You are on page 1of 5

ATENEO DE NAGA UNIVERSITY

College of Education

Mala-masusing Banghay-aralin

I. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang matamo ang mga
sumusunod na layunin:
a. nagagamit nang wasto ang ako at tayo sa pangungusap
b. naipapaliwanag ang kahalagahan ng wastong paggamit ng ako at tayo
c. nakatitindig nang maayos sa harap ng klase at nakapagsasalita nang may
katamtamang lakas ng tinig

II. Paksang Aralin: Wastong paggamit ng ako at tayo

III. Pamamaraan
a. Balik-aral
● Bago magsimula ang klase, magsasagawa ang guro ng pagbabalik-aral
sa pamamagitan ng pagkakamustahan at pagtatanong sa mga
mag-aaral kung ano ang paksang napag-usapan noong nakaraang
talakayan.
b. Motibasyon
● Ngayon na alam na nila ang paksang tinalakay noong nakaraan,
magbibigay ang guro ng isang katanungan bilang pagganyak sa mga
mag-aaral bago mag simula sa bagong aralin:
a. Ano kaya ang mangyayari sa mundo kung ang bawat tao ay
mayroong magandang pakikitungo sa isa’t isa?

c. Pag-alis ng Sagabal
● Bago basahin ang ilahad ang isang maikling dula sa klase, magsasagawa
muna ang guro ng isang gawain kung saan bibigyan ng kahulugan ang
mga talasalitaan sa dula upang mas maintindihan ito ng mga
mag-aaral.

Kahulugan Halimbawa

Silid-aralan - isang espasyo o lugar na ● Pumunta si Kenneth sa


ginagamit para sa pagtuturo at pag-aaral. silid-aralan upang mag-aral
Ito ay karaniwang bahagi ng isang paaralan at gawin ang kanyang mga
kung saan nagaganap ang mga klase, gawain sa Filipino.
leksyon, at iba't ibang gawain sa pag-aaral.

Pag-aalinlangan - pagkakaroon ng ● Dahil sa kanyang


pangamba, hesitasyon o di-katiyakan sa pag-aalinlangan, hindi siya
desisyon o nararamdaman ng isang tao. agad nakapagpasya kung
tatanggapin ba niyo ang
trabaho o hindi.

d. Motib Question
● Upang gabayan ang mga mag-aaral sa bagong paksa na tatalakayin sa
klase, magbibigay ang guro ng isang katanungan:
a. Paano nakakatulong sa pagpapalakas ng ugnayan at samahan
ang pagkakaroon ng pagkakaisa at pagiging bukas sa ibang tao?
ATENEO DE NAGA UNIVERSITY
College of Education

e. Pagpapakita sa bagong talasalitaan at balangkas


● Magpapakita ang guro ng iba’t-ibang larawan at itatanong sa mga
mag-aaral kung ano kaya ang pinag-uusapan ng mga nasa larawan. Ang
unang larawan ay isang anak na tutulungan ang kanyang Ina sa
pagbubuhat ng pinamili.

● Ipapakita na ng guro ang ikalawang larawan at tatanungin muli ang


mga mag-aaral kung ano kaya ang pinag-uusapan ng mga nasa larawan.
Larawan ng isang kapatid na babae na sumasakit ang ngipin dahil sa
pagkain ng candy at ang kuya na bibilihan ito ng gamot para hindi na
sumakit.
ATENEO DE NAGA UNIVERSITY
College of Education

f. Paglalahad ng dula-dulaan
● Ibibigay at ilalahad na ng guro ang sitwasyong iniikutan ng
dula-dulaan. Bagong lipat lamang sa paaralan si Kate at wala pa siyang
masyadong kakilala sa klase kaya nasa isang tabi lamang siya at tahimik
na nag-aaral sa loob ng kanilang silid-aralan. Dahil sa suporta ng
kanyang guro at mga kaklase, siya ay nakilahok sa paligsahan ng sayaw
na siyang nagbigay ng pagkakataon sa kanyan na magkaroon ng bagong
kakilala at kaibigan sa paaralan. Pakinggan natin sila.

g. Mga tanong na pantiyak sa pang-unawa ng mag-aaral sa dula-dulaan


● Pagkatapos mailahad ng guro ang dula sa klase, ibibigay ng guro ang
mga sumusunod na katanungan upang gabayan ito:
a. Sino ang mga tauhan sa dula?
b. Paano tinanggap ng paaralan ang mga bagong mag-aaral?
c. Ano ang naging pahayag ni Kate nang siya’y imbitahin ng
kaklase na sumali sa paligsahan ng sayaw?
d. Ano ang nag-udyok kay Kate na pumayag na sumali sa
paligsahan?
e. Paano nagsimula ang pagkakaibigan ni Kate at Jean?
ATENEO DE NAGA UNIVERSITY
College of Education

f. Ano ang kahalagahan ng wastong paggamit ng “ako at tayo” sa


pagpapahayag ng ating mga personal na pananaw at
damdamin?

h. Pagpapaganap sa dula-dulaan
● Para sa pagpapaganap ng dula-dulaan, susundin ng guro at ng klase ang
mga sumusunod na hakbang:
1. Gagampanan ng guro ang isang tauhan at ang buong klase
naman para sa mga tauhan ng dula
2. Magpapalit ng papel na ginagampanan
3. Pangkatang pagsasadula
4. Paisahang pagganap sa dula

i. Pagpapasok ng pagbabago sa dula-dulaan


● Magbibigay ang guro ng kahawig na sitwasyon. Hahayaan ng guro ang
mga mag-aaral na baguhin ang ilang salita sa loob ng dula. Ito ay
ibabatay sa bagong sitwasyon ngunit ang ako at tayo ay naroon pa rin.
Halimbawa:
Si Jane ay bagong lipat lamang sa isang kompanya kaya wala siyang
gaanong kakilala. Nakaupo lamang siya sa loob ng opisina. Ilang sandali
pumasok na ang manager para isabi na magkakaroon ng pagtanggap sa
mga bagong empleyado sa pamamagitan ng mga programa. Si Jane ay
magkakaroon ng mga bagong kakilala at kaibigan dahil sa pakikilahok
sa isang paligsahan.
ATENEO DE NAGA UNIVERSITY
College of Education

j. Pagampanang muli sa mag-aaral ang bago nilang dula


● Pagkatapos nilang baguhin ang dula, ang mga mag-aaral ay maaatasan
na gampanan at isadula ang kanilang bagong dula sa klase.
1. Pangkatang pagsasadula
2. Paisahang pagganap sa dula
● Sa pagsasadula, kailangan nakatindig nang maayos sa harap ng klase at
nakapagsasalita nang may katamtamang lakas ng tinig.
IV. Ebalwasyon
● Magbibigay ang guro ng isang gawain upang subukin ang lalim ng pag-unawa
ng mga mag-aaral tungkol sa wastong paggamit ng ako at tayo.

V. Takdang Aralin
● Gumawa ng maikling dula-dulaan gamit ang panghalip panao na ikaw at kayo.
Gawin ito sa isang short bond paper at i-sumite sa susunod nating klase.

You might also like