong ito hindi na ako dumadaan sa spot na yun. Pero bigla
ko ulit nakita yun bata. Sa takot ako, umuwi na ako. Nilagnat ako nun. Akala namin
simpleng lagnat lang, pero ako na mismo ang nagsabi sa sarili ko na hindi ito basta
kung ano lang.. Tuwing matutulog ako.. Isang batang lalaki na mas matangkad sakin
at may kakaibang hitsura.. Nakatayo siya sa paanan ko at nakatingin..

"Mama.."binubulong ko sa sarili ko.

Pero hindi ako makasigaw dahil sa sakit ng ulo ko.. Mag-isa pa naman ako sa kama
dahil baka daw maka-hawa ang sinat ko. Tinitignan niya ako,naka-ngiti siya sakin.
Umiiyak na ako sa takot, yung ga pulang mata niya kasi nakakatakot at ang mga
ngipin niya,matatalas. Nang marinig na ni Mama ang paghikbi ko dun na nawala yung
bata. Nang magpatawag si Mama ng manggagamot dun na namin nalaman na duwende ang
nagpakita sa akin, may gusto daw ito sa akin.. Wala naman daw itong balak saktan
ako o dalhin kung saan. Gusto lang daw ako nitong makita at makalaro. Pero
kailangan daw lubayan ako nito dahil matinding sakit daw ang maidudulot nito sa
akin. Inutos niyang mag-alay kami ng pagkain at barya tapos maki-usap na lubayan
ako. Ginawa nga yun ni Mama. Nag-laro kami ulit dun.. Nakita ko siya muli... Naka-
upo, naging malinaw na ang mukha niya sa akin,naniningkit ang mata niya at malaki
ang itim niya sa mata,may makinis na mukha na kulay lila at mahahabang tenga.
Malungkot siyang nakatingin sakin.. Hindi ko rin po alam pero sa ganun ka murang
pag-iisip nakaramdam ako ng kakaiba, siguro nagka-gusto rin ako sa nilalang na
hindi ko dapat magustuhan..

---

Ayan po! Sana nag-enjoy kayo and wait there's more haha! Wait lang baka bukas ko na
siya maupdate medyo edit ko lang ng kunti haha!!

=================

Special Chapter (6): Multo sa Classroom

Eto na yung dapat kong ipapublish kagabi! Shared by bhoxmaldita08!^^

Thank you Ate! God bless!

-----------
Pagsasalaysay ni bhoxmaldita08:

"Kami kasi noon ang cleaners ehhh dalawahan ang encharge sa umaga, dalawa sa
tanghali at sa hapon kaming dalawa ng friend ko, tapos nagulat kami nong bigla
nalang nagpatay sindi yung ilaw sa classroom naming. Noong tinignan namin wala
naman nagpapatay-sindi, tapos nong pumasok sa cr yung friend ko, May naaninag syang
parang tao sa labas ng bintana na never mangyayari kasi nasa second floor kami.

Tapus malayo yung mga bahay sa school naming. Tapus noong magtatapun kami ng trash
bag sa labas ng school namin bigla nalang may nakatayong babaeng nakaputi sa may
flagpole na nkita nanaman ng friend ko. Natakot na kami kaya umuwi nalang kami.

Kinaumagahan nagkalagnat yung friend ko na nakakita ng ghost. Sabi niya sinundan


daw saya ng multo hangang sa bahay nila. Pero wala namang nangyari sakin kaya mula
noon di na kami nagpapaiwan nakaming dalawa nlang sa classroom na yun "

-----------

Tapos na! uy guyzz read niyo ang new horror/mystery/thriller kong story na The
Bloody Punishment! ^^ Read niyo ha! Hehe!

@le_anne13zzz

=================

>Announcement<

Helo people! ^^ yah narito ang inyong echusera at feelingerang writer sa


balat ng watty world! hehe so bago ko ipublish yung mga story na pinasa ng mga
kawatty member natin i liked to announce something first! haha #wrong grammar!XD

1. Sorry sa mga nagshare ng story nila sa akin, kasi natagalan! XD Una sa lahat
dahil sira yung pc namin nadamage siya ng super duper kaya yun kasalukuyang
inaayos! (Thanks sa laptop ni mader dahil sa laptop na to makakaupdate na ako! XD)

2. Sorry sa mga nagcocomment na di ko kaagad narereplayan! kasi di ako gaano


nakakaonline dahil may mga priority naman ako sa buhay, lalo na't student palang
ako. Kaya guyzz ha! mamaya niyan kumalat na suplada ako haha di po ha! echusera
lang ako pero di ako snob XD. Busy lang ako.
3. Tagalog horror stories will be ended.. Yap soon po pag nacomplete na ang SPECIAL
CHAPTERS (na hangang 10) ibig sabihin tapos na ang ths and icloclose ko na ang
sharing ng stories. ^^ but.. gusto niyo ba ng book 2? yan ang question ng bayan!
haha if "yes" comment nalang kayo if "not"..never comment nalang haha.

4. About dun sa side story ng Emilyn. Sad to say na nireretype ko siya for some
errors. ;( huhu ung feeling na mahaba na siya but nagkaroon ng error kaya no choice
ka kundi iretype yun!

So yun lang and hope nakatulong to para maclarify yung mga ibang tanong ng kawatty
member natin.! kamsahamnida!. thank you! thank you! mwah!

=================

Special Chapter(7): Ang Babae

While retyping the side story ng emilyn, update ko muna yung shinare ni
hatsunone23! Thanks ate sa napakaganda at nakakalibaot mong story!

(nauna po siya magpm sa akin noon kaya ito po yung inuna ko, hope maunderstand nung
iba ^^)

--

Pagsasalaysay ni Hatsunone23:

"Dahil nga madalas akong makakita ng mga nilalang na hindi niyo nakikita ay hindi
na saakin bago ang mga pagpapakitang ganun, pero hindi ako sanay dun sa mga
nilalang na nangungulit at nananakot para pansinin ko sila..

February 13 20**, excited ang lahat kasi bukas na yung Valentine's Day. Kahit ako
excited na ako pero I'm not expecting pa na may magbibigay sakin ng roses,
chocolates at teddy bears. Nag-de-decorate kami ng room mahigit 5 na nun. Wala
naman akong kinatatakutan sa room dahil nakita ko na sila dati pa pero yung isang
kanina pa sakin nakatingin mula sa labas, natatakot ako. Hindi pa ako nakakakita ng
white lady ever in my life kaya takot akong makakita. Then, itong babae sa labas
kakaiba. Naka-suot siya ng dilaw na bestida at puting straw hat na may red ribbon.
Nakatayo ako sa stool at isinabit yung heart-heart. Nagtatawanan pa kami ng bigla
akong nagulat.Pagtingin ko sa baba kasama na ng mga kaklase ko yung babae. Nanginig
ako at nahulog sa stool. Pinagtawanan nila ako, natawa din ako pero nakatingin ako
dun sa babae. Naka-ngiti siya sakin.

"Ano bang kailangan mo?"bulong ko habang nag-aayos ng gamit ko. Uuwi na ako kasi
pakiramdam ko napilayan ako sa pagkakahulog ko. Tumatawa siya habang sinusundan
ako. Natatakot na ako dahil hindi siya nagsasalita tumatawa siya sakin. Paguwi ko
nagulat ako ng sumulpot sakin yung bunso kong kapatid na babae. 5 years old lang
siya.

"Ate!"yumakap siya sakin.Hindi ako sanay ng niyayakap kaya pinalayo ko siya. "Asan
si Mama?"tanong ko sa kanya.Utal-utal niyang itinuro sakin si Mama sa may
banyo.Nagmano ako kay Mama.

"Mama! Ti ate pu may tatama!"sigaw nung kapatid ko.Napalingon ako sa kapatid ko ng


bigl niyang ituro yung babaeng nakatayo sa may pinto.Lumalim na ang hugot ko sa mga
hininga ko.Ngumiti at kumaway sakin yung babae at biglang nawala.Lumabas na si
Mama."Asan?"tanong ni Mama.Napalingon yung kapatid ko at ngumiti."Waya
na!"Nangilabot ako, hindi lang pala ako ang nakakita sa kanya pati kapatid ko
nakikita siya.

Hindi na sakin yun nagpakita (akala ko) pero sabi ng mga 4th year students samin,
Wendy daw ang pangalan nun. Noong 1902 pa daw yun namatay pero tuwing 13 ng febuary
nagpapakita siya para hintayin ang nobyo niyang magdadala sa kanya ng rosas at
tsokolate. Pero hindi daw ito dumating at ginahasa siya ng mga kalalakihang dumaan
nung gabing yun. Pinatay siya at hindi niya nasilayan ang kanyang kasintahan.
Namumulto daw siya ta hinihintay padin ang nobyo kahit patay na daw ito."

@hatsunone23

-----

waahh ang creepy yung feeling na gabi na tapos mag-isa nalang ako dito sa sala.
sige guyzz log-out na ako huhu papasok na ako sa kwarto!!! wahhh !! nyt na lang!!

=================

Special Chapter (8): White Lady

Hello people haha here nanaman ako! Update-update lang ang peg! XD btw. Another
true and scary story shared by Amphyl099! Thank you ate sa pag-share! God bless!!
——————-

Pagsasalaysay ni Amphyl099:

"Induction party namin nun ng mga officers and kami na din. Bale, officers
yun sa classroom namin lahat dapat mag paparticipate sabi kasi ng teacher namin
masyado ng boring kaya napagpasyahang mag party or induction party ..dahil sa
nawili kami sa party namin di na namin namalayan na gabi na pala, mga 7:30, siguro
nun kung di ako nag kakamali . Kaya napag disisyunan ng teacher namin na umuwi na
kami, pagkatapos naming mag ligpit ng kalat namin . Marami kami nun, kami ng mga
kaklase ko ..dun kasi kami nag induction party sa building ng grade 7. Bale grade 8
kami nun . Kaya kami dun nag induction party kasi andun yung room ng teacher
namin . Habang naglalakad kami pauwi, nadaanan namin yung mga classroom, ang ingay
namin nun . Nang nakadating na kami sa Pilot section biglang napatigil yung babaeng
classmate namin saka tinignan yung pilot section . Kaya pati kame napatigil din sa
pag lalakad.

"Uy tignan niyo may babae " sabi nung klasmayt naming, napatingin kame dun sa
tinuturo niya . Nanlaki yung mata namin sa nakita namin babaeng naka bestida mahaba
ang buhok na itim na itim, may konting dugo sa bandang dibdib saka may dugo din sa
likuran . Na balot ang katahimikan sa amin . Imposible namang may tao dun kasi alas
syete trenta na sino ba naman ang pupunta sa school ng ganong oras?

Pinagmasdan lang namin yung babae or white lady nag si tayo yung balahibo ko,
andun padin siya . Magsasalita sana ako ng bigla itong nawala nag katinginan kami
ng mga klasmayt ko saka tumakbo ng nasa may gate na kami, napahinto kami sa kak
takbo napatingin ako dun sa estatwa ng school malapit kasi sa gate yun ng school .
Bale ang posisyon niya nakaturo siya sa batang lalaki sa unahan niya na parang
galit . Napatingin ako sa sakanya . Ewan ko ba nag hahalucitate lang siguro ako o
totoo yun pero nakita ko siyang lumingon samin o sakin saka ngumiti ng malapad,
namutla ako nun saka tumakbo palabas ng school, nakakatakot yung ngiti niya!

Kinabukasan.

Usap usapan sa room namin yung tungkol sa white lady . Hindi parin
natanggal sa isipan ko yung estatwa kaya dahil sa hindi ko na kayang ikimkim yun,
ikwenento ko to sa mga kaklase ko . Sabi nila yung estatwa daw ay buhay kung gabi .
Nawawala daw kasi iyon kung gabi saka nililibot ang school nasaksihan daw yun ng
isang guard dun sa school . Kaya simula nun hindi ko na triny na tignan yung
estatwa o din kaya'y tignan."

————————————

Yan tapos na! sana nag-enjoy kayo! Hihi ey soon to be update na ang The Bloody
Punisment! Read niyo ha!!! (;/^3^)/

©le_anne13zzz

Saranghaeyo chingu! Kamsahamnida!!

=================

Special Chapter (9): Ang bata

OO na ako na yung matagal mag-update haha.. XD kunting tiis nalang matatapos ko na


ang Raphael!!! XD pero bago ko update yun kompletuhin ko muna ang special
chapters!!! Well, ito ang mahiwaga at super nakaktakot na story na ibinahagi sa
akin ni @JongMitzYannieIn! Hi chingu! Kamsahamnida!! Saranghaeyo!! ^^ God Bless!
(uyy di alam ni Leanne Korean ng God bless haha ^_^v)

Geh simulan na natin tooo!!

---------------

Pagsasalaysay ni @JongMitzYannieIn:

"Nasa bakasyon kami ng pamilya ko sa Pagadian City. 'Yung hometown namin. Namimiss
na rin kasi namin iyon dahil matagal na kaming hindi nakapunta doon.

Nag-kukwentuhan kami kasama 'yung mga cousins at kamag-anak namin ng mga


nakakatakot na storya base po sa nararanasan nila.

Malapit ng magdilim ng mag-simula kaming nag-kukwentuhan.

Pagkaraan ng ilang oras, natapos na rin namin ang pinag-uusapan at dumeretso na


kami sa kwarto namin upang matulog na dahil gabi na at alas onse na ng gabi. Hindi
ako makatulog ng mahimbing dahil may nararamdaman akong kakaiba. Parang may
tumitingin sa akin so nilibut ko 'yung mga mata ko sa kwarto at nagulat nalang ako
ng may nakita akong isang batang nakatabi ko. Duguan siya at tila ngumingiti pa.
Wala akong kasama doon dahil separate ang mga kwarto namin.

Napasigaw na lang ako bigla at dali dali namang pumunta ang mga magulang at kamag-
anak ko doon at isinaysay ko sa kanilang lahat ang buong pangyayari.

Simula noon, hindi na nila ako pinatulog doon dahil may gumagambala na mga maligno
doon na nangangailangan pa ng hustisya."

--------------

Waahhh :'( log out na ako huhu iniwan nanaman ta ako ni mother earth (mama ko) mag-
isa sa sala..

Bago ako maglog-out uyyyyy basahin nyo ha "Tawa ka naman" by me! And visit my other
acc. @Le_anne14zzz and read my stories there!!... ^^ Thank you!!!!!!! for
supporting THS(TFS)!!

@le_anne13zzz

=================

The Last Special Chapter: The Dream of Death

Oo na ako na ang dakilang matagal mag-update haha well.. ito na ang last special
chapter! Aww ! 1 last update to go.. bye, bye na (well ako lang yung sad XD) btw.
Sossy nung tittle no.. maganda kasi yung story kaya yun nag-isip ako ng magandang
title, halos mabunot ko na yata lahat ng buhok ko sa kili-kili kaiisip haha joke
XD.

OO nga pala this story is shared by: Hatsunone23! Thank you soooo muuuchh po!! God
Bless you always!

---------------

Pagsasalaysay ni Hatsunone23:

"Here's another story I would like to share.

Lahat naman siguro ng tao, ayaw mamatay. Pero pano kung makita mo yung sarili mo
kung pano mamatay? Kahit sabihing imposible at di mangyayari, may mga bagay na
hindi mo inaasahan. Kahit iwasan mo, kung ano yung nakatakda, yun ang dapat
mangayri.
Sabado ng Gabi, halos alas-dos na ng umaga pero hindi parin ako natutulog dahil sa
atatat akong i-update yung story ko. Biglang may kumalabog sa bobong. Well, it's
natural kasi tag-bunga ng paho samin. Then, may kumalabog ulit. Tinignan ko sila
Mama na natutulog na ng mahimbing. Kibit-balikiat na lang ako. I don't care kung
anong meron, hindi na sakin bago ang mga aswang at kung ano-anong elemento.

Biglang humina ang net, nainis ako. Isinandig ko ang ulo ko sa pader at hinintay
yung net, siguro ilang segundo lang napatalik-ad ako sa kinauupuan ko. Naka-iglip
ako, pero patay na yung computer, nainis ako lalo dahil mahaba yung tinype ko tapos
nauwi sa wala. Tumayo ako at padabog na humiga, mag-isa lang ako sa kama, walang
katabi, as in.. MAG-ISA. Pero akala ko, dahil sa mga oras na yun alam kong may
katabi na ako. Tumalikod ako at pinakiramdaman yung katabi ko, humipo na ito sa
balikat ko. Himas lang siya ng himas. HIndi ako gumagalaw, hindi ko nalang siya
piunansin pero biglang bumilis yung kabog ng puso ko. Parang hihiwalay na yung
kaluluwa ko sa takot. Pasimple akong tumayo.

"Ma.. Ma.." ginising ko si Mama. Para may maka sama akong saglit , tatabi muna ako
sa pagtulog. Pero hindi kumikibo si Mama. Bakit kaya?

"Ma.. Ma.." hindi ko na siya ulit ginising at si Papa naman ang kinulit ko pero
hindi rin ito nagising. Nakatalukbong silang lahat ng kumot, natakot na ako. Tumabi
ako sa kanila.

Pinilit kong makatulog pero bigla akong kinilabutan ng hindi ko maramdaman ang mga
paa ko.

"Ma..."umiyak na ako.

Pero wala.

"Papa.. Mama.."iyak na ako ng iyak. Balak kong gisingin ang isa kong kapatid na
katabi ko lang. Pero hindi ko na naigalaw ang kamay ko.

Sigaw ako ng sigaw, pero walang nakakarinig. hanggang isang liwasnag ang palaki ng
palaki. HIndi pala, palapit ng palapit. Hind ko alam pero nakakasilaw,
"tulong!"sigaw ko. Hindi ako makakibo, sigaw lang ako ng sigaw. Dun ko narealize
na, truck yung palapit ng palapit sakin. Napasigaw na ako ng todo, naramdaman ko
nalang ang pagkamanhid ng katawan ko. Habang papikit ako, lahat ng nakita ko simula
noong bata ako, nasa harap ko. Lahat ng mga hindi ko pinakinggan at hinayaan lang,
nakatingin sakin ng masama. Yung iba naman parang gusto nilang tumulong pero may
pumipigil na ewan. Pagbagsak ko sa sahig, bigla akong tumayo. Hindi ko alam kung
papano pero tumayo ako. Tinignan ko ang paligid, nasa kalsada na ako. Pagtingin ko
lahat sila nakatingin sa likod ko. Lumingon ako, dun ko nakita ang katawan ko.
Wasak at wala ng buhay. Sumigaw ako.

Pero bigla akong nagising. "Ano ba?! Ano bang nangyayare sayo?! Ha?! Sigaw ka ng
sigaw?! Yan ba ang nagagawa sayo ng wattpad na yan ha?!"sigaw ni Mama. Nakatayo
sila sa harap ko at tinitignan ako ng masama. Nananaginip lang ako pero pawis na
pawis ako at parang totoong nangyare talaga.
Kwenento ko 'to sa lola ko. Sabi ni Lola isa daw yung pagpapakita kung paano ako
mamamatay, maaaring iwasan kung hindi paniniwalaan, pero sa uwing tatawid ako.
Natatakot ako sa bawat dadaan na truck. Phobia ko na siguro. Pero ang hindi ko
maintindihan, kung bakit nandoon yung mga nilalang na nagpapakita sakin? Sabi ni
Lola, posible daw na sila ang maging dahilan ng pagkamatay ko.

Thank you po!"

-------------

Hi guyzz! hehe salamat sa pagread.. thannks sa pagsupport sa THS!! Well..sharing of


real stories is now CLOSED. Thank you muli sa mga naging bahagi ng THS! Last update
to go and THS will be officially finished..

©le_anne13zzz

ZX

=================

#15: The Demon From Hell (Side Story of Emilyn)

Halos manlumo siya ng maalala niya kung paano pinatay ang mga magulang niya.. Kung
paanong walang-awang pinagsasaksak at sinunog ang bangkay ng mga magulang niya ng
mga sarili nilang kapitbahay..Alalang-alala pa niya...at Hinding-hindi niya
kailanman malilimutan ang lahat ng iyon....-----*blag*blag*

Malalakas na kalabog sa kanilang pintuan ang umalimpungat sa pamilya ni Raphael.

"Lumabas kayo diyan mga demonyong mangkukulam!!!!" sigaw ng isang lalaki sa labas
ng kanilang tahanan.

"Inay, sino po iyon?"walang kamuwang-muwang na tanong ni Raphael sa kaniyang ina.

Agad sumilip ang kaniyang tatay sa labas gamit ang bintana sa kanilang kwarto.

"Nariyan sila.. May mga dalang pantaga at mga gasera.." wika ng kaniyang ama.

Agad na namutla ang kaniyang ina.."Itago mo na siya Lydia.. Itago mo na si Raphael


bago mahuli ang lahat." sabi ng kaniyang ina sa kaniyang Ate.

Agad siyang binuhat ng kaniyang ate, at itinakbo siya nito papunta sa likuran ng
kanilang tahanan.
Nasilayan pa ni Raphael ang kaniyang ina na may binigkas na ang ibig sabihin ay
"magiingat ka.."

Nang marating nila ang likuran ng kanilang tahanan narinug niyang sumigaw ang
kaniyang ina, ama pati narin ang kaniyang kuya.

Nagsimulang umiyak si Raphael, alam na niya ang nangyayari.. Alam niyang May
masamang nangyayari..Kita niya sa mga mata ng kaniyang ate ang pagkakakaba..

"Raphael, bunso makinig ka kunin mo 'to, pagkatapos tumakbo ka, pumunta ka sa


malayo.. Malayong-malayo.. Kailangan mong makatakas at ipaghiganti mo ang ating
pamilya.. Maliwanag?!"

Tumango-tango si Raphael bilang pagtugon at dinala niya ang bag na inabot sa kaniya
ng kaniyang ate.

"Mahal na mahal ka namin Raphael..mahal na mahal.." Wika ng kaniyang ate at niyapos


siya ng napakahigpit. Pagkatapos noon ay nakarinig na sila ng mga yabag.

"Tumakas ka na!! Tumakas ka naa!!!" Wika ng kaniyang ate.Kahit labag sa kaniyang


loob ay agad niyang sinunod iyon.. Ngunit hindi muna siya nagpakalayo, tumago siya
sa mga kahuyan sa gilid ng kanilang tahanan.. Doon ay nakita pa niyang isa-isang
nilalabas ng kaniyang kapitbahay ang kaniyang ate, kuya, ama at ina. Ang kaniyang
ama at kuya niya ay patay na samantalang ang kaniyang ate at ina na naghihingalo ay
hinalay pa ng mga kalalakihan.. Hangang ito ay mamatay.. Upang makasigurado ay
pinagsasaksak at pinagtataga pa ng mga tao ang kaawa-awa niyang pamilya..pagkatapos
noon ay sinunog nila ito pati narin ang kanilang bahay..

Napaluhod nalamang siya at umiyak ng umiyak... Sobrang sakit sobrang-sobra! Bakit


ganun nalamang ang galit ng mga tao sa kanila? Wala naman silang ginagawang masama!
Ang tanging kinukulam lang naman ng kanilang pamilya ay mga taong umaagrabyado sa
kanila! Bukod doon wala na..Magbabayad sila!! Magbabagayad silang lahat! Tanging
nasambit ni Raphael.

Habang patuloy siyang umiiyak, ay saka lamang niya naisipang buksan ang bag na
ibinigay sa kaniya ng kaniyang ate..Nakita niya roon ang mga kasangkapan sa
pangkulam, bukod roon ay may makapal na libro na naglalaman ng mga latin curses..At
may mga pera din roon. Ngunit, naakit ang kaniyang atensyon ng makita niya ang
isang papel na nakatiklop, agad niya itong kinuha at binasa ang laman nito.

Anak,

Anak, sana habang binabasa mo ang liham na ito ay nasa mabuti ka ng kalagayan..
Alam na namin ang sasapitin ng ating pamilya mula ng aksidenteng mapatay ng iyong
ama ang asawa ni Don Fernando. Pagkat kinulam ito ng iyong ama.. Dahil
pinagbabantaan niya ako anak.. Baliw na baliw si Donya Victorina sayong ama kaya
wala ng maisip ang iyong ama kundi kulamin siya..
Anak, sana makatulong ito upang maging klaro sa iyo ang lahat.. Anak kelangan mo
kaming ipaghiganti.. Kailangan mong ipaghiganti ang iyong pamilya.. Kailangan
nilang magbayad! Wag kang magtitiwala sa iba.. Ipinanganak ang tao na
makasalanan..at kahit kailanman hindi na sila magbabago..

Mahal na mahal ka namin anak..Mahal na mahal..

Lillia.

Napahagulhol si Raphael matapos mabasa ang liham ng kaniyang ina... Namuo ang galit
sa puso niya..Tama ang kaniyang ina..makasalanan ang lahat ng tao..masama silang
lahat!!! -----------Ilang taon ang lumipas, halos sampung taon na ang nakakalipas
ng mangyari ang insidenteng iyon. Mabuti nalamang at may kumukop kay Raphael at
siya ay inalagaan, pinakain, binigyan ng maayos na matutulugan at tinuring na siya
ng mga ito ng parang tunay na anak, palibhasa ang mag-asawang iyon ay hindi
biniyayaan ng sariling supling.

Ngunit.. kahit gaano pa kabait ang turing sa kaniya ng kahit sino.. pinanghahawakan
niya parin ang katagang sinabi sa kaniya ng kaniyang ina.. "Wag kang magtitiwala sa
iba.. Ipinanganak ang tao na makasalanan..at kahit kailanman hindi na sila
magbabago.."

Kaya ng napakinabangan na niya ng lubusan ang mag-asawa ay agad niya itong


pinatay.. itinapon niya ang mga bangkay ng mga ito sa malayong lugar.. Nilinis niya
ang lahat.. walang bahid ng kaniyang kasalanan..malinis na malinis..

Ngunit nagbago ang lahat ng dumating sa kaniyang buhay si Cristine, nagkakilala


sila sa isang pista na ginanap sa kanilang bayan. Sa pagkakataong iyon unang
naramdaman ni Raphael ang pagmamahal. Naging matalik na magkaibigan ang dalawa,
dahil nga rito ay tinalikuran ni Raphael ang pinamana sa kaniya ng kaniyang
magulang. Tinalikdan rin niya ang paghihiganti niya sa mga pumatay sa kaniyang
magulang.

Sa piling ng kaniyang kaibigang si Cristine, nagging masaya siya namutawi rin sa


kaniyang puso ang pag-asang darating ang araw na mamahalin rin siya ni Cristine,
tulad ng pagmamahal niya sa dalaga.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari nalaman ni Raphael na may nobyo na si


Cristine at ito ay si Lucas. Nalaman niya ito ng minsang maibahagi ni Cristine kay
Rapahael tungkol sa kaniyang nobyo na handa na siyang pakasalan sa susunod na taon.
Halos, madurog ang puso ni Raphael, pakiramdam niya tila'y siya ay naloko.. Sobrang
sakit ang nardaman niya lalo na ng nalaman nitong dadalawin ni Lucas si Cristine.

Tubong Maynila kasi si Lucas at nagkakilala lamang ang dalawa ng minsang


nagbakasyon si Lucas sa bayan na iyon pagkat doon nakatira ang lolo't lola niya.
Agad namang nagkapalagayan ng loob si Cristine at si Lucas na nauwi sa pag-iibigan.
Nais magwala ni Raphael ng mga oras na iyon, habang kwinekwento sa kaniya ni
Cristine ang tungkol sa relasyon nila ni Lucas. Nangingilid na ang mga luha niya
pero pilit parin siyang ngumingiti sa harap ni Cristine. Nang sumapit ang gabi ay
napag-isip-isip niya ang sinabi ng kaniyang ina.

Tama nga ito, pareho-pareho lang sila!! Dahil dito ay nakapag-isip siya ng
masamang gawain, isang pagkakamali na kaniyang ginawa at Iyon ay ang halayin si
Cristine.

"Raphael hu-huwag ma-maawa ka!!" Panaghoy ni Cristine. Ngunit tila isang binging
hindi nakinig si Raphael. At patuloy niyang ginawa ang kababuyan kay Cristine.

Hindi lubos maisip ni Cristine kung bat ni Raphael ito ginawa sa kaniya.

"Kung hindi rin lang naman ako ang mamahalin mo Cristine, tulad ng pagmamahal ko
sayo, ako dapat ang makinabang sa katawan mo." nangagalaiting wika ni Raphael.

Matapos magawa ang nais niya ay pinalaya niya si Cristine. Sakto namang binisita
siya ni Lucas at nalaman nito ang kademonyohang ginawa sa kaniyang nobya. Labis na
galit ang naramdaman ni Luas ng mga panahong iyon.

"Kailangan kong makapaghiganti... Bawat kasalanan... Buhay ang kailangan na


Kapalit." Matigas na sabi ni Lucas.-------

"Nalalapit na ang aking katapusan.. Haharapin ko na ang aking kaparusahan.." Wika


ni Raphael habang nasa kwarto siya at hinahanda na niya ang kaniyang gagawing
ritwal. Pagkatapos niyang iayos ang kaniyang mga kagamitan ay sinara niya ang buong
bahay at nagkulong siya sa kaniyang kwarto makikita roon ang samo't saring mga
manika, imahe ng mga demonyo, pati narin ang mga itim at pulang kandila.

"Mali spiritus ad me. Peccatores clamaverunt in agone constituti exspectatio. Ecce


ad ultionem meam. Ecce ad gladium mortis." Paninimula niya sa sumpa. Pagkatapos
niyang mabanggit amg mga katagang iyon ay, biglang umihip ang malakas na hangin.
Napangiti si Raphael, hudyat kasi ito na nagsisimula ng tumalab ang kaniyang sumpa.

"Plagae meae poenae comes. Sed spiritus non morietur---" napatigil si Raphael ng
narinig niya ang sunod-sunod na kalampag sa pintuan ng kaniyang bahay.

"Raphael!!!! Lumabas ka diyang hay*p ka!!!! Lumabas ka diyaaaann!" Sigaw ng isang


lalaki .

Si Lucas... Nabanggit ni Raphael sa kaniyang sarili. Gayunpaman, pinagpatuloy niya


ang kaniyamg ritwal.

"Immittamque manum meam super puerum mendaciis. Nox erit corpus meum." Pagkatapos
niyang sambitin ang mga katagang iyon ay biglang kumidlat at kumulog kasabay nito
ang pagkasira ng pintuan ng kaniyang bahay. At bago pa mapasok ni Lucas ang
kaniyang kwarto ay nabanggit pa ni Raphael ang huling linya ng kaniyang sumpa.

"Quia ínsuper et caro mea moritur ..Veniam ad ultionem accingerentur." Wika ni


Raphael.Labis na ikinagulat niya ng nakapasok si Lucas sa kaniyang kwarto, akala
kasi niya'y nag-iisa lamang ito. Pero nakita niyang kasama nito si Marcos, ang
asawa ni Mariya at marami pang kalalakihan. Pero hindi siya natakot, bagkos ay
ngumiti pa ito.

"Nagsama ka pa ng kasama.. Di bale.. Mas marami, mas masaya.." Sabi ni Raphael.

"TUMAHIMIK KA!!!!" sigaw ni Lucas at pinagtatadyakan siya, tinulungan na rin si


Lucas ng mga kasama niya. Napadapa naman sa sahig si Raphael.

Masakit sobrang sakit..bawat sipa na tinatanggap niya.. Bawat hampas ng kahoy sa


katawan niya... Sobrang sakit..Tumitilapon na rin sa sahig ang mga dugo na
lumalabas sa bibig niya. Putok na rin ang labi niya, pati na ang mga mata niya ay
namamaga na.Napapikit na lamang siya..Pero naramdaman niya ang pagtigil ng
pananakit sa kaniya. Kahit , hirap na hirap na siya ay pinilit niyang buksan ang
mga mata niya. Kahit malabo na ang kaniyang paningin ay naaninag niya na may
nilalabas si Lucas na isang lubid.

"Itali mo ito sa leeg niya!" Utos ni Lucas kay Marcos at agad naman itong tumalima.

Naramdaman niya ang lubid na pumupulupot sa leeg niya.

"Higpitan niyo hangang mamatay at isabit niyo sa puno para lumabas na nagpakamatay
ang d*monyo!" Matigas na wika ni Lucas.

Dahil doon ay naramdaman niyang humihigpit ang lubid na nasa leeg niya. Hindi na
siya makahinga. Nagsisimula ng manlamig ang mga paa at kamay niya. Nangangatog na
ang labi niya. Pero bago pa man siya mawalan ng hininga ay tumingin siya kay Lucas
at ngumiti siya.. Isang ngiting makahulugan

..Isang ngiting mala-demonyong, puno ng pighati.At paghihiganti.

Saktong alas-dose ng madaling araw ng tuluyang nakawala ang demonyong kaluluwa ni


Raphael sa katawang lupa nito.

---------------Present Day:

"Oh! Sherenz, anak sinong kausap mo diyan?" Wika ni Sophia ng madatnan ang anak
niyang may kausap at kalaro sa kwarto ng kaniyang Ina na si Mariya. Simula ng
nagbakasyon sila sa probinsiya ay madalas na napapansin niya ang kakaibang kilos ng
kaniyang anak, minsan nga ay nabanggit niya iyon sa ina niyang si Mariya. Pero sabi
ng kaniyang ina na normal lang daw ito na magkaroon ng imaginary playmate/friend si
Sherenz lalo na't apat na taong gulang palang ito. Lalo na't nag-iisa pa itong
anak.

"Nakikipaglaro po ako sa bago kung playmate mommy." Wika ng kaniyang anak .

Napangiti na lamang si Sophia at agad tinabihan ang kaniyang anak na nakaupo sa


kama.

"Sino naman yang kalaro mo anak?" Wika ni Sophia at sinimulang haplusin ang
malambot na buhok ng anak..

"Si Emilyn, Mommy..." Sagot ni Sherenz.

Napatigil si Sophia. Pakiramdam niya ay nanigas ang buong katawan niya ,


nagsitaasan rin ang mga balahibo niya.

".....actually mommy nasa likod niyo po siya..gusto niya daw po makipaglaro..may


dala pa nga po siyang knife eh."

Bago pa man makapagsalita si Sophia ay naramdaman niya ang pagbaon ng matalim na


bagay sa likuran niya.

W A K A S-------------OO na ako na ang matagal mag-update haha! Juice colored naman


kasi andaming school activities!!! Nakakastress! Actually hanggang ngayon marami pa
akong gagawin, siningit ko lang 'to hehe. Btw update ko yung translation nung curse
bukas. And hey hindi totoo yung curse na yun ha! Gawa-gawa ko lang yun trinanslate
ko sa latin. Hehe pero guys hindi ako mangkukulam no! Echusera lang! (≧∇≦)/ヽ(*≧ω≦)
ノ.

©le_anne13zzz©Le_anne14zzz

=================

The Latin Curse (Translation)

Translation:

Latin:

Mali spiritus ad mePeccatores clamaverunt in agone constituti exspectatio.Ecce ad


ultionem meam.Ecce ad gladium mortis.

Plagae meae poenae comes.Sed spiritus non morietur.Immittamque manum meam super
puerum mendaciisNox erit corpus meum.
Quia ínsuper et caro mea moritur ..

Veniam ad ultionem accingerentur.

English:

Spirits of evil will come to me,Sinners will cried in agony.Behold to my


revenge.Behold to my knife of death.

Today my punishment comes.But my spirit will never die.I will use my child's
liesHer body will be my house of night.

Because even my body dies..

I will come again to revenge.--------

Again hindi ito totoong sumpa ha! Nabuo lamang ito sa imahinasyon kong nanggaling
sa aking mala-monggong utak. Oki!

(^v^)

©le_anne13zzz©Le_anne14zzz

=================

Basahin mo pinaghirapan ko 'to!!

Haha hiiii!!! Uy thank you kasi hanggang sa end ng story na ito sinuportahan mo
ako. Salamat kasi pinagtyagaan mo ang nakakabwisit at napakapangit kong story xD.

Hope na sana suportahan niyo pa ang mga nakakaumay kong kwento na nasa isa kong
account at kahit yung mga nandito kong kwento (dito sa account na 'to).

So ayun thank you sa mga naging bahagi ng THS(TFS).. THANK YOU AND GOD BLESS.

Kita-kits ulit sa susunod na bahagi ng Tagalog Horror Stories.. (^v^)(☆^ー^☆)

©le_anne13zzz©Le_anne14zzz

-------PLEASE DO READ MY OTHER STORIES MGA KA ECHUS HA!! AT VISIT MY NAGFE-


FEELINGERANG PROFILE NA @Le_anne14zzz ❤
Love you peoples!

=================

Tagalog Horror Stories II: The Untold Stories

"Muling magbubukas ang mga kwento ng kababalaghan.."

Are you ready to know the untold stories?

Soon...

--------

Ipupublish ko siya sa November!

( ˘ ³˘)♥

Thanks sa suporta! (≧∇≦)/

I love you all~~~

=================

Last na itey!

Hahaha, oo last na 'to promise uy!! guyss.. yung book 2 na update ko na po sa acc.
ko kaya i'm inviting you to read it na! haha yun lang~!

#EpalsiLeanne xD

-le_anne13zzz

-Le_anne14zzz

You might also like