You are on page 1of 36

MASUSING BANGHAY ARALIN sa Araling Panlipunan

Grade VIII: KASAYSAYAN NG DAIGDIG: KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG

Tagapagturo: Judalyn A. Pellejera Baitang/Antas: Grade 8


GRADES Ramil C. Vallejo Asignatura: KASAYSAYAN NG DAIGDIG:
K1-12 KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG
Markahan: Unang Markahan
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksyon ng tao sa kanyang
Nilalaman kapaligiran na nagbigay-daan sa pag usbong ng mga sinaunang kabihasnan na
nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga
Pagganap at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa
kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.
C. Pamantayan sa Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig. (AP8HSK-Id-4)
Pagkatuto
D. Kasanayan sa Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Pagkatuto/ Mga
tiyak na layunin 1. Nasusuri ang mga mahalagang konsepto sa katangiang pisikal ng daigdig;
2. Nakagagawa ng slogan tungkol sa pangangalaga ng daigdig; at
3. Napahahalagahan ang biyayang bigay ng kalikasan para sa mga tao.

II. NILALAMAN A. Paksa: KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG


Sub-topiko: Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya
Sub-topiko: Estruktura ng Daigdig
B. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Projector, Laptop, Bola at iba pang visual aids.

C. Sanggunian: Araling Panlipunan 8: Kasaysayan ng Daigdig: Katangiang Pisikal ng


Daigdig (LM)
Araling Panlipunan 8: Kasaysayan ng Daigdig: Katangiang Pisikal ng
Daigdig (TM)
Kagamitang Panturo
A. Sangunian Araling Panlipunan 8: Kasaysayan ng Daigdig: Katangiang Pisikal ng Daigdig

1. Mga pahina sa LM, pahina 10-36


gabay ng guro
2.Mga pahina sa LM, pahina 10-36
kagamitang pang-
mag-aaral
3. Mga pahina sa Araling Panlipunan 8: Kasaysayan ng Daigdig: Katangiang Pisikal ng Daigdig
teksbuk
4.Karagdagang
kagamitan mula sa
portal learning
resource
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
III. PAMAMARAAN
Pang araw-araw na Panalangin
gawain Lahat ay tumayo para sa panalangin.
Rona, pangunahan mo ang ating
(3 minutes) panalangin ngayong araw.

(tatayo ang lahat at mananalangin na


Pagbati
pangungunahan ni Rona.)
Magandang umaga sa inyong lahat!
Pagpuna sa Paligid
Bago umupo ang lahat, maari bang
pulutin muna ang mga kalat na inyong
nakikita at itapon ito sa tamang (lahat ng mag-aaral) Magandang umaga din
basurahan. po Ma’am/Sir.

Maaari na kayong maupo.

Pagtala ng Liban
Kimberly, bilang tagapagtala ng liban sa
inyong klase, mayroon bang lumiban sa (susunod ang mga mag-aaral)
inyong klase ngayong umaga?

Ako ay nagagalak sa aking nalaman na


walang lumiban sa inyong klase ngayong
umaga.

Wala pong liban Ma’am/Sir.


Pagkuha ng Takdang Aralin
Meron ba akong ibinigay na takdang
aralin sa inyo?

Kung gayon, ihanda na ang sarili para sa


ating talakayan ngayong umaga. Handa
na ba ang lahat?

(lahat ng mag-aaral) Wala po.

(lahat ng mag-aaral) Opo Ma’am/Sir.


A. Balik-aral sa Gawain 1: SCATTERGORIES
nakaraang aralin
Mukhang handa na nga ang lahat, pero
(5 minutes) bago tayo tumungo sa ating paksang
aralin sa umagang ito, mayroon akong
inihandang gawain at ito ay aking
pinamagatang:

“SCATTERGORIES”
Pero bago iyan, hahatiin ko muna ang
klase sa tatlong grupo.

(Hahatiin ang klase sa tatlong grupo.)

Patricia, maari bang pakibasa ang ating


panuto?

Panuto:
Sariwain ang mga mahahalagang
natutunan sa nakaraang aralin,
Isulat ang mga hinihinging
impormasyon sa talahanayan ng
grupo.

Maraming Salamat! Naunawaan ba ang


ating panuto klas? (lahat ng mag-aaral) Opo Ma’am/Sir.

Magaling! Ngayon atin nang subukin


kung naalala pa ninyo ang ating
nakaraang talakayan. Para sa Unang
Grupo kayo ay ang MGA
KONTINENTE NG DAIGDIG. Sa
ikalawang grupo naman ay ang MGA
KARAGATAN NG DAIGDIG. At sa
huling grupo naman ay ang MGA
PLANETANG NG SOLAR SYSTEM.

Mga Mga Mga Planeta


Kontinente ng Karagatan ng sa Solar
Daigdig Daigdig System

Nauunawaan ba klas?

Kung gayon, Maari na kayong


magsimula.

(lahat ng mag-aaral) Opo, Ma’am/Sir.


Tapos na ba ang bawat grupo?

Magaling!Ngayon ating pakinggan ang (susunod ang mag-aaral)


unang grupo sa kanilang naisulat sa
patungkol sa Mga kontinente ng daigdig.
Pakibasa ang inyong mga naisulat unang
pangkat.
(lahat ng mag-aaral) Opo, ma’am/sir.

Ma’am/Sir, Ang aming pong naisulat sa


mga kontinente ng daigdig ay:
1. Mercury
2. Venus
Napakahusay! Talaga ngang kayo’y 3. Earth
nakikinig sa ating aralin. Ngayon naman,
Para sa ating ikalawang grupo ay ang 4. Mars
mga Karagatan ng Daigdig. Ano ang 5. Jupiter
naisulat ninyo?
6. Saturn
7. Uranus
8. Neptune.

Tama ba klas ?
Para po sa ikalawang grupo ang aming
naisulat po ay:
1. Pacific Ocean
2. Atlantic Ocean
Magaling! Tumpak ang inyong 3. Indian Ocean
kasagutan . Ngayon naman , Para sa
ating huling grupo. Ang grupo ng Mga 4. Southern ocean
Planeta ng Solar System? Ano ang 5. Arctic ocean.
naisulat ng inyong grupo?

Opo ma’am/sir.

Ma’am/Sir, Ang saamin naman po ay


Mahusay! Tumpak ang inyong mga
1. Asia
kasagutan. Malinaw na ba sa inyo ang
ating nakaraang paksa? 2. Africa
3. Europe
4. North America
5. South America
Mahusay! Ako’y nagagalak dahil inyo 6. Australia
pang naaalala ang ating mahalagang
talakayan kahapon. Dahil diyan bigyan 7. Antarctica.
ninyo ang inyong mga sarili ng tatlong
palakpak.

Opo, ma’am/sir.

(Papalakpak ng tatlong beses ang mga


estudyante.)
B. Paghahabi sa Gawain 2: “FILL-MO ALAM MO”
layunin Ngayon klas, para malaman at
matuklasan natin ang ating paksang
(5 minutes) aralin sa umagang ito, Ako ay may
nakalaan muling gawain na tatawaging,
pakibasa ang nasa screen ng sabay-
sabay.
“FILL-MO ALAM MO”
Marialie, pakibasa ang panuto.

Panuto:
Suriin ang ipinakitang larawan at
tukuyin ang salitang nakalaan para
dito sa pamamagitan ng pag-puno sa
mga letra, mayroon itong nakalaang
clue sa bawat bilang.

(lahat ng mag-aaral) Opo Ma’am/Sir!

Okay, maraming salamat! Naunawaan ba


ang ating panuto?

Bago tayo magsimula ay papangkatin ko


ang Klase sa tatlong grupo.

(Papangkatin ang klase sa tatlong (lahat ng mag-aaral) Opo, Ma’am/Sir.


pangkat.)

Handa na ba ang bawat grupo?

Narito ang mga larawan at clue.

(Pagbibigay ng larawan sa bawat grupo)

Para sa sasagot sa unang larawan, ay ang


Unang pangkat. Sa pangalawang larawan
ay ang pangalawang pangkat. At ang
pangatlong larawan ay sa pangatlong
pangkat. Bibigyan ko lamang kayo ng 30
sigundo para mahulaan ang sagot.

(lahat ng mag-aaral) Opo, Ma’am/Sir.


Handa na ba ang bawat grupo?

(nagpupulong ang bawat grupo)


Kung ganon, atin nang umpisahan ang
gawain!

Ngayon ay tapos na ang inilaang sigudo


para sa inyong pagsagot.

KA + – MA
– TI + ANG

Ma’a,/Sir, ang salitang nabuo po mula sa


larawan at clue ay salitang
KATANGIANG

Unang pangkat, ano ang salitang nabuo Opo, ma’am/sir.


ninyo?

Magaling! Tama ba nabuo ng unang


pangkat klas?

Okay! Dumako naman tayo sa ikalawang


larawan.
__I__S__ __A__

Ma’am/Sir, ang salitang nabuo po namin


mula sa larawan at clue ay PISIKAL

(lahat ng mag-aaral) Opo, ma’am/sir.


Pangalawang pangkat, ano naman ang
salitang nabuo ninyo?

Magaling! Tama kaya ang kanilang


sagot klas?

Okay! Sa pangatlong larawan naman! D__I __D__ G

Ma’am/Sir, base po sa larawan at clue kami


po ay nakabuo ng salitang DAIGDIG

(Babasahin ng mga mag-aaral)


KATANGIANG, PISIKAL, DAIGDIG

Pangatlong pangkat, ano ang salitang


nabuo ninyo mula sa larawan at clue?

Tumpak! Napakagaling.

Ngayon naman ay basahin ng sabay-


sabay ang lahat ng mga salitang inyong “KATANGIANG PISIKAL NG
nabuo. DAIGDIG”

Tama! Ang mga salitang Ito ay may


kaugnayan sa ating tatalakayin ngayong
araw.
Pakibasa ng malakas at sabay-sabay ang
ating paksa ngayong araw.

Ang ating talakayan ngayong araw ay


nakapokus sa pagtalakay tungkol sa
Katangiang Pisikal ng Daigdig na
nahahati sa sumusunod na sub-topiko:

• Sub-topiko 1 - Katuturan at Limang


Tema ng Heograpiya LAYUNIN:
• Sub-topiko 2 - Estruktura ng Daigdig Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-
aaral ay inaasahang:

1. Nasusuri ang mga mahalagang


Ngayon klas, bago tayo magpatuloy sa konsepto sa katangiang pisikal ng
ating talakayan, narito ang ating mga daigdig;
layunin. 2. Nakagagawa ng slogan tungkol sa
pangangalaga ng daigdig; at
3. Napahahalagahan ang biyayang
Maaari mo bang basahin, Mariel. bigay ng kalikasan para sa mga tao.

Opo, ma’am/sir.

Ma’am/Sir, nais ko po itanong kung ano po


kaya ang mga nakapaloob sa katangiang
pisikal ng daigdig?

Naunawaan ba ang ating mga layunin?

Ma’a/Sir, bakit po mahalagang pag-aralan


kung nauunawaan na ay bibigyan ko ang mga paglalarawan tungkol sa
kayo ng pagkakataon na bumuo at katangiang pisikal ng daigdig?
magbigay ng inyong mga katanungan
patungkol sa ating tatalakayin ngayon.
may nabuo ka bang katanungan wala na po.
Vannessa ?

Magandang katanungan! Ano pa? Nais


ko namang marinig ang katanungan ni
Elena?

Mahalagang katanungan:
bakit mahalagang malaman at
maunawaan ang konsepto sa
Katangiang Pisikal ng Daigdig?
Isa ring napakagandang tanong, mayroon
pa ba klas ?

Okay, kung kayo ay mga katanungan


ako din ay may mahalagang tanong na
ating masasagot sa ating talakayan. Von
Phillip, pakibasa ang mahalagang
katanungan.

Opo, ma’am/sir.

Maraming salamat , Von Phillip.

klas, lagi nating tatandaan ang inyong


katanungan at ang aking mahalagang
katanungan ay ating masasagot sa ating
talakayan. Nauunawaan po ba klas?

C. Pag-uugnay ng Gawain 3: “ Paper Ball”


mga halimbawa sa
bagong aralin Sa pagpapatuloy ng ating aralin,
mayroon muli akong inihandang gawain
(8 minutes) upang suriin ang inyong paunang
kaalaman patungkol sa ating paksa
ngayong araw. Tatawagin nati itong:
“Paper Ball”

Pakibasa ang ating panuto, Annaliza!

Panuto:
Pagpapasa-pasahan ang bolang
papel, at kung sino ang siyang
mahintuan ng bolang papel ay
siyang sasagot sa katanungang
nakapaloob sa dito.

Maraming salamat Annaliza.

Naunawaan ba ang ating panuto?


(lahat ng mag-aaral) Opo. ma’am/sir.

Kapag narinig niyo akong nagsalita ng


HINTO! Ito ay hudyat na titgil kayo sa
pagpapasa ng bolang papel at kung sino
ang mahintuan ng bolang papel ay
siyang sasagot.

Naunawaan ba klas?

(lahat ng mag-aaral) Opo, Ma’am/Sir.

Okay! Handa na ba ang lahat?

(lahat ng mag-aaral) Opo, Ma’am/Sir.


(Ibibigay ang bola sa mag-aaral)
Simulan na natin.

(Pagpapasa-pasahan ang bolang papel)


HINTO!
(Tatayo ang estudyanteng nahintuan ng
bolang papel)

Okay! Pakibuksan, Pakibasa at


pakisagutan ang katanungang
nakapaloob sa bolang papel.

(Sasagot ang mag-aaral)


1. Ano ang tumutukoy sa siyentipikong
pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig?
Okay! Ano ang iyong kasagutan?
Ma’am/Sir, Heograpiya po.

Tama! Ipagpatuloy ang pagpasa ng


bolang papel.

(Ipagpapatuloy ang pagpapasa ng bolang


papel.)
HINTO!

(Tatayo ang estudyanteng nahintuan ng


bolang papel)

Pakibuksan, Pakibasa at pakisagutan ang


katanungang nakapaloob sa bolang
papel.

(Sasagot ang mga mag-aaral)


2. Napakahalaga ng papel na ginagampanan
ng araw sa buhay ng tao, halaman, at hayop.
Ano ang kinalaman ng araw sa kalagayang
ito?

Ano ang iyong kasagutan?

Ma’am/Sir, sa araw po kumukuha ng ng


enerhiya ang lahat ng may buhay sa
daigdig.

Tama ba ang kanyang kasagutan klas?


(lahat ng mag-aaral) Opo, ma’am/sir.

Magaling! Simulan nang muli ang


pagpasa ng bola. (Ipagpapatuloy ang pagpapasa ng bolang
papel.)
(Tatayo ang estudyanteng nahintuan ng
bolang papel)
HINTO!

(Sasagot ang mga mag-aaral)


OKay! Pakibasa at pakisagot na ang
katanungang napunta sa iyo. 3. Ang daigdig ay may apat na hating globo
o hemisphere. Ano ang imahinasyong guhit
ang humahati sa northern at southern
hemisphere?

Ma’am/Sir, prime meridian po.

Ano naman ang iyong kasagutan?

Mahusay! maraming salamat sa inyong (Ipagpapatuloy ang pagpapasa ng bolang


mga kasagutan. Ipagpatuloy ang pagpasa papel.)
ng bolang papel.

(Tatayo ang estudyanteng nahintuan ng


HINTO! bolang papel)

(Sasagot ang mga mag-aaral)

Pakibasa at pakisagot na ang 4. Anong tema ng heograpiya ang


katanungang napunta sa iyo. tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa
kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar?

Ma’am/Sir, Paggalaw po.

Ano ang iyong kasagutan?


(Ipagpapatuloy ang pagpapasa ng bolang
papel.)

Magaling! Simulan nang muli ang


pagpasa ng bola.
(Tatayo ang estudyanteng nahintuan ng
bolang papel)

HINTO!
(Sasagot ang mga mag-aaral)
5. Anong pamamaraan sa pagtukoy ng
lokasyon na ang batayan ay mga lugar at
bagay na nasa paligid nito.

OKay! Pakibasa at pakisagot na ang


katanungang napunta sa iyo.

Ma’am/Sir, lokasyong absolute po.

(Ipagpapatuloy ang pagpapasa ng bolang


Ano naman ang iyong kasagutan? papel.)

Tama! Ipagpatuloy ang pagpasa ng (Tatayo ang estudyanteng nahintuan ng


bolang papel. bolang papel)

HINTO! (Sasagot ang mga mag-aaral)


6. Ano ang tawag sa estruktura sa daigdig
na kung saan may patong na mga batong
napakainit kaya malambo at natutunaw ang
Pakibuksan, Pakibasa at pakisagutan ang ilang bahagi nito?
katanungang nakapaloob sa bolang
papel.
Ma’am/Sir, Mantle po.

(Ipagpapatuloy ang pagpapasa ng bolang


Ano naman ang iyong kasagutan? papel.)

Ang gagaling naman ninyong sumagot, (Tatayo ang estudyanteng nahintuan ng


Tama! Ngayon, ipagpatuloy ang pagpasa bolang papel)
ng bolang papel.
HINTO! (Sasagot ang mga mag-aaral)
7. Ano ang pinakamataas na bundok sa
daigdig?

Ma’am/Sir, Everest po.


Pakibasa at pakisagutan ang natitirang
tanong.

Opo.
Ano naman ang iyong kasagutan?

Sa tingin ninyo, tama ba ang kanyang


sagot klas?

Magaling! Talaga ngang may alam na


(1,2,3…..1,2,3 Ang galing galing)
kayo sa paksang tatalakayin natin
ngayong araw.

Dahil dyan, bigyan ninyo ang inyong


mga sarili ng ‘Ang Galing Clap’
D. Pagtalakay ng Ako ay nagagalak na malamang may
bagong konsepto at mga paunang kaalaman na kayo kaagad
paglalahad ng sa ating talakayan sa umagang ito.
bagong kasanayan Ngayon naman klas, Eden maaari mo
#1 bang bigyang kahulugan sa salitang
heograpiya?
(4 minutes) Ma’am/Sir, Ang salitang heograpiya ay
nanggaling sa wikang Greek na geo o
daigdig at graphia o paglalarawan.

Tama! Ang salitang heograpiya ay


nanggaling sa wikang Greek na geo o
daigdig at graphia o paglalarawan. Sa
madaling salita, ang heograpiya ay
tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng
katangiang pisikal ng mundo.

Ayon sa National Council for


Geographic Education (NCGE) at ng
Association of American Geographers
(AAG). Noong 1984 binanghay ang
limang magkakapareha na temang
heograpikal na ang intensyon ng mga
temang ito na gawing mas madali at
simple ang pag-aaral ng heograpiya
bilang isang pagkontrol ng agham
panlipunan. Dahil sa mga temang ito,
(Tataas ng kamay ang mga estudyante)
mas madaling maintindihan ng tao ang
mundo na kaniyang tinitirhan.

Ma’am/Sir ito po ay ang lokasyon , Lugar ,


Ngayon! Ano-ano naman kaya ang relihiyon , interaction ng tao at kapaligiran,
Limang Temang Heograpikal na ito? at paggalaw.
May nakakaalam ba sa inyo?

Angelo! ano-ano ang Limang Temang


Heograpikal?
Ma’am/Sir, ito ay ang nagsasaad sa mga
lugar sa mundo.

Napakahusay! Ngayong alam nyo na ang


Wala po, ma’am/sir.
limang tema ng daigdig gusto kong
bigyan nyo ito ng kahulugan. Unahin na
natin ang Lokasyon.
(Sasagot ang lahat) Wala po, ma’am/sir.

Marjorie , Maaari mo bang bigyan mo


ng pakahulugan Ang salitang
Lokasyon ?

Tama! At mayroon itong dalawang


katangian upang malaman Ang
kinalalagyan ng isang lugar, ano Kaya
Ito Sunshine? Mayroon ka bang ideya?

Opo.

Okay! Ang iba. Wala ba kayo ideya


kung ano ang dalawang katangiang ito?

Ma’am/Sir, ito po ay nagsasaad ng mga


katangiang naaayon sa isang pook.

Okay, sige! Ang dalawang katangiang


ito ay Relatibong Lokasyon at
Lokasyong Absolute. Lagi nating Ma’am/Sir, ito po ay ang katangian ng
pakatatandaan klas, pag sinabi nating kinalalagyan tulad ng klima, anyong lupa,
Relatibong Lokasyon ito ay lokasyon na anyong tubig, at likas na yaman.
ginagawang basehan ang mga nasa
paligid ng isang lugar. Katulad ng mga
anyong lupa, anyong tubig, at mga Ma’am/Sir, nakapaloob din po dito ang
istrukturang gawa ng tao. At kapag katangian ng mga taong nananahanan tulad
sinabi naman nating Lokasyong ng wika, relihiyon, densidad o dami ng tao,
Absolute, ito ay ginagamit ang mga kultura, at mga sistemang pulitikal.
imahinasyong guhit tulad ng longitude at
latitude lines na sumasaklaw sa grid.

Ma’am/Sir, nagsasaad po ito sa mga bahagi


Naiintindihan ba klas? ng daigdig na pinag-iisa dahil sa
pagkakapareho ng mga katangiang pisikal
at kultural.

Ngayon klas! Tukuyin naman natin ang


kahulugan ang Lugar. Myrna, pakibigay Ma’am/Sir, ito po ay nagsasaad sa
ang kahulugan ng Lugar. kaugnayan ng tao sa pisikal at katangian na
may angkin ng kanyang kinaroroonan. Ang
kapaligiran ang siyang pinagkukunan ng
pangangailangan ng tao gayon din ang
pakikibagay ng tao sa mga pagbabagong
Magaling! Base sa kanyang sagot ano nangyayari sa kanyang ginagalawan.
kaya ang mga katangian na naaayon sa
isang pook? Edell!

Ma’am/Sir, ang paggalaw po ay tumutukoy


sa pag-alis ng tao mula sa kinalakihang
lugar papunta sa ibang lugar.

Mahusay! Ano pa?

Napakagaling! Daryen, ano naman kaya


ang kahulugan ng salitang Rehiyon?
(lahat ng mag-aaral) Opo, ma’am/sir.

Ma’am/Sir, ang limang tema ng heograpiya


Napakahusay naman! Argie, Maaari mo
ay Lokasyon, Lugar, Rehiyon, Interaksyon
bang bigyan ng kahulugan ang salitang
ng Tao at Kapaligiran, at ang pang huli po
Interaksyon ng Tao at Kapaligiran? ay ang Paggalaw.
(tataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Ma’am/Sir, ang daigdig po ay isa sa walong


planetang umiikot sa isang malaking bituin,
ang araw.

Ayan, magaling! At para sa ating huling


Tema ng Heograpiya, gusto kong bigyan
ni Herna ng kahulugan ang salitang
Paggalaw.

Ma’am/Sir, ang crust po ay ang matigas at


Tumpak! Kasama rin dito ang paglipat
mabatong parte ng daigdig
ng mga bagay at likas na pangyayari,
tulad ng hangin at ulan.

Tandaan may tatlong uri ng distansya


ang isang lugar ito ay:
1. Linear -Ito ay kung gaano kalayo ang
isang lugar.
Ma’am/Sir, ang mantle po ay isang patong
2. Time -Kung gaano katagal ang
ng mga batong napakainit kaya malambot at
paglalakbay.
natutunaw ang ilang bahagi nito.
3. Psychological -Paano tinatanaw ang
layo ng lugar.
(Tataas ng kamay ang mga estudyante)
Naunawaan ba klas?

Ma’am/Sir, Ang core po ay ang kailalimang


bahagi ng daigdig na sumasaklaw ng mga
metal tulad ng iron at nickel.
Kung gayon, Syrene maaari mo bang
sabihin ulit sa klase kung ano ang
Limang Tema ng Heograpiya?
Dahil dyan nais kong bigyan ninyo ang
inyong

Sa ating pangalawang sub-topiko Opo.


ngayong araw sino naman ang may
ideya patungkol sa Daigdig? (Tataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Ma’am/Sir, pinapakita po sa larawan na ang


Romeo! ano ang iyong ideya? daigidig ay may apat na hating-globo
(Hemisphere): Ang Northern Hemisphere at
Southern Hemisphere na hinahati ng
Equator, at ang Eastern Hemisphere at
Western Hemisphere na hinahati ng Prime
Meridian.
Tama! Sumasaklaw sa katawagan na
solar system ang mga ito. Ang lahat ng
may buhay sa daigdig – halaman, hayop,
at tao ay gumagamit ng enerhiya mula sa
araw. Ang pagkakaroon ng buhay sa
daigdig ay masasabing sanhi ng
eksaktong posisyon nito sa solar system,
na siyang basehan ng pag-ikot nito sa
sariling aksis at ng paglalakbay paikot sa
araw bawat taon.

Ngayon naman klas, ang mundo ay


binubuo ng crust, mantle at core.
(lahat ng mag-aaral) Opo, Ma’am/Sir.

Maaari bang bigyang pakahulugan ang


Crust, Shirley?

Mahusay! At ito ay may kapal na


umaabot mula 30-65 kilometro (km)
palalim mula sa mga kontinente. Subalit
sa mga karagatan, ito ay may kapal
lamang na 5-7 km.

Ngayon! Bigyan mo naman ng


pakahulugan ang Mantle, Salvie.

Tama! Sino naman ang nais magbigay


pakahulugan ng Core?

Risa! Bigyan mo ng pakahulugan ang


Core.

Magaling! Ngayon klas dadako naman


tayo sa isa pang mahalagang talakayan.

Nakikita ba ang larawan dyan sa likod?

Ngayon ano ang pagkakaunawa ninyo sa


larawan?

Jessa! Maaari mo pang ibahagi sa amin


ang iyong pagkaunawa sa larawan?

Napakahusay! Napakahina lamang ng


paggalaw ng mga plates na ito at
umaabot lamang sa 5 sentimetro (2
pulgada) bawat taon. Gayunpaman, ang
paggalaw at ang paguumpugan ng mga
ito ay napakalakas at nagiging sanhi ng
mga paglindol, pagputok ng mga bulkan,
at pagbuo ng mga kabundukan tulad ng
Himalayas. Ito rin ang makapagsasabi
kung bakit sa loob ng milyon-milyong
taon, ang posisyon ng mga kontinente sa
daigdig ay nag-iiba-iba sa paglipas ng
panahon.
Naunawaan ba klas?
E. Pagtalakay ng Gawain 3: “Slogan Making,
bagong konsepto at Ngayon klas para lubos ninyong
paglalahad ng maintindihan ang ating talakayan
bagong kasanayan patungkol sa Katangiang Pisikal ng
#2 Daigdig. Magkakaroon tayo ng
pangkatang gawain at ito ay an paggawa
(15 minutes) ng Slogan o ‘Slogan Making’.

Bago tayo mag simula ang Ang klase ay


hahatiin ko sa tatlong pangkat. Bawat
pangkat ay magsasagawa Slogan ukol sa
tamang pangangalaga ng daigdig.

Bago tayo dumako sa ating pangkatang


gawain, atin munang alamin ang batayan
sa pagmamarka, pakibasa nga, Hiziel.

Pamantayan sa Pagmamarka

Nauunawaan ba ang ating pamantayan sa


pagmamarka? Nilalaman sa tinalakay 10

Pagkamalikhain 10
Makinig sa aking panuto!
Kaugnayan sa Tema 10

Kalinisan at kaayusan 10

Kabuuang Puntos 40
Panuto: Gumawa ng isang
slogan tungkol sa mga maaari
mong magawa upang
mapangalagaan ang daigdig.
Pagkatapos ay ipipresenta ito sa
harapan at inyong ipapaliwanag Opo, ma’am
ang inyong ginawang slogan.

Bawat ninyong upuan ay may nakadikit


na kulay; Pula, Dilaw at Asul. Ito ay
magsisilbing basehan sa paghati ng klase
sa grupo. Pula ay para sa unang pangkat,
dilaw ay para sa ikalawang pangkat, at
asul para sa ikatlong pangkat

Kayo ay bibigyan ko lamang ng 15


minuto sa inyong pangkatang gawain.
Nauunawaan ba ng lahat?

Kung gayon, maaari na kayong


magsimula.
Klas, Paalala na meroon na lamang
kayong dalawang minutong natitira.

Natapos na ang itinakdang oras, ang


lahat ay umupo at ituon ang sarili sa mga
presentasyon. Handa na ba ang lahat?

Ngayon tunghayan natin ang slogan


making ng bawat pangkat , sisimulan
natin sa unang pangkat.

Magaling! Dahil dyan bigyan natin ang


unang pangkat ng Good Job Clap

Ngayon tunghayan naman natin ang


presentasyon ng ikalawang pangkat.

Magaling! Bigyan natin May Tama ka


(lahat ng mag-aaral) Opo, Ma’am/Sir.
Clap.

Ngayon naman tunghayan natin ang


presentasyon ng ikatlong grupo.

(Nagtipon-tipon ang mga mag-aaral at


Magaling bigyan natin ang ikatlong gumuguhit ng kanilang slogan).
pangkat ng Aling Dionisia Clap.

Ngayon ay magbibigay ako ng mga


nakuhang puntos ng bawat pangkat.
Unang pangkat - 40 puntos (Pagkatapos ng labinlimang minuto).
Pangalawang pangkat - 40 puntos
Pangatlong pangkat - 40 puntos

Dahil kayo ay nakakuha ng perpektong


iskor, bigyan niyo ang inyong mga sarili
ng Amazing Clap.

(lahat ng mag-aaral) Handang-handa na po!


Meron pa ba kayong nais linawin
tungkol sa ating gawain?

(mag pepresenta ang unang grupo ng


kanilang slogan)
(👍 G, double O,D J,O,B….GOOD JOB,
GOOD JOB)

(mag pepresenta ang ikalawang grupo)

(1,2,3….1,2,3 May tama ka)

(mag pepresenta ang ikatlong grupo)

(1,2,3….1,2,3 very good, very good)

(1,2,3….1,2,3….Amazing!)

(lahat ng mag-aaral) Wala na po.


F. Paglinang sa Ngayon klas, mula sa ating mga
kabihasaan (Tungo tinalakay,bibigyan ko kayo ng gawain na
sa Formative pinamagatang, pakibasa nga ng sabay-
Assessment) sabay.

(4 minutes)
Resty, pakibasa ang panuto. IGUHIT MO!

Panuto:

Iguhit ang (bilog) kung ito ay anyong


lupa, ( parisukat) kung ito ay anyong
tubig, (tatsulok) kung ito ay kontinente.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Nauunawaan ba ang panuto,klas?

Opo, ma’am/sir.

Okay, kung nauunawaan narito ang


inyong mga sasagutan. Bibigyan ko
lamang kayo ng tatlong minuto sa
pagsagot.

(Ipapakita sa Powerpoint ang mga


sasagutan)
(Susunod ang mga mag-aaral)

Ngayon klas, tapos na ang inilaang


minuto para sa gawain.Tapos na ba?

Opo,ma’am/sir.

Ipasa sa harap ang inyong mga papel sa


harap ng tahimik.

(Ipapasa ang papel ng tahimik)


G. Paglalapat ng Gawain 4: “ Crazy Ball Game, Anong
aralin sa pang-araw- Tema mo?”
araw na Gawain.
Sa ating pagpapatuloy klas, mayroon
(5 minutes) akong inihandang panibagong aktibidad.
At ang gawaing ito ay aking
pinamagatang, “Crazy Ball Game,
Anong Tema mo?”

Basahin ang panuto, Angielyn.


Panuto: Pumili ng kinatawan ng iyong
pangkat upang sagutin ang bawat tanong.
Bawat katanungan ay iba ibang kinatawan
ang sasagot. Ang unang kinatawan na
sumagot ng tama, ay siyang may
pagkakataong maghagis ng bola sa isa sa
tatlong mga tasa.

Naunawaan ba ang ating panuto?


Opo, Ma’am/Sir.

Okay! Ang bawat tasang papel ay may


nakalakip na puntos, ito ay 5, 10 at 15
puntos. Ang makukuhang puntos ng
bawat kinatawan ay siyang magiging
puntos ng grupo. Ang pangkat na may
pinakamataas na bilang ng mga puntos
ay siyang panalo.

Bago tayo magsimula ay hahatiin ko


klase sa dalawang grupo, Ang kaliwang
hanay ay ang unang pangkat at ang
hanay sa kanan ay ang ikalawang pankat.
Suriin ninyo ang bawat sitwasyon kung
ito ba ay may kaugnayan sa lokasyon,
lugar, rehiyon, interaksyon ng tao at
kapaligiran, at paggalaw. Ang unang
makakasagot ay bibigyan ko ng mas
magandang gantimpala.

Handa na ba ang bawat grupo?

Kung ganon, atin nang umpisahan ang


gawain! Pumunta na sa gitna ang mga
unang kinatawan.

(lahat ng mag-aaral) Opo Ma’am/Sir!

Sa unang sitwasyon.
‘Ang malaking sahod sa bansang
Germany ang nag-eenganyo sa
maraming nars na Pilipino na doon
magtrabaho.’ (pupunta sa gitna ang bawat kinatawan ng
gruppo.)

Tama! Ihagis mo na ang bola!

(Magpapaunahang sasagot ang bawat


Ang sunod na sitwasyon ay, ‘kasapi ang
kinatawan.) PAGGALAW!
Pilipinas sa Association of Southeast
Asian Nations.’
(ihahagis ang bola at makakakuha ng
puntos)
Tama! Ihagis mo na ang bola!

(Magpapaunahang sasagot ang bawat


sunod na sitwasyon ay, ‘Ang mataas na
kinatawan.) REHIYON!
antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa
pagpunta ng tao sa mga bansang may
magagandang pasyalan. ’

(ihahagis ang bola at makakakuha ng


puntos)
Tama! Ihagis mo na ang bola!

sunod na sitwasyon ay, ‘Malamig na (Magpapaunahang sasagot ang bawat


klima ang mararanasan sa Baguio’ kinatawan.) PAGGALAW!

Tama! Ihagis mo na ang bola! (ihahagis ang bola at makakakuha ng


puntos)

sunod na sitwasyon ay, ‘Ang


pangingisda ay isang aktibong (Magpapaunahang sasagot ang bawat
kabuhayan ng mga Pilipino dahil kinatawan.) LUGAR!
napalilibutan ng dagat ang bansa.’

(ihahagis ang bola at makakakuha ng


puntos)

Tama! Ihagis mo na ang bola!

sunod na sitwasyon ay, ‘Portuges ang (Magpapaunahang sasagot ang bawat


wikang ginagamit ng mga mamamayan kinatawan.) INTERAKSYON NG TAO
ng Brazil.’ AT KAPALIGIRAN!

(ihahagis ang bola at makakakuha ng


puntos)
Tama! Ihagis mo na ang bola!

sunod na sitwasyon ay, ‘Ang Singapore


ay nasa 1º 20ʹ hilagang latitud at 103º 50ʹ (Magpapaunahang sasagot ang bawat
silangang longhitud. ’ kinatawan.) LUGAR!

(ihahagis ang bola at makakakuha ng


puntos)
Tama! Ihagis mo na ang bola!

(Magpapaunahang sasagot ang bawat


sunod na sitwasyon ay, ‘Hinduismo ang
kinatawan.) LOKASYON!
pangunahing relihiyon ng bansang
India.’

Tama! Ihagis mo na ang bola! (ihahagis ang bola at makakakuha ng


puntos)

sunod na sitwasyon ay, ‘Matatagpuan


ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific (Magpapaunahang sasagot ang bawat
Ocean, timog ng Bashi Channel, at kinatawan.) LUGAR!
silangan ng West Philippine Sea. ’

(ihahagis ang bola at makakakuha ng


puntos)
Tama! Ihagis mo na ang bola!

sunod na sitwasyon ay, ‘Ang lumalaking (Magpapaunahang sasagot ang bawat


populasyon sa National Capital Region kinatawan.) LOKASYON!
(NCR) sa Pilipinas ang nagbigay-daan
upang patuloy na pagtuunan ng pansin
ang pagpapaunlad ng sistema ng
transportasyon at ng pabahay sa
lungsod.’ (ihahagis ang bola at makakakuha ng
puntos)

Tama! Ihagis mo na ang bola!

(Magpapaunahang sasagot ang bawat


Ayan, ang gagaling naman! Dahil lahat kinatawan.) INTERAKSYON NG TAO
naman kayo ay ginawa ang inyong AT KAPALIGIRAN!
makakaya para sumagot ay bibigyan ko
kayong lahat ng gantimpala. Dahil dyan
narito ang gantimpala ng bawat grupo.
Pero syempre malaki ang gantimpalang
matatanggap ng nanalong grupo.
(ihahagis ang bola at makakakuha ng
puntos)
Masaya ba kayo?

Salamat sa kooperasyon ng bawat isa.


palakpakan ninyo ang inyong mga sarili.

(lahat) Opo, ma’am/sir.

(papalakpak ang mga mag-aaral)


H. Paglalahat ng Gawain 5: “BOLA KO, DUGTONG
aralin KO!”

(3 minutes) Ngayon naman klas, dadako uli tayo sa


Panuto:
panibagong aktibidad. Pinamagatan ko Pagpapasa-pasahan ang
itong, bola habang may
ipinapatugtog na kanta.
“BOLA KO, DUGTONG Kung sino ang siyang
KO!” mahintuan ng tugtog ay
siyang dudugtungan ng
Narito ang Panuto, pakibasa ng sabay- mga salita ayon sa iyong
sabay.

(lahat ng mag-aaral) !Opo ma’am/sir.


Naunawaan ba ang ating panuto?

(Pagpapasa-pasahan ang bola)


(Magpapatugtog na ng kanta)

(Tatayo ang estudyanteng may hawak ng


(Ihihinto ang tugtog)
bola)

Narito ang iyong dudugtungan.


Natutunan ko sa aralin na ang heograpiya
‘Natutuhan ko sa aralin na ang
ay pag-aaral ng pisikal na katangian ng
heograpiya ay __________’
daigdig gaya ng klima, lokasyon hugis,
topograpiya, anyong tubig, anyong lupa,
mineral at iba pa.

Magaling! Ngayon, dadako naman tayo


sa isa pang dugtungang-salita.
(Pagpapasa-pasahan ang bola)

(Magpapatugtog ng kanta)
(Tatayo ang estudyanteng may hawak ng
bola)
(Ihihinto ang tugtog)

Narito ang iyong dudugtungan. Mailalarawan ko ang mundo bilang isang


magandang planeta sa solar system na kung
‘Mailalarawan ko ang mundo bilang
saan mabubuhay ang lahat ng may buhay sa
______________’
mundo.

Mahusay! Ipagpapatuloy natin ang laro


(Pagpapasa-pasahan ang bola)
para sa huling dugtungang-salita.

(Tatayo ang estudyanteng may hawak ng


(Magpapatugtog ng kanta)
bola)

(Ihihinto ang tugtog)

Ang pagkakaroon ng sapat na anyong lupa


Narito ang iyong dudugtungan. at tubig ay patunay na ang daigdig ay
pwedeng mabuhay ang lahat ng may buhay
‘Ang pagkakaroon ng sapat na anyong sa daigdig kagaya ng tao at hayop.
lupa at tubig ay patunay na ang daigdig
ay ____________________’

Ang huhusay! Okey, ako’y nagagalak na


lubos ninyong nauunawaan ang ating
(papalakpak ang mga estudyante
mga tinalakay ngayong araw. Bigyan
ninyo ang inyong mga sarili ng
maraming palakpak.
I. Pagtataya ng Okey, mukhang marami talaga kayong
aralin natutunan sa umagang ito. Kaya sa
pagkakataong ito klas, kumuha ang lahat
ng ikaapat na bahagi ng papel at ballpen
(5 minutes) para sa ating maikling pagtataya.
May mga papel at ballpen na ba ang
lahat?
Panuto: (lahat ng mag-aaral) Opo, Ma’am/Sir.
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
ito sa sagutang papel.

(binasa ng guro ang mga katanungan)

1. Ano ang isa sa mga sangay ng agham


panlipunan na tumutukoy sa
siyentipikong pag-aaral sa katangiang
pisikal ng daigdig?

A. antropolohiya C. heograpiya
B. ekonomiks D. kasaysayan
2. Alin sa sumusunod na tema ng
heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng
tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa
ibang lugar?

A. lokasyon C. paggalaw
B. lugar D. rehiyon

3. Alin sa sumusunod na pahayag ang


tumutukoy sa konsepto ng rehiyon
bilang isa sa mga tema ng pag-aaral ng
heograpiya?

A. Ang klima ng Pilipinas ay tag-araw at


tag-ulan.
B. Islam ang opisyal na relihiyon ng
Saudi Arabia.
C. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa
Timog bahagi ng Taiwan.
D. Kasapi ang Pilipinas sa Association
of Southeast Asian Nations.

4. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy


sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema
ng pag-aaral ng heograpiya?

A. Ang Germany ay miyembro ng


European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng
Pilipinas ang mga Kristiyano.
C. Matatagpuan ang Pilipinas sa
kanluran ng karagatang Pasipiko.
D. Ang Singapore ay isa sa mga bansang
dinarayo ng mga mamumuhunan.

5.Napakahalaga ng papel na
ginagampanan ng araw sa buhay ng tao,
halaman at hayop. Ano ang kinalaman
ng araw sa kalagayang ito?

A. ang araw ang nagbigay ng liwanag sa


daigdig.
B. ang araw ang siyang nagbigay ng
liwanag sa buwan.
C. napapanatili ng araw ang dami ng
mga halaman sa kapaligiran.
D. sa araw kumukuha ng enerhiya ang
lahat ng may buhay sa daigdig.

6. Ang mataas na antas ng teknolohiya


ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga
bansang may magandang pasyalan. Ang
pahayag na ito ay nagsasaad sa anong
tema ng heograpiya?

A. interaksyon C. paggalaw SAGOT:


1. C
B. lokasyon D. rehiyon
2. C
3. D
4. C
7. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang 5. D
sa pagbibigay ng relatibong lokasyon? 6. B
7. C
8. D
A. anyong lupa 9. B
10. D
B. anyong tubig
C. imahinasyong guhit
D. istrukturang gawa ng tao

8. Ang daigdig ay may apat na hating


globo o hemisphere. Anong
imahinasyong guhit ang humahati sa
northern at southern hemisphere?

A. equator C. longitude
B. latitude D. prime meridian
9. Ano ang pinakamataas na bundok sa
buong daigdig?

A. Annapurna C. Lhotse
B. Everest D. Makalu

10. Ano ang tawag sa bahagi ng


estruktura sa daigdig na kung saan may
patong na mga batong napakainit kaya
malambot at natutunaw ang ilang bahagi
nito?

A. core C. crust
B. cover D. mantle
Tapos na ba ang lahat?
Opo.

Kung tapos na makipag palitan ng papel


sa katabi para sa ating pagwawasto. (Susunod ang mga mag-aaral)

1. Ano ang isa sa mga sangay ng agham


panlipunan na tumutukoy sa siyentipikong
Jason, pakibasa naman ang unang pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig?
tanong.

Ma’am/Sir, Cpo

Ano sa tingin ninyo ang tamang sagot? 2. Alin sa sumusunod na tema ng


heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng
tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa
ibang lugar?

Okay, ang tamang sagot ay titik C. Para


sa ikalawang tanong, Mariel pakibasa Ma,am/Sir, Cpo.
nga.

3. Alin sa sumusunod na pahayag ang


tumutukoy sa konsepto ng rehiyon bilang
isa sa mga tema ng pag-aaral ng
heograpiya?

Ano ang tamang sagot para dito?


Ma’am/Sir, D po
Para sa ikalawang tanong, titik C ang
tamang sagot. Romeo, pakibasa naman 4. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa
ang ating ikatlong tanong. konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng
pag-aaral ng heograpiya?

Ma’am/Sir, C po.

5.Napakahalaga ng papel na ginagampanan


ng araw sa buhay ng tao, halaman at hayop.
Ano naman sa tingin ninyo ang tamang
Ano ang kinalaman ng araw sa kalagayang
sagot dito?
ito?

Ma’am/Sir, D po.
Okay, titik D ang tamang sagot. Ngayon
para sa ikaapat na tanong, Herna
pakibasa naman.

6. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay


nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga
bansang may magandang pasyalan. Ang
pahayag na ito ay nagsasaad sa anong tema
ng heograpiya?

Ano naman kaya ang tamang sagot dito?

Ma’am/Sir, B po.
Okay, titik C nga ang tamang sagot at
para sa ika limang tanong, pakibasa
naman ito Noime.

7. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa


pagbibigay ng relatibong lokasyon?

Ma’am/Sir, C po.
Ano ang tamang sagot dito?

8. Ang daigdig ay may apat na hating globo


o hemisphere. Anong imahinasyong guhit
ang humahati sa northern at southern
Okay, titik D nga ang tamang sagot at
hemisphere?
para sa ika anim na tanong, pakibasa
naman ito Jedia.

Ma’am/Sir, D po.
9. Ano ang pinakamataas na bundok sa
buong daigdig?

Ano ang tamang sagot dito?

Ma’am/Sir, B po.

Okay, titik B nga ang tamang sagot at


para sa ika pitong tanong, pakibasa
naman ito Jenny. 10. Ano ang tawag sa bahagi ng estruktura
sa daigdig na kung saan may patong na mga
batong napakainit kaya malambot at
natutunaw ang ilang bahagi nito?

Ano ang tamang sagot dito?


Ma’am/Sir, D po.

Okay, titik C nga ang tamang sagot at


para sa ika walong tanong, pakibasa
naman ito Ruwil.

(magpapasa ng tahimik ang mga mag-aaral)

Wala na po.

Ano ang tamang sagot dito?


Wala na po.

Okay, titik D nga ang tamang sagot at


Opo.
para sa ika siyam na tanong, pakibasa
naman ito Al-shane.

Ano ang tamang sagot dito?

Okay, titik B nga ang tamang sagot at


para sa ika siyam na tanong, pakibasa
naman ito Alvin.
Ano ang tamang sagot dito?

Okay, titik D nga ang tamang sagot.


Ngayon, pakibilang ang tamang sagot at
pakilagay ang kabuuang puntos sa taas
na bahagi ng papel.

Sino-sino ang mga nakakuha ng


sampong puntos?Ipasa sa harap ng
tahimik.

Siyam. Walo. Pito. Anim. Lima pababa.


Wala na ba?

Ang huhusay naman.

Klas, mayroon pa ba kayong mga


katanungan?

Nasagot ba ang ating mga mahahalagang


tanong?

Ako’y nagagalak sa umagang ito dahil


ating nakamit ang ating mga layunin sa
talakayang ito.
J. Karagdagang Gawain 7: Paggawa ng Tula
Gawain para sa Ngayon naman klas, pakikuha ang
takdang aralin at inyong mga kwaderno at ballpen, at
remediation pakisulat ito para sa inyong takdang
aralin.
(3 minutes)
Panuto: Sumulat ng isang tula na may
dalawang saknong at may tig-aapat na
taludtud tungkol sa wastong
pangangalaga sa ating daigdig. Isulat ito
sa sagutang papel.

Sanggunian: KASAYSAYAN NG
DAIGDIG: Ang Mga Sinaunang Tao:
53-110
Tapos niyo na bang kopyahin ang
inyong takdang aralin?
Opo Ma’am/Sir.
Kung tapos na, tumayo ang lahat, paki
ayos ang mga upuan at pakipulot ang
mga basurang makikita.

Sana ay nag enjoy kayo sa talakayan


ngayong araw. Maraming salamat. Mag-
ingat sa pag- uwi. Paalam sa lahat!
(lahat) Paalam din po Ma’am/Sir.
IV. MGA TALA
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng
mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng
mag-aaral na
nangangailangan ng
iba Gawain para sa
remediation
C. Nakatulong
baa ng remedial?
Bilang ng mga mag-
aaral na nakaunawa
sa aralin
D. Bilang ng
mag-aaral na
nagpatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga
istratehiyang
panturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
Nakatulong?

Inihanda ni:

JUDALYN A. PELLEJERA
RAMIL C. VALLEJO

You might also like