You are on page 1of 5

1st Scene: Google Meet:

Teacher: Good Morning Class! First of all, I will introduce myself. I am Mr.
Keneth Fortus and I will be your Research Teacher for this school year. So
mag attendance muna tayo. Ericka Marie Dimaano?
Ericka: Present Sir!
Teacher: Class remind ko lang kayo na mag-open cam tuwing klase ko para
alam ko kung nakikinig ba talaga kayo sa klase ko or kung ano ano lang
ginagawa nyo dyan. Ok next, Allen Escala?
Ericka: (may tatawag) Mamaya po, may klase ako!
Teacher: Class be reminded to off yor mic kung hindi ko tinatawag.
Ericka: Sorry Sir!
Teacher: Ms. Escala?
Allen: Present Sir!
Teacher: Rose Marie Eugenio? (waits a few seconds) nasan na itong si Ms.
Eugenio?
Allen: Wala pa po sa meet Sir e.
Teacher: Pakichat naman ninyo yang mga kaklase nyo. Wag pa-late late sa
klase ko! Next, Philip Ramil Gonzales? (wait for a few seconds) Mr.
Gonzales?
Philip: (offcam tas nagising sa pagkakatulog) Present Sir!
Teacher: Bakit off ang cam mo Mr. Gonzales? Paki-buksan ng camera.
Philip:(inopen-ang cam) (Papasok si Rose Marie sa meet)
Rose: Good morning, Sir! Sorry po late may ginawa lang po.
Teacher: Minsan gawin na kaagad ang ginagawa para hindi late sa klase. - -
----
Teacher: So class, I will group you into 4 para sa Research ninyo (tingin sa
list). Ericka Marie, Allen, Rose Marie and Philip, kayo ang magkakagroup para
sa Research ninyo. Please be reminded na groupings ito, so hindi lang isa
ang gagawa.
Class: Yes Sir/Opo Sir.
Teacher: Okay class, mahaba pa naman ang oras natin. I will give the
remaining time for you to talk to your group mates para maumpisahan na ang
research ninyo. That's all for this day, goodbye.
Class: Goodbye, Sir!

Next Scene
Teacher: Good morning class. Kagaya ng sinabi ko sa inyo kahapon, gagawa
na kayo ng thesis paper. I will make a break room para dun kayo mag-uusap
usap about sa gagawin niyo.
(Sa break room)
Allen: Guys anong topic natin? Para makapagsimula na tayo. Nadami na din
ang pinapagawa ng ibang teacher para hindi tayo matambakan.
(WALANG NAIMIK)
Allen: Guys imik kayo.
Philip: Anong gagawin?
Allen: (Inulit niya yung sinabi kanina)
(Tinawag ni Rose si Ericka at nagchikkahan sila biglang tinawag ni
Ericka si Philip)
Ericka: Philip naglalaro ka? Arat ML.
Allen: (sumingit sa usapan) Maggawa muna tayo bago kayo maglaro.
(Nagbrainstorming sila bigay lang ng ideya biglang pasok ni Teacher sa room)
Teacher: Okay group 4 kamusta kayo?
Allen: okay naman po nagbibigayan po ng ideya (deep inside nasa isip nito
na gusto niyang magsumbong kasi habang nag-iisip sila ay naglalaro ang
kanyang kagroup)
Teacher: Mabuti kung ganun. Wag mahihiyang magtanong kung may
gustong itanong.

(Nagdecide na lang si Allen na ipagpabukas na lamang ang kanilang


paguusap at sa group chat nalang muna pagusapan dahil masasayang
lamang ang load nila wala naman silang nagagawa.)

Third Scene:
Group Chat: (bandang 10:00am)
Allen: Guys, gumawa na ako ng gc natin para mas madali nating mapag-
usapan kung anong topic ang gagawan natin.
(Seen)
Allen: Bigay na lang kayo ng topic dito hanggang 5pm para malaman natin
kung anong ideas nyo.
Group mates: Sige/Okay
(5:00pm)
Allen:Guys ano na? Bakit wala pa ring nagbibigay miski isang topic?
Kailangan na natin maumpisahan ang thesis.
Rose: Ang naisip kong topic ay tungkol sa pandemic at kung paano ito
nakakaapekto sa performance ng mga estudyante. Pwede na kaya yon?
Allen: Okay na yan. Yung iba? (Minention sina Ericka at Philip)
Philip: Wait on game lang ako.
Ericka: Okay yung topic ni Rose Marie napapanahon. Kaso baka kokonti
lang ang ma-cite natin dyan.
Allen: Ang naisip ko naman e kung paano nakakaapekto ang o line games sa
performance ng mga estudyante sa school.
Rose: Mukhang mas okay nga yan. Sige ayan nalang ang ating topic.
Ericka: Bagay na bagay ka Philip yang topic natin. Puro ML yan e.
Allen: O sya guys, kaya bang tapusin natin ang Chapter 1 hanggang bukas?
By Monday daw ay chechekan ng ni Sir kung may naumpisahan na tayo.
Rose: Imposible namang matapos natin ang Chapter 1 sa isang araw lang.
May activity pa ako sa ibang subject e, due na yon bukas.
Ericka: Oo nga, at tsaka siguro naman hindi tayo mamadaliin ni Sir kung
hindi pa natin matapos yang Chapter 1 by Monday.
Allen: O sige. Tutal Friday palang naman bukas, sa Linggo dapat may
maisend kayo dito na ideas nyo sa Chapter 1 ng topic natin. Para
pagsasama-samahin nalang natin. Ippm ko nalang kayo kung aling part ang
gagawin nyo.
Ericka: Sige sige. Babye na muna at ako'y may gagawin lang.
Rose:(replied to Allen) Sige.
Allen: Philip mag-back read ka na lang ng pinag usapan namin. Please lang
dapat sa Linggo ay may maipasa kayo.

Pagkadating ng Linggo:
Allen: Guys nasan na yung mga ginawa nyo?
Rose: (sent a file)
Ericka: (sent a file)
Allen: Salamat! Ichecheck ko muna yung mga gawa nyo at titingnan ko kung
okay na at kung may idadagdag pa. Philip asan na yung sa'yo?
Philip: Nako nalimutan kong gawin. Sorry, may tournament kasi kami
kahapon kaya hindi ko naalala.
Allen: Ano ba naman yan, ilang araw ang palugit ko tapos hindi mo man lang
nagawa. Introduction pa naman yung sa'yo. E pano yan ngayon?
Philip: Ikaw na lang muna gumawa. Bawi nalang ako sa sunod na Chapter.
Ericka: Ano Philip ML pa!
Allen: Baka akala nyo na wala akong ginagawang iba. Ireremind ko lang sa
inyo ha na groupings itong thesis natin. Aba ay makioperate naman kayo.
Philip: Babawi talaga ako sa sunod na Chapter. Sige na may game kami
ngayon e.

(Nai-stress at halos maiyak na si Allen habang iniisip kung paano nya


gagawin ang kulang na part sa thesis. Gabi na rin at kulang sya sa tulog
ng mga nakaraang araw)

Fourth Scene:
Dumating na ang Lunes.

Teacher: Good morning, Class. I expect na meron na kayong nasimulan para


sa thesis nyo. Pakisend sa akin ng ginawa nyo para macheck ko habang
andito tayo sa meet.
(Nagchat si Allen sa gc)
Allen: Huy guys hindi ko natapos yung kulang sa thesis natin.
Rose: Ala e pano yan? Hinihingi na ni Sir yung ginawa natin!
Ericka: Si Philip kasi, dapat tinulungan mo si Allen kagabi para matapos.
Philip: Isend mo nalang yung natapos para at least may naipasa tayo.
Allen: Sige sige.
(Ipinasa ni Allen ang naumpisahan nilang thesis sa Teacher)
(Ichinicheck ng Teacher ang mga ginawa)
Teacher: Ms. Escala, kayo nag Group 4 diba?
Allen: Opo Sir.
Teacher: Introduction lang at Significance ang nagawa nyo sa thesis nyo?
Ang SOP, wala pa?
Allen: A Sir kasi po hindi po namin natapos kasi medyo kulang po sa time.
Marami din po kasi kaming ibang activities sa ibang subject namin.
Teacher: Kulang sa time pero bakit ang ibang group halos kumpleto na ang
Chapter 1? At wag nyong idadahilan ang activities sa ibang subject ha kasi
binigyan ko kayo ng time para dito sa thesis nyo. Ms. Escala, tapusin ang
Chapter 1 at isend nyo na ito sa akin hanggang bukas ng umaga. Tumutulong
ba lahat ng ka-group mo sa'yo?
Allen: (sumagot ng may pag-aalinlangan) O-opo Sir.
Teacher:Yung mga kagroup ni Allen dyan, aba wag kayong pabigat.
Tumulong kayo! Baka gusto nyong si Escala lang ang bigyan ko ng grades. O
baka naman gusto nyo mag-individual dyan, pwede den naman.
Pagkatapos ng gmeet ay nagchat kaagad si Allen sa gc nila.

Allen: Huy guys tulungan nyo naman ako. Hanggang bukas nalang ang
deadline para sa Chapter 1.
Ericka: Aba edi dapat si Philip ang tumulong sa'yo at sya naman ang walang
naiambag para dyan sa thesis na yan.
Rose: Oo nga, nagbigay na kami ng part namin. Hoy Philip, tulungan mo si
Allen!
(Siniseen lang ni Philip ang mga chat)
Allen: Hoy Philip ano na?
Philip: Ikaw nalang gumawa, tutal magaling ka naman sa mga ganyan e.
Wala talaga ako maiiambag pasensya na.
Allen: Aba e hindi pwede! Hindi lang naman thesis ang ginagawa ko. E ikaw
nga dyan ang pa-ML ML lang!
(Nagleft si Philip sa group)
Allen: ala hoy please tulungan nyo nmaan ako. Para din naman ito sa grades
natin e.
Ericka: O sya kakausapin ko si Philip at kukumbinisihin na tumulong sa atin.
Rose: Allen, i-pm mo saken yung iba pang kulang at gagawin ko, tas isesend
ko nalang sa'yo para marevise mo.

(Nakausap ni Ericka si Philip at nakumbinsi na tumulong sa kanilang


thesis. Nagtulong tulong sila upang matapos ito at laking pasasalamat
nila ng:)

Next Scene:
Group Chat
Allen: Guys, good news! Narevise ko na ang ating thesis! Kumpleto na at
naisa-ve ko na din!
Ericka: Aba magaling! Isend mo na kay Sir!
Allen: Oo sige sige!
Philip: Pasensya na kayo guys kung hindi ko kaagad natapos ang parte ko
sa thesis natin. Ayan tuloy ngayon lang tayo nakakumpleto.
Rose: Okay lang yan, Philip! At least diba ngayon natapos na natin!
Allen: Oo nga, dapat na palagi tayong magtulong tulong para maging mas
mabilis at maganda ang kakalabasan ng thesis na natin!

Kinabukasan:
Google Meet
Teacher: Good morning, Class.
Students: Good morning, Sir!
Teacher: Andito na ba si Ms. Escala?
Allen: Yes Sir!
Teacher: I already saw your thesis paper. Congratulations dahil kahit na
nagkaproblema noong una ay nagawan nyo naman ng paraan para
makapagpasa. And I must say na kayong group ang may pinakamaganda at
detailed na output. So keep u the good work! Group 4, congratulations.
Group 4: Thank you, Sir!/Salamat po, Sir!
Teacher: So ibibigay ko na ulit ang time sa inyo para maisundo nyo ang mga
gagawin nyo para sa araw na ito. Class dismiss!
Students: Goodbye, Sir!

MORAL OF THE STORY: Walang grupong nananalo sa gera nang hindi


nagtutulungan. Lagi nating tandaan na ang pagkakaisa ay lakas. Lakas na
mabibigau daan saating tagumpay. At KAHIT anong panggulo o pagsubok
man ang harapin, atin itong baliwalain. Pag aaral ay pag igihin, upang
magandang kinabukasan ay ating makamtan din. Always know our priorities.
Kapit lang ! Kaya natin to!

You might also like