You are on page 1of 24

MASUSING BANGHAY ARALIN sa Araling Panlipunan

Grade VII: ARALING ASYANO

Tagapagturo: Gail Shairah G. Manapat Baitang/Antas: Grade 7


GRADES Asignatura: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng
K1-12 Pagkakaiba
Markahan: Ikaapat na Markahan
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Napapahalagahan na mga mag-aaral ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng
Nilalaman pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa
Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 Siglo).
B. Pamantayan sa Nakapagsasagawa nang kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy
Pagganap ng Silangan at Timog Silangang Asya sa Transisyoal at Makabagong Panahon (ika-16
hanggang ika-20 Siglo).
C. Pamantayan sa Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga
Pagkatuto Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Silangan at
Timog- Silangang Asya.

AP7KIS-IV-A-1.1
D. Kasanayan sa Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Pagkatuto/ Mga
tiyak na layunin a. Nasusuri ang mga dahilan at paraan ng kolonyalismo at imperyalismong
kanluranin sa unang yugto sa Timog-Silangang Asya partikular sa bansang
Pilipinas.
b. Nakagagawa ng mga iba’t ibang malikhaing presentasyon na may kaugnayan sa
mga dahilan at paraan ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin sa unang
yugto sa Timog-Silangang Asya partikular sa bansang Pilipinas at;
c. Naipahahayag ang saloobin na may kaugnayan sa mga dahilan at paraan ng
kolonyalismo at imperyalismong kanluranin sa unang yugto sa Timog-
Silangang Asya partikular sa bansang Pilipinas.
II. NILALAMAN A. Paksa: MGA DAHILAN AT PARAAN NG KOLONYALISMO AT
IMPERYALISMONG KANLURANIN SA TIMOG-SILANGANG ASYA
: Bansang Pilipinas
B. Kagamitan: LED TV, power point presentations, mga larawan, Laptop, kartolina,
pentel pens, manila paper, box at iba pang pantulong na biswal.
C. Sanggunian: 1. Araling Panlipunan 7: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
(LM)
2. Araling Panlipunan 7: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
(TM)
Kagamitang Panturo
A. Sangunian Araling Panlipunan 7: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
1. Mga pahina sa TG, pahina
gabay ng guro
2.Mga pahina sa LM, pahina 371
kagamitang pang-
mag-aaral
3. Mga pahina sa Araling Panlipunan 7: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pahina 324
teksbuk
4.Karagdagang
kagamitan mula sa https://www.slideshare.net/jaredram55/kolonyalismo-at-imperyalismo-sa-silangan-at-
portal learning timog-silangang-asya
resource
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
III. PAMAMARAAN
Pang araw-araw na Panalangin
gawain Tumayo ang lahat para sa ating
panalangin at Welmer nais kung
(2 minutes) pangunahan mo ito. (tatayo ang lahat at mananalangin na
pangungunahan ni Welmer)
Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat!
Magandang umaga din po Ma’am.
Pagpuna sa Paligid
Bago maupo ang lahat, maaari bang
pulutin muna ang mga kalat na inyong
nakikita sa ilalim ng inyong mga upuan at
lamesa at pakitapon ito sa tamang
basurahan.
(susunod ang mga mag-aaral)
Maaari na kayong maupo.
(susunod ang mga mag-aaral)
Pagtala ng Liban
Mayroon bang liban sa unang pangkat,
Zely?
Wala po Ma’am.
Dito naman sa ikalawang pangkat na ito,
mayroon bang liban, Mariel?
Wala din po Ma’am.
Sa ikatlo naman, Elein?
Wala pong liban sa aming pangkat Ma’am.
Kumpleto ba ang attendance ng ikaapat
na pangkat?
Kumpleto po Ma’am.
At siyempre, di rin papahuli ang
Ikalimang pangkat.
Ma’am, wala din pong liban sa aming
pangkat.
Magaling klas! Ako’y natutuwa sapagkat
kayo ay naririto ngayong umaga upang
matuto.

Pagkuha ng Takdang Aralin


Meron ba akong ibinigay na takdang
aralin sa inyo?
Opo Ma’am.
Kung gayon, makipagpalitan sa inyong
katabi at lagyan ng sampung puntos at
lagdaan ang papel ng inyong kaklase.
(pagbibigay-puntos sa takdang aralin)
Maaari lang na umupo ng maayos at
ihanda ang inyong mga sarili para sa
ating mga gawain ngayong araw.
(susunod ang mga mag-aaral)
Handa na ba ang lahat?
Opo Ma’am.
a. Balik-aral sa Gawain 1: ADALI MO!
nakaraang aralin Kung handa na, mayroon akong
inihandang gawain at ito ay aking
(5 minutes) pinamagatang:
Klas! Para sa kaalaman ng lahat ang
“Adali mo!” ay isang Cuyunon na salita
na ang ibig sabihin sa Filipino ay “Tama
ka!”

Maaari bang pakibasa ang panuto nang,


Ciara?

Panuto: Unawain ang


pangungusap at sabihin
ang salitang
“MAMAN NGED!”
kung TAMA ang
isinasaad nito at
“BEKEN DAN!” kung
ito naman ay MALI.

Naunawaan ba ang ating panuto klas?


Opo Ma’am!
Kung gayon, simulan na natin ang ating
gawain. Narito ang ating unang
pangungusap. Paki basa mo nga,
Recelyn.

Maman Nged? o Beken Dan? Ano ang


iyong kasagutan? Cecile. Ma’am! Maman Nged!

Magaling! Maman Nged ang tamang


kasagutan.
Para naman sa ikalawang pangungusap.
Paki basa mo nga, Lovely.

Maman Nged? o Beken Dan? Crizzll


Ma’am! Maman Nged!

Mahusay! Maman Nged ang kasagutan!


Para naman sa ikatlong pangungusap.
Paki basa mo nga, April.
Maman Nged? o Beken Dan? Ranie
Ma’am! Beken Dan!
Tama! Beken Dan ang kasagutan!
At para naman sa ikaapat na
pangungusap. Paki basa mo nga, Jinky.

Maman Nged? o Beken Dan? Ann.


Ma’am! Beken Dan!

Tumpak! Beken Dan ang kasagutan!


At para naman sa ikalima at huling
pangungusap. Maaari bang paki basa,
Justine.

Klas! Maman Nged? o Beken Dan?

Maman Nged!
Mahusay! Kung gayon, dadako na tayo
sa ating pamprosesong tanong, paki basa
mo nga Jenelyn.

Ano ang iyong kasagutan? Georgie.


Ma’am, ito po ang naging epekto ng
kolonyalismo at imperyalismo sa
Silangang Asya partikular sa bansang
China.
Mahusay! Talaga ngang naunawaan niyo
ang ating nakaraang aralin. Mayroon pa
ba kayong nais linawin patungkol dito?
Wala na po Ma’am.
B. Paghahabi sa Gawain 2: LITRATO Y ANG
layunin AKALEBAS, OBSERBAN TA!
Kung wala na, magkakaroon ulit tayo ng
(5 minutes) isang gawain at ito ay aking
pinamagatang:

Na ang ibig sabihin sa Filipino ay


“Larawan ng Nakaraan, Obserbahan
Natin!”
Para sa ating panuto, basahin mo nga,
Cindy.
Panuto: Tutukuyin ng bawat
pangkat ang ipinapahiwatig ng
mga larawan.

Naunawaan ba klas ang ating panuto?


Opo Ma’am!
Okay! Papangkatin ko ang klase sa tatlo.
Kung inyong mapapansin sa mga
armchair ng inyong upuan ay mayroong
nakadikit na mga maliliit na square,
triangle, at circle ang hugis na inyong
makikita sa inyong mga upuan ang
magsisilbing batayan ninyo kung saang
grupo kayo kabilang.

Ang unang pangkat ay ang square,


ikalawang pangkat ay ang triangle, at ang
ikatlong pangkat naman ay ang circle.

Ngayon maaari nang magsama-sama ang


magkakaparehong kulay upang malaman
ninyo kung sino ang inyong mga
kapangkat, gawin ito ng tahimik at
bibigyan ko lamang kayo ng dalawang
minuto. (pupunta ang bawat mag-aaral sa kanilang
pangkat)
UNANG PANGKAT
IKALAWANG PANGKAT

IKATLONG PANGKAT

(pagkatapos ng gawain)
Okay klas! Tapos na ang takdang oras na
aking ibinigay, maaari na kayong
bumalik nang tahimik sa inyong mga
upuan. (susunod ang mga mag-aaral)

Para sa unang pangkat, ano ang makikita


nyo sa mga larawan? Ma’am ito po ay may ginto, may mga krus,
espada, mapa at dugo po.
Tama! Sa ikalawang pangkat naman
Ma’am may mapa po ng Pilipinas, mga
espada, ginto, relihiyong katoliko at pag-
iinom po ng dugo.
Mahusay! Para naman sa ikatlong grupo?
Ma’am may simbolo po ng Kristiyanismo,
ginto, bansang Pilipinas, at maging ang
simbolo ng dahas po.
Tumpak! Batay sa mga larawan na
inyong nakikita, patungkol kaya saan ang
ating paksang tatalakayin? Rosamae. Ma’am patungkol po sa dahilan at paraan
ng pananakop o pangongolonya ng mga
Espanyol sa bansang Pilipinas
Tama! Ang ating paksa sa umagang ito
ay mayroong kaugnayan sa pananakop sa
ating bansang Pilipinas ng mga
kanluranin. Paki basa mo nga nang may
katatamtamang lakas ang ating paksang
tatalakayin, Quenie.

Pero bago natin alamin ang mga dahilan


at paraan ng kolonyalismo at
imperyalismo sa bansang Pilipinas
naririto muna ang mga layunin na dapat
nating maisakatuparan ngayong araw.
Pakibsa mo nga, Agnes?

Naunawaan ba ang ating layunin?


Opo Ma’am!
Kung gayon, kapag narinig niyo na nga
ang salitang kolonyalismo, ano ang
pumapasok sa inyong isipan? Mariel.
Ma’am para po sa akin ito ang pananakop ng
mga kanluranin lalo na ang mga Espanyol
upang mapagsamantalahan o kunin ang likas
Mahusay! Ano naman sa ang na yaman ng isang bansang nasakop nito.
imperyalism? Patrice
Ma’am ito po ay isa ring klase ng pananakop
na kung saan ang isang makapangyarihang
bansa ay idinadaan ang pagsakop sa
impluwensya ng politika, kultura,
pangkabuhayan at iba pa.
Ano naman ang Timog-Silangang Asya?
Delma. Ito po ay napapabilang sa kontinente ng
asya na kung saan ditto din nakapaloob
ang bansang Pilipinas.
Magaling! Ang mga paunang kaalaman
na mayroon kayo ay madadagdagan sa
pagpapatuloy ng ating talakayan.

Ngayon naman ay bibigyan ko kayo ng


pagkakataong bumuo ng mga
katanungan, ano-ano ang mga ito?
Sige nga May. Ma’am ano po ang dahilan ng
kolonyalismo at imperyalismo sa Timog-
Silangang Asya partikular sa Pilipinas?
Magandang katanungan, ano pa?
Bonabel. Ma’am, ano-ano po ang mga paraang
ginamit ng mga mananakop sa bansang
Magandang katanungan din! Pilipinas?
Kung kayo ay may mga katanungan klas,
ako din ay may inihandang mahalagang
tanong! Pakibasa mo nga, Zely?

Ang inyong mga katanungan maging ang


ating mahalagang katanungan ay
masasagot natin sa pagpapatuloy ng ating
talakayan.
C. Pag-uugnay ng Gawain 3: AMOS, TARA!
mga halimbawa sa MAGLAKBAY KITA!
bagong aralin Sa ating pagpapatuloy klas, magkakaroon
tayo ulit ng isang pangkatang gawain na
(5 minutes) aking pinamagatang:

Na ang ibig sabihin sa Filipino ay “Tara


Na! Maglakbay tayo!)

Mapapansin ninyo na mayroong mga


larawan ng sikat na tourist at historical
spots sa Pilipinas na nakadikit sa pisara.
Ang unang larawan ay mula sa tanyag na
lugar sa El Nido, Palawan na Big Lagoon,
ang ikalawang larawan naman ay mula sa
sikat na simbahan sa Intramuros Manila,
ang San Agustin Church at ang ikatlong
larawan ay mula sa Vigan City na kilala
sa tawag na Calle Crisologo.
Hahatiin ko ang klase sa tatlong pangkat.
Ang pangkat nyo kanina ang siya ring
magsisilbing pangkat nyo ngayon.

Ngunit bago yan, para sa ating panuto,


basahin mo nga, Jhepunneh.
Panuto: Ang bawat pangkat ay
pipili ng kanilang
nagugustuhang destinasyon at
sa likod nito ay may kalakip
ding litrato na kung saan ay
pupunan ninyo ang mga
letrang nawawala upang
mabuo ang mga salita.
Bibigyan ko lamang kayo ng
dalawang minuto para gawin
ito.

Naunawaan ba klas ang panuto?


Opo Ma’am!
Kung gayon, sa aking hudyat maaari na
kayong magsimula. Ready! Get set! Go!
(magsisimula na ang mga mag-aaral)

UNANG PANGKAT- BIG LAGOON

IKALAWANG PANGKAT- SAN


AGUSTIN CHURCH

IKATLONG PANGKAT- CALLE


CRISOLOGO

Tapos na ang takdang oras klas! Maaari


na kayong bumalik sa inyong upuan.
(Susunod ang mga mag-aaral)
Batay sa ating gawain, anong salita ang
nabuo ng unang pangkat? Jadai.
Ma’am ang salitang GINTO AT
DAUNGAN po
Tama! Ano naman ang nabuong salita ng
ikalawang pangkat? Caitlyn.
Ang salitang KRISTIYANISMO po
Magaling! Sa ikatlong pangkat naman,
anong salita ang kanilang nabuo? April.
Ma’am ang salitang DAHAS AT
SANDUGUAN po
Tama! Ngayon klas dadako na tayo sa
pamprosesong tanong. Basahin mo nga,
Hannah. Pamprosesong tanong:
1. Batay sa natapos na gawain, ano sa
tingin mo ang mga dahilan ng pananakop
ng mga kanluranin sa ating bansa?
Ano ang iyong kasagutan? Pangunahan
mo, Agnes. Ma’am para po sa akin ang mga dahilan ng
pananakop ng mga kanluranin sa ating
bansa ay dahil sa mayaman tayo sa likas na
yaman lalo na pagdating sa ginto.
Mahusay! Ano pa? Lanie.
Ma’am dahil din po sa daungan na kung
saan sentro ng pandaigdigang kalakalan.
Magaling! Para naman sa ikalawang
katanungan, pakibasa ito at sagutan,
Ranie. 2. Sa tingin nyo klas, ano naman ang mga
pamamaraang ginamit ng mga
mananakop?

Ma’am para sakin ang relihiyong


Kristiyanismo na nais ng mga Espanyol na
palaganapin sa ating bansa.
Tumpak! Ano pa ang iyong kasagutan?
Kim. Ma’am isa rin po ditto ay ang paggamit ng
dahas para sapilitan tayong masakop.
Magaling! Meron pa ba, Elein?
Ma’am ang sanduguan po na kung saan
tanda ng pagkakaibigan at kasunduan.
Mahusay! May mga karagdagan pa ba
kayong kasagutan?
Wala na po Ma’am.
Mayroon pa ba kayong mga katanungan?
Wala na din po Ma’am.
Naunawaan ba klas?
Opo Ma’am.
D. Pagtalakay ng Gawain 4: SURYIN TA DAGUE,
bagong konsepto at TABANGE AKO!
paglalahad ng Kung naunawaan na, magkakaroon ulit
bagong kasanayan tayo ng isa pang gawain at ito ay
#1 tatawagin nating

(6 minutes)

Ang pangkat ninyo kanina ay siya pa rin


ang pangkat ninyo ngayon.

Ngunit bago iyan, pakibasa mo nga ang


panuto, John.
Naunawaan ba ang ating panuto klas?
Opo Ma’am.
Kung gayon, maaari na kayong
magsimula.
(magsisimula na ang mga mag-aaral)

Okay klas! tapos na ang takdang oras.


Maaari nang idikit sa pisara ang inyong
mga ginawa. (ididikit ng mga mag-aaral ang ginawa sa
pisara)
Ngayon tunghayan natin ang maikling
presentasyon ng unang pangkat na
pangungunahan ng kanilang
representante.
UNANG PANGKAT-LIDER

Okay klas! Palakpakan natin ang unang


pangkat (magpapalakpak ang mga mag-aaral)

Base sa presentasyon na ipinakita ng


unang pangkat, magbigay nga ng isang
dahilan ng pananakop ng mga Espanyol o
kastila sa ating bansa? Leonora.
Ma’am, ang isa po sa dahilan ng
pananakop ng mga kastila sa ating bansa
ay dahil mayaman sa likas na yaman
partikular po sag into ang bansang
Pilipinas.
Magaling! Ano pa? Cecile.
Ma’am mayroon pong maayos na daungan.

Tama! Ngayon naman tunghayan natin


ang maikling presentasyon ng ikalawang
pangkat.
IKALAWANG PANGKAT-LIDER

Bigyan ng sampung palakpak ang


ikalawang pangkat. (susunod ang mga mag-aaral)
Para naman sa katanungan, anong
relihiyon ang ipinalaganap ng mga
Espanyol sa ating bansa?
Ma’am ang relihiyong kristiyanismo po.
Tama! Paano nakatulong ang
kristiyanismo upang mapasunod ang mga
Pilipino? Welmer. Ma’am nasakop ng relihiyon ang
damdamin at kaisipan ng mga Pilipino.
Mahusay! At ngayon syempre di naman
papahuli ang presentasyon ng ikatlong
pangkat IKATLONG PANGKAT-LIDER

Bigyan nyo ang ikatlong pangkat ng


“wow clap” (susunod ang mga mag-aaral)

Para naman sa ating katanungan, alin sa


mga nabanngit na paraan ng pananakop
ang tumutukoy sa pakikipagkaibigan sa
mga lokal na pormal na isinasagawa?
Patrice. Ma’am sanduguan po

Magaling! Paano naman isinasagawa ang


sanduguan? John. Ma’am iniinom po ng lokal na pinuno at
ng pinuno ng Espanyol ang alak na
hinaluan ng kani-kanilang dugo.
Tama! Ano pa ang ginagamit na paraan
ng mga kastila sa ibang lugar upang
masakop ito? Lovely.
Ma’am dahas po.
Mahusay! Naunawaan na ba klas?
Opo Ma’am!
May katanungan pa ba?
Wala na po.
E. Pagtalakay ng Gawain 5: MGA AKATAGONG
bagong konsepto at TALENTO, ELWA NINDO!
paglalahad ng Ngayon naman klas, upang lubos nating
bagong kasanayan maunawaan ang ating talakayan ngayong
#2 umaga, magkakaroon naman tayo ng
isang gawain na pinamagatang:
(15 minutes)

Para naman sa inyong batayan, naririto


ang pamantayan natin para sa
pagmamarka. Basahin lamang ito ng may
katamtamang lakas ng boses, Jad.

Sino sa inyo ang napapanood o familiar


sa ANG PROBINSYANO ni FPJ? Itaas
ang kamay.

At dahil nanunuod kayo ng ANG (Itataas ng mga mag-aaral ang kanilang


PROBINSYANO, mayroong kamay)
ipinadalang Gawain si Kardo at nais
niyang makipagtulungan kayo upang
magtagumpay ang kanyang mga plano at
misyon. Paki basa mo nga ang kanyang
mensahe, Renz. Abril 04, 2022
Mahal kong mag-aaral,
Magandang araw sa lahat! Bilang
bahagi ng aking misyon kayo ay
inaatasan ko na magbahagi at
magsagawa ng iba’t ibang
presentasyon. Ilabas na ninyo ang
inyong nakatagong talento.
Nagmamahal,
Kardo

Naunawaan ba klas?
Opo Ma’am!
Hahatiin ko ang klase sa limang pangkat.
Kailangan ko ng isang representante
bawat grupo upang kunin dito sa harap
ang inyong mga gawain na ipinadala ni
Kardo. (Kukunin ng representante ng unang
pangkat ang kanilang gawain)

(Kukunin ng representante ang ikalawang


pangkat ang kanilang gawain)

(Kukunin ng representante ang ikatlong


pangkat ang kanilang gawain)

(Kukunin ng representante ng ikaapat na


pangkat ang kanilang gawain)

(Kukunin ng representante ng ikalimang


pangkat ang kanilang gawain)
Maaari na kayong magsimula. Bibigyan
ko lamang kayo ng limang minuto sa
paghahanda.
(pagkatapos ng takdang oras)
Handa na ba ang bawat pangkat para sa
kanilang presentasyon?
Handa na po Ma’am.
Ngayon ay tunghayan na natin ang
inihandang presentasyon ng unang
pangkat. (pagpapakita ng presentasyon ng unang
pangkat)
Bigyan ng sampung palakapak at
sampung padyak ang unang pangkat.
(isasagawa ng mga mag-aaral)
Ngayon naman klas ay dadako na tayo sa
inihandang presentasyon ng ikalawang
pangkat. (pagpapakita ng presentasyon ng
ikalawang pangkat)
Bigyan natin ng Barangay Clap ang
ikalawang pangkat. (isasagawa ng mga mag-aaral)

Ngayon naman tunghayan na natin ang


inihandang presentasyon ng ikatlong
pangkat. (pagpapakita ng presentasyon ng ikaapat
na pangkat)
Bigyan naman natin ng Coca-cola Clap!
ang ikaapat na pangkat.
(isasagawa ng mga mag-aaral)
Ngayon naman ay dadako na tayo sa
presentasyon ng ikalimang pangkat
(pagpapakita ng presentasyon ng ikalimang
pangkat)
Bigyan naman natin ng Wow Clap ang
ikalimang pangkat (isasagawa ng mga mag-aaral)

Ngayon ay dadako na tayo sa pagbibigay


ng puntos sa bawat pangkat.

Ako ay nagagalak sapagkat aktibo


kayong nakilahok sa ating pangkatang
gawain. Nararapat lamang na bigyan niyo
ang inyong mga sarili ng sampung
palakpak.
(susunod ang mga mag-aaral)
Mayroon pa ba kayong katanungan?
Wala na po Ma’am.
F. Paglinang sa Gawain 6: TAKESEN TA INDONG
kabihasaan (Tungo NAELEMAN!
sa Formative Kung wala na, dadako na tayo sa ating
Assessment) susunod na gawain at ito ay aking
pinamagatang:
(8 minutes)

Para sa inyong kaalaman klas, mayroon


akong inihandang mga pamprosesong
tanong dito.

Para sa unang katanungan, maaari bang


pakibasa at sagutan, Welmer.
1. Batay sa inyong natapos na
gawain, bakit naging
dahilan ng kolonyalismo at
imperyalismo ang ginto at
daungan sa Maynila?

Ma’am dahil mayaman po ang bansang


Pilipinas sa mga likas na yaman katulad ng
ginto kaya nagkamotibo silang sakupin ito.
Naging sentro din ng pandaigdigang
kalakalan ang daungan sa Maynila kaya
nasakop din ito ng mga Espanyol.
Mahusay! Kailan nga dumating ang mga
Espanyol sa Pilipinas? Jen.
Marso 16, 1521, Ma’am!
Tama! Klas kilala nyo ba ang unang
taong dumaong sa baybayin ng Pilipinas?
Opo Ma’am! si Magellan po
Magaling! Ano ang napatunayan ni
Magellan ng narating nya ang Pilipinas?
Napatunayan po sa kanyang paglalakbay
na bilog ang mundo.
Paano napatunayan ni Magellan iyon?
Kasi po Ma’am, ginamit nya ang rutang
kanluran upang marating ang Silangan.
Magaling! Para naman sa karagdagang
impormasyon, Pakibasa mo nga, Grace.
Para sa ikalawang pamprosesong tanong,
pakibasa at sagutan, Shaira.
2. Anong impormasyon naman
ang inyong nasuri sa
paraan o pamamaraan na
ginamit ng mga Espanyol sa
pananakop gamit ang
relihiyon?

Ma’am, isa po sa ginamit nilang paraan ay


ang palaganapin ang Kristiyanismo sa
bansa at impluwensyahan ang damdamin
at kaisipan ng mga Pilipino pagdating sa
relihiyong katoliko.
Mahusay! Ngunit, sa tingin nyo ano
naman ang mga mabubuting dulot ng
pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa
bansa? Ma’am, nagkaroon po ang mga Pilipino ng
iisang relihiyon at paniniwala pagdating sa
pananampalataya na kung saan ito ang
bumuklod sa kanila.
Tama! At para naman sa pagpapalawak
ng kaalaman. Pakibasa mo nga? JT.

Para sa ikatlong pamprosesong tanong,


paki basa at sagutan, Jinky.
3. Ano naman ang ibig sabihin
ng Sanduguan bilang paraan
din ng pananakop ng mga
Espanyol?

Ma’am ito ay ang pakikipagkaibigan sa


mga lokal na pinuno na pormal nilang
ginagawa sa pamamagitan ng sanduguan.
Tama! Ngayon klas, para sa
pagpapalalim ng salitang sanduguan,
naririto ang kaaragdagang impormasyon.
Pakibasa mo nga, Lovely.
Ngayon naman klas ay dadako tayo sa
ika-apat na pamprosesong tanong. Paki
basa at sagutan, Recelyn.
4. Anong ibang paraan ang
kanilang ginagamit sa ibang
lugar upang masakop ito lalo na
ang mga lupain?

Ma’am sa ibang lugar ginagamitan po nila


ng dahas o pwersahang pananakop para
makamkam at maaagaw ang mga lupain ng
ibang mga Pilipino.
Tama! Ginamitan nila ng dahas ang
upang masakop nila ang ibang lugar.

Batay naman sa ating mahalagang


katanungan, paki basa mo nga, Ciara.

Ano ang iyong kasagutan, Maria?


Ma’am para po sa akin, makikita pa din
natin sa kasalukuyan ang mga paniniwala
at tradisyon na iniwan sa atin ng mga
Espanyol katulad na lamang ang
Kristiyanismo na syang naging batayan ng
pananampalataya ng mga Pilipino.
Magaling! Ano pa, Ranie?
Ma’am nagkaroon din ng lakas ng loob
ang mga Pilipino na ipagtanggol ang
kanilang mga sarili at kalayaan sa ibang
bansa sa pamamagitan po ng pagmamahal
sa bayan.
Mahusay! Lagi nyong tatandaan klas na
bagama’t nasakop tayo ng Espanyol
noong unang yugto pero hanggang
ngayon bitbit pa din natin sa kasalukuyan
ang mga magandang naidulot nito sa
kaisipan ng mga Pilipino.

Naunawaan na ba klas?
Opo Ma’am.
G. Paglalapat ng Gawain 7: TAWE AKO IMONG
aralin sa pang- NAELAMAN!
araw-araw na Kung naunawaan na, magkakaroon ulit
Gawain. tayo ng isang gawain at ito ay aking
pinamagatang,
(5 minutes)

Sino ang nakakakilala sa kanya?


(tataas ng kamay ang mga mag-aaral)
Ano na nga ang pangalan nya? Mariel.
Ma’am siya po si Dora the Explorer!
Tama! Si Dora ay kilala bilang
manlalakbay, at mayroon syang
katanungan na kailanagang mabigyan
kasagutan. Pwede nyo bang matulungan
si Dora?
Opo Ma’am!
Para sa katanungan, paki basa mo nga,
Marian.
1. Ano ang inyong saloobin
sa ginawang pananakop
ng mga Espanyol sa
bansang Pilipinas?

Ano ang iyong kasagutan? Hannah.


Ma’am ang aking saloobin sa ginawa
nilang pananakop ay may positibo at
negatibo. Para sa akin nakakalungkot isipin
ang mga naranasan ng mga Pilipino dati sa
kamay ng mga Espanyol na kung saan
nakaranas sila ng pang-aabuso. Ngunit, sa
kabilang banda, pagdating naman sa
tradisyon at kultura nanatili pa rin ang
kanilang impluwensya sa atin hanggang
ngayon.
Mahusay! Ano pa? Lanie.
Ma’am, masyado pong naging malupit ang
mga Espanyol dati sa mga Pilipino kaya
kung iisipin natin nakaka antig ng puso
ang dinanas ng ating kapwa Pilipino.
Magandang kasagutan. Ano pa?
Georgette. Ma’am, nakakaawa po yong sinapit ng
mga Pilipino dati lalo na yong mga
kababaihan na minaltrato. Pero sa isang
banda, dahil sa pananakop nila natuto
tayong mga Pilipino na lumaban at huwag
hayaang tapak tapakan lang ng ibang
Tama! Ngunit pagdating naman sa bansa.
relihiyon klas, ano ang naging
magandang dulot nito sa atin? Zely.
Ma’am, malaki din po ang naiambag ng
mga Espanyol satin pagdating sa
impluwensya ng relihiyong Kristiyanismo
dahil hanggang sa kasalukuyan ito pa din
ang relihiyong nangingibabaw sa puso at
Magaling! Ako ay natutuwa dahil talaga isip ng mga Pilipinong mananampalataya.
ngang naunaawaan niyo ang ating paksa
ngayong araw.

Mayroon pa ba kayong mga katanungan?

Wala na po Ma’am.
H. Paglalahat ng Gawain 8: E-HULOG MO IMONG
aralin REPLEKSYON!
Tingnan ko nga. Mayroon ako ulit
(3 minutes) inihandang gawain at ito ay tatawagin
nating,

Ang gagawin nyo lamang ay isusulat ang


bagay na inyong natutunan patungkol sa
ating paksang tinalakay ngayong umaga
at ihuhulog ito sa ating box. Nauunawaan
ba klas? Opo Ma’am.
Maaari na kayong magsimula sa ating
gawain. (magsisimula na ang mga mag-aaral sa
kanilang gawain)
Ngayon pipili ako ng tatlong mag-aaral
na pupunta sa harap upang ibahagi sa
klase ang kanilang isinulat! Pangunahan
mo nga, Cindy. Ma’am natutunan ko po ang mga dahilan
ng kolonyalismo at imperyalismong
kanluranin sa bansang Pilipinas na kung
saan dahil sa ginto at maayos na daungan
kaya nila tayo sinakop.
Tama! Palakpakan natin si Cindy!
(magpapalakpak ang mga mag-aaral)
Ikalawa ikaw naman Georgie.
Ma’am natutunan ko po na ang
kristiyanismo ay isa sa paraan na kanilang
ginamit para masakop tayo.
Magaling! Palakpakan natin si Cindy.
(magpapalakpak ang mga mag-aaral)
Ikatlo naman si Rosamae. Natutunan ko po na gumamit din sila ng
dahas sa pananakop at maging ang
sanduguan na tumutukoy sa
pakikipagkaibigan ng mga kanluranin sa
local na pinuno ng bansa.
Mahusay! Palakpakan natin si Rosamae.
(magpapalakpak ang mga mag-aaral)
Patungkol saan na nga ang paksang ating
tinalakay? Ma’am, patungkol po sa mga dahilan at
paraan ng kolonyalismo at imperyalismong
kanluranin sa Timog- Silangang Asya
partikular sa bansang Pilipinas.
Tama! May mga katanungan pa ba kayo
klas? Wala na po Ma’am.
Kung wala na, kumuha ng sangkapat na
bahagi ng papel para sa ating pagsusulit.
(susunod ang mga mag-aaral)
Maaari bang pakibasa ang panuto,
Bonabel. (pagbasa ng panuto)
I. Pagtataya ng Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at
aralin isulat ito sa sagutang papel.

(4 minutes) 1. Sino sa mga sumusunod na pagpipilian


ang nagtagumpay na masakop ang
bansa sa pamamagitan ng
pakikipagsanduguan at paggamit ng
dahas?
A. Ferdinand Magellan
B. Miguel De Lapaz
C. Mao Zedong
D. Miguel Lopez de Legazpi

2. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian


ang mga dahilan ng pananakop ng mga
Espanyol sa Pilipinas?
A. Maunlad ang Pilipinas sa mga
pampalasa (spices)
B. Mayaman ang Pilipinas sa ginto
at may maayos na daungan
C. Nais nilang ipalaganap sa
buong mundo ang
kristiyanismo.
D. Nahanap ni Magellan sa
Pilipinas ang lugar na Moluccas
.
3. Alin sa mga sumusunod ang mga
paraang ginamit ng mga Espanyol sa
pananakop sa Pilipinas?
I. Pagpapalaganap ng
kristiyanismo
II. Pakikipagsanduguan sa mga
lokal na mga pinuno
III. Pakikipagkaibigan sa mga
Pilipino at pagbibinyag sa mga
katutubo.
IV. Paggamit ng dahas para
sapilitang masakop ang bansa
A. I, IV, III
B. II,III,IV
C. I, II, IV
D. I, II,III,IV
4. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa
sanduguan, MALIBAN sa.
A. Ito ay ang pakikipagkaibigan ng
mga lokal na pinuno sa mga kastila
sa pamamagitan ng Divine Rule
Policy.
B. Ito ay ang pakikipagkaibigan ng
mga kastila sa mga lokal na pinuno
sa pamamagitan ng pag-iinom ng
alak na may halo na kanilang dugo.
C. Ito ay ang alyansang nangyayari sa
pagitan ng mga Espanyol at mga
Pilipino sa pamamagitan ng
digmaan.
D. Ito ay ang alyansang ginagawa ng
mga Pilipino laban sa mga
Espanyol na mananakop sa
pamamagitan ng giyera.

5. Si Mag-aaral G ay inatasan ng kanyang


guro na magpamalas ng isang
malikhaing presentasyon patungkol sa
mga paraaan na ginamit ng mga
Espanyol sa pananakop sa ating bansa.
Alin sa mga sumusunod na pagpipilian
ang tamang isinagawa ni mag-aaral G?
A. Si Mag-aaral G ay nagpamalas ng
malikhaing tula patungkol sa
pagpapalaganap ng kristiyanismo
sa ating bansa.
B. Si Mag-aaral G ay ipinaliwanag sa
pamamagitan ng talkshow ang
sanduguan na tumutukoy sa
pakikipagkaibigan ng mga lokal na
pinuno sa mga kastila.
C. Si Mag-aaral G ay nagpamalas ng
isang pagbabalita na may
kaugnayan sa kristiyanismo at
yamang likas ng Pilipinas na pinag-
aagawan ng mga mananakop.
D. Si Mag-aaral G ay nagpamalas ng
pag-awit patungkol sa Divide and
Rule policy na pinalaganap ng mga
Espanyol sa bansang Pilipinas.
Klas tapos na ba ang lahat?
Opo Ma’am.
Makipagpalitan ng papel sa katabi at
narito and susi sa pagwawasto

SUSI SA
PAGWAWASTO

1. D
2. B
3. C
4. B
5. A

Taas ang kamay kung sino ang nakakuha


ng limang puntos?
(Itataas ang mga kamay)
Ikaapat na puntos?
(Itataas ang mga kamay)
Ikatlong puntos?
(Itataas ang mga kamay)
Mahusay! Maaari nang ipasa sa harapan
ang mga papel.
(Ipapasa sa harapan ang mga papel)
Kung gayon, kunin ang inyong kwaderno
at kopyahin ang takdang aralin.
(Susunod ang mga mag-aaral)
J. Karagdagang Gawain 9:
Gawain para sa Panuto: Isulat sa inyong kwaderno ang
takdang aralin at kasagutan.
remediation
1. Ano ang mga patakarang ipinatupad
(2 minutes) ng mga Espanyol sa Pilipinas noong
ika- unang yugto ng imperyalismo at
kolonyalismo? Ipaliwanag.

SANGGUNIAN: ASYA: Pagkakaisa sa


Gitna ng Pagakaiba A.P. Modyul ng
Mag-aaral, pahina 325.

Kung tapos na, iligpit na ang inyong


gamit at humanda sa paglabas. Paalam sa
inyong lahat.
Paalam din po Ma’am!
Maaari na kayong lumabas ng tahimik.
(susunod ang mga mag-aaral)
IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY
A. Bilang ng
mag-aaral na
nakakuha ng 80%
sa pagtataya
B. Bilang ng
mag-aaral na
nangangailangan
ng iba gawain para
sa remediation
C. Nakatulong
ba ng remedial?
Bilang ng mga
mag-aaral na
nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng
mag-aaral na
nagpatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga
istratehiyang
panturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
Nakatulong?

Inihanda ni:

GAIL SHAIRAH G. MANAPAT

You might also like