You are on page 1of 13

Instructional Plan sa Filipino 7

Name of Teacher Kristhel Marie S. Tradio Grade/Year Level Ika-7 Baitang


Learning Area Filipino 7 Quarter 3rd Module No. 3
Competency: F7PU-Id-e-3 Naisusulat ang iskrip ng informance na nagpapakita ng kakaibang katangian ng pangunahing
tauhan sa epiko.
Lesson No. 3 Elemento ng Epiko (Uri ng Tunggalian) Duration: 50 minuto
 Tao vs. Kalikasan
Key Understanding Maiintindihan ang elemento ng epiko na tunggaliang tao vs. kalikasan sa pamamagitan
ng pagtukoy ng mga ito sa mga pangyayari sa epikong “Ibalon”.
Knowledge Nakapagpapaliwanag kung bakit ang tunggalian sa epikong “Ibalon”
Learning Objectives ay tao vs. kalikasan.
Nakapagbibigay ng halimbawa ng tanong gamit ang panghalip na
pananong.
Skill Nakapagsusulat ng maikling iskrip na gagamitin sa Role Playing with
Cue na kakikitaan ng mga panghalip na pananong.
Attitude Masigasig na makasasali sa mga pangkatang gawain na kaugnay ng
paksang natalakay.
Resources Needed
VIBAL :Hiyas ng Lahi nina Magdalena O. Jocson et al., pahina 234-247

30 kendi
marker
manila paper
istrip ng papel
projector
5 panyo
Elements of the Plan Methodology
Preparations Motivation/ Guro: Magandang umaga sa inyong lahat! Maaari bang
-How will I make the learners ready? Introductory magsipagtayo ang lahat para sa isang panalangin.
-How do I prepare the learners for the Lawrence, maaari mo bang panguluhan ang pagdarasal?
new lesson? Activity
(Nagsitayo ang lahat at nanalangin.)
(Motivation/Focusing/Establishing/Mind-
set/Setting the Mood/Quieting/ Guro: Magandang umaga sa lahat!
Creating Interest-Building Background Mga Mag-aaral: Magandang umaga rin po Bb. Kristhel!
Experience-Activating Prior Guro: Pero bago kayo magsipag-upo, maaari niyo bang pulutin
Knowledge/Apperception-Review-Drill) ang mga piraso ng papel at plastik sa ilalim ng inyong mga
-How will I connect my new lesson with
upuan.
the post lesson?
(Nagsisipulot ang mga mag-aaral ng mga piraso ng papel at
plastik sa ilalim ng kani-kanilang mga upuan at isinaayos din ang
mga ito.)
Guro: Maraming salamat. Maaari na kayong magsiupo.
(Isa-isang tatawagin ng guro ang mga pangalan ng mga mag-
aaral upang malaman kung sino ang lumiban sa klase.)

Guro: Bago ko sisimulan ang ating talakayan sa hapong ito ay


maaari bang may isa sa klase na magbalik aral kung ano ang
paksang tinalakay noong Martes?
Mag-aaral 1: Noong nakaraang Martes po tinalakay po ang mga
tanong na maaaring sagutin ng Oo at Hindi lamang.
Guro: Maraming salamat.
Meron ba kayong takdang-aralin?
Mga Mag-aaral: Wala po.

Guro: Sino sainyo rito ang nakaranas nan a maging lider?


(Magtataasan ng kamay ang mga mag-aaral na nakaranas na na
maging lider at tatanungin niya ang ilan dito.)
Guro: Ano sa palagay mo ang taglay mong katangian kung bakit
napili kang lider ng iyong pangkat o organisasyon?
(Sasagutin ng mga natawag na piling mga mag-aaral ang
katanungan ng guro.)
Guro: Ngayon, bago natin pormal na simulan ang pagtalakay sa
paksa natin sa umagang ito ay magkakaroon muna tayo ng laro
at ang larong ito ay pinangalanang “Magtutunog-hayop”.
Makinig kayong mabuti dahil babasahin ko ang mekaniks ng
larong ito.

- Hahatiin ang klase sa limang pangkat at ang bawat


pangkat ay pipili ng kanilang magiging lider.
- Ang bawat pangkat ay pipili ng hayop na may
kakaibang tunog katulad ng baka, manok, o di
kaya’y baboy.
- Ang bawat lider ay lalagyan ng piring sa mga mata.
- Ang layunin sa laro ng bawat pangkat ay ang
mahanap ang mga kendi at gagabayan ng mga
kasapi ang nakapiring na lider upang mahanap ang
kendi gamit ang tunog ng napili nilang hayop.
- Ang pangkat na may pinakamaraming kending
nakuha ang siyang mananalo at makakakuha ng 10
puntos.

Guro: Ang mga kasapi ng pangkat ay ang sumusunod:


Guro: Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto upang laruin
ito. Handa na baa ng lahat ng pangkat?
Mga Mag-aaral: Opo!
Guro: Ngayon, magsisimula na ang limang minuto.
(Pagkatapos ng laro, bibilangin ng bawat lider ng pangkat kung
ilan ang nakuha nilang mga kendi.)
Guro: Nasiyahan ba kayo sa laro?
Mga Mag-aaral: Opo!
Guro: Tatanungin ko ang mga lider ng bawat pangkat kung ano
ang natutunan nila sa laro.
Lider ng unang pangkat, may natutunan ka ba sa nilaro
niyo kanina?
Lider 1: Opo, sa laro po kanina natutunan ko po na magtiwala sa
aking mga kasamahan kung kaya’t dahil nagtiwala ako sa kanila
nakakuha kami ng maraming kendi.
Guro: Magaling!
Sa lider ng ikalawang pangkat naman, ano ang natutunan
mo sa laro bukod sa magtiwala sa iyong kasamahan?
(Magtatanong ang guro hanggang sa lider ng ikalimang
pangkat.)

Guro: Ngayon, tatalakayin natin ang epikong pinamagatang


“Ibalon”. Sa akda aalamin ninyo kung sino-sino ang naging
pinuno ng baying Ibalon at kung ano-ano ang mga taglay na
katangian ng mga naging pinuno ng baying Ibalon.
Pero bago muna, nais kong basahin ninyo ang mga
layunin natin sa araw na ito.

Presentation Activity Guro: Alam kong pahapyaw na natalakay na ninyo ang mga
-How will I present the new lesson? elemento ng epiko lalong-lalo na ang mga uri ng tunggalian.
-What materials will I use? Ngayon, an gating paksa ay isa sa mga uri ng tunggalian na tao
-What generalization/concept/conclusion/
vs. kalikasan. Ano nga ba ang meron sa tunggalian na ito?
abstraction should the learners arrive at?

(Showing/Demonstrating/Engaging/ (Magtataasan ng mga kamay ang mga mag-aaral at


Doing/Experiencing/Exploring/Observing-
role-playing, dyads, dramatizing,
magtatangkang sumagot sa katanungan ng guro.)
brainstorming, reacting, interacting-
articulating observations, generalizations, Mag-aaral 1: Sa aking palagay, ang tumggaliang tao vs.
abstractions-giving suggestions, reactions,
solutions, recommendations)
kalikasan ay tungkol sa mga suliranin ng pangunahing tauhan sa
kanyang paligid.

Guro: Maraming Salamat.


Meron pa bas a inyo ang gusting sumagot?
Guro: Babasahin natin ng sabay-sabay ang epiko, pero bago
muna ang lahat ay mag-aalis muna tayo ng sagabal upang
malaman ninyo ang mga kasingkahulugan ng mga salitang di-
pamilyar na makikita niyo sa teksto.
Guro: Alam na ninyo ang mga kasingkahulugan ng mga salitang
di-pamilyar na matatagpuan sa epiko, ngayon ay babasahin natin
ang epiko. Sa epiko ay hahanapin ninyo ang mga kasagutan sa
mga sumusunod na mga katanungan:

- Ano-ano sa palagay ninyo ang tunggaliang tao vs.


kalikasan ang nailahad sa epiko?
- Bakit tinulungan ni Oriol si Handiong? Ito ba ay
bukal sa kanyang kalooban o pagpapakitang-tao
lamang?
- Sa inyong palagay, karapat-dapat bang ituring na
pinuno si Baltog? Ano-anong katangian ang
mababakas sa kanya?
- Paano mo maiuugnay ang nangyari sa epiko sa
kasalukuyang nagaganap sa ating lipunan ngayon?

(Babasahin nang tahimik ang epikong “Ibalon” sa loob ng


sampung minuto.)

Guro: Dahil tinalakay na natin kanina kung ano ang tunggaliang


tao vs. kalikasan, sa pagkakataong ito ay tutukuyin ninyo sa
epiko ang mga tunggalian na nagpapakita na ito ay uri ng
tunggaliang tao vs. kalikasan. Ito ay pangkatang gawain, may
limang pangkat pa rin.
Narito ang panuto:

Guro: Bibigyan ko lamang kayo ng sampung minuto upang


gawin ito. Ang pangkat na unang makakatapos ay bibigyan ko
ng karagdagang limang puntos.
Lahat ng kasapi ng pangkat ay dapat maghanda sapagkat
ako ang pipili kung sino ang magpapaliwanag dito sa harapan.
Sa gawaing ito ay maaari kayong makakuha ng 40 puntos
depende sa inyong pagkakaintindi sa epiko, pagkakagawa sa
graphic organizer kung ito ba’y malinaw, at sa inyong
pagpapaliwanag at pagsagot sa aking mga katanungan.
Nagkakaintindihan ba tayo?
Mga Mag-aaral: Opo!
Guro: Mabuti king gano’n!
Maaari na kayong pumunta sa inyong mga kapangkat at
bumuo kayo ng maliit na bilog upang kayo’y
makapagbagyuhang utak. Pagkatapos ng inyong
pagbabagyuhang utak ay maaari na ninyong simulant ang
paggawa o pagsulat ng graphic organizer.

(Pagkatapos ng sampung minuto ay tatalakayin ng bawat


pangkat ang ginawa nilang graphic organizer na naglalaman ng
mga serye ng tunggalian na nagpapakita ng uri ng tunggaliang
tao vs. kalikasan.)
Analysis Guro: Ngayon, dahil lubos na nating nauunawaan ang
tunggaliang tao vs. kalikasan ay balikan at sagutan muna natin
ang mga gabay na katanungang ibinigay ko kanina.

(Sasagutan ng mga mag-aaral sa pasalitang paraan ang mga


katanungan at bibigyan ng guro ng karagdagang puntos ang mga
mag-aaral na makakasagot nang tama sa mga katanungan.)

Guro: Magaling at nagawa ninyo sagutan ang mga gabay na


tanong nang tama. Ngayon dahil hindi lamang ang panitikan ang
siyang dapat nating bigyang-diin sa ating pag-aaral, tatalakayin
natin ang mga panghalip na pananong.

(Tatalakayin ng guro ang mga panghalip na pananong.)


Guro: Meron ba kayong mga katanungan?
Mga Mag-aaral: Wala po.
Guro: Naiintindihan niyo ba ang panghalip na pananong?
Mga Mag-aaral: Opo!
Guro: Magaling kung gano’n!
Abstraction Guro: Sumulat kayo ng maikling sanaysay tungkol sa pahayag
na “ang tunay na pinuno ay mahusay na tagasunod”, gawin niyo
ito sa loob ng limang minuto. Kung maaari ay gamitin ninyo ang
mga panghalip na pananong.

(Pagkatapos ng limang minuto . . .)

Guro: Tapos na ba kayo?


Mga Mag-aaral: Opo!
Guro: Kung gayon ay ipasa na ninyo ang inyong mga papel.
Practice Application Guro: Bilang pagsasanay sa paksang panghalip na pananong,
-What practice exercises/application will nais kong kumuha kayo ng kapat na papel at sagutan ninyo ang
I give to the learners? mga sumusunod sa loob ng tatlong minuto at pagkatapos ay
(Answering practice exercises
-Applying learning in other situations/actual iwawasto natin.
situations/real-life situations
-Expressing one’s thoughts, feelings, opinions,
beliefs through artwork, songs, dances, sports
-Performing musical numbers/dances,
manipulative activities, etc.)

(Pagkatapos ng pagsasanay . . .)

Guro: May natutunan ba kayo sa umagang ito?


Mga Mag-aaral: Marami po! Maraming salamat po sa inyo!
Guro: Walang anuman at lubos ang aking pasasalamat na
marami akong naibahaging kaalaman sa inyo, mga bata.

Assessment Matrix
Assessment Level of Assessment What will I assess? How will I assess? How will I score?
Knowledge
Process Kakayahan ng mga Susulat ng May mga
Understanding mag-aaral sa maikling iskrip kraytirya sa rubric
pagsulat. tungkol sa na may
pagiging karampatang
“Huwarang Mag- puntos batay sa
aaral” na kanilang output o
isinaalang-alang produktong
sa pagbuo ang nagawa.
mga pahayag na
sinasagot ang
tanong na
nagsisimula sa
mga panghalip na
kakikitaan ng iba’t
ibang damdamin.
Performance
Assignment Reinforcement of the  Babasahin ang teksto na nasa pahina 244 na may
day’s lesson pamagat na “Ginaw Bilog: Tagapag-ingat ng Panitikang
Mangyan”.
 Bumuo ng tatlong tanong gamit ang mga panghalip na
nagpapahayag ng iba’t ibang damdamin at sasagutan
ang mga ito.
Enriching of the
day’s lesson
Enhancing of the
day’s lesson
Preparing for the  Babasahin ang kasunod na epikong tatalakayin na
new lesson pinamagatang “Ullalim” na matatagpuan sa pahina 250
ng aklat.

Inihanda ni: Kristhel Marie Tradio


Gurong Mag-aaral

You might also like